Dollar's POV
Tama ba ang lugar na napuntahan ko? Bakit sinibulan ng perya ang University namin?
Hanep! Dalawang araw lang akong hindi pumasok dahil natuloy sa lagnat ang sakit ng ulo ko pagkatapos akong ihatid ni Rion pero nag-transform na agad ang school na 'to. Kung hindi ko nakita ang mga kaklase ko ay iisipin kong naliligaw ako. Mga naka-halloween costume ang mga schoolmates ko. Ang daming booth na pang-halloween ang theme. October 28 nga pala ngayon at ilang araw na lang ay November na.
Naglakad-lakad ako sa mataong quadrangle ng school. Kung ganoon wala palang klase? At ito ang bunga ng meeting noong isang isang araw? At kabukod-tangi akong naka-school uniform? Kaya pala pinalagpas ako ng guard kahit hindi ko suot ang vest ko.
"Bulaga!"
Hmp! Inirapan ko lang ang lalakeng nanggulat sa 'kin. Sinong matatakot sa trying-hard-vampire costume mo sa tapat ng tanghali!
Hay! Mas gusto ko pang umuwi! Kasi nga hindi ako masyadong mahilig sa mga activity ng school. Pero malapit na 'ko sa gate nang may makita akong pamilyar na mukha.
"Shawarma!"
Nilapitan ko siya sa booth kung saan naka-pwesto ang mga SSC officers na siyang organizers ng activity na 'to. Hmn, hindi ko alam ang character na ginagaya niya. Nakasuot siya ng white dress na may mga stain ng dugo at ang accessory nya sa buhok ay kunwaring kutsilyo.
Bwahaha! Less effort siyang mag-project dahil natural ng seryoso ang mukha niya. Katawkot!
"Shawarma! Ganda ng outfit mo ah! Sinong groom ang umindyan sa 'yo?" biro ko sa kanya at naki-upo ako sa tabi niya.
Syempre, hindi talaga si Shawarma ang pakay ko. Pangalawa lang na gusto ko syang kulitin, ang unang dahilan? Clue: U.P. ang initials niya. Hehehe!
"Ikaw sinong character ang ginagaya mo?" she snapped.
"Ahmn, wala. I'm a lost soul, hindi ko kasi alam na may ganito pala. Uy, penge ha." Nakikuha ako ng mineral water na para sa mga officers. Kanina pa 'ko lumilinga pero hindi ko pa din makita si Rion.
"Ano bang meron ha, Shaw?"
"Baka birthday mo!"
"Sus, ikaw talaga, lage ka na lang nag-jo-joke,hahaha!"
"Huwag ka ditong manggulo, Viscos, bakit hindi ka sumali doon sa mga taong nagfa-fire dance?"
" 'Yoko. Baka magalit si Unsmiling Prince, it's not good for me daw, 'yoko siyang bigyan ng sakit ng ulo, baka hindi na matuloy ang panliligaw niya sa 'kin."
"Tss! What a spirit! Hindi dahil nag-dinner kayo ay nililigawan ka na niya. So naïve." she rolled her eyes.
"Ikaw talaga, di na mabiro. Pero nafi-feel ko na doon din naman ang punta niya, naliligaw pa lang siya ng landas. Pero teka, bakit mo alam na nag-dinner kami kagabi? Sabi ko na nga ba, bodyguard ka niya."
"I saw you two. At pwede ba na umalis ka na dito, I'm doing something important!"
"Mamaya na, bespren. Papag-meryendahin mo muna 'ko."
"Here."
Inabot niya sa'kin ang box ng pizza at coke in can na para sa mga officers. May tinatago talaga siyang kabaitan sa katawan.
"Pero mamaya na 'ko aalis, bespren. Nakakahilo sa labas, daming kaluluwang ligaw."
"Ugh!Get lost, Viscos!"
"Huwag ka na mang magalit, corpse bride. Aalis naman ako, just give me time."
Kainis, hindi pa dumadating si SSC President. Dito ang pwesto nila, nasaan na kaya 'yon?
