Chereads / * Mga Naiibang Kwento Ng Kababalaghan * / Chapter 5 - Chapter 5: * Dancing Bangkay*

Chapter 5 - Chapter 5: * Dancing Bangkay*

Nakarinig ka na ba ng kwento ng mga bangkay na bumabangon? o yung tinatawag sa bisaya na 'Maranhig'? Nakakatakot di ba?

isang literal na zombie na sa pelikula lang natin nakikita. Gusto ko rin i share ang kwento ko tungkol dito, si Lola Paula ay isang kilalang manghihilot at gumagamot ng mga nausog, ngunit lingid sa kaalaman ng lahat siya ay may kaalaman rin sa tinatawag nilang astral travel ginagawa niya itong paraan para bisitahin ang kanyang mga anak o iba pang kaanak na matagal ng di niya nakikita, then why not? libre pamasahe at wala naman siyang napeperwisyong tao. dahil sa edad niyang Nobenta'y singko anyos e marami ng pagbabago sa kanyang pisikal na kaanyuan at lakas, kaya ang pinaka safe na option para sa kanya e, mag astral travel . Mula ng tumuntong siya sa edad na nobenta'y singko ay di na siya tumanggap ng magpapahilot o magpapagamot kaya ang astral travel na ang naging libangan niya para bisitahin ang kanyang mga anak at para malaman ang kanilang kalagayan.

" Isabela , matutulog ako wag mo akong gigisingin o ipagigising sa mga bata manaya dahil dadalaw ako sa kapatid mong si Antonio sa Mindanao, merong iskedyul ang barkong papuntang Mindanao ngayon,gusto kong madalaw at malaman ang kanilang sitwasyon, dahil matagal ng di nakakapasyal dito sa atin ang kapatid mong yun." sabi ni lola Paula sa anak na kapisan sa bahay..

" Opo nay, pero maaari po bang kumain muna kayo bago matulog para maski anong oras kayong magising e,at least busog kayo", ani Isabela sa inaalalang ina. Kabilin bilinan ng kanyang ina ay wag siyang gigisingin o gagalawin ang kanyang katawan kapag natutulog at nag aastral travel dahil di na niya magagawang bumalik sa kanyang katawan kapag iyon ay ginawa o ni konti e ginalaw ang kanyang katawan.

Nang araw ding yun ang konduktor ng isang ceres liner na bumibiyahe sa buong probinsiya ay biglang napasigaw sa driver na nasa edad mahigit 30 anyos.

" Para ! may sasakay", ani konduktor na pinatunog pa ang hawak na bakal na ginagamit pantatak sa ibinibigay na tiket sa mga pasahero. Dagli namang itinigil ng driver ang bus, at naghintay sa pasaherong sasakay, bumaba ang konduktor upang alalayan ang may edad ng pasahero, nagpalinga linga siya sa paligid ngunit walang lumapit na pasahero.. Nakaramdam siya ng konting takot ng matiyak na walang tao. Di niya mawari kung namamalikmata lamang ba siya? pero kitang kita niyang merong matanda na pumara at tila gustong sumakay..

" Asan ang pasahero,?", nagtatakang tanong ng driver sa konduktor na muling umakyat sa bus na walang kasama..

" Wala pala, minumulto lang yata tayo", ani konduktor.

" May multo?", tanong ng isang pasaherong napatingin sa kinaroroonan ng konduktor .Ngingiti ngiti lang ang konduktor na napatingin din sa gulat na reaksyon ng pasahero .

" Joke ko lang po yun, wag nyo na lang seryosuhin", sabi ng konduktor.

" Nakakatakot ka naman e talaga namang maraming nagsasabing may multo sa tulay na 'to", sabi naman ng pasahero na sa kabayanan sumakay papuntang siyudad.

" Oo nga narinig ko na rin yan", ani'ng isa pang babaeng pasahero .

Kinagabihan, habang naghahapunan ay kausap ni lola Paula si Isabela.

" Grabe ang hirap nina Antonio, nag iiyakan ang kanyang mga anak at nanghihingi ng pagkain, awang awa ako sa sitwasyon ng kanyang pamilya", kwento ni lola Paula.

" Talaga nay? dapat sana'y umuwi na lang sila dito sa atin, maski paano e, makapag tatrabaho siya dito sa bukid at di sila magugutom maski saging o kamote meron silang makakain dahil marami tayong pananim", sabi ni Isabela.

" Pambili nga ng pagkain wala, pamasahe pa kayang pauwi dito?", ayon kay Lola Paula.

