Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 27 - Words from Two Guys

Chapter 27 - Words from Two Guys

Dollar's POV

Nakita ko si Moi sa harap ng Al's, nakasandal sa Harley niya at naninigarilyo. ( ?_ ?)

Hindi siya chain smoker at alam kong sinubukan nilang dalawa ni Zilv na manigarilyo bilang bahagi lang ng curiosity ng mga kabataan. Pero kapag ganito ang pagkakakunot noo niya at ganito ang paghithit niya ng sigarilyo... malamang higit pa 'to sa babae... Pero dahil masaya 'ko ngayon at walang paglagyan ang kaligayahan ko, si Moi ang naisip kong puntahan ngayong hapon. Biyernes ngayon at wala ng pasok pagkatapos ng Halloween Festival...

And thinking about the last Halloween Festival... I can't help but giggle.

"Psst! Moi!"

Tumingin siya sa 'kin at tinapakan ang sigarilyo niya.

"Bakit pagala-gala ka? Dapat natutulog ka sa tanghali nang tumangkad ka man lang."

"Yabang mo, samantalang noong mga bata pa tayo ay mas matangkad naman ako sa 'yo. Hmp! At saka hindi naman maliit ang 5'3 ah."

"Kahit na."

"Tsss! Mukhang problemado ka Moi ah, sinesermunan mo kasi ako, babae ba?"

"Kelan ko naging problema ang mga babae?" he tucked his hands in his jeans pockets.

Mukha talaga siyang problemado.

"Yabang mo, lage ka kayang problemado sa kanila."

"Hindi babae ang problema ko."

"Lalake?"

"Kutusan kita dyan?"

"Hahaha! Hindi babae at hindi rin lalake ang problema ni Moi... kung ganon...utang ng Pilipinas ang problema mo?"

"Tss! Hindi."

"Eh ano?"

"Namomroblema 'ko sa pagiging usisera mo."

"Sige na Moi, clue?"

"Namomroblema 'ko sa..."

Tumingin siya sa sementadong parking at pinaglaro laro ng sapatos niya ang sigarilyo.

"Namomroblema 'ko sa... kagwapuhan ko, lalong nadadagdagan sa paglipas ng mga araw----ARAY! Bakit ka ba nambabatok?"

"Para malaglag yang kagwapuhang sinasabi mo. Tss! Pinuntahan kita kasi... Naiisip mo ba ang naiisip ko, Moises?"

"Malay ko sa isip mo. Isa lang naman ang nasa isip ng isang baliw na Dollar. Eh di si Rion."

"Wahahaha! You got it, Moi!" tumalon-talon ako sa saya.

"Tsk! Tsk! Baliw talaga!"

"At yung mga pictures na hinihingi 'ko sa'yo..." (O_?)

Napakamot siya sa batok at sumampa sa motorbike niya.

"Late na nga pala 'ko sa usapan namin ni Zilv, sige dya-----"

"Hep!"

Hinila ko siya sa laylayan ng T-shirt niya. Sabi na nga ba at hindi pa din niya nagagawa.

"Oy, huwag mong gusutin damit ko may date pa kami ni Rhia ,Tsss! Oo po, baba na! Ugh! Kung hindi ka lang babae kinutusan na kita."

Nilahad ko ang mga palad ko sa kanya.

"Nasaan na?"

"Ahmn... ganito kasi ang nangyare... Nag-undercover ako para makuhanan siya ng pictures... tapos... nang pi-picture-an ko na siya... bigla akong nadulas dahil may balat pala ng saging... tumilapon ang camera... at nasira... tapos nakaalis na pala si Rion."

"Hmp! Hindi ka magaling na story teller, Moises."

"Tss! Hindi ko naman kasi maintindihan kayong mga babae. Bakit niyo pa kailangan lage ng picture ng mga lalake? Anong gagawin ninyo doon? Oorasyunan? Dadasalan? If the guy is really important, hindi na kailangan ng picture, his face must be kept in the heart."

(?_?) Napatango-tango ako.

"Oo nga no."

"Tss! Naniwala ka naman sa'kin!"

P-in-at niya 'ko sa ulo at ginulo niya ang magulo ko ng buhok.

"O sige na nga, hindi ko na pipilitin na magka-pictures niya. Sisikapin ko na lang na makita ko siya madalas..."

Hay! Sana matapos na ang Week-long vacation, para pasukan na!

"Baliw ka na talaga sa kanya no? At hindi ka talaga namin mapigilan no? I'm sure you'll get over by your infatuation with him."

"Who says that I'm only infatuated with him?"

"Don't tell me..."

Mas matindi pa ang pagkakakunot ng noo ni Moi ngayon kesa kanina.

"Yes, Moi." Determinado kong sagot sa kanya.

"Kill whatever feelings you have for him, Duchess." Moi said in unusual serious tone.

"At baket naman?"

"Because...he's...he is incapable of loving!"

"Paano mo nasabi? Hindi ikaw ang magsasabi niyan, at kung totoo man, I'll be working on that. At saka ikaw din naman di ba? You always say you love the girl but the truth is you are also incapable in that field, you just play."

Ayokong sabihin iyon sa kanya. Pero medyo naiinis ako. Gaano kakilala ni Moi si Rion para sabihin iyon?

''I know myself, Dollar. Pero hindi ako ang topic dito, kundi ang kabaliwan mo sa... sa lalakeng iyon!''

''Do you have something personal for him, Moi, bakit parang galit ka sa kanya?"

"I'm not, ang totoo, isa siya sa mga taong hinahangan ko, pero hindi sa larangang gusto mong pasukin, loving is not his forte, Duchess, loving Rion is... too risky."

"Lahat naman di ba ?"

"I'm a man too, at mas kilala ko siya kesa sa inaakala mo."

"How?"

"It's not important."

Nag-iwas siya ng tingin. Meron ba siyang hindi sinasabi sa'kin? At maging si Zilv. Kung magsalita sila, akala mo matagal na nilang kilala si Rion.

''Listen, Duchess, kung mamahalin ka niya sa future, that will be a... disaster."

"Bakit napaka-pessimist mo?"

"That's the fact. Bukod sa hindi niya kayang magmahal, hindi rin siya magmamahal ng isang babae, o kung mamahalin niya man 'yon, hindi buo. Rion is a complex man. At hindi perpekto ang mundo, there's so many danger."

"It's not you talking about those things."

Ngayon lang kami nagkaroon ng argument na katulad nito. At hindi lang basta pangungulit ang sinasabi ni Moi. He talks like he's a full grown man, na napagdaanan niya na lahat ng posibleng pagdaanan ng isang tao, na marami siyang alam tungkol kay Rion.

"Believe me, Dollar. Now be a good girl, finish your study, find a good job and marry a fine man, make babies and start a happy family."

"Rion is a fine man!"

"Fine man, my ass! Fine man, Duchess, lalakeng pakakasalan ka at mamahalin ka din."

"You really think na hindi niya 'ko mamahalin?" Parang gusto kong umiyak. Bakit siya na bestfriend ko ang unang sumisira sa morale ko?

"Ugh! Nakakainis ka na! At bakit ba nauwi sa ganito ang pangungumusta ko sa 'yo?" Huminga ako nang malalim, hindi ako dapat maapektuhan ng mga sinabi ni Moi.

''Tandaan mo 'yang mga sinabi ko. I only want your safety.''

Iyon lang at sumampa na ulit siya sa bike niya at pinasibad iyon palayo.

"He's right."

Nilingon ko ang nagsalita. Si Zilv. Naglakad siya palapit sa kotse niya at sumandal doon.

''Huwag kang magtampo sa lalakeng 'yon. Duchess, nang pinatakbo niya ang bike niya, that means na tinanggap na niya ang desisyon mo, you must know Moi, na kung gusto ka niyang pigilan sa nararamdaman mo kay... Rion, hindi siya aalis dito at buong gabi kayong nag-aaway.''

