Ano kaya ang magiging reaksyon mo kung tulad ko ay mayroon kang makitang kakaiba? gusto mo mang pigilin e pakiwari mo ay may sariling buhay ang kakaunti mong balahibo sa katawan na kusang nagtatayuan at ang ulo mo ay waring nababalot ng di mawaring liwanag na anumang oras ay sasabog sa takot? nerbiyos ba yon na nagdadala ng di maipaliwanag na kaba sa bata kong puso?.
Limang taon ako ng una kong makita ang kakaibang uri ng kamay dahil for the first time ay nakakita ako ng kamay na di naman sa tao dahil malaki halos sampung beses na malaki sa braso ko, itim na itim at puno ng mahabang balahibo, at di rin naman sa hayop dahil ultimong malapad nitong kuko ay tulad ng sa tao.
Tulad ng ibang bata ay mayroon akong di malilimutang bisyo, at yon ay ang pangungupit ng isda tuwing ito ay piniprito. Di ko rin maintindihan kung bakit ang lakas ng panghalina sa akin ng pritong isda, para akong inaakit at sinesenyasan para unti unting lumapit at kumurot ng paunti unti hanggang ito'y maubos.
" Wag galawin ang isda;", bilin ng pinsan kong si manang Lucy habang inilalapag sa mesa ang pinggan na may lamang bagong pritong isda at alam kong yon ay mainit pa at tulad ng dati napalunok ako na parang biglang nanabik tikman ang masarap na isdang nasa harap ko na halos abot kamay ko lang pero di ko mahawakan dahil batid kong nakakapaso.
" Di ko gagalawin", pero siyempre sabi ko lang yon, mamaya titiyempo ako naisip ko, agad ding tumalikod ang pinsan ko dahil meron pa siyang isdang piniprito doon sa tinatawag na "dapog," kung saan ang gamit namin ay kahoy na pinatuyong tubo. Minsan ko rin sinubukang magluto gamit ang kahoy na tubo at pati buhok ko at konting kilay ay nasunog kaya kinailangan kong lagyan ng bangs ang buhok ko para magpantay at matanggal ang bahaging sunog.
" Tikya, nakikita kita,tumutulo ang laway mo habang nakatitig sa isda";, alam kong nanghuhuli lang si manang Lucy.
" Wala naman e, tinitingnan ko lang",, depensa ko, pero pasikreto ko ring pinasadahan ng punas ng kamay ang bibig ko,at napatunayan ko na walang laway na tumulo. Nang makita kong tumalikod si manang Lucy at siguradong di mapapansin kung saglit lang e salatin ko kung mainit pa ang isda, sinubukan kong kurutin ng kanang daliri ang pritong isdang nasa harap kong para bang tinutukso ako para tikman ito at ako ay tuluyang nagpadala sa tukso ng nasa harapan ko..
Medyo mainit pa! pero yon ang challenge kung makakaya ko bang tiisin ang isdang alam kong papaso sa dila ko.Kumurot ako ng konti at parang wala sa sarili na iyon ay tinikman, " Wow, ang sarap!"naisip ko.
" kailangan ko itong ubusin dahil kung hindi e mahahalata ni manang lucy na binawasan ko ang isa , samantalang kung uubusin ko e walang ebidensya na binawasan ko"; karagdagang naisip ko.
Habang nagmamadali akong kumurot ng isa pa sa isda habang ang mga mata ay nakatingin kay manang lucy kung tapos na ba siyang magprito ,ay saka naman biglang lumitaw sa ibabaw ng mesa ang isang maitim, mabalahibo at malaking kamay na para bang gustong makipag agawan sa pritong isdang kinakain ko..Nagulat man ay agad kong sinilip sa ilalim ng mesa kung sino ang may ari ng naturang kamay.
"Hala! kamay? ba't walang katawan ?", nagtataka kong tanong sa sarili ko." asan na ang katawan mo?", .Di makapaniwala muli kong sinilip sa ilalim ng mesa kung meron bang tao, ngunit wala talaga akong nakita, ng muli kong tiningnan ang kamay ay wala na to sa ibabaw ng mesa, dagli akong nakaramdam ng takot. di maipaliwanag na takot at ang kakaunting balahibo ko sa katawan ay di ko mapigilang magsitayuan , di ko naipagpatuloy ang pagkain ng isda.
Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni manang lucy at kumapit sa kanyang de garter na short, maski saan siya magpunta ay doon din ako nakikisiksik, hanggang sa siya'y naaburido at galit ang boses na sinabing
" Ano ba tikya, batang 'to, malapit na akong mahubaran diyan sa ginagawa mo, at mamaya mo matalsikan ka ng mantika!", naiiritang saway nito sa akin..Ngunit di pa rin ako nagpadala sa galit niya,, nakakapit pa rin ako sa short na suot niya.
" Nanay Cora, si tikya o, nanggugulo rito sa akin", sumbong ni manang lucy sa madir ko. Napaka istrikta ng ina ko maraming bawal kasama na doon ang pagkain ng di pa oras ng pagkain at gusto niya ay sabay sabay ang lahat para walang maiwan at maubusan ng pagkain. "dapat ko bang ikwento ang nangyari? ngunit kasabay ng pagkukwento ko tungkol sa kamay ay ang pagtatapat rin ng pagkain ko ng isda ng wala pa sa oras ng hapunan..
" Oh my, di ko kayang maging honest ngayon at tiyak meron akong palong matitikman, ang lakas pa naman mamalo ng ina ko bigay todo pag humataw, parang namamaga ang pwet ko sa sakit pagkatapos ng palo session. Kung di nga lang ako naging mahina at bumigay sa tukso, disin sana'y walang palo o parusa, pero huli na para magsisi nagawa ko na ang kasalanan, paano ko na lang itatago at pagtatakpan ngayong papalapit na ang madir ko.
" Bitawan mo nga ang short ko, ano ka ba! magiging burles queen ako diyan sa ginagawa mo", reklamo ni manang lucy na tinanggal ang kamay kong nalakapit sa kanyang short. Nang matanggal ang aking kamay Sinipsip ko na lang ang hinlalaki kong daliri sa sobrang nerbyos habang nakatingin sa papalapit kong ina na may dalang pamalo na sanga ng puno ng bayabas.
" Halika nga! lapit ka sa akin!", galit na tawag ng ina ko habang sinisenyasan akong lumapit sa kanya.
" Bakit po?", painosente kong tanong.
" Anong bakit? ba't ginugulo mo si manang lucy mo?", tanong ng ina ko.
" Di naman e,", pangangatwiran ko. Animo'y gusto ko ng patigilin ang pag inog ng mundo o di kaya'y biglang mabiyak ang lupa upang ako'y kainin para di na ako makatikin ng palo mula sa ina ko.
" Ba't ganyan ang mukha mo? putlang putla na parang nakakita ng multo? ano'ng nangyari sa yo? ba't parang nanginginig ka?", sinalat ng ina ko ang leeg ko, "para ngang may sinat ka a." puna ng madir ko. Kaya imbes na palo ay nuyakap niya ako at binuhat, nitong huli ko lang naikwento ang pangyayaring ito na magpahangga ngayon ay tandang tanda ko at di malilimutan..