Chereads / * Mga Naiibang Kwento Ng Kababalaghan * / Chapter 2 - Chapter 2: Sampal ng kapre

Chapter 2 - Chapter 2: Sampal ng kapre

Kung si tiyo Rap ay gustong maging kaibigan ng kapre, kabaligtaran naman ang sa kanyang esposang si tiya Maring dahil ang naturang nilalang ay galit naman sa kanya. Tulad ng minsang nakatulugan na ni tiya Maring ang paghihintay sa pag uwi ng kanyang asawa mula sa maghapong pagtatrabaho sa tubuhan. inilipat ang kanilang bahay sa tabi ng balon, as in literal na inilipat,pinagtulungan ng kanilang mga kaibigan at kapitbahay na buhatin ang buong bahay tungo sa tabi ng lumang balon as in limang metro kwadrado ang pagitan ng kanilang bahay at lumang balon. Di ko alam ano ang dahilan ba't nila naisipang lumipat sa lugar na iyon. Lalong maraming kababalaghang naganap sa kanilang buhay. Tulad ng minsang siya ay naalimpungatan dahil sa pagtalsik ng tubig sa kanyang mukha basa na ang kanilang higaan na para bang sinasadya siyang wisikan ng tubig. Kapag binuksan ang bintana ng kanilang kwarto sa bahay kubo na iyon ay agad mong makikita ang kinaroroonan ng balon.

" Ano bang! sino ba itong luko luko kang diyan ka naligo sa malapit sa bahay namin pwede namang doon sa malayo.at talagang winisikan pa ako." nagbubusang turan ni tiya Maring. Medyo inis siya dahil naalimpungatan at pagod sa maghapong paglalabada, at nagmamadaling binuksan ang bintanang yari sa kahoy at nipa na nilalagyan ng tukod na putol na dos por dos na kahoy kapag binubuksan pagdating ng umaga.

" Tarantado kang bastos ka! alam mo bang tumitilamsik hanggang dito sa loob ng bahay namin ang tubig mo? pwede namang sa bandang malayo ka maligo!", galit na tungayaw ni tiya Maring sa kinaiinisan.

Walang sumagot ngunit batid niyang naroroon pa rin ang naturang tao dahil tumitilamsik pa rin ang tubig galing sa labas malapit sa balon. Nagmamadali niyang binuksan ang nipa na bintana gamit ang sariling kamay pantukod sa bintana upang silipin at makilala ang bastos na kapitbahay niya. Pagsilip niya ay walang tao pero naroon pa rin ang tilamsik.

" Ano ba to?", dagli siyang natigilan at nakaramdam ng di maipaliwanag na kaba ng wala siyang makitang tao.Biglang lumukob ang di maipaliwanag na nerbiyos sa buo niyang pagkatao. Di pa man siya nakakabawi sa pagkabigla nang biglang lumagapak ang buong bintana sa kanyang mukha, na para bang sinadya siyang bagsakan at patamaan, kung tutuusin ay hawak niya ang naturang bintana.

" Ano yan ma?, tanong ng kanyang anak na babae.

" Aray!", hawak pa rin ni tiya Maring ang nasapol at nasaktan niyang mukha. plakdang plakda sa kanyang buong face ang bumagsak na bintana, maski nipa pero syempre matigas na kahoy pa rin ang kinakabitan nito.nabigla siya sa pagbagsak ng bintana aminado siyang di niya napaghandaan.

" Anong nangyari sa yo ma?", muling tanong ng nagtatakang si Enah.

" Bumagsak ang bintana sa mukha ko" sabi ni tiya Maring.,

" Hay naku, ang tanga ni mama! hawak na ang bintana e,nabagsakan pa rin", komento ng dalagita.

" E sa parang sinadya akong patamaan e di ko man lang akalain kaya di ko naiwasan!", sabi ni tiya Maring.

" Yannnn, kasi gabi na, nagagalit ka pa", ani Enah sa ina.

" Siyempre naman nak, natitilamsikan ako e, tingnan mo tong unan ko basa na", ani tiya Maring. hinipo ang parteng basa ng unan.

" Oo nga ma no? basa nga!", sang ayon ni Enah matapos makihipo sa basang bahagi ng unan na siyang itinuro ng ina.

" pasensiya na pero sana wag rin naman kayong mamerwisyo dito sa amin, pakiusap lang kung pwede", sambit ni tiya Maring, wala na ang tapang kanina bagkus ay nakikiusap na siya.

" Sino kausap mo ma? para kang baliw nakikipag usap sa kawalan", pang aasar nito sa ina.

" Sssh! wag ng mang asar at nasaktan na nga ako ", saway nito sa anak.

" Bakit ma, kailangan bang kausapin mo sila? mamaya mo sumagot sa yo, tingnan ko lang kung di ka kumaripas ng takbo! basta ako pinangungunahan kita tatakbo ako ha!...", anito sa ina.

" Dapat lang na kausapin sila dahil tulad natin nakakaintindi din yang mga yan, dapat nilang malaman di rin maganda ang ginagawa nila kung biro man", ani tiya Maring.

" Nakakatakot ka ma, para ka na rin si papa nagpapaniwala sa kung anu ano",ani Enah.

" Hay naku,tumigil ka,hindi rin maganda nangyari sa akin naalimpungatan na ako nabagsakan pa ako ng bintana sigurado bukas mamamaga tong mukha ko",,ani tya Maring.

" Ewan ko nga sa yo ma,mamaya mo lalo pa magalit ang mga yan sa pakikinig sa mga sinasabi mo." warning nito sa ina.

" Pasensiya ka na kung medyo makulit tong anak ko, " ani tiya Maring, nagsusumbong sa kawalan, desididong makipagmabutihan sa nilalang na di naman nagpapakita sa kanya.

Isa yon sa mga karanasan ni tiya Maring na di rin niya malimutan.Nawala man ang pamamaga ng kanyang mukha dahil sa pagkakahampas ng bintana pagkalipas ng dalawang linggo ngunit di niya nakalimutan ang naturang insidente at paulit ulit niyang ikinukwento sa mga kaibigan at kakilala nilang mag asawa.

Ang kanyang asawang si tiyo Rap ay tawa ng tawa ng marinig ang kwento.

" Aray, kakainis ka talaga, kita na at namaga ang mukha ko e,pagtatawanan pa ako", inisna tampo nito sa asawa.

" O sige, di na ako tatawa, " ani tyo Rap ng makita ang makamatay na tingin at irap ng asawa. pilit itinatago ang pagtawa ngunit paminsan minsan ay napapangiti parin tuwing titingnan ang namumulang mukha ng asawa.

" Ano ba?", nanlalaki ang mata pati butas ng ilong ng saway ni tya Maring.

" Di na nga", pigil ang ngisi na sabi ni tiyo Rap.

Si tiyo Rap naman ay paulit ulit nagpapapansin sa kanya ang kapre, yung habang naghahapunan ay bigla siyang makakaamoy ng upos ng tabako na parang ini stock ng matagal sa isang saradong kwarto na sobrang tapang ng amoy. minsan naman ay naglalakad siya sa gabi ay biglang may malaking anino na sasabay sa kanyang paglalakad..kakatwa dahil naging dalawa ang aninong kasabay niya habang naglalakad.

" Di ba friend tayo? wala namang takutan! alam mo namang nerbiyoso ako kung minsan", malakas na sambit ni tyo Rap. pinipigil ang sarili mapatakbo sa sobrang takot...

Mabuti naman at walang sumasagot dahil paano kaya magrereak si tyo Rap kung may sumagot.