''Siguro nga. Ikaw ba, tatay Zilv?''

Hindi siya agad nagsalita at nilabas ang key fob ng kotse niya sa bulsa niya.

"I've learned to respect your decision, Duchess, alam naming napaka-stubborn mo, pinigilan ka lang namin noong una dahil akala namin may remedyo pa. But looking at you now, I know that once you set your mind in doing a thing...and in this case is chasing Rion, alam kong hindi kita mapipigilan."

"I do not set my mind in this, Zilv, it's my heart."

Tumawa siya namg mahina sa pagtataka ko.

"Tss! Naloko na, hindi ka na nga bata, nakakakilabot na yang mga pinagsasabi mo."

I chuckled. Akala ko mas matindi pa ang gagawing panenermon ni Zilv sa 'kin kesa kay Moi.

"You know, Dollar that your safety is our utmost priority. Kung pwede ka lang naming bantayan ng 24/7 ay ginawa na namin."

"I know, Zilv, and I am so grateful that I have you and Moi as my big brothers."

Pumasok na siya sa kotse niya, at naupo sa driver's seat. Nakababa ang roof niyon kaya nakikita ko pa din siya.

"We're always here, Duchess, sabihin mo lang sa'kin kung kelan mo ipabubugbog si Rion."

"Hehehe! Salamat. Kiss Moises for me! Sorry kamo."

"Ugh! I don't kiss guys!

Napatawa kami pareho. That was a hearty laugh. In-start ni Zilv ang kotse. "One more thing, Dollar."

"Hmn?"

"I'm taking back my words, hindi ang safety mo ang mahalaga sa 'min. It's your happiness, pangalawa lang ang kaligtasan mo. But remember that, galing na din kay Moi, na hindi perpekto ang mundo. You know what comes after joy."

"Got that, Zilv."

He gave me one last look and went away.

Naglakad ako pabalik sa bahay.

Inamin ko na din sa dalawa kong kaibigan. Yes.

Kung dati sinabi ko na importante lang sa 'kin si Rion, ngayon este kagabi pala, nang humiga ako sa kama ko, alam ko sa sarili ko na iba na talaga 'to. Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Siguro alam ko na dati pa, noong una ko pa lang siyang nakita sa desk niya sa SSC Office, na sa kabila ng pananakit ng ulo ko dahil sa pagka-untog o ng paa ko dahil sa pagkatalisod, na mahal ko na siya noong unang nakita ko ang mga mata niya..

That's it! Mahal. That's the operative word. Na lalong lumalim sa kabila ng mga pagtanggi niya sa'kin, sa mga pagpipigil nila Zilv at Moi, sa mga hapong umuuwi ako na hindi ko siya nakikita, sa matagal na paghihintay sa Sanctuary at marami pa. Na mas lalo pang lumalim ulit nang bigyan niya ako ng kahit konting atensyon lang. Nang simpleng paborito niyang monosyllabic na salita na yes at no, ng mga pagpapa-uwi niya sa 'kin, ng nakikita kong pag-aalala niya, sa mga simpleng bagay na ginagawa niya, at sa pagiging siya.

Noong una ko pa lang siyang kinukulit, sabi ko,okay lang kahit na hindi niya gantihan ang mga ginagawa 'ko. Na tama na na mapakita ko sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya. In this world, nobody can be sure if the person they love will love them back. Pero alam kong niloloko ko na naman ang sarili ko, dahil alam kong umaasa din akong mahalin niya. Lalo pa't nitong mga huling araw ay nararamdaman kong kahit paano, alam niyang nag-eexist ako, na naglaan siya ng oras sa'kin, na kahit paano, pinapatulan niya ang mga kakulitan ko.

And that someday...he will learn to love me...na mararanasan ko ding mahalin ng isang Rion Flaviejo. Na mamahalin din ako ng Unsmiling Prince ko...