" Sabagay, di rin naman natin mapadalhan ng pera dahil di natin alam anong address nila, ", sang ayon ni Isabela sa sinabi ng ina.

Yun ang naging lifestyle ni lola Paula, hanggang sa siya ay pumanaw sa edad na nobenta'y otso. Sa unang gabi ng kanyang lamay abala ang lahat merong naghahanda ng ipakakain sa mga nakikiramay, yung iba naman ay nagkuwentuhan lang, at marami naman ang naglalaro o nagmimiron lang sa mga iba't ibang pasugal. Ang grupo ng kanyang anak at ibang kamag anakan na mula sa isang asyenda ay napagpasyahang sa malapit sa ataul na kinaroroonan ni lola Paula maglaro ng baraha, magandang pwesto dahil malapit sa bintana kaya masarap ang simoy ng hangin. Nasa kasarapan sila ng paglalaro ng mapatingin ang isa sa kinaroroonan ng ataul.

" Oh my God! ", sambit ng lalaking Peping ang pangalan na animo'y gulat na gulat at dagli ring kinuha ang perang ipinantaya nito , makikita ang takot sa expression ng mukha nito.

" Sus, grabe naman tong magreak, parang nakakita ng multo", asar ni Aida na siyang nakatalikod sa kinaroroonan ng ataul.

" Sobra pa sa multo", magkasabay na sambit ng dalawa pa nilang kalaro sa pusoy dos na nakatingin sa kinaroroonan ng patay.

" Bumangon ang patay", sigaw ni Clara na nakaupo sa bangkong kawayan at kausap ang isa pang kaanak nila.. Sabay sabay napatingin ang mga tao sa ataul at sabay sabay rin nagtakbuhan pababa sa hagdan ang iba naman ay sa bintana. Maraming nasaktan sa pangyayaring iyon, pati ibang anak ni lola Paula ay napatakbo sa takot, maliban kay Isabela na niyakap ang ina habang humahagulgol ng iyak..

" Nay , ano ba ang nangyayari sa 'yo? ba't nagkakaganyan ka?yan ba ay isang sumpa? gusto kong makasama ka ,pero wag naman ganyang patay ka na, baka di na ikaw yan?", naghihinagpis na tanong ni Isabela.

" Ma, ano po ba'ng nangyayari kay lola?", tanong din ng kanyang sixten years old at panganay na apo, si Andro na napatakbo rin ng nagtakbuhan halos lahat ng nakilamay pati nga kamag anakan nila, napabalik lang siya ng makitang lumapit ang kanyang lola sa kanyang agwela na nagsasayaw ang mga kamay sa hangin habang nakaupo sa loob ng kabaong.

" Di ko alam nak!" sagot ni Isabela sa apo. Kinabukasan ay agad kumalat hanggang sa karatig pook nila ang balita sa pagbangon ng isang patay..kumbaga agad sensational ang balita sa buong probinsya dahil marami ang kailangan dalhin sa ospital at nagkaroon ng fracture dahil sa kumosyon.

Dumami ang unsolicited advice na sinubukan nilang gawin tulad ng pinabendisyunan nila ito ginawa ring inako ni Isabela ang anumang dahilan ng nagpapahirap sa matanda ngunit ilang gabi na ang lumipas ay bumabangon pa rin ang katawan nito pagdating ng dilim ng gabi. Hanggang sa pagdating ng isa pang anak nito si Pedring at pamilya nito. Isa sa mga anak nito si Luis ay mayroong third eyes at ginagamit na "medium" ng isang espiritista kapag merong taong gustong makausap ang pumanaw nilang kaanak. Nang gabing yun ay muling bumangon si lola Paula, at nagsayaw ang mga kamay sa loob ng kabaong. Nakaramdam si Luis ng lungkot at awa sa kanyang agwela, agad niya itong kinausap " lola , yan ba ay ipinapamana mo ? sige akin na lang yan para matahimik na ang kaluluwa mo at makapahinga ka na", ani Luis .

Bigla itong napatingin sa kanyang direksyon at ilang sandali pa ay muli itong nahiga sa ataul at mula noon ay di na muling bumangon hanggang sa mailibing na ito.

"Ikaw lang pala ang hinihintay ng lola mong umako sa kanyang power", biro ni Isabela sa pamangking si Luis. Ngayon, ang tanong ?!! babangon din ba si luis kapag siya ba ay pumanaw ay magiging maranhig? , di pa ako sure dahil magpa hanggang ngayon ay buhay pa si luis.We will see someday....