Chereads / * Mga Naiibang Kwento Ng Kababalaghan * / Chapter 3 - Chapter 3: *Amoy ng Tabako ng kapre*

Chapter 3 - Chapter 3: *Amoy ng Tabako ng kapre*

Isang gabi iyon kung saan ang bagong panganak kung ina ay nasa harap ng makina at nananahi ng maliliit na bestida para sa bagong silang naming kapatid na babae si anne..Kami namang magkakapatid ay nasa kabilang bahay, sa bahay ng aking tiyo na nakatatandang kapatid ng ina ko. Ako, ang ate kong si cecil, dalawang nakababata kong kapatid na lalaki na sina edwin ang sumunod sa akin, at junjun ang sumunod kay edwin.pati pinsan naming si manang lucy na nakikituloy sa amin habang nag aaral ng high school., Routine namin gabi gabi ang pakikinig ng drama sa radyo, kapag may radyo ka maski portable lang medyo nakakaangat ka na sa buhay ng panahong yon. Wala pang t.v. di pa uso noon, ewan ko ba kung bakit wala kaming radyo kung halos lahat ng kapitbahay namin e meron naman?. siguro nga sobrang hirap namin na maski radyo di afford ng magulang ko. Halos gabi gabi sinusundan namin ang kwentong rosa mystika, at pagkatapos ay magnon, na susundan ng mga gabi ng lagim.

" Nakakatakot ang mga higanteng daga

nangangain pala ng mga tao", ,sabi ko habang naglalakad kami pauwi sa bahay,obvious na obvious, feel na feel ko ang kwento sa radyo.

" Hala, hayan na sa likod mo!", bigla ay pananakot ng ate ko.

" Weee, wala naman eh!", medyo nagulat

.medyo napalingon ako pero dagli e narealize ko nanloloko lang ang ate ko, naisip ko padadaig ba ako sa takot o karuwagan? pahahalata ba ng ganon ganon lang.

" Ba't parang natakot ka?", ani ate ko.

" Di ah, nagulat lang ako konti", pagdadahilan ko,ano ako bale? ba't ko aaminin kung ako man ay takot?

" weee, kunwari ka pa eh," dagdag asar ng ate ko.

" Di nga eh," medyo pikon at mataas na tono ko, asar na talaga at pilit itinatago ang obvious na takot nga.

" Eh di ikaw na! ikaw na ang matapang", ani ate ko.

" Tama na yan, baka mamaya magkapikunan na naman kayo.", saway ni manang Lucy na karga si junjun ang higit dalawang taon kong kapatid na lalaki.

" yaiikksss," ani edwin,ang bilis ng takbo ng kapatid kong lalaki na apat na taong gulang.

Imbes na lalong nagkainisan ay tawanan kaming tatlo ng ate ko at ni manang Lucy sa nakitang reaksyon ng kapatid ko.. imbes na ako e siya ang napatakbo, kaya pagdating sa bahay ang lakas ng asaran.

." May duwag,may duwag sa ilalim ng tulay, napatakbo ang duwag sa sobrang takot sa ilalim ng tulay!", in the tune of may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay.

" Antagal nyo kasi maglakad, am babagal nyo", palusot nito.

" Wow, palusot ni obvious, di mo pwedeng ibenta yan, lumang palusot", ani ate ko sa kapatid ko.

" Weee, duwag ka talaga kamo, ayaw pang aminin e, pwede mo namang aminin secret lang! pramis wala kaming ibang pagsasabihan", dagdag kong pang asar..

" Di nga e, ang kukulit ninyo" , asar ng sabi nito.

" Eh ba't ka tumakbo", asar ng ate ko.

" Takot nga kasi", dagdag asar ko.

" Di nga ako takot", inis na ulit nito.

" Tama ma yan, ano ba yang pinag aawayan nyo ?", tanong ng nanay namin matapos buksan ang pinto na nagmamadali din nitong isinara. Parang balisa ang nanay namin na di ko mawari.. Sa edad kong anim na taon may mga bagay na talagang di ko maintindihan, lalong di ko rin naman balak intindihin kaya di ko na binibigyan ng pansin.

Kinabukasan maski di inamin ni edwin ay ipinagkalat ko pa rin sa mga kalaro ko sa buong asyenda ang nangyaring pagtakbo niya ng nakaraang gabi. Lakas ng tawa nila lalo naman ang mas nakatatandang pinag pasahan rin ng mga bata ng kwento. Sa edad kong anim di pa ako pumapasok sa school dahil required na pitong taon dapat ang grade one. Nagkinder ako pero di ipinagpatuloy dahil

binabantayan ko lang ang ina ko, kapag nawala siya sa paningin ko ay iyak ako agad as in sinasadya kong lakasan ang iyak ko, ayaw ng titser ko yon dahil naiistorbo ang klase namin at may isang bata na nakikigaya rin ng iyak kaya duet kami. Okey rin ang dami kong time maglaro dahil nasa bahay lang ako.

" Nakaramdam talaga ako ng takot kagabi", narinig kong kwento ng nanay ko sa kumare niyang si tiya Norma pag uwi ko mula sa paglalaro.

" Totoo mare? naamoy mo talaga na parang tabako na ini stock ng ilang taon?", paniniyak ni tiya Norma.

" Oo mare, kaya itinigil ko ang pananahi di ako tumitingin sa labas ng bintana at baka doon e may nakatayo, umakyat ako sa itaas at hinintay ko na lang hanggang makauwi ang mga bata mula sa pakikinig ng radyo", ayon ng nanay ko. Kristal kasi ang bintana namin kung saan may tinatawag nilang "berhas" at may mga tanim na nasa paso. Kami lang may ganoong bintana sa lugar namin at aminin ko magandang tingnan maaliwalas at maliwanag rin kung araw maski natatakpan ng mga bulaklak tulad ng white at pink rose dahil mahilig sa bulaklak ang ina ko lalo na ang rose at orchids at masasabi kong may green thumbs siya dahil magaganda at malulusog ang mga flowers niya.

" Naku, baka kapre yun mare? nagpapa ramdam at baka naiingayan sa tunog ng makina mo?", patanong na sabi ni tiya Norma.

" Hay naku mare, pareho tayo ng naisip kaya nga itinigil ko agad ang pananahi, ikinandado ang pinto at umakyat sa taas para padedehin si Anne. Bumaba lang ako ng marinig ko ang boses ng mga bata na nagtatakbuhan", agad na sang ayon ni madir.

" Pati pala sa yo nagpaparamdam ang kapre, kunsabagay nga kasi nag iisa lang sa banda rito ang bahay ninyo e", sabi ni tiya Norma.

" Oo nga mare, parang gusto ko na ngang maniwalang mayroon kapre dito sa atin na nakikipagkaibigan kay pareng Rap", ani madir ko.

" Ang lakas nga ng kwento tungkol diyan pati doon sa labasan sikat si pareng Rap e", sang ayon ni tiya Norma sa sinabi ni madir.

" Nakakatakot naman!", sambit ni madir.

" Ang alam ko sa mga yan, nakikipag kaibigan lang at wag lang daw saktan, kumbaga harmless naman sila, mapagbiro nga lang", payo ni tiya Norma.

" Ewan ko mare, isipin pa lang e kinikilabutan na ako, a bahala na, basta wag lang magpakita sa akin ng face to face at baka himatayin ako sa takot", sabi ni madir.