Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 29 - The Patriarch

Chapter 29 - The Patriarch

Dollar's POV

Wow! Ang ganda-ganda!

Tumayo ako nang itigil ni Lolo ang kariton malapit sa bukana ng napakagandang mansyon.

Kanina pa' ko manghang-mangha sa nakikita ko nang pumasok pa lang kami sa gitna ng niyugan isang oras na ang nakakalipas. At pagkatapos naman ng journey namin sa ekta-ektaryang coconut farm ay rancho naman ang dinaanan namin na ang hangganan ay sa gubat sa paanan ng bundok. At ang kabilang dulo naman ng rancho ay ang mansyon nga na nakatayo sa mataas na bahagi ng lupa at tumatanaw sa dagat.

This whole place is awesome!

Ang pinaka-main attraction ay ang bahay na gawa sa bato, kahoy at glass. It's in immaculately white color.

Mas sariwa at malamig ang hangin. May iba't ibang breeds din ng stallion at may ilang mga trabahador din ang abala sa mga trabaho nila. I could live here forever!

Ewan ko, pero hindi lang ang kagandahan at katahimikan ang naka-attract sa'kin kundi ang kakaibang feeling sa lugar na 'to. It feels like I belong to this place. O dahil lang first time kong makapunta sa ganito o matindi lang talaga ang pangangailangan kong i-divert ang atensyon ko?

Oo, hindi ako pinatulog ng nalaman ko kagabi. Kaya nga muntik ko ng makalimutan ang imbitasyon ni Lolo. Pero tatawagan ko pa lang sana si Lolo ay naunahan na niya 'ko.

O di ba, astig si Lolo, may cellphone din. Latest model nga ng Blackberry ang gamit niya ng magpalitan kami ng number.

At iyon nga, tinawagan ako kanina ni Lolo at inimbitahan ako na magbakasyon sa kanila. Pumayag naman si Uncle at sinabi niyang personal daw akong ipinagpaalam ni Lolo sa kanya. Hmn... They seemed to know each other nga eh. Pero natural na siguro iyon dito sa province, halos lahat ng mga taong taal na dito ay magakakakilala.

At ngayon nga, matapos ang ilang oras na biyahe sakay sa kariton na hila ng kalabaw ni Lolo ay narating namin 'to. Nilingon ko si Lolo na nasa unahan at nagpapaypay ng sumbrerong buli.

"Lo, malayo pa po ba tayo sa bahay ninyo?"

"Nandito na tayo, hija."

Hmn? Pero wala naman akong nakikitang ibang bahay kundi ang mansyon. Sinundan ko ang tinuro ni Lolo.

"Sa Mansyon kayo nakatira, Lo? Pero baka naman magalit sa inyo ang amo niyo kapag nalaman niyang inimbitahan ninyo ako sa bahay niya?"

Tumawa lang siya at bumaba na din sa kariton. Iginiya niya ko sa mismong tapat ng main door ng bahay kaya mas lalo kong nakita ang kagandahan ng bahay.

"Lo, sigurado ba kayo? Baka mapagalitan tayo?" (O_O)'

"'Wag kang mag-alala, hija." malawak niyang binuksan ang pinto.

"Welcome to Flaviejo's!"

(O_O)?

^^^^^^^^

Tuwid na tuwid ang pagkakaupo ko sa rattan chair na 'to. Ayoko ding kumurap habang ginagala ko ang paningin ko sa buong bahay. Nasa balcony kami na tanaw ang dagat.

Gah! Kung bonggang tingnan sa labas ang bahay, mas bongga sa loob. Nakakapanliit kahit hindi naman kami masyadong mahirap. Nakapasok na din naman ako sa malalaking bahay katulad ng kina Zilv at Moi. Pero ang mas nakakapanliit kasi ay ang ideyang nasa bahay ako ng isa sa mga mayayamang tao sa kalupaan!

Hanu ba 'to?! Bakit ba hindi ko man lang naisip na ang matandang kaibigan ko ay si Don Marionello pala? Si Lolo Buko ay si Don Marionello. Na ang ninuno ay pinagmulan ng pangalan ng bayan na 'to? Na kilala pagdating sa mga negosyo? Na Lolo ni Rion. Ni Unsmiling Prince!?

Pero bakit siya nagtatrabaho sa niyugan? Bakit pa-low profile effect si Lolo? Pero ano bang malay ko sa trip niya? Simple lang naman kasi lage ang suot niya, hindi nalalayo sa mga suot ng ibang trabahador sa niyugan at sa rancho. Kaya pala pamilyar sa'kin ang paraan niya ng pagdadala ng sarili dahil madalas ko din iyong makita kay Rion. Matikas pa din kasi si Lolo sa kabila ng edad. Matangkad at malaking tao din. And both of them exude power and authority...

Hanla! Naalala ko ang una naming pagkikita ni Lolo, doon ko kinwento ang pagkabaliw ko kay Rion! Aaaaah! Nakakahiya!

"May problema ba, hija?"

