Chereads / LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish) / Chapter 2 - Chapter 2: Something’s Strange

Chapter 2 - Chapter 2: Something’s Strange

NANG makapasok sa loob ng gate panay pa rin ang lingon ni Shantal sa labas, lalung-lalo na sa mga katapat na Villa sa bahay ni Brielle.

"Mommy La!" tili ni Brianna ang umagaw sa atensyon niya. Patakbo itong sumugod sa kanya kasunod ang bunsong kapatid na si Kyree.

"Dahan-dahan lang apo," nakangiting tugon niya. Humakbang na rin siya patungo sa mga ito at kinalimutan ang agam-agam niya.

Brianna threw herself to Shantal's arms. She gave light to her grandma's cheek, "Muah! We are glad you are here now!" masayang bati nito sa kanya matapos humalik sa pisngi.

"Mo---Mommy La! Kyree wants a hug!" utal na tugon ni Kyree. Halos magdadalawang taon pa lamang ito kaya't hirap pang banggitin ang mga tamang salita.

"Muah! Muah! My precious grandchildren! Mommy La miss you both!" isa-isa niyang hinalikan sa pisngi ang dalawang bata. Agad niyang kinarga si Kyree at sumabay naman sa kanila si Brianna papasok ng living room. "Where is your Kuya? Huh?" aniya at nilingon si Brianna na nasa gilid niya.

"Nasa taas po, ewan ko busy sa computer niya," Brianna said.

"O, Shantal nandito kana pala," bungad ni Yaya Santina sa kanya na lumabas mula sa kitchen.

"Hi, Yaya! Kadarating ko lang po. Ito nga at agad akong sinalubong nitong dalawang makulit," she smiled at her nanny.

"Tamang-tama lang ang dating mo may ginagawa akong black forest cake pang merienda nitong mga bata. Ipaghahanda kita ng maiinom sasamahan ko na rin nung cake," tatalikod na sana ito ng agad nitong napansin ang ikinikilos niya na di mapakali. "Okay, ka lang ba? Napansin ko'ng panay ang tanaw mo sa labas," anito.

"Ah...ewan ko Ya, parang may nagmamasid kasi sa akin kaninang pagbaba ko ng kotse ni Brent. May nahagip akong tunog ng camera at kislap ng liwanag galing sa isang lens ng camera," aniya.

"Ha, sus ikaw talagang bata ka, guni-guni mo lang iyon. O marahil isa lamang sa mga tagahanga mo na namukhaan ka kaya ka kinunan ng larawan," nakangiting tugon nito.

She heaved a deep sighed and put down her grandson, "Maybe I am just so tired lately. That's why I have several weird thoughts. Sige na Ya, bring me a coffee, please?"

"Okay!" anito at mabilis na nagtungo ng kitchen.

Maya-maya pa bumalik na ito at inilapag ang tray na may lamang coffee, orange juice at cake. Tahimik na naghihintay ang dalawang bata na abutan rin ni Yaya Santina ng merienda. Shantal put a small amount of cake in Kyree's saucer.

Agad itong nag-angat ng mukha at tumingin sa kanya. His small lips pouted. Shantal understood that her little grandson didn't like the small amount of cake she'd put into his saucer.

"Little prince, Mommy La, only put in a small amount because it's not good for you to have a lot of cake intake,"

Ilang beses itong kumurap at itinuro ang platito ni Brianna. "Aiyo!... Ate Brianna had a bigger tummy than yours," paliwanag niya ulit.

"Baby Kyree, it's not good to eat more sweet food!" hinaplos ni Brianna ang pisngi ng bunsong kapatid.

"Hahaha! Ayaw pala nito ng malamangan," tugon ni Shantal at napapangiti na rin si Yaya Santina.

"Hahaha! Oo, kaya ayaw ni Brendon makipagsabayan sa dalawang iyan. Mas matured ang isip non kumpara dito sa dalawa," anang yaya niya.

Pinisil ni Shantal ang pisngi ng apo. "Kapag lumaki kana, pwede na ang marami. Ngayon di pa pwede,"

Kumurap-kurap ang singkit na mata ni Kyree. At unti-unting sumilay ang matamis na ngiti nito sa labi. Inangat nito ang tinidor na hawak at sumandok ng konting cake at isinubo sa kanya.

"Ah!..ahh..!" anito habang iniabot sa bibig ni Shantal ang tinidor na may lamang cake.

Ibinuka ni Shantal ang bibig. "Wow, it tastes good! My little grandson is so sweet!"

"Mabait talaga iyan. Madaling kausap. O paano maiwan ko muna kayo dito. Babalik ako sa kusina dahil maghahanda ako ng pananghalian. Uuwi na rin kasi mamaya-maya konti si Ivana. Sumama lang iyon kay Brielle sa HUO GROUP dahil may pipirmahan ata silang importanteng dokumento,"

"Ah, ganon po ba? Ya, teka lang! May sasabihin ako," aniya.

"Ano iyon, Shantal?" huminto ito saglit at lumingon sa kanya.

"Gusto niyo na ba rito kay Brielle? Ayaw mo ng sumama sa amin ni Brent pagbalik namin ng Singapore?" nananantiyang tanong niya.

"Kung okay lang sa inyo, mas gusto ko rito. Alam mo namang noon pa mas malapit na ako kay Brielle," nahihiyang tugon nito.

Ngumiti si Shantal dito at sumagot, "Okay lang naman sa amin ni Brent. Mukha namang nasanay kanang alagaan ang pamilya ni Brielle,"

"Salamat ha, alam mo namang mahilig ako sa bata. Di na rin ako nagpamilya dahil tumanda na ako sa kakaalaga sa inyo ni Brent, hanggang sa mga anak mo. At ngayon ito namang mga apo mo," anito.

