Chereads / * Mga Naiibang Kwento Ng Kababalaghan * / Chapter 7 - Chapter 7 * Ang Anghel *

Chapter 7 - Chapter 7 * Ang Anghel *

May mga taong minsan ng naharap sa peligro a near death experience ng dahil sa disgrasya ,pinagtangkaan patayin o simpleng sakit lang na muntikan ng maglalagay sa atin sa alanganin ng buhay..

Yan ang nangyari sa kilala kong si Frank, di pa kilala ang dengue na kagat ng lamok ang pinanggalingan, palagay ko yun din ang dahilan ng kanyang mataas na lagnat na inabot ng isang linggo.

.Alalang alala sa kanya ang kanyang magulang dahil ilang araw na siyang walang matinong kinain, pinilit siya ng gabing iyon ng kanyang ina na kumain ng lugaw na nilagyan ng konting asin. Kumain naman siya ng konti, sinusubuan siya ng kanyang ina ng bigla siyang tumayo at pinagtatadyakan ang pinto sabay sabi ng .

." Tigilan nyo ako, di ako sasama sa inyo"; galit na galit kaya napamulagat ang kanyang magulang sa kanyang aktuwasyon.

" Anak ,anong nangyayari sa yo?" , ani Aunt Terry ang nabigla niyang ina.

" Meron ho kasing dalawang taong nakaputi gusto akong isama kung saan, e ayokong sumama sa kanila", ng kumalma ay kwento ni Frank.

" Ha?! pero wala naman akong nakita?", naguguluhang sambit ng kanyang ina, na sinang ayunan din ng kanyang ama at mga kapatid.

" Basta! meron, lumulusot nga sila sa pinto e, para ngang di sila tao, pero ang gagandang lalaki ", ,parang naiinis na pakli ni Frank sa diskumpiyadong tono ng mga salita ng kaanak. Nang sumunod na araw ay di na maigalaw ni Frank ang kanyang mga paa, di na siya makalakad simula noon.

Nagagalit siya dahil sa pangyayaring iyon, nakakaramdam siya ng dismaya sa kawalan ng lakas ng kanyang mga paa.

" Ano ba tong nangyayari sa akin? nawala nga ang lagnat ko, pero di ko naman maigalaw ang paa ko, bakit naman ako pinarurusahan ng ganito ", tanong niya sa ina.

" Anak simula noong pinagsisipa mo ang pinto natin ay nagkaganyan ka na, baka napilay ka dahil sa pwersa ng pagkakasipa mo sa pinto?", di man tiyak ay opinyon ng kanyang ina.

" Nay, dalawang taong nakaputi ho ang tinadyakan ko, takot ho akong kapag sumama sa kanila baka mamatay ako"; ayon kay Frank.

." Naku, baka mga anghel yun, mag sorry ka kaya, manghingi ka ng patawad sa pagkakasipa mo sa kanila"; suhestiyon ng kanyang ina.

" Baka nga ho, sige ho nay ipagda dasal ko na sana gumaling na ang mga paa ko", sabi ni Frank. Araw araw ay sinusubukan ni Frank ang lumakad sa tulong ng kanyang magulang at minsan ay mga kapatid. Naiinip na siya at gustong gusto na niyang makalakad muli, ayaw niyang tuluyang maging baldado, nakikita niya kung gaano kahirap ang kanilang pamumuhay, kailangang makatulong siya sa pagtatrabaho sa tubuhan, palayan o palaisdaan. Mahalaga ang kanyang sasahurin pandagdag sa kanilang budget pampamilya.

"Epekto lang yan marahil ng iyong mataas na lagnat", ayon sa ibang kaanak ng malaman ang kanyang kondisyon.

" Tiyak parusa yan ng dalawang anghel na kanyang tinadyakan", opinyon naman ng iba ng marinig nila ang kwento tungkol sa dalawang invisible na taong kanyang tinadyakan sa pinto ng kanilang bahay.

" ,Marami na kaming pinuntahang albularyo para ipagamot siya, maging doktor para matiyak kung ano ang kanyang kondisyon., wala naman daw siyang fracture ayon sa doktor dahil di naman sumasakit ang kanyang paa o buto kung nadislocate man ", sagot ni Aunt Terry.

" Kataka taka, at sa edad niyang kinse napakabata pa niya para maging baldado ng walang dahilan ", sabi ng isang kapitbahay.

" Oo nga , saka na pa frustrate din siya sa kondisyon niya, naaawa na rin naman ako sa kalagayan niya", napapailing na sabi ni Aunt Terry.

" Sabi nga ng famous saying ni Ernie Baron, 'ang buhay ay weder weder lang' pasasaan ba't gagaling ka rin, bata ka pa marami ka pang mararanasan maganda man o pangit habang nabubuhay ka dito sa mundong ito kailangan mong maging handa sa lahat ng pagsubok na ibibigay ng Diyos", sabi naman ng isang tiyahin niya.

" Napakabigat naman hong pagsubok sa akin to, parang gusto ko ng sumuko" , mangiyak ngiyak na sabi ni Frank.

" Para sa ano yung nanindak ka pa ng mga anghel, para lang di ka mamatay kung susuko ka rin lang pala", ani Uncle Rigo ang kanyang ama.

" Tama! nakipag away ka sa mga anghel para lang mabuhay ka, tinadyakan mo pa e kung tutuusin pwede mo naman kasing kausapin lang, bakit sinaktan mo pa?", sabi naman ng kanyang ina.

" Eh, sa nataranta ako eh, masama na nga ang pakiramdam ko, bigla pang lulusot sa saradong pinto, magpapakita sa akin at gusto akong kunin", rason naman ni Frank.

" Sa susunod naman anak kausapin mo lang ng matino, para di na ulit mangyari sa yo yan", payo ng kanyang ina.

" Sana wala ng susunod nay kung alam mo lang kung gaano kalaking nerbiyos ang naramdaman ko ng oras na yun.." kwento ni Frank. Nang sumunod na araw ay naging puspusan ang ginawang ehersisyo ni Frank, gusto talaga niyang muling makalakad. Di naman nagdadalawang isip ang kanyang ama at mga kapatid na alalayan siya Halos limang beses siyang magpatulong sa isang araw .

" Yes! pwede na akong magpraktis mag isa ", tuwang tuwa na sambit ni Frank ng merong magpahiram sa kanya ng saklay.

" Oo nga, sabi ni uncle Pring mo para mas mabilis kang matutong maglakad mag isa e gumamit ka ng saklay para mapwersa ang paa mo na magkaroon muli ng lakas maski paunti unti lang", ayon sa kanyang ina na natutuwa sa nakitang reaksyon ng anak. Para bang nakasilip ng konting pag asa ang kanyang anak na muling makalakad.

" Nay, tingnan mo ako, kaya ko ng gumamit ng saklay mag isa!", pagmamalaking sabi ni Frank paglipas ng apat na buwan,dahil ngayon di na niya kailangang magtawag ng kaanak na aalalay sa kanya sa paggamit ng saklay dahil kaya na niyang mag isa.

" Natutuwa ako sa lakas ng determinasyon mo anak na muling makalakad, ngayon maski paunti unti kaya mo ng tumayo sa pamamagitan ng saklay ,at least simula pa lang yan, balang araw matutupad din ang pangarap mong muling makalakad", sabi ng maluha luhang ina sa nakikitang kaligayahan ng anak.

" Siyempre naman nay, mahirap pala kasi ang di makalakad parang napakawala kung kwentang tao", sabi ni Frank.

" Alam kong di totoo yan anak, wag mong isiping wala kang kwenta dahil simula pa man noon e ang laki na ng tulong mo sa amin", parang nababaghang sabi ng ina.

" Yes! kaya ko ng lumakad mag isa!", sigaw ni Frank di niya mapigilang sumigaw sa labis na katuwaan Pagkatapos ng anim na buwan na pag.kabaldado ngayon ay lumalakad na siya, mabagal nga lang pero ang mahalaga kaya na niya.

" Sabi ko na sa yo anak, makakalakad ka ring muli, pero ingat pa rin at baka matumba ka ha!",masayang bilin ng kanyang ina. Paglipas ng maraming taon ay alaala na lang ang lahat kay Frank, ngunit mahalagang leksyon sa kanya ang pagiging pasensiyoso.

Sa ngayon ay bumalik na siya sa normal at may sarili ng pamilya. Ngunit palagi niyang sinasabi sa mga anak na wag siyang gayahing tinadyakan ang anghel kung ayaw matulad sa kanya na naging baldado dahil sa pagiging suplado..