Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 35 - Helluva Day

Chapter 35 - Helluva Day

Dollar's POV

Ang makasaysayang hallway. Bow. Ang totoo hindi talaga 'to ang daan papunta sa Chem.Lab. Feel ko lang talagang iligaw ang sarili ko sa University and voila! Akalain kong dito ako dadalhin ng paa ko!

Memories flooded through me. Erase. Erase. Tiningala ko ang bulletin at binasa ang mga pakana ng University na 'to.

At nang magsawa, umupo naman ako sa step ng hagdan inaliw ang sarili ko sa pamimintas sa mga taong dumadaan, people watching is one of my favorite hobbies. Hmn... Marami din palang gwapo dito. But funny how I found them lacking.

Paanong naiba si Unsmiling Prince? Meron din namang gwapo at mayaman. Gwapo at matalino. O kaya gwapo slash matalino slash mayaman, katulad ni Rion. Pero bakit ang layo pa rin niya sa lahat ng lalake? O ako lang ang nag-iisip noon?

Pinatong ko ang mga siko ko sa tuhod ko at nangalumbaba. Pinaglaro-laro ko ang sapatos ko pati dulo ng buhok. Kumanta ng lullaby. Pinagbato-bato-pik ang dalawa kong kamay. Kahit ano na lang magawa hanggang sumapit ang alas-singko ng hapon.

At nang tumapat ang oras sa alas-singko, para 'kong nakarinig ng imaginary bell. Tumayo ako bigla para lang mabangga...

"When will you ever learn?"

"Rion?"

Nasa mas mataas na step ako ng hagdan kesa sa kanya pero mas matangkad pa rin sya sa 'kin ng ilang pulgada.

His overpowering presence is still towering me.

Binaba ko ang tingin ko sa dibdib niya na parang nakikita ko pa din yung tattoo niya sa ilalim ng uniporme.

"Rion, may sasabihin ako sa'yo."

"Tell it right away. I'm in a hurry."

Umupo ulit ako sa step ng hagdan samantalang sumandal naman siya sa malapit na dingding at namulsa. His habit. At masyadong maganda ang scene para mahalukay ko ang mga gusto kong sabihin. With the light of the sunset coming in through the glasses of the building to highlight his breathtaking handsome features. And his dark eyes held me completely captive...

"What?" He asked, his expression blank.

"Pinag-iisipan ko na... iiwasan na kita." bulong ko. Tiningnan ko ang ekspresyon niya pero walang nagbago.

"Nagpapaalam ka ba sa'kin?"

I shook my head yes. "Hindi ka ba...nalulungkot?"

"No."

And that pissed me off. He said that as if I did not really exist these past few weeks in his life.

Pero hindi ko ipapahalata sa lalakeng 'to na nagagalit ako. Pinili ko 'to. Gusto kong ang maaalala niya sa 'kin ay ang masayahin at makulit na Dollar. Hindi ang babaeng kulang na lang ay lumuhod sa harap niya at magmakaawa na pansinin man lang.

Bwiset! Ang hirap magpigil ng facial expression. Paano kaya niya nagagawa iyon? O wala lang talaga siyang pipigilang emosyon dahil wala siyang nararamdamang kahit ano?

"Tell me about your tattoo, Rion."

"Bakit masyado kang interesado sa tattoo ko?"

I shrugged. "Para kasing napaka-out of character ng ganyan sa'yo."

"Out-of-character?"He gave a short amused laugh. "Hindi mo masasabi yan kung nakilala mo 'ko five years ago."

Siguro masyado siyang hibang sa pag-ibig kaya walang out-of-character-character na 'yan. Ka-iyak lalo! At five years ago... tama nga ang sinabi ni Shamari.Kung sana nagkakilala kami ng mga panahong iyon, baka umasa ako na ako ang sinisimbulo nyan. Pero letter 'S'? What on earth! Ang layo!

"You must loved her too much..." Hindi ko mapigilang pumiyok.

Hindi siya sumagot. But he had that puzzled look on his face pero nawala rin agad. I saw again that famous dark look.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo?"

"G-Gusto mo na bang iwasan na kita, R-Rion?"

"It's up to you. I believe in free will." and with that, he left me.

