Naalimpungatan si Gab nang marinig niyang may nag-uusap. Hindi niya naintindihan ang mga sinasabi dahil Ibaloi ang ginagamit nila. Hindi siya nakatiis at lumapit siya ng bahagya sa dingding. Napag-alaman niyang ang kaibigan niya pala ang may kausap. Waring galit ang boses ng matanda pero kalmado naman ang isa. Maya-maya'y nag-English ang kaibigan niya kung kaya nakakaintindi na siya sa mga sanasabi nito. Palibhasa kasi mas maalam ang mga may edad na katutubo ng English kaysa Tagalog. At iyon ang nakakamangha!
''Apo, I promise I'll never let you down."
"Well, I've been hearing these words since last year. My goodness! I'm running out of days. I'm getting older and weaker now. Do something before you send me to my grave!''
"Apo you will surely live longer so please, don't say that. Besides it's not that simple to find that particular person. I have to be careful in my decision and you know that. Just give a week and it'll be fulfilled. Just give me a week.''
"This is your last chance. If you are not able to fulfill it, you know exactly what will happen. I mean it!"
"Yes, I know.''
"Alright! Now be hospitable to your visitor. Take care of him."
Nang marinig ni Gab iyon, dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at tinungo ang kinaroonan ng nag-uusap.
"Oh bro, buti gising ka na. Halika, pakikilala kita sa lolo ko," bungad agad ni Jason noong makita niya si Gab.
"Mayat yan agsapam lolong,'' bati ni Gab sa may-edad.
(Magandang umaga Lolo)
"Wen. Aