Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 38 - Happy Dollar's Day!

Chapter 38 - Happy Dollar's Day!

Dollar's POV

Hindi ko inintindi ang nakataas na kilay ni Stacy nang makasalubong ko siya sa pathway. Kung di ko pa alam, naghahanap na siya ng rules at regulation na nilabag ko para isampal sa mukha ko.

Pero sorry na lang enemy no. 1, feel kong maging normal ngayon. Dire-diretso 'ko sa paglalakad. Balak kong magbagong-buhay. Ngayong araw lang na 'to. Pero hindi ibig sabihin niyon ay babaguhin ko na ang sarili ko at ang ugali ko. Sinadya ko lang talagang ilugay ang buhok ko, magsuot ng maayos na uniporme, magsuot ng ID, mag-alis ng pulang nail polish at maglakad ng normal sa halip na tumakbo.

Hindi dahil sa heartbreak. At hindi dahil paraan ko din 'to ng pagrerebelde sa sarili ko. Kundi dahil ritwal ko na 'to taun-taon.

Sa araw ng birthday ko at sa araw ng pagkamatay ng mga magulang ko... Tanda ko 'to bilang paggalang sa kanila. At dahilan din kung bakit ayokong i-celebrate ang birthday ko kahit kelan.

Inayos ko ang pagkakasukbit sa bag ko at naglakad papunta sa tagong bahagi ng University. Sa sanctuary.

Magpapalipas lang ako ng maghapon. Sigurado 'kong abalang-abala sila Uncle at ang mga kaibigan ko ngayon. Ang kukulit, sinabi ko ng ayoko ngang mag-celebrate pero ayaw nilang pumayag. Mamaya, sarado ang Al's Restaurant and Billiards at wala ding trabaho lahat ng empleyado doon. May kainan, may kantahan at may sayawan. At lahat ng iyon ay sa pangunguna ni Uncle. Aakyat na sana 'ko sa bleachers nang may makita akong dalawang taong...

Hindi nag-uusap... Hindi gumagawa ng assignments... At hindi rin kumakain... Naghahalikan!? Aba't! Langyang mga 'to! Dudungisan pa ang Sanctuary ko!

Sinilip ko sila sa pagitan ng mga bleachers. Nasa unang baitang sila sa baba kaya kitang-kita ko sila dito sa pangungunyapit ko sa mataas na bahagi ng bleachers.

Grabe! Iyong babae halos nakahiga na. At yung lalake parang nakakaloko ang tawa. Grrr!

Nakita ko ang librong hawak ko. And it gave me an idea! Pumwesto 'ko malapit sa kanila pero sa medyo hindi nila makikita. Bumwelo ako at -- Bull's eyes!

Sapol ng edge ng libro ang likod ng mahalay na lalake! Bwahahaha! Narinig kong umungol ang lalake.

"Honey, d-did I do something wrong?" nataranta iyong babae.

"Ah wala." Lumingon-lingon ang lalake kaya nagtago 'ko sa malapit na puno at naghintay na umalis sila.

Pero imbes na umalis. Mas lumakas ang mga sounds na galing sa kanila.

Nagbilang ako ng hanggang limang beses at pagkatapos ay nangolekta ng limang maliliit na bato. Dahan -dahan akong lumabas sa puno, kumuha ng buwelo at pinaulanan ng mga bato ang dalawang mahahalay!

Kumaripas na 'ko ng takbo. At normal na naglakad nang makarating sa pinakabukana ng University kung saan maraming tao. Iniwasan kong lumingon kung saan-saan kahit naninigas ang leeg ko. Baka kasi kung ano o sino ang makita ko.

Awa ng langit, nakalabas naman ako sa gate nang maluwalhati. Enjoy din palang maglakad-lakad paminsan. Lumingon ako sa magkabilang gilid ng kalsada habang hawak-hawak ang straps ng backpack ko. At sa halip na sa daan pauwi, sa daan papuntang city ako naglakad.

Pupunta 'kong sementeryo. Buwan-buwan ko naman silang dinadalaw at kahit kadadalaw ko lang sa puntod ng mga magulang ko noong Undas, iba pa din kapag lage ko silang nakakausap. Lalo na ngayong birthday ko. At death anniversary nila.

Ilang minuto na din akong naglalakad. Wala naman masyadong dumadaang sasakyan.

Napahinto lang ako saglit nang may marinig akong boses ng babae at lalake sa likuran ko. Nilingon ko sila. Hmm.... konting usyoso lang. Mga estudyante din sa school na pinapasukan ko. Nakatigil ang motor na sinasakyan nila sa gilid ng daan. At gusto kong mapasipol. That was a Harley Davidson! Hmn... Mukhang nag-aaway yata sila.

"Why?! Nagbago na ba ang isip mo? C'mon Vaughn, we had a great time few minutes ago!Tapos pabababain mo ko at uutusang mga-commute! You bastard!" Tuluyan ng bumaba sa motor ang babae. And I recognized her as one of the It girls in the University.

At ano namang klaseng lalake iyon? Pinabababa ang girlfriend niya. At pinag-co-commute? Nasa tapat pa ng main gate ng school ang mga bumibyaheng sasakyan. At malayu-layo na din ang pabalik.

Tinuloy ko na ang paglalakad. Naririnig ko pa ang pag-uusap nila. The girl is almost hysterical. At ang walang pakundangang boyfriend, parang nakakaloko pa ang sinasabi sa babae.

Hmn...come to think of it...pamilyar ang mukha nila at ang boses nila... Pero di ko na pinag-isipan kung saan ko sila nakita. Pakelam ko ba sa buhay ng mga 'to. Naglakad na ulit ako. At sa ilang minuto kong paglalakad, nahagip ng peripheral vision ko ang sumusunod na anino. Mabilis kong dinampot ang sanga ng kahoy at hinarap ang panganib.... In front of me is the man riding alone on his Harley.

Ang walanghiyang boyfriend kanina ng babaeng... Nilingon ko ang kabilang daan... ng babaeng ngayon ay naglalakad na palayo. At may pagpadyak pa.

"May problema ba?" walang-gana kong tanong sa lalake at hinagis ang sanga sa lupa.

And I must admit, isa siya sa mga lalakeng masasabi kong gwapo.Pero syempre...pang-apat lang siya sa ranking....

"Wanna take a ride?" the gorgeous stranger said that with a Western accent. At katulad ng paraan ng pagsasalita niya, may Western features din siya, brownish hair and green eyes. At kahit hindi nakatayo, siguradong matangkad. Hindi papahuli kila... Rion... Pero dahil rugged ang kagwapuhan niya, mas mukha siyang terorista sa paningin ko. But a gorgeous one.

"Okay ka lang? Pinababa mo iyong girlfriend mo tapos magyayaya ka ng babae para umangkas sa motor mo?"

"She's not my girlfriend."

O, kung di ba naman talaga walanghiya. Itinuloy ko na ang paglalakad. Bakit ko ba kinakausap ang lalakeng 'to?

"Wait!"

Nilingon ko ulit siya at babawiin ko na sana ang tingin ko sa kanya nang maalala ko kung saan ko siya nakita.

"Ikaw yung mahalay na lalake kanina!"

"Mahalay wha—" sandal siyang nag-isip, and burst out laughing. "Hahahaha!!!"

For a moment, I was mesmerized by his laugh. Pinagsamang nakakaloko at lalakeng-lalake ang tawa niya. Eh ano!

"Sabi ko na nga ba, ikaw iyong nakita ko kanina." He amusedly said. At bumaba sa motor.

Indeed, he's bigger than life!

"H-Huh?" Anong ibig niyang sabihin?

Kilala ba 'ko ng mahalay na lalakeng 'to?

"Yap. Nasikatan ng araw ang ginintuan mong buhok habang tumatakbo ka. So, I knew it was you, Dollar Viscos. By the way, I'm Vaughn."

Hmn....Kilala nga niya ako. Hindi ko alam na sikat pala 'ko. At hindi naman golden ang buhok ko. Deep brown lang, tumitingkad lang pag, tama siya, pag nasisikatan ng araw.

"Wala 'kong pakelam kung kilala mo pa kahit pangalan ng pusa namin. Sige una na 'ko sa'yo."

"You have questions in your mind, Dollar." pahabol niyang tawag sa'kin pero hindi ko inintindi. Wala 'ko sa mood makipagkwentuhan.

"The basement."

Pero iyon ang nagpatigil sa'kin sa paglalakad.

Ilang tao ang nakakaalam tungkol sa basement? At kung alam ng lalakeng 'to... anong kaugnayan niya kay Rion? Kay Moi at kay Zilv na pinaghihinalaan ko pa rin hanggang ngayon?

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya. Tiningala ko siya. There's something in this guy...like the devilish aura... Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Baka naman ginu-goodtime lang ako ng mokong na 'to?

"Anong basement? Halos lahat naman ng bahay o establishments may basement di ba?" painosente kong tanong sa kanya.

But he only smirked. Parang sinasabi na hindi siya naniniwala. And seeing his face, may idadagdag na naman ako sa ranking ng mga lalakeng may pagka-misteryoso.

"Here." Inabot niya ang kamay ko at may inalagay.

"Lighter ko!"

Na-miss ko din ang golden lighter. Pero bakeeeet? Bakit nasa kanya 'to? Tinapon ko na 'to di ba? Noong araw na pinagsabihan ako ni Rion?

"That's not your old one. Isa lang iyan sa sampung lighters na na-produce during 1980s. For an elite group."

"Elite group? Ano iyon kulto?" Hindi pa rin ako masyadong naniniwala sa kanya pero interesado ako sa gagawin niyang kwento tungkol sa history ng lighter na hanggang ngayon ay di ko alam kung saan nagsimula.

"Ride with me and you'll know half the truth of your existence, have a dinner with me at tungkol naman sa basement ang sasabihin ko sa'yo, and be my girl... at malalaman mo ang mga dapat mong malaman."

Sandali lang akong nagulat. Pero sa bilyaran kung saan ako lumaki at iba't ibang klase ng kayabangan ng lalake ang nakikita ko... normal pa 'to.

"Wala akong katanungan sa sarili ko. Maghanap ka ng kausap mo." Dinutdot ko pabalik ang lighter sa dibdib niya.

He only laughed. Nang nakakaloko.

Nagsimula na 'kong maglakad bago ko pa siya makutusan. Pero dapat yatang tumakbo na 'ko. Narinig ko ang rebolusyon ng motor niya. At umagapay na siya sa paglalakad ko.

"Here." Inabot niya ulit sa'kin ang lighter at nauna sakin ng ilang metro. "The Jaguar, Shrapnel and Cherub."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ano na namang pang-gu-good time yun?

"You'll meet them... soon." Sumaludo siya sa 'kin bago pinatakbo nang mabilis ang sasakyan.

Parang gusto kong mag-alala sa paraan niya ng pagmamaneho. Delikado ang daan dahil matarik at paliku-liko. Ayokong makasaksi ng aksidente ngayong araw na 'to. But the man managed to drive like a lightning. Very quick and surely. Nawala na siya sa paningin ko at saka ko naalala ang sinabi niya.

Kung maniniwala at aanalisahin ko ang sinabi ng lalakeng iyon... mga tao ang tinutukoy niya.

Jaguar. Shrapnel. Cherub. Sino sila???

^^^^^^^^

Dollar's POV

Lumabas ako sa sementeryo at naglakad sa pinakamalapit na parke malapit sa pinaka-city. Nakita ko si Moi na nasa gilid ng poste. Tinawagan na niya 'ko kanina na susunduin niya ko ngayon.

Lalapit na sana 'ko sa kanya nang mapansin ko siyang may sinusundang tingin sa kabilang kalsada. Seryoso si Moi. Hmn... Babae?