"Lo! Si Rion! Apo niyo siya di ba? Nakakahiya po iyong... mga... kinwento ko sa inyo!"

Tsk! Nakakahiya talaga. Paano ba naman ay sa tuwing magkukwentuhan kami ni Lolo laging ang topic ay si Rion. Walang palya, puro siya lang!

Tumawa lang ulit si Lolo. "Wag kang mag-alala,hija. Sikreto lang natin, di ko ipagsasabi."

"Kasi naman, Lo, ba't di kayo nagpakilala agad?"

"Hindi ka naman nagtatanong. At kung nagpakilala ko sa 'yo, anong magiging reaksyon mo?"

"Syempre... maiilang po ako."

"At hindi tayo magiging magkaibigan."

Oo nga no.

"Pero nahihiya po 'ko sa inyo."

"Nonsense, Dollar. Simula ng makilala kita itinuring na din kitang isa sa mga apo ko."

"Talaga? Thank you po."

Napangiti ako. Nakakatuwa. At nakakaiyak. Hindi naman mahalaga kung si Don Marionello o hindi si Lolo Buko. Nakakatuwa dahil may tumuring sa 'kin bilang apo. Hindi nga kasi maganda ang relasyon ko sa mga grandparents ko. Patunay na hindi sila ang kumupkop sa 'kin nang mamatay sina Mama't Papa. Ipinaubaya nila ko sa matalik na kaibigan ng ama ko at iyon nga ay si Uncle. Pero masaya na din ako doon dahil tinuring din naman ako ni Uncle Al bilang isang anak. At ngayon, hindi lang kaibigan ang meron ako sa katauhan ni Lolo.

Nawala na ang pagkailang ko kay Lolo nang magkwentuhan na ulit kami. Mayamaya ay dumating ang meriendang inutos ni Lolo.

"Lo, sigurado kayong merienda lang 'to? Baka naman fiesta pala dito?"

Grabe ang daming pagkain. Hindi naman ako PG pero hindi lang normal sa 'kin na mag-merienda ng ilang putaheng pagkain.

"Pinahanda ko talaga para sa'yo 'yan. Gusto mo bang ipatawag ko si Rion?"

"Ho?!"

Tek! Parang sumabit sa lalamunan ko ang sinubo kong sicilian cassata.

"Hahahaha! Umupo ka ulit, hija. Joke lang. Wala dito ngayon si Rion."

"Kayo talaga. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na... Teka! You're playing cupid Lo! Kaya ninyo 'ko inimbitahan dito?"

Ngumiti siya. Hmn... ano nga kaya?

Pagkatapos mag-merienda ay pinahatid ako ni Lolo sa isa sa mga kasambahay papunta sa magiging kwarto ko. Palingon-lingon ako sa buong paligid. Ang second floor ay may mezzanine o landing sa taas na tanaw na tanaw ang buong sala sa first floor. At hindi nag-iisa ang grand staircase, meron din sa second floor papunta sa third floor.

Ipinaliwanag din ni Nana Saling na may dalawang elevator sa magkabilang dulo. Ang second floor ay may sampung kwarto bukod pa sa master's bedroom. At sa third floor naman ang family room, drawing room, gym, indoor pool at kung anu-ano pa. Duda 'ko kung matandaan ko lahat ng parte ng bahay.

Mayamaya ay huminto kami sa isang pinto sa dulo na malapit sa balcony.

"Ito ang magiging kwarto mo, hija. Pinaghandaan talaga namin 'to. Nag-hire pa si Don Marionello ng interior designer. Magustuhan mo sana." natutuwang sabi ni Nana Saling.

"Salamat po."

"Ako na ang mag-aayos ng mga gamit mo."

"Naku, hindi na po. Okay na po ako, salamat po ulit."

Nagpaalam na siya at lumiko sa isang pasilyo. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at

Janjajajajaran! Napanganga ako.

Teka, parang nasa... Sanrio Town ako ah, sa mundo ni Hello Kitty!? Pumasok ako nang tuluyan sa kwarto ko, dala-dala ang bag ko. Puro pink ang nakikita ko. Mula sa four-poster bed na nasa gitna hanggang sa mga rugs ay iba't ibang shades ng pink. Parang sa isang prinsesa ang kwarto. Sooooo girly... Parang hindi bagay sa 'kin. Pero hindi naman sa nagrereklamo ako. Touched nga ako dahil talagang pinaghandaan ni Lolo ang pagbabakasyon ko.

Lumapit ako sa walk-in closet. May mga gamit na din doon, mula sa mga branded na T-shirt, jeans, casual dresses at mga sapatos. I'm so overwhelmed.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. I made a mental note na magpasalamat ulit kay Lolo. And may be later... I'll try to find and take a sneak peek to the Unsmiling Prince of this kingdom....

^^^^^^^^^

Rion's POV

"I provided the location of our meeting, Rion. The least thing you can do is to bring some foods." si Zilv 'yon.

