Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 17 - Chapter 17: Knoa

Chapter 17 - Chapter 17: Knoa

Dumating ang mag-ama, hapon na. Nasa sofa akong nagbabasa ng article nang bigla akong salubingin ng yakap ni Knoa.

"Oh Knoa!. How's park?." tanong ko. Hindi nya iyon pinansin at lalo lamang nitong isiniksik sa tyan ko ang mukha nya. Saka naman pumasok si Jaden na nag-aalala ang itsura.

"Anong nangyari?." I mouthed it to him. He just eyed me and whispered too that later on, I'll tell you. Kinindatan ko sya saka naman sya nagtungo sa kusina para raw silipin kung anong dinner mamaya.

"Hindi ka raw kumain?." maya ay lumabas sya ng kusina. Hawak ang isang puting towel sa kanang kamay. Suot ang apron at sa kaliwang kamay naman ang sandok. Is he cooking?

Ano sa tingin mo Bamby?. Malamang dahil sa hawak at suot nya. Tsk!.

Aba malay ko ba.

"Kumain ako." giit ko naman. Binuhat ko si Knoa. Dinala sa lap at doon sya niyakap ng mahigpit.

"Pero hindi naubos?. What do you want to eat later?. I'll cook."

"I want some grilled broccoli with beef." umungol si Knoa sa ilalim ko kaya tinanong ko rin ito. "Spaghetti." bulong nya ng mahina.

"And spaghetti for little Knoa." masaya kong dagdag.

"At your service, Ma'am/sir." sumaludo ito sa akin bago bumalik sa kusina. Hinayaan ko din muna na wag tanungin ang bata sa kanyang problema. Baka kasi mas lalo lang syang hindi makausap mamaya kapag tinanong ko pa.

May ugali kasi itong hindi makausap ng matino kapag may ayaw. Siguro, napagalitan sya ng kanyang o mas malala pa doon. Kapag ako kasi kasama nya, lahat ng gusto nya, hinahayaan ko lang. Pero kapag nakikita kong sumobra na sya sa gusto nya ay tama na. Pero si Jaden naman, oo malambing sya, higit pa sa mapagbigay subalit hindi iyon lalagpas pa sa sobra. Laging mag limitasyon. Nagpabili siguro sya ng ice cream e ayaw ni Jaden ang bigyan ito lalo na pag pawisan. Di ko nga alam e. Ayaw nyang ispoildin pero may oras din naman na ultimo hindi hinihingi ay binibigay nya.

"Mommy.." ilang saglit lang ay nagsalita sya. Bahagya pa akong nagulat dahil ang alam ko, tuluyan na itong nakatulog. Hindi pala.

"Yes, baby?." binitawan ko ang hawak na papel saka sya muling niyakap.

"Why is Daddy so scary?."

Ayun! Tama nga ang hinala ko. Dahil sa kanyang ama, kaya hindi maipinta ang kanyang mukha. Ano kayang ginawa nya?.

Hindi ko alam ang isasagot. Para kasing kapag may sabihin ako ay iiyak na sya. Hindi na naman makakakain ito kung ganun.

"Pinalo nya po ako." anya na talaga nga namang may luha na sa kanyang pisngi. Tapos hayun, humagulgol na ng tuluyan.

"Bakit ka naman pinalo?. Ano bang ginawa mo?."

Mahabang iyakan muna ang namutawi sa buong bahay bago nya ako sinagot. Sumilip pa nga si Jaden mula kusina. I pointed him. Inilingan nya naman ako tapos tinanguan ko nalang sya para paalisin. Sinasabing, ako ng bahala sa kanya.

"Someone bullied me po."

Nagulat ako. Hindi makapaniwala sa narinig. May ganun din pala dito?.

"Really?. Tapos?."

"I kick that someone who bullied me po."

"You kicked him?." hindi na naman ako makapaniwala sa sinabi nya.

Anak ko ba talaga to?. Bat ang siga?!

"Yes po then that boy cried. Nagsumbong sa Mama nya."

"Oh?. What about your Daddy?. Anong ginawa nya?."

"Pinalo nya po ako." naluluha na naman nitong sumbong. Gusto ko sanang matawa sa haba ng kanyang nguso subalit matindi ko iyong pinigilan. "I don't get bat nya po ako pinalo. Imbes. Imbes yung bata po sana paluin nya, ako pa."

Kinagat ko ang mga labi. Ang cute lang nya! Wa! Mahal naman kasi, bat mo pinalo baby natin?.

"You know what. I think, Daddy did that because he wants to protect you."

"He's not." mabilis nitong pag-alma.

"He is. Look. Kung hindi ka nya pinalo, what do you think will that boy do to you?. Might your Daddy will fight to his Mother or worst than that. Kaya wag nang magtampo sa Daddy ha?." umiling sya sa may bandang dibdib ko. "Maybe he wanted to teach you a lesson."

"By how Mom?. By hurting me?."

"Nope! Of course not!." agap ko. "Hear me. Diba someone bullied you. Then you got triggered and pay that boy back. Then what happened?. Pinalo ka nya because?." I asked him but he's just silent. I continued. "Because you hit that boy."

"I should Mom. He bullied me eh."

"it shouldn't baby. Mali man yung someone who bullied you but you have your mistake too. You kick the boy and that's your biggest mistake."

"What should I do then Mom?. He hurt me."

"You should ignore him."

"I did but he is so consistent on fooling around me."

Nakamot ko ang sariling ulo. "Still baby. It's okay. You're still young to understand what is wrong and right but you should know that, it's better to not to hurt someone who's hurting you because time will come, they'll see that their act is wrong."

"Ganun po ba iyon?."

"Yes. As long as you can baby."

"How about Daddy?. Is it one day he'll know that he hurt me too?."

"Hahahaha.." tuloy, di ko na napagilan ang matawa. "Jaden!. Pumunta ka nga dito. Kausapin mo nga anak mo." natatawa kong tawag dito.

Natatawa ding lumabas si Jaden mula kusina. Si Knoa naman ay lalong itinago sa katawan ko ang mukha nya.

"Why is that Mommy?." pilyo din nitong tanong sakin.

"Your Knoa is nagtatampo sa'yo. Bakit mo kasi sya pinalo?."

"Because I want him to know that he don't need to revenge on that boy. He don't need to be like that boy because that's a bad habit."

Duon naman bumangon mula sa akin ang bata. Nilingon nito si Jaden. "I want you to know that what you did earlier is bad and I hate to see you grow like that."

Ngumuso sya't nangingilid na naman ang luha. "Sorry Daddy." umaatungal na nitong sambit. Itinaas ang kamay. Nagpapabuhat sa ama.

Natulala ako. Hindi ko aakalain na ganun sya kabilis humingi ng tawad sa ama. Alam ko naman na bata pa sya, mahirap umintindi ng salita subalit laking gulat ko dahil mabilis nya itong naiintindihan. Binuhat sya ni Jaden at niyakap. Doon sya sa balikat ng ama umiyak ng umiyak. Puro kindat lang din ang ginagawa sakin ni Jaden.

Mahirap kasing kunsintihin ito. Habang bata pa, dapat kailangan na nating disiplinahin ang mga anak natin para lumaki silang may galang sa kahit na sino. Hindi madaling humusga at malawak ang pag-iintindi sa kapwa.