Marahan akong naglakad sa tabi niya at nakitingin sa tinitingnan niya. Pero bago ko pa maibaling ang tingin ko sa kabilang kalsada, may tumakip na agad na kamay sa mukha ko.

"Ugh! Moi, hindi ako makahinga!" reklamo ko. Tss! ang laki ng kamay ng lalakeng 'to.

"Bakit ka nanunubok ha?" sita niya sa'kin.

"At bakit ka sumisilip diyan sa kabilang kalsada? Hanggang tingin ka na lang sa babae? Nasaan ang pinagmamalaki mong karisma at taglay na kagwapuhan?"

"Wala. Coding. Tara na nga. Oops! Teka birthday mo nga pala ngayon! At entitled kang marinig ang kanta ko. Teka lang."

Tumikhim siya at bumanat ng kantang 'Happy birthday' na iba ang tono.

Para siyang tanga na kumakanta ,este sumisigaw pala, habang kumukumpas pa ang kamay at sumasayaw. Hinila niya ko sa iba't ibang stall ng tindahan at kumanta sa tapat ng mga iyon pati na din sa mga taong nadaan. Dahil nadala 'ko sa kabaliwan niya. Nag-act naman ako na parang nag-va-violin pero mas mukhang baliw na artist na nawala sa sariling mundo ang ginagawa ko.

Pinagtitinginan na kami ng tao at nakakuha na kami ng atensyon. At bago pa may sumita saming pulis, tumakbo na kami sa parking na pinaradahan ng Viper niya. Hindi kami mapigil sa pagtawa habang sumasakay.

"Langya ka talaga Moi, di ka pa nadala nung muntikan na tayong madampot ng pulis dahil sa panggugulo natin sa plaza, lagot tayo kay Hepe, gumawa na naman tayo ng eksena, kilala na tayo nun!"

"Hahahaha! Eh hindi naman tayo nakita di ba? Tara na, gusto ko ng kumain ng pansit!"

Mabilis kaming nakarating sa tapat ng Al's, pero dahil may taglay na kakulitan si Moi, ayun ayaw pa 'kong pababain.

"Ang baduy mo talaga Moi, bakit kelangan ko pang mag-blindfold?! Para namang hindi ko alam na birthday ko at na sosorpresahin nyo ko no!"

"Sige na! Para masaya."

Hindi na 'ko nakatutol nang balutan niya ang mukha ko ng malaking panyo. Muntik na kong hindi makahinga. Lalakeng 'to! Kung anu-anong naiisip.

Inalalayan niya ko pagbaba at nang maramdaman kong nasa loob na kami ng Al's Restaurant, ako na ang nagtanggal ng blindfold.

Nakita ko ang mga taong nakasama ko sa paglaki ko. Ang mga empleyado na doon na din tumanda, mula sa mga waiters hanggang sa mga chef na lageng nagpapasensya sa mga kakulitan ko sa kusina. Si Uncle. Si Euna. Si Zilv na kalung-kalong si Cheiaki. Si Cheiaki at ang bagong pusa niyang si Franc. Si Moi na nangunguna sa pagkanta sa videoke. They are the people who always made me smile. Kahit tinalaga ko na ang araw na 'to bilang pinakamalungot para sa'kin.

Nginitian at pinasalamatan ko lahat ng nadoon, ang mga bumati at nagbigay ng regalo. Narinig ko sa background na kumakanta si Moi ng matinong Happy Birthday.

At sa kalagitnaan ng celebration, hindi ko maiwasang mapatingin sa entrance. Napasimangot ako sa sarili ko. Para namang pupunta siya dito...

Lumingon ulit ako sa entrance pero si Zilv na ang nakita ko.

"Happy birthday, Duchess." Ginulo ni Zilv ang magulo ko ng buhok at niyakap ako.

"Pinadala na namin ni Moi ang regalo namin sa kwarto mo."

"Salamat."

"Dolyar! Kanta tayo!!!" nahila na agad ako ni Moi papunta sa stage.