Binato ko sa dalawa ang beer in can na galing sa dala kong grocery bags. Nasalo naman agad nila iyon. Damn this two! Kung makapag-request ng merienda ay akala mo magpipicnic lang kami.

Sinundan ko sila dito sa bubungan. Bubungan ng bahay ni Zilv. I called for a meeting. Pero mas mukha kaming mga batang umakyat sa bubungan ng bahay dahil may paplanuhing kalokohan.

Moi's busy with his laptop while humming some old song. At si Zilv naman ay prenteng nakahiga at nagbabasa ng libro tungkol sa mga hayop. Far from the image of being the bad guys killing bad guys in roads and alleys at night....

Nilapag ko sa harap nila ang mga dala kong pagkain na kinalkal naman agad ni Moi.

"Where's my favorite oh-so-good-oh-so-yummy-chocolate, Rion boy?" si Moi, parang magmamaktol na anumang oras.

I just shrugged my shoulders and joined them.

"Ugh! Pero t-in-ext ko sa 'yo di ba?"

"Yeah. Pero wala akong balak na libutin ang buong supermarket mahanap ko lang ang ipapasalubong sa'yo. Those groceries already cost three thousand."

"Kuripot talaga!"

"What about you tell me first what do you found out before I give you the chocolates?"

I can't believe I'm making this conservation with Moi. Pero isa siya sa mga makukulit na taong nakilala ko. You need to bargain with him first before you know what you want. And that was because of his talent about researching, infiltrating and all doings about computers.

At ang trabahong pinagawa ko sa kanya na labas sa utos ni Uncle Al ay mahalaga para sa'kin.

"Okay." Moi grinned and reached for his laptop." Ang latest project natin na sindikato ay hindi mga newbie, take note on that, they operate here in Asia and has its main offices in some parts of US. Involved sa human-trafficking, drug-trafficking, white slavery, smuggling.....name it. In all, these motherfvckers ruled the black market."

Moi gave us the look that we know very well bago nagpatuloy sa pagsasalita.

Dammit! Hindi kami nagkamali ng hinala. Kung nagkamali kami ng kilos noong isang gabi ay malamang pinaglalamayan na kami ngayon.

The men of this syndicate are lot different from our targets before. Mas sanay silang lumaban at pumatay. We even recognized one of them as foreigner. At ang mga moves nila ay hindi pang-kalye. Dumaan sila sa training. Alam namin iyon dahil pinagdadaanan din namin ang mga ganong pagsasanay kapag bakasyon o may libreng araw kami.

And knowing their backgrounds, we must expect some bloody battles for the following days.

"Tell me Rion, bakit si Moi pa ang pinapag-research mo tungkol sa sindikatong 'yun? Why not asked Alvaro instead?" Zilv asked me and closed his book.

"Simple, because he won't answer my questions. At nakalimutan mo na bang ang trabaho natin ay gawin ang utos nang walang tanung-tanong?"

"Yeah." Moi agreed." O dahil gusto tayong protektahan ni Uncle Al, you know, he's been a father to all of us."

"O dahil wala pa rin siyang tiwala sa'tin." Si Zilv.

"O dahil malapit ng mawala ang grupong 'to." napalingon sa'kin ang dalawa dahil sa sinabi ko.

I didn't meet their questioning gazes. That was another bullsh*t!

Pero iyon ang madalas na iparinig sa'kin ni Alvaro nitong mga nakalipas na araw. He's talking about living a new life and blah blah. At iyon din ang dahilan kung bakit pinahinto niya ang mga assignment namin.

"Just as I thought." Zilv said dryly and whistled. Mayamaya ay kasama na namin sa bubong si Darling, Zilv's English Mastiff dog, na kapag tumayo ay kasing-taas na namin.

Wala na ulit nagsimula ng usapan sa'ming tatlo.

Pagkatapos kong ubusin ang beer ay tumayo na 'ko. No reason to hang out with these two. Nakumpirma ko na ang hinala ko tungkol sa bagong grupo ng sindikato. And that was all for it now.

"You owe me one for this research, Rion." Moi reminded me.

Kinapa ko sa bulsa ko ang maliit na kahon ng chocolate at binato sa direksyon niya.

"Now, I don't." and with that, I left them.

Hindi importante kung bakit ayaw ipaalam ni Alvaro ang tungkol sa bagong target namin. Huwag lang sana dahil sa dahilang iniisip kong pagkaka-disband ng grupo naming tatlo.

Not yet. Hindi pa ko handa hanggat hindi ko pa nagagawa ang pinakahihintay kong gawin. Dahil hindi lang ang nasa mababang posisyon sa sindikato ang sinisimpat namin.

I'm feeling this thirst to kill the head-bastard of that syndicate. At labas na sa trabaho ko iyon. More of personal reason.Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng dalawa pero alam kong iyon din ang gusto nilang mangyari.

And with Moi and Zilv abilities, naniniwala akong magagawa namin iyon. Because with the Cherub, Shrapnel and the Jaguar.....we call it a team....