"Here, take this! Maglaro ka sa lahat ng booth!"
Inabot niya sa'kin ang isang pouch ng tokens. Wow! Ayos talaga 'to. Pagkain at tokens. Ang dami na naming magagawa ng makakasama ko buong araw!
"Now, get lost!" sigaw ni Shamari.
"E-eh ma-ma-ya-na." bulong ko sa kanya, katakot siya, ang ibang officers ay lumayo na sa'min.
Nakita ko siyang huminga nang malalim at nag-cross legs. Balik siya sa pagiging Miss Composure.
"Nasa BusinessEd Bldg. si Rion, may inaasikaso doon."
Nilingon ko bigla si Shamari na seryoso pa din ang mukha. My eyes sparkled with glee!
"Waaaaah, Shamari, you're a true friend!" at bigla ko siyang niyakap.
"Ugh! Bitiwan mo nga ako! Hindi ako makahinga!"
"Thank you!" inalog-alog ko pa ang balikat nya.
"Get lost, Viscos! Sinabi ko lang 'yon para hindi ka dito manggulo. Now go away!"
"Salamat prend ! Hayaan mo paliligawan kita kay Zilv! Byiiieeee!!!"
^^^^^^^^
Moi's POV
"Stop that Moises! Before I knock the hell out of you!" sigaw ni Rion na iwas ng iwas habang tinututok ko ang camera ko.
Tae! Ang daming kaartehan sa katawan netong si Rion.
"Tatlong pose lang, Rion madali lang 'yon. Parang kagat lang ng langgam." At tinutok ulit ang camera sa kanya pero tinakluban lang niya ng kamay.
"You look gay, Moi!" yamot na sabi ni Rion.
Iyon na nga ang iniisip ko!'Takte naman kasi! Napa-kompromiso pa 'ko kay Dollar. Matindi pa namang mag-tantrums ang tisay na yun. Batok na naman ang aabutin ko.
"Stop it. I'll give my pictures to her, matigil ka lang." He said on his usual serious tone.
"Ok, siguruhin mo lang."
Solved! Hindi naman magsasabi si Rion kung hindi niya kayang tuparin. Hindi na lang muna ako magpapakita kay Dollar. Tinapik ko si Zilv na natutulog sa ibabaw ng mga pinagtabi-tabing armchairs.
"Zilvestrio!"
Isa pa tong lalakeng 'to! Parang mantika kung matulog! Nakita ko si Rion na lumapit sa pinto at nakiramdam sa labas ng room na kinaroroonan namin.
"Zilv!" tawag ko pa rin sa kanya.
Ayaw talaga! Nasa lalala-land pa din. Tinutok ko ang camera ko sa natutulog na si Zilv. *Grin
*Click*Click*Click Ayos to, ibebenta ko to sa mga fans ni Zilv! Magakakapera pa 'ko.
"Wake him up, Moi. Kailangan ko pang bumalik sa event." naiinip na sabi ni Rion, nakalapit na sa tabi namin ni Zilv.
"Ayaw eh."
Rion sighed impatiently at mas lumapit sa natutulog na si Zilv at walang babalang sinuntok si Zilv sa panga.
Aaaaww! Ang bayolente talaga netong si Rion pagdating kay Zilv.
"Whatthefu*k!" si Zilv na naalimpungatan.
"Haul your ass up here, Zilv! We're talking about something important here."
"Yeah, yeah, yeah. Tapos na ba kayo sa pictorial ninyo?"
Ngumiti naman ako kay Zilv at tinaas ang camera. Hindi niya alam na siya ang naging modelo ko imbes na si Rion.
"So, nasaan na nga ba tayo? About the new group formed by syndicates na papatay satin?" napasipol ako. "Cool, may mga assassin na tayo. It will be fun!"
The two gave me dagger looks. Ganyan sila kaseryoso pagdating sa trabaho namin. Walang lugar ang pagbibiro.Kaya nga mas gwapo ako kesa sa kanila, I always smile to life.
"I suggest we need to change our tactics, hindi tayo lalakad nang magkakasama." Si Rion.
