Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

* Mga Naiibang Kwento Ng Kababalaghan *

Temari_Bernardo
--
chs / week
--
NOT RATINGS
35.8k
Views
Synopsis
"The Kapre" is one of the famous urban legend of the filipinos.We might not be able to see them but I know many of us beleived they exist...
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Tawa ng Kapre.

Ano kaya ang magiging reaksyon mo kung meron biglang sumulpot na isang nilalang sa iyong likuran ng walang pasabi or pasintabi? palagay ko ang reaksyon mo ay tulad ng reaksyon ng kakilala ko ang tinatawag kong si tiyo Rap isa sya sa pinakamasipag na tauhan sa asyendang kinalakihan ko.

Si tiyo Rap ay isa sa mga tauhan ng asyendang tinatawag naming hacienda Butong o sa tagalog ay hacienda niyog. Actually Takang taka nga ako kung bakit tinawag na butong e halos dalawang puno ng niyog lang ang nakita long mayroon sa amin ewan ko lang noon, tinanong ko sa madir ko ewan rin ang sagot. Mabait sa pamilya namin ang may ari ng asyenda at ang lolo kong si Crispino ang kontraktor o taga suplay ng taong manggagawa noong nabubuhay pa siya, ang isang uncle ko ay tagagawa ng payroll at ang isa ay kabo o syang nagbabantay sa trabaho ng mga tao o gaano na ang natapos na trabaho o tama ba ang paraan ng trabaho nila, noon pa 'yon ngunit ng mangyari ang kwentong ito ay sumalangit "nawa ang mga kaluluwa nila" pare pareho na silang tepok ngunit ang mga tauhan tulad ni tiyo Rap ay nanatili doon at doon na bumuo ng pamilya, kahit mahirap ang buhay ay masaya para sa tulad kong bata kasama din ang mga anak nila at iba pang kabataan sa asyenda, dahil hihintayin namin sumapit ang gabi at magtatakbuhan papuntang maliit na plasa at maglalaro ng tagu-taguan o chinese garter na palagi akong talo sa ikli ng biyas ko, lahat yata ng larong kalye ay nilaro ko noon.

Isang araw iyon na abalang abala ang halos lahat ng trabahador sa tubuhan o sugarcane plantation, dahil may hinahabol na quota sa delivery ng tubo sa central o asukarera. Inabot ng hatinggabi ang kanilang pagsasalansan ng tubo sa trak na maghahatid sa asucarera. Si tiyo Rap ay medyo uminom pa ng gin bago umuwi pagkatapos ng nakakapagod na trabaho pero di naman daw siya lasing medyo pampatulog lang kumbaga.

Pagdating niya ng bahay ay agad siyang kumuha ng timba at dinala sa balon upang sumalok ng tubig, ang naturang balon ay siyang source ng tubig ng buong asyenda.

" Kumain ka kaya muna bago maligo", sabi ng kanyang asawang si tiya Maring.

" Mamaya na at medyo nangangati na ako",ani Tiyo Rap,medyo makati nga kasi sa balat ang medyo matigas na fiber o gilok na nakapalibot sa puno ng tubo kaya kailangan niya talagang maglinis ng katawan bago matulog.

Malaki ang katawan ni tiyo Rap, kwadrado ang pangahang mukha, matangos ang ilong at mayroong malaking bunganga na palagi namang nakatawa ang kanyang masayahing mukha na di naman nakakaasar dahil kilala naman siyang mabait., halos 6 feet tall ang kanyang height, maitim, dahil hatinggabi na at wala namang ibang tao sa balon okey lang maski nakahubad siya ng pang itaas na damit at nakasuot lang ng brief na katsa o sako ng harina na tinahi ng kanyang asawa dahil walang magkasyang brief sa kanya na mabibili sa maliit na palengke ng lugar na iyon. Habang bahagyang nakatuwad upang sumalok ng tubig mula sa balon dahil medyo malalim ito ay meron siyang naramdamang kumalabit sa kanyang puwet.

" Tigilan mo nga ako Maring, ako'y nagmamadali upang makapaglinis agad ng katawan at ako ay kating kati na sa gilok ng tubo",saway ni tiyo Rap sa akalang asawa na nang aasar lang sa kanya sabay lagay ng tubig sa balde. Muli na naman siyang sumalok ng tubig sa balon at sa muling pagtuwad kinalabit na naman siya sa puwet.

"Maring, pakiusap tigilan mo ako!", nakikiusap pero halatang asar dahil medyo may diin na ang boses ni tiyo Rap. Muli'y isinalin niya sa balde ang nasandok na tubig mula sa balon. Sa kanyang muling pagsalok ng tubig sa balon at sa muling pagtuwad ay muli niyang naramdaman ang pagkalabit sa kanyang puwet.

" Ano ba! sa....sa.....",singhal niya sa akalang asawa, sa kanyang biglang paglingon ay gulat siyang nagkanda utal, at saglit na natigilan dahil ang akalang asawa ay isang maitim,mabalahibo at napakalaking nilalang na may hawak na malaking tabako at halos maglupasay sa katatawa na isang kapre. Nang tumayo ito ay halos 9 feet ang taas nito, di ni tiyo Rap napigilan ang mapatakbo sa takot.

Tawang tawa man ito ay di niya nagawang makipagtawanan sa takot na biglang lumukob sa buo niyang katawan. Halos lahat na parte ng katawan niyang may balahibo ay awtomatikong nagtayuan,ni hindi niya nagawang magreklamo ng siya'y natapilok at muntikan ng natumba sa ginawang pagtakbo sa pagmamadaling makauwi ng bahay.

" Sinong humahabol sa 'yo?", gulat na tanong ni tiya Maring sa asawang humahangos na itinulak pabukas ang kanilang pinto ganoon din ang pabalibag na pagsara ng pinto.

" Sa..saglit lang....hah,hah,hahhhh..", may kasamang senyas ng kamay na sabi niya sa asawang nakakunot noo.

" Asan na ang timba? akala ko ba maliligo ka?", magkasunod na tanong ni tiya Maring.

" Teka....hah,hah,hah," hapong hapo na sabi ni tiyo Rap.Hinintay naman ng mabait at maalalahanin niyang asawang si tiya Maring na kumalma si tiyo Rap at kusang magkwento.

" Talaga? ", di makapaniwalang tanong ni tiya Maring sa asawang naghahapunan ng magkwento ito sa naranasan sa balon,

" Oo sabi, para ngang tawang tawa siya sa pang aasar niya sa akin.", kwento ni tiyo Rap. Siya man ay di makapaniwalang magpapakita sa kanya ang naturang kapre na matagal ng usap usapan sa kanilang lugar.

Magmula noon tuwing mag iigib si tiyo Rap ng tubig para panlinis sa katawan lalo at gabi o madaling araw ay nagpapasama siya sa kanyang asawa o minsan ay isa sa mga anak niya,di naman daw siya takot naniniguro lang na incase may kasama siyang tatakbo.

Palagi niyang pinatotohanan ang kanyang kwento, lalo at palagi niyang nararamdaman ang presensya nito lalo't gabi at madilim na ang paligid, hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, ngunit ang kwento ni tiyo Rap tungkol sa kapre ay nanatiling buhay magpa hanggang ngayon at tulad ko ay maraming naniniwalang iyon ay totoo.

Sa ngayon ay malalaki na rin ang mga apo ni tiyo Rap, syempre medyo may edad na rin mga anak nila ni tiya Maring.