Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 31 - Mean Shamari and Her Sweet Brother

Chapter 31 - Mean Shamari and Her Sweet Brother

Dollar's POV

Hindi ako sanay. Sa katahimikan.

Kanina, pinakilala sakin ni Lolo ang mga apo niya. Sina Rion at Shamari. Magkapatid nga sila. Pero bakit kaya hindi obvious?Nag-aalmusal kaming apat dito sa grandyosong dining hall na parang museum sa laki.

At ganito ba talaga... Napakatahimik. Pati tunog ng mga kubyertos parang praktisado at talagang may ritmo. Samantalang sa bahay, hindi kami nauubusan ni Cheiaki ng ikukwento kay Uncle. Madalas nagkukulitan kami. Basta maingay kami kahit sa hapunan. Kaya siguro tahimik masyado si Rion dahil tahimik din ang environment na kinalakihan niya.Hmn... A man of few words...

Tiningnan ko sila. If there's one thing they shared in common, its the air of authority around them.

"Rion, make time na mapasyal mo si Dollar ngayong araw." sabi iyon ni Lolo.

Sabi ko na nga ba, may niluluto siya. But Rion just looked at me and didn't answer.

"L-Lo hindi na kailangan. Si Shamari po, sabi niya kagabi, sasamahan niya po 'ko sa pamamasyal."

"What?!" Si Shamari yan, nag-react. Tss! Hindi nakuha sa tingin.

Nginitian ko siya. 'Hope she got the message. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Good. Ikaw na munang bahala kay Dollar, Shamari." si Lolo na tuwang-tuwa.

Hindi na nagsalita si Shmamari pero halatang labag sa kalooban. Hmn.. kailangan ko yatang maghanda, lagot ako sa kanya mamaya. Sinulyapan ko nang mabilis na mabilis si Rion at saka nagpatuloy sa pagkain.

^^^^^^^^

Shamari's POV

"Dalian mong maglakad, Viscos, I'm not your tour guide!" nayayamot kong sigaw kay Dollar.

Aba't ang baliw, may pag-akyat pa sa mga puno!

"Teka lang, Shaw. Gusto kong makita nang mas mataas ang paligid. It's heaven, you know. Ang ganda talaga dito!"

Hindi ako nagsalita. Bukod sa nananakit ang paa ko sa kalalalakad, masakit na din ang tenga ko dahil kanina pa siyang kumakanta.

" ♫♫♫ Let me tell you 'bout the birds and the trees and the flower and the bees and the moon up above....and the thing they called love....♫♫♫"

Hinilot ko ulit ang sentido ko nang marinig ang pagkanta niya. Ewan ko, ang sakit talaga sa ulo ng kaingayan ng babaeng 'to. Ang balak ko sana ay magbakasyon nang tahimik. Pero dahil inimbita nga siya ni Lolo, migraine pa yata ang aabutin ko.

"Mawmawri, pagod na din akong maglakad. You know, it's impossible namang malibot natin 'to ng isang araw lang." (T_T) umupo siya sa tabi ko dito sa nakatumbang puno.

"Magtiis ka. Wala pa tayo sa one-fourth nagrereklamo ka na."

Nandito kami ngayon sa isa sa matataas na bahagi ng hacienda. Tanaw dito ang gubat sa baba na tumutunton sa dalampasigan. Ilang kilometro din ang layo nito sa bahay.

"Shamaw, bakit hindi na lang tayo sumakay sa kabayo?"

"Do you know how?"

"Sasampa lang naman di ba? At hahawak nang mahigpit?" (O_O)?

Ugh! The silliness of this girl. Kala mo lage madali lahat ng bagay.

"Ayoko."

"Baket?"

"Dahil masyadong matatalino ang mga kabayo dito. Alam nila ang way pabalik sa bahay. Balak ko pa namang iligaw ka."

"Hahaha! You're so sweet talaga, bespren. Alam mo, hindi ko naisip na magkapatid kayo ni Unsmiling Prince. Though I always notice na may pagkakapareho kayo sa ugali."

"Really?"

Siya lang yata ang nakahalata niyon. This girl always surprise me.

She always has her ways of knowing things. Sa pagtatanong man o pag-oobserba. Pero in line nga pala sa Science ang course niya, BS Chemistry ata o Physics. Ewan. Sa pag-aaral niya yata nakuha ang habit niyang iyon. O natural na sa kanya dahil makulit talaga siya.

"I knew that when I saw him looking at you. His eyes were full of affection for a sister."

Pinag-isipan ko nang husto ang sinabi niya. Siguro nga, Rion learned to love and accepted me as his sister. At ganoon din naman ako sa kanya. We're not just the showy type.

"At alam mo pa ba, Shaw kung ano pa ang isa kong nalaman sayo? Ha? Hehehe!"

"What?"

"Na there's something between you and Zilv. Because every time I say his name, you retaliate. Para kang papatay ng tao."

"SINABI KO NG WAG MONG BABANGGI--!"

"Oooops! Katulad na lang nyan, Hahahaha! Pinapatunayan mong totoo nga, so ano ang tsismis sa inyo? Share naman dyan o."

Kinagat ko ang labi ko. Ayokong magsalita. Tama siya, nalalaman nga sa reaksyon ko.

"Uy, chika-chika naman diyan."

"There's nothing to chika-chika, Viscos."

"Hmn... Sige na nga, picture-an mo na nga lang ako para may souvenir ako."

I rolled my eyes. Nag-pout pa ang bata. At gawin daw ba 'kong photographer?

"Akina na nga." Kinuha ko ang camera sa kanya. "Tatlong pose lang ha?!"

"No! Ten, Shaw! Ten!"

"Ugh! Dalian mo na nga!"

Basta ko na lang tinutok sa kanya ang camera, wala ng bilang bilang. At hindi lang siya basta nag-pose. May kuha siyang parang pang 2x2, nakapikit, naka-sideview, nagka-cart wheel, nakatalikod, nakayakap sa puno... Haay... Kung hindi ba naman baliw!

"Shamaw, tara magpapicture ng magkasama!"

"No."

"Sige na."

"No!"

"Ikaw na lang ang kukunan ko ng picture!"

"Ugh! Ayoko nga!"

"Okay. Patingin na nga lang ng mga pics ko." Kinuha niya sa'kin ang camera at bago pa ko makakilos ay natutok na niya sa akin at walang habas na pinicture-an ako.

Wala na 'kong nagawa kundi humalukipkip at pandilatan siya ng mata habang umiikot siya sa'kin at tuloy sa pagkuha ng pictures.

"Yan! Photogenic ka din pala, Shamaw! Uhmn... Hindi ka magagalit kung ipapakita ko 'to kay tatay Zilv no? Malay mo ma-in love siya sa'yo, all over again?!" (^_^)

"NOT IN THIS LIFETIME!"

"Hmn, I can hear bitterness ha, sige na nga hindi ko na ipu-push ang topic."

"Thank you." Nakahinga 'ko nang maluwag. Wish ko nga gawin niya, but looking at her mischievous eyes... I doubt it. "Let's be friends, Dollar."

"Talaga?! Shamaw! Yan ang sinasabi ko sa 'yo dati pa eh. Sige, sige, sige!"

"Okay, so, paano ba makipagkaibigan? I never had one, you know. Ikaw pa lang... kung sakali...Uhmn... let's play."

"Sige?! Anong laro?"

"Hide and seek."

"Okay."

"Sige, magtago ka na, pipikit ako ng isang minuto."

"Oo, oo, syempre alam ko yang larong yan, nilalaro namin yan nila Moi at Zilv eh!"

Pinigilan kong sumimangot. Hirap talagang pagsabihan ng batang to!

"Now go." at pumikit ako.

"O sige, wag kang mumulat muna Shamaw, ha? Wag kang madaya!"

Narinig ko ang papalayong yabag ni Dollar. Pero hindi pa nakaka-isang minuto ay minulat ko na ang mata ko. At sa halip na hanapin ko siya, pumihit ako pabalik sa bahay...

^^^^^^^^

Dollar's POV

Kinuha ko sa bulsa ko ang swiss knife na niregalo sa 'kin ni Zilv last year. Binalatan ko ang manggang kakukuha ko lang.

Nandito ako sa itaas ng punong mangga. Nagpapahinga. Kanina kasi, imbes na ako ang hanapin ng taya, ako ang humanap sa kanya. Sabi ko na nga ba, iiwanan ako ni Shamari. At dahil iniwan na nga niya 'ko, namasyal-masyal muna 'ko dito sa gubat hanggang sa nakakita ako ng makakaing mangga. Kakakain muna 'ko dito bago ulit maglibot mamaya.

Pasyal-pasyal. Pero ang totoo ay naliligaw ako kaya tumigil muna ko sa paglalakad... Haaay... Bahala na nga kung pano 'ko uuwi mamaya.

"What are you doing here?"

Napatigil ang pagngabngab ko sa mangga nang marinig kong may nagsalita sa likod ko. Hmn... Hindi ko na kailangang lingunin ang nagsalita. It's Rion. Kilala ko ang boses niya. Trust me. (^_<) Naramdaman kong tumuntong siya sa malaking sangang inuupuan ko.

"Are you still mad at me?"

Mad?! Baket?! Dahil sa sinabi niya kagabi? Tss! Wala na sa'kin 'yon. O dahil sa 'welcome kiss'? Bwiset! Sinong magagalit doon?

Pero hindi ako nagsalita o lumingon sa kanya. Gusto ko pa kasing pakinggan ang sasabihin niya. Minsan lang kasi siyang magsimula ng usapan. Pero iyon ay kung may sasabihin pa siya. Lumipas na kasi ang ilang minuto na hindi na ulit siya nagsalita. I just feel his presence beside me. His disturbing masculine presence, actually.

At nakikita ko din sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa'kin. Hmn... Kaya pala nakikiliti ako ah, hehehe! Titig pa lang niya yan, ano pa kaya kung... Ilang minuto na din kami dito sa taas ng puno. Tuloy ako sa pagkain ng mangga. Siya naman ay tinutunaw ako sa pagtitig, kailangan ko yatang higpitan ang kapit ko kundi mahuhulog ako.

I'm thinking... Magpakahulog kaya ako dito? O humilig ako sa balikat niya? Will he push me away? Or pull me to his side, closer? Wag na nga, silent mode muna 'ko. Behave. Pero nakakatuwa pa lang maging tahimik minsan kapag kasama siya. Nakakapag-focus ako sa ibang bagay. Katulad na lang sa mabangong amoy niya na dinadala ng hangin. Sa sideview profile niya na nakikita ko sa gilid ng mata ko. At ang laking tao niya talaga. Kahit nakaupo ay hanggang baba lang niya siguro ako.

"You want more mangoes?" Tanong niya.

Umiling lang ako. Eh paano kaya kung sabihin ko sa kanyang... It's you that I want...

"Hapon na, umuwi na tayo."

"Hinihintay ko si Shamari." I said coldly. Kunwari.

"Hindi ka na niya babalikan. Kanina pa siyang nasa bahay."

Hindi na ko nagsalita. Si Shamari ang kasama ko kanina kaya siya din dapat ang kasama ko pagbalik sa bahay!? Ibig sabihin tinatanggihan ko ang chance na makasama siya?Hmn... Oo nga no? Teka, pwede bang pakiulit ng offer?

"Ipapasundo ko na lang si Shamari."

"Huh? Wag na."

Eh di lalong nagalit 'yon sa 'kin? Sabihin niya dami kong kaartehan. Blessing in disguise nga yata 'tong pag-iwan sakin ni Shamari.

"Powerpuff." Rion whispered. "Are you still mad?"

"Hindi." Ngingiti na sana 'ko pero nagbago ang isip ko. Konting drama pa, hehehe!

"Here." may inabot siya sa'king maliit na envelop.