Tumango-tango lang kami sa mga sinasabi ni Rion, sa aming tatlo, si Rion talaga ang pinaka-leader at gumagawa ng plano. Wala kaming reklamo doon ni Zilv dahil hindi pa kahit kelan pumalya ang mga ideya niya. It's like he was really born to this kind of life.
Mayamaya ay napatigil kami nang makarinig kami ng boses sa labas malapit sa hallway. We are well trained kaya madali lang naming marinig kahit konting tunog lang. Someone's coming. And the sound become clearer, "Yoooohoooo, Unsmiling Prince!"
Si Dollar.
Mas lumapit ang mga yabag at tumapat mismo sa pinto. Sumenyas si Rion na wag kaming maingay at lumabas siya sa room na 'yon.
Nilingon ko naman si Zilv sa tabi ko. Gusto kong malaman kung ano ang reaksyon niya sa kakulitan ni Dollar sa paghabul-habol kay Rion. Seryoso siya, hindi ko alam ang iniisip niya. Well, ano pa nga ba?
Zilv and Rion will never let anyone know about their feelings. Poker face sila lage. Kaya nga natatakot ako sa kanila minsan, hindi ko alam na sa simpleng titig nila ay gusto na pala 'kong batukan. Nalalaman ko na lang kapag nararamdaman kong sumakit ang batok ko. Tss! Kaya nga mas gwapo 'ko sa kanila.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" sita sa'kin ni Zilv.
"Wala naman, brod, napatunayan ko lang na...mas gwapo nga ako kesa sa inyo. Bwahahaha!!"
Hindi naman siya nag-react sa sinabi ko pero mayamaya eh nanakit ang batok ko. Tss! Another batok!
^^^^^^^^
Rion's POV
"What?" tinungo ko ang babaeng nasa harap ko. She's grinning.
Dalawang araw ko din siyang hindi nakita. Absent yata.
"Happy Halloween, Unsmiling Prince!"
Napailing na lang ako. She's so childish and... cute.
Mas lalo akong napailing at nagsimula na 'kong maglakad pabalik sa event. I'm sure Shamari's starting to become frantic. Matalino siya at magaling na Vice President pero hindi siya sanay makiharap sa mga tao. Well, she can face people pero hindi lahat ng uri ng tao, lumalabas lage ang pagiging mataray.
"Uy, sandali!"
"Happy Halloween to you too in advance, Dollar. Excuse me. Kailangan kong bumalik sa event."
"Oy, teka!"
Umagapay siya sa paglalakad. I'm expecting that. Kahit kelan naman ay hindi ko siya mapipigilan ng ganoon lang. Tss!
"Iiwasan mo na naman ba 'ko ha? Tsk! Niyaya-yaya mo pa 'kong mag-dinner noong isang isang araw tapos iiwasan mo na naman ako, pinapa-excite mo lang ako ah."
"It's not that. Busy lang talaga 'ko."
I saw in the corner of my eyes that she pouts her lips. I let out a deep sigh. The baby doll is starting to have her tantrums.
"Pinapaasa mo lang ako, sana hindi mo na lang akong niyayang mag-dinner, umasa lang ako, nangarap, nanaginip para sa 'ting dalawa. Anong sunod mong gagawin, iiwasan ako ng bonggang-bongga? Iindyanin ako sa mga magiging date natin, iindyanin ako sa altar, and I will end up alone and so...broken. Magpapatiwakal ako and I will be like...Shamari? The corpse bride? Teka!"
"What are you saying?"
"Ha? Ano nga bang sinabi ko? Hahaha!"
How could this girl talk that long? Na parang hindi humihinga? I always caught myself surprised by her tirade.
"Joke lang 'yon, so? Ano? Tara, try natin lahat ng rides! May tokens ako. May dala din akong pagkain. Courtesy lahat ni Shawarma!" she yelled happily.
That's an invitation.
"Why are you always like that? Bakit hindi mo hintaying lalake ang magyaya sa 'yo?"
I pushed the elevator buttons at pinauna siyang makapasok.