Bakit ba hindi niya 'ko diretsuhin kahit kelan? Mas mahirap lalo kesa kung sinabi nyang oo o hindi. Sinubsob ko ang mukha ko sa palad ko.

And sob silently...

Para siguro sa iba, ang OA ng iniiyakan ko. May isang lalake na hindi man lang magbukas ng konting parte ng sarili niya at isang babaeng parang lokang habol ng habol sa kanya... at hanggang paghabol na nga lang talaga. Para 'kong sumugod sa laban ng naka-blindfold at walang armas kahit tirador man lang. And worst, balak pang tapusin ang laban kahit alam kong may nanalo na.

At bakit ako namomroblema?

Dahil sa isang simpleng tattoo na may mabigat na meaning? Dahil sa ilang sentences ni Shamari? O dahil sa malaking pagdududa?

Dati sinabi ko na wala naman akong hinihintay na kapalit.I just want to show my feelings. Pero swapang nga siguro ako dahil nakatikim lang ng konti ay naghangad pa ng mas malaki.

One part of me told me to go on and let the devil take tomorrow. Pinahid ko ng likod ng palad ko ang mga luha ko. Parang nauulit lang palage. I don't belong to no one. I am a nobody. Walang tumatanggap sa'kin.

Katulad na lang ng pamilya ko, both side of my parents'. Na kinalakihan ko na ang lihim na galit sa 'kin kahit maging ako pa ang pinakamabuting apo sa mundo. Na kahit wala akong pagdududa sa pagmamahal sa'kin nila Uncle at Cheiaki, may mga pagkakataon pa din na hindi ako welcome sa reunion ng mga tunay nilang pamilya. That at the end of the day, I will be left alone. Sa mga kaklase kong ni ayaw akong maka-partner kahit sa isang simpleng activity man lang. Sa grupong nangursunada sa'kin dati. Na ang kasalanan ko lang ay pinilit kong makisama sa kanila. Sa mga kaibigan kong alam kong mahal ako pero oras at personal na gawain lang ang pumipigil sa 'min. Kay Shamari na ni walang balak na makipagkaibigan sa'kin. Napagdaanan ko na ulit ang desisyon kong 'to. Iiwas na lang ba 'ko o itutuloy ko pa?

Oras na ba para huminto? O kailangan ko lang talagang pagsikapan para magkaroon ng taong tatanggap sa'kin?Magmamahal?

Am I too deprived from attention to act and think like this? O nasa 'kin lang talaga ang problema? Kailangan ko bang magbago? Or it will just worsen the situation?

Parang gusto kong bumalik sa dati. Na ang lahat ng problema ko at pagkabigo ay dinadaan ko lang sa pagsisindi ng apoy.

I can just stare at the flames and lose myself in to nothingness then ll the worries and doubts will be all gone.

Pero may malaking bahagi sa'kin na nagsasabing hindi ko ipagpapalit na nakilala ko si Rion lahat ng natutunan ko sa kanya at naramdaman. Pinunasan ko ng panyo ko ang mukha ko. Bwiset! Ang drama ko. Pero hindi na rin masama na umiyak ako dahil nakapag-isip-sip na 'ko.

Why should I push myself to someone who wouldn't even care if I tumble down this stairs, have a concussion and die? Why should I seek answers from someone who will never talk about himself? Why should I chase someone who locked himself in his own closet and hide from the whole world? Why bother? But that 'someone' happened to be the only man I love.

Pero hindi naman required na kapag nagmamahal ka dapat kasama mo na siya palage di ba? Taking a few steps backward is not prohibited. Kahit mahirap. Tama si Euna, maganda lang pangarapin ang katulad ni Rion kung malayuan. Pero hindi nga ako nakinig.

Wala akong pinagsisihan sa lahat ng ginawa ko. Lalo ko lang kakawawain ang sarili ko kung sisihin ko pa nag sarili ko. Natuto lang ako. At iyon ang mahalaga ngayon.

Diniinan ko ang pagpupunas sa mga luha ko. Sinong may sabing nakakagaan ng loob ang pag-iyak? Nakaka-stress ata lalo dahil pakiramdam ko ang pangit ko. Namumula ang buo kong mukha at namamaga na din ang mata ko.

Pero walang dapat bawasang self-esteem si Dollar Mariella Viscos. Inipon ko lahat ng gamit ko at bumaba sa hagdan...