"A-Ano 'to?"

"Just some..."

Binuklat-buklat ko ang laman at gusto kong maiyak... a tuwa.

"Pictures mo?"

"Yeah. Medyo bata pa 'ko diyan, wala kasi akong recent pictures."

Halatang c-in-rop lang dahil galing sa mga group pictures. But one of the five pictures really catch my breath. Kuha nilang dalawa ni Lolo. He's still a baby, at nasa late forties pa lang yata si Lolo. And the expression on the old man face while holding baby Rion was priceless.

"Bakit mo pinapakita sa'kin?"

"I'm giving them to you."

What?! Oo nga pala, humihingi ako dati sa kanya ng pictures niya.

"Can I borrow your cellphone?"

Nagtataka man ako ay inabot ko na din sa kanya ang phone ko. Bakit kaya?

"I saved my number in your phone. Don't send me mushy message or quotes, okay? Just text or call me if there's an emergency. And I don't have facebook or twitter account. 'Don't like social networking."

"O... kay..." Napangiti ako. Paano ba pigilin ang kilig, bwehehe! " A-Anong ibig sabihin neto?"

"Nothing."

"Nothing?"

"Bakit ba lageng tinatanong ng mga babae kung anong ibig sabihin ng ginagawa naming mga lalake?" Rion cocked his head in confusion.

"Eh syempre kami ang involved. At affected kami. You don't expect us to always just obey and accept things from you."

He shrugged his shoulders. "From some girls, yes. Pero sa 'yo? No. Kelan ka ba hindi nagtanong nang paulit-ulit? At kelan ba kita napasunod?"

I smiled. "Iyon naman pala. So para saan nga 'tong mga pictures at number mo?"

"Para mawala ang tampo mo, tss."

Aaah. So inisip niya pala talagang galit o tampo ako sa kanya kaya may ganito kagandang 'suhol'? Hmn... Okay din palang maggalit-galitan paminsan-minsan.

"Alam mo ba ang consequence ng ginawa mong 'to, Unsmiling Prince?"

"What?"

"Na lalo mo lang akong pinapalapit sa'yo. Hindi naman porque nagtampo ako sa'yo ay hindi na kita gusto."

"Well... thank you for little honesty. Ikaw lang ang babaeng nakilala ko na nakakapagsabi ng nararamdaman niya, eye to eye."

"Is that a compliment?"

Nagkibit-balikat ulit siya.

"One more thing, Rion, ano nga palang ginagawa mo sa basement? You know Moi and Zilv, don't you?"

"If I tell you...then I would have to kiss you. Again."

"H-huh?"

"C'mon. Hapon na."

"Anong huli mong sinabi?"

"Nothing."

Tss! Bwiset na mga kuliglig yan. Ang lakas ng huni. Saka na nga lang ang issue sa kaugnayan niya kina Zilv at Moi. Inalalayan niya 'ko pababa. Wow! Ang laki at ang taas ng kabayo! A high-breed stallion!

"This is my stallion, Starry."

"Hello, Starry!"

"Sumampa ka na."

Inapak ko ang isa kong paa sa saddle. Tek! Mahirap pala ha. Ang taas kasi ni Starry. Inapak ko naman ang isa kong paa. Hmn... Ayaw pa din, ano ka----

"Aaah!"

Naramdaman ko nang umangat ako sa lupa at bago pa 'ko makapag-react ng todo dahil sa pagkakalapit namin ni Rion ay nasa ibabaw na 'ko ng kabayo. At sumampa naman siya sa likuran.

Hmn... Tingling sensation para sa malalanding katulad ko *Naughty grin

"Hold on tight."

Napakapit ako sa renda nang patakbuhin niya si Starry.

And together...we traveled back home with the winds of forever... golden fields on both side...and with the light of the majestic sunset...

Napaka-poetic naman yata niyon. Baduy pero ang sarap sa pakiramdam.... And with his firm and defined arms around me... Parang gusto kong sumandal sa dibdib niya at matulog at hindi ako mag-aalala na mahuhulog ako...