"Ha? Ahmn... Ok." Natahimik naman siya.
And suddenly, I felt uncomfortable. Parang hindi ako sanay na tahimik siya pag magkasama kami.
"What?" lingon ko sa kanya.
"Anong what ka dyan? Ano na? Yayain mo na 'ko!"
"Tss! I'm talking in general, Dollar, hindi ko tinutukoy ang sarili ko na hintayin mong magyaya sa 'yo."
"So, ang ibig mong sabihin ay hihintayin ko na ang lalake ang magyaya sa 'kin? Asus, wala naman akong kilalang lalake, ikaw lang ang lalakeng nakikita ng mga mata ko, ikaw lang ang lalake para sa 'kin, at ikaw lang ang lalakeng gusto kong magyaya sa'kin!"
Woah! I'ts not everyday that a girl will say those things to you. Hindi talaga marunong magpakipot ang babaeng 'to kahit kelan.
"So? Ano? I'm waiting, Rion."
She crossed her arms over her chest at sumandal pa sa wall ng elevator.
"As I said a while ago, I. Am. So. Busy."
Then came her pouts. Parang batang hindi naibigay ang gusto kaya nagtampo. Parang ganoon din ang reaction niya nang i-delete ko ang picture ko sa phone niya dati.
"Sige na nga, ayoko namang maabala ka. At least, kinausap mo pa din ako. Sige ingat ka ha, wag kang magpakapagod." At dire-diretso siyang lumabas nang tumigil ang elevator sa ground floor.
I stopped myself from following her. Hindi 'yun tampu-tampuhan lang. I heard true sadness in her voice.
I let out another deep sigh. Mahaba pa ang araw.
I walked to the officer's booth and keep myself busy for the following hours...
^^^^^^^^
Dollar's POV
Alas-seis na. At marami pa ding mga estudyante. Hanggang gabi yata ang Halloween festival na 'to.
Umupo ako sa nakita kong bench sa tapat ng ferris wheel. Nangalay na 'ko sa kalalakad kanina pa. Ang ganda ng paligid. Mas lumutang ang kagandahan ng pagkaka-ayos sa quadrangle ngayong gabi dahil sa mga neon lights. Ang galing talaga ng SSC para magawang ganito kaganda ang buong lugar. May mga horror house din na talagang nakakatakot sa labas pa lang. At 'yon ang mga hindi ko sinubukang mapasok. Katakot eh.
Mag-isa lang ako. Kaya inubos ko na lang ang mga tokens na binigay sa 'kin ni Shamari sa paglalaro ng kung anu-ano.
"Kamusta ka na'hija?"
"Waaaah?!" Napaurong ako sa pagkaka-upo nang malingunan ko ang isang tikbalang.
Tikbalang? Tae! Nasa ilalim nga pala 'ko ng puno. Hinubad ng kung sinumang 'tikbalang na 'to ang mask niya at nakilala ko si... Lolo. Si Lolo Buko.
Nakakalimutan ko lageng tanungin ang pangalan niya kapag nagkukuwentuhan kami kaya Lolo Buko na lang ang tawag ko sa kanya.
"Grabe naman kayo, Lo, muntik ko na kayong masapak. Buti nahalata kong japeyk kayong tikbalang. Kumo-costume kayo dyan ha, daig nyo pa 'ko, hehehe!"
Tumawa lang siya at ipinaypay niya ang hawak na mask.
"Lo, bakit nga pala kayo nandito? Bawal kaya ang outsider, isumbong ko kayo kay Rion, sungit pa naman non, sige kayo."
"Yung crush mo?" tanong niya.
"Yap. Pero wag na nga lang, busy pa siya. Ano na lang ang ginagawa niyo dito, Lolo Buko?"
"Nandito ang mga apo ko. Gusto ko lang silang makita."
"Talaga? Sino sila? Siguro mababaet din sila katulad ninyo no?"
"Hahaha, hindi rin , hija, masungit 'yong isa." At nginitian niya ko nang makahulugan.
Napatango-tango na lang ako. "Masungit din? Parang si Rion lang ah. Ay Lo, kain nga pala kayo ng pizza, bigay 'to ni Shamari!"
"Shamari?"
"Opo, yung bespren ko."
Inabot ko sa kanya ang box ng pizza at sabay kaming kumain.
"Bestfriend ka ni Shamari?" nagtatakang tanong niya.
"Opo, Lo. Pero ayaw niya yata, hehehe!"
"Ikaw talagang bata ka. Salamat sa pizza,hija. Kailangan ko ng umuwi."
"Eh, Lo, gabi na baka madapa kayo sa daan, gusto ninyo, ihatid ko kayo?"
"Hindi na, mag-enjoy ka na lang dito, kaya ko na ang sarili ko."
Nginitian niya 'ko.
"Sigurado kayo?"
"Oo, malapit lang ang bahay namin. Iniimbitahan kita hija na pumunta sa bahay namin sa Sabado."
"Bakit, Lo, anong meron?"
"Para mag-merienda?"
"Sige Lo! Merienda lang pala! Go ako dyan !"
Hinatid ko siya hanggang gate ng University at nagpaalam ulit kami sa isa't isa.
Ang gaan talaga ng pakiramdam ko kay Lolo Buko. Ngayon lang ako nagkaroon ng grandparent figure. Hindi kasi ako malapit sa Lolo't Lola ko sa magkabilang side ng mga magulang ko, hindi ko na nga alam kung nasaan sila. Kapag dinadalaw ko sila noong bata pa 'ko, ramdam ko na parang galit sila sa 'kin. Kaya minsan pinipilit pa 'ko ni Uncle na bumisita sa kanila kapag may mga okasyon. At ramdam ko din naman na magiliw sa 'kin si Lolo Buko. Kahit kung minsan ay namimisteryuhan ako sa pagngiti-ngiti niya. Lumingon sa 'kin si Lolo at winagayway pa ang suot niya kaninang mask.
Napangiti ako. Si Lolo Buko talaga.
Babalik sana 'ko sa pagkakaupo sa bench pero may naka-una na yata sa'kin. Ang daming nakalagay na pagkain. May cotton candy, may pizza, hamburger, candies, chicken, softdrinks, etc.
At sa dulo ng bench ay naka-upo si.... Yakumo ng Psychic Detective. Este si Unsmiling Prince pala. Iyon kasi ang ginagaya niyang character. Simpleng white T-shirt lang, jeans at naka-contact lens na pula ang isa niyang mata. Dinaig niya pa si Yakumo sa pagiging sobrang cool. So simple yet so... Hmp! Huwag na nga, makauwi na lang.
"Powerpuff."
Napalingon ako agad sa kanya.
"Oy, ba't ba lage mo na lang akong tinatawag ng powerpuff ha!?"sita ko sa kanya.
"It's my endearment to you. Now, sit here and let's eat."
Tss! Ende-endearment pa 'to. At ano daw? Sit? Eat? Teka... Invitation ba 'yon?
"Iniimbitahan mo ba 'kong samahan kang kumain?" tanong ko sa kanya.
"Yes."
"Talaga?!"
"Oo nga."
"Weh?"
"Kulit mo. Umupo ka na bago pa magbago ang isip ko."
Hindi pa siya natatapos magsalita ay nakaupo na 'ko sa kabilang dulo. Ang daming pagkain kaya ang layo ko sa kanya. Haist ! Sayang, abot-kamay ko na sana. (O_^)
Tinikman ko lahat ng dala niyang pagkain, ang totoo, ako lang naman talaga ang kumakain, umiinom lang siya ng coffee sa paper cup. Subuan ko kaya siya? Hehehehe! Sobrang kalandian na naman iyon. Okay na ang moment na 'to. Bawing-bawi na naman tayo! Sa ilalim ng puno, medyo malayo sa mga tao. Medyo madilim. Medyo malamok, pero ok lang ! Ok lang ! Dahil magkasama kami ngayon. Naman o! Padalawang beses na 'to! Saya!
"May gusto ka pa bang kainin?" nilingon niya 'ko.