"Pwede naman na po kayong magpahinga. Ang tanda niyo na rin kasi," biro niya.

"Naku, okay lang ako dito sa poder ni Brielle. Saka natutuwa akong makita lagi ang mga anak nila dito sa loob ng bahay," anito.

"Okay. We always love you, Yaya!" she said.

***

Tapos na silang makapanghalian ng bumalik si Ivana. Pababa na ito ng kotse ng biglang may nahagip rin itong ilang kislap ng liwanag. Napalingon siya sa paligid ngunit tanging mga malalaking Villa lamang sa tapat ang nakikita niya. Sarado ang mga iyon.

Naglakad siya palapit sa main gate. Agad na tumayo ang dalawang gwardya na nagbabantay.

"Good afternoon, Ma'am Ivana! May iuutos po kayo?" bati nito.

"Kuya may tao po ba dyan sa katapat natin na Villa?" tanong niya.

"Wala po kaming napapansin Ma'am. Lagi pong sara iyan. Bakit po?" nagtatakang tanong nito.

"May nahagip kasi ako kanina na kislap ng parang camera lens. Eksaktong pagbaba ko ng kotse, parang dyan galing eh!" aniya.

Lumingon ang dalawang guard sa katapat na Villa. "Parang wala naman pong tao Ma'am eh. Itatanong nalang po namin sa pang gabi na guard kung may napansin silang umuuwi dyan sa gabi. Pero pwede rin pong tingnan natin ang mga CCTV na nasa labas kung may nahagip bang images or tao na kahina-hinala," anito.

"Okay po! Paki-check nalang at kapag may napansin kayo, pakitawagan kami sa telepono," tugon niya bago tumalikod.

Nadatnan niyang naglalaro sa sala sina Brianna at Kyree at kasama ng dalawa si Shantal.

"Mom, anong oras po kayo dumating?" She asked while walking towards them.

"Kaninang pasado alas-otso ng umaga. Dito na nga ako nagtanghalian kasabay ang mga bata,"

"Sorry po, inabot kami ng ilang oras sa video conference. May malaking gaganapin kasi na event sa London. Ilalaunch ng HOUSE OF FONTANER ang mga bagong designs na ginawa ko," aniya sabay upo sa tabi nito.

"Ganon ba? Buti naman at nakagawa ka ng panibagong mga designs ng alahas," Shantal smiled.

Bigla niyang naalala ang dalawang jewelry box na nasa bag niya. Hinugot niya ito at ibinigay kay Shantal. "This one is for you and Denise! Hindi namin isasama ang dalawang alahas na iyan doon sa ilalaunch next week dahil ginawa ko exclusively iyan para sa inyo,"

Shantal was shocked when she saw the necklace, "Wow, so beautiful! I can't imagine that you can create wonderful jewelry designs like this! Muah! Thank you, anak!" agad na humalik si Shantal sa pisngi ni Ivana.

"Welcome Mommy. Alam ko matutuwa si Denise kapag nakita ang alahas na ginawa ko para sa kanya. Ilang beses nang nangungulit sa akin iyon. Kelan ko lang kasi natapos at naipagawa ang mga new designs ko kaya medyo natagalan," she said.

"It's okay. As long as you made it, that only matters to us! Teka, kumain ka na ba?" anito.

"Opo, sabay kami nag-lunch ni Brielle kanina. We sneak out for a short lunch date," she said.

"Buti naman at nagkaroon kayo ng time na kumain sa labas,"

"Mommy, alam mo kaninang bumaba ako ng kotse parang may napapansin ako. O baka, guni-guni ko lang," biglang tugon niya.

Nagulat si Shantal ng marinig ang sinabi niya, "Ikaw rin may napansin? Ako rin eh, kaninang ibinaba ako ng Daddy mo sa tapat ng main gate ninyo, biglang may narinig akong camera lens shutter sounds kasabay ng biglang kislap ng liwanag. Pakiramdam ko may nagmamatyag sa akin,"

"Ha, ako din kanina, may ganong pakiramdam eh, nahagip din ng paningin ko na may kumislap na liwanag, at parang may sumusunod sa akin at panakaw akong kinunan ng larawan," aniya.

"Kinakabahan ako, o baka kagaya mo napaparanoid lang din ako anak,"

"Yeah, baka nga nagkamali lang tayo, inisip lang siguro natin na may nagmamatyag sa atin," Ivana said.

"Di ko rin kasi talaga mawaglit sa isipan ko ang mga negatibong alalahanin dahil kailan lang nakulong si Simon. At hanggang ngayon nga sabi ni Samantha di pa rin nawawala ang galit ni Simon sa atin. May mga tauhan pa iyon sa labas ng kulungan," Dagdag ni Ivana at bakas sa boses niya ang pag-alala.

Humugot ng malalim na hininga si Shantal bago muling nagsalita," Sige lang may mga nagbabantay naman sa atin. Baka masyado lang tayong nag-iisip ng masama,"

"Mommy magbibihis lang ako at sabay na tayong maghanda ng hapunan. Excited na ang mga bata na sabay-sabay tayong maghapunan ulit,"

"Okay, sige na umakyat kana. Hihintayin nalang kita dito sa living room. Daanan mo rin si Brendon sa kwarto niya at di na halos umaalis doon sa harapan ng computer. Pagsabihan mo nga iyang panganay mo," aniya.

"Okay, Mommy! Maiwan muna kita!"

Pumanhik na si Ivana sa kwarto niya at dali-daling nagpalit ng damit. Matapos nito nagpasya siyang dumaan muna sa kwarto ni Brendon.