Marami na akong narinig na kapag namatay ang isang tao, siya ay sinusundo, o mali ba ang pagkaintindi ko ? Ang tinatawag nilang "The Reaper" na may dalang kalawit o "angel of Death" na si Kamatayan daw?
Minsan ko na siyang nakita, animo matandang babaeng nakabaro't saya, at natatakpan ng belong itim ang mukha, naglalakad sa madilim na gabi ,pero wala akong nakitang kalawit na bitbit .
Eighteen years old ako nun, galing sayawan dahil fiesta sa kabilang barrio kasama ang manliligaw na sa sayawan ko lang nakabonding..
Nagkahiwalay kami ng pinsan kong babae rin sa sayawan ng gabing yun, meron siyang ibang sinamahan,at meron din akong nakitang dating manliligaw sa sayawang iyon ,si Carlo, na lagi kong nakikita at lagi akong binabati ng " hi crush" kapag nagkakasalubong kami sa kalsada o di kaya'y kapag tumatambay silang magkakabarkada sa seawall dahil malapit ang bahay nila sa school namin sa college kung saan may dagat sa likod na nilagyan ng seawall na tambayan ng mga estudyante o tagaroon sa lugar na yun..
Dahil meron naman siyang dalang sasakyan inihatid niya ako sa bahay namin at nakasalubong namin ang nilalang na yun na naglalakad mag isa.
" Grabe tong matandang to, alas dos ng madaling araw naglalakad mag isa e wala namang misa sa simbahan ng mga katoliko." sabi ko sa kasama kong binata matapos kong tingnan ang aking relo at nakumpirma ang oras ng sandaling iyon.
"; Ha! ? wala naman akong nakikita a";, sabi ni Carlo na katabi ko sa frontseat ng kanyang sasakyan.
" Hayan o nakasalubong natin, ang linaw naman ng mata niya para gumala sa ganitong oras";, pagkatapos ituro ay sabi ko.
" Sure ka? wala naman akong nakikita "; parang nawiwirduhan si Carlo sa pagkakatitig niya sa akin.
" Talaga? wala kang nakikita?";, naninigurong tanong ko sa kanya, pilit kong kinakalkula kung totoo ba ang sinasabi niya, naisip kong baka nga ako ang wirdo dahil meron akong nakikitang di naman pala niya nakikita. Nilingon ko pa nga ang sinasabi kong babae , ngunit wala na akong nakita.
."Grabe, ambilis naman niyang maglakad nawala agad.." sambit ko.
" Nakakatakot ka rin e, meron ka bang nakikitang di ko naman nakikita, may third eyes ka ba?", tanong ni Carlo sa akin.
"Actually di ko alam, kung totoong di mo siya nakikita, ibig sabihin siya ay spirit lang? baka nga no? baka nga may third eyes lang ako";. sang ayon ko sa kanya, di lang kasi unang beses na may nakita akong di naman nakikita ng iba, pero ang alam ko normal na tao ang nakikita ko.
Nawala na sa alaala ko ang pangyayaring iyon kinabukasan. After three days ay merong namatay sa lugar namin, binatang katatapos lang maglaro ng basketball, pawis na pawis, uminom ng malamig na tubig at yun lang nanginig na at biglang natumba dead on arrival ng dalhin sa ospital , atake sa puso ang ikinamatay. Di ko nagawang ikonekta ang nakita ko ng gabing iyon. Ni wala na akong pinagkwentuhan tungkol sa bagay na iyon,dahil naging abala na ako sa pag aaral,dahil marami ng gawain sa school at ilang araw na lang ay sembreak na namin at nagdesisyon na akong mag working student sa syudad ng mag sembreak, kaya nawalan na rin kami ng komunikasyon ni Carlo maski ng sumunod na semester hanggang sa magtapos ako sa college, dahil pareho na kaming naging busy sa aming pag aaral.
Ilang taon pa ang lumipas , isang gabi iyon na madilim ang paligid at ang buwan ay aandap andap sa kalangitan. Isa sa malayong pinsan ng madir ko si tiyo Armando, na isang tricycle driver, ay nagdesisyon ng umuwi ng bahay dahil gabi na at hinihintay na ng kanyang asawa't mga anak ang bitbit na inasal na manok para sa kanilang hapunan.
Sa kalagitnaan ay merong matandang babae na merong belo at naka baro't saya rin ang pumara sa kanya
" Nay, pasensiya na po uuwi na kasi ako?", magalang niyang esplika sa matanda.
" pero pwede ko naman po kayong isabay, saan po ba ang punta ninyo?", nagtatakang tanong niya sa babae.Halos lahat ng tao sa lugar na 'to ay kilala niya at di niya to kilala, first time lang sumakay ang matanda sa kanya, di ito sumagot kaya naisip niyang baka bingi kaya di narinig ang kanyang tanong naisip niya..Dahil nagdesisyon na siyang di na magbibyahe ay isinabay na lang niya ang matanda. Pagdating sa intersection malapit sa kanilang bahay ay saglit siyang tumigil at muli niya itong tinanong.
" Nay, dahil gabi na ho ihahatid ko na lang kayo sa pupuntahan nyo, saan ko ho kayo ihahatid?", muli niyang tanong sa babae.
Muli di ito sumagot bagkus ay nag abot sa kanya ng pamasahe na agad naman niyang tinanggihan .
" Wag na ho, kasi papauwi na rin naman ako, ingat ho kayo at madilim na", paalala niya rito ng bumaba ito ng kanyang traysikel. Muli niyang pinaandar ang traysikel at ng muli niyang nilingon ang matandang babae ay wala na ito, hinanap niya kung saan ito maaaring pumunta ngunit wala talaga ito.
Nakaramdam siya ng takot at nerbiyos , agad niyang pinaharurot pauwi ang kanyang traysikel..Ilang araw ang lumipas ay namatay ang biyenan ng pinsan ng ina ko , ang bahay nila ang unang madadaanan pagpasok sa hacienda, inatake sa puso, uminom rin ng tubig nabulunan at presto, diretso na siyang natigok. Kaya magmula noon kapag mayroon nakikitang ganoong nilalang sa lugar namin ay alam na naming mayroon na namang sinusundo, ilang tao na ang nakakita sa kanya at naniniwala akong life is full of mystery that God really exist and we will go back to our rightful place when the right time came no matter how much we want to stay and God's so good for letting us experience how it is to be able to live in this earth, Given another chance I know what i'll choose, to be a lotto winner and travel the whole world with my family, and for that personage, I understand that she or he just doing his or her job according to the calling assign to him or her by our father in heaven..
.