"Ah wala naman, busog ako, hehehe! Kulang lang ng fireworks."
"You eat fireworks?"
"Uy, si Unsmiling Prince, nagjo-joke, bwahahaha!"
"Crazy."
Nilabas niya ang cellphone niya at may tinawagan na kung sino. Ewan ko kung ano ang pinag-usapan nila, busy ako sa paglantak sa cotton candy.
"Powerpuff." Tawag niya sa'kin.
"Baket?"
"Look at the sky."
"Baket? Mamaya na, busy pa 'ko dito, buti sana kung mukha mo ang makikita ko sa langit." *Pout lips
"Just look, okay?"
Sinunod ko naman siya at sakto namang...
"Rion, fireworks o! May fireworks!"
"Silly, of course I know."
Wow! Ang daming fireworks sa langit. Iba't ibang kulay. Gusto kong pumalakpak sa saya. Syempre, mababaw lang ang kaligayahan ko at hindi naman araw-araw na nakakakita ng ganito. At ngayon pa.
In this perfect place, in this perfect circumstance and with this man. My Unsmiling Prince... Nilingon ko siya at nakita ko siyang... nakangiti?
Pero guni-guni ko lang yata iyon, bigla kasi siyang tumungo at niligpit ang mga pinagkainan namin.
"Rion... ngumiti ka ba?" Pabulong kong tanong sa kanya na parang napakalaking sikreto niyon.
"No. I cried."
"Pilosopo mo. Ngumiti ka eh, uy, ngumiti siya. Ngumiti si Unsmiling Prince! Or shall I call you Smiling Prince. Hehehe!"
"I did not."
"Ngumiti ka kaya. Yehey! Magbunyi!"
"Crazy powerpuff. C'mon."
"Saan?"
"Rehabilitation Center."
Sumunod ako sa paglalakad niya. "Hindi mo kailangang ipa-rehab ang sarili mo dahil ngumiti ka lang ng isang beses no. Ahahaha!"
"Ikaw ang ipapa-rehab ko."
"Okay, ok lang sa 'kin na mapa-rehab, sa puso mo nga lang, promise hindi na 'ko gagaling!"
"Corny. C'mon." at hinila niya ang kamay ko.
Oh my heart!
Kung lage niya 'kong hahawakan ng ganito, siguro magpapadala 'ko sa kanya kahit sa kinatatakutan kong horror house, sa kweba, sa haunted house at kahit saang lugar na nakakatakot. *Grin and dreamy eyes. But wait.... indeed, sa horror house nga kami papunta?! Parang gusto kong mag-CR saglit.
"Why? Bakit ka tumigil?"
"Ba-bakit dyan?" tanong ko sa kanya. Tumigil kami sa pinaka-entrance ng horror house.
"Natatakot ka?" he teased.
"Oy, hindi ah!" Exaggerated akong umiling.
"Really? Tara na."
"Hindi ako takot pero mas maganda sana kung mag-carousel na lang tayo."
"That's so childish. And do you wanna see me smile?"
"Oo, yes! Ngiti ka ulit, Unsmiling Prince!"
"Tara sa loob, doon ako ngingiti."
"Why? Yung mga na-ka-ka-ta-kot na creatures na 'yun ang nakakapagpangiti sa'yo? Why?! Mas maganda naman ako sa kanila ah!"
"Okay, hintayin mo na lang ako dito."
At dire-diretso siyang pumasok.
"Oy, teka lang!" Hinabol ko siya at humawak ako sa laylayan ng T-shirt niya.
Tek! Kung anu-ano ang nasa loob. Maze 'ata 'to. Ang dami-daming pasikut-sikot.
Si Rion, parang namamasyal lang sa park, nakapamulsa pa. Tumitindig ang mga balahibo ko kapag naririnig ko ang mga creepy sounds sa mga ani-anito dito. May mga usok-usok pa. May biglang mga sumusulpot na white lady. Pero kailangan ko lang tumingin sa kasama ko at mawawala na ang takot ko. Talented talaga 'ko, natatakot na nga, lumalandi pa.
Liko lang kami ng liko. Ewan ko kung alam talaga ni Rion ang way. Umiikot lang yata kami. Pero okay lang, ka-enjoy naman kapag siya ang katabi ko. Mayamaya ay nakarinig kami ng sigaw ng grupo ng mga babae at pagkatapos ay malakas na lagabog.
"Wait me here." Sabi sa'kin ni Rion at saka sinundan ang mga sigaw.
"Oy, teka!" gusto ko sana siyang habulin pero hindi ko na siya makita.
Ayoko naman siyang sundan dahil baka magkaligaw-ligaw pa 'ko.
Oh my! Hanung gagawin ko?!
Isa pa 'tong mga rebultong 'to! Pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. Umupo na lang ako sa gitna ng daanan. Ayoko sa gilid, kung anu-ano kasing lumalabas. Naghintay ako ng ilang minuto.
Alam ko, babalikan ako ni Rion.
Mga sampung minuto na yata ako nakaupo. Pero dahil alam kong babalikan ako ni Unsmiling now Smiling Prince, at dahil malakas din ang pananampalataya ko sa ngalan ng mga multo-wannabe na malapit ko ng umbagan, ay naghintay pa ulit ako ng limang minuto.
Gusto kong maging proud sa sarili ko dahil nakatagal ako ng labinlimang minuto kasama ang mga kinatatakutan ko.
At dahil nga malakas ko na ang loob ko, tumayo na ako at nagsimulang maglakad. I feel so down.
Wala na yatang balak na bumalik si Rion. Sino ba kasi ang mga tumiling 'yon? Ano bang nangyare? Eksena sila ha! Mga ilang minuto pa at nasa daan na 'ko na pinasukan namin kanina.
At last! Pero palabas na sana 'ko nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Napatili ako at automatic na umigkas ang kamao ko kung sinumang langyang multo ---
"Easy, honey."
Si Rion?
"Ugh! I hate you! Iniwan mo 'ko! I hate you!" pinaghahampas ko siya sa dibdib. Pero parang hindi siya nasasaktan! Kaya lalo akong nainis. Binuhos ko lahat ng naramdaman kong takot kanina, ang paghihintay, ang pagkainip, lahat na !
"Stop that, Dollar."
"Kakainis ka! Aaaaah!"
Tumigil na siya sa pag-awat sa'kin at hinayaan na lang ako. Napagod din ako at tiningala ko siya. And I saw him... smile.
"Nakakangiti ka pa dyan ha!"
Oo, nakangiti siya. And 'atta smile.! Nag-evaporate lahat ng inis ko. Lalo siyang naging gwapo dahil sa tipid na ngiting iyon. He looked boyish and dashing... Traidor na inis yan, nilayasan ako!
"You're funny."
"Why?! Mukha na ba 'kong multo kaya nakakangiti ka na?"
"I'm sorry I made you wait, Dollar. Bumagsak lang ang isang rebulto kaya naharangan ang isang daanan sa unahan natin. Pero binalikan kita agad."
"Binalikan agad? After fifteen minutes?"
"After two minutes. Nagtago lang ako, I watched you."
"Anong klaseng excuse yan?"
"It's true."
"Totoo?" kalmado na 'ko, hindi na siya nakangiti pero nasa mata ang amusement at sincerity.
"Yes."
"At baket naman? Bakit hindi ka nagpakita sa'kin?"
Nagkibit-balikat lang siya at inakbayan ako. Napasinghap ako at napatingin sa kamay niya na nasa balikat ko. Wala na, as in wala na talaga ang inis ko.
"Bakit nga?"
Hindi siya nagsalita at nginitian lang ako. Ulit.
"Bakit? Ha?"
Pero okay lang kahit hindi na niya sagutin ang tanong ko. I know, at this moment we shared tonight, that I gave something to him.
My whole trust. Na hindi niya 'ko pababayaan. Na babalikan niya 'ko kahit anong mangyari... At may binigay din siya sa'kin na importanteng bagay...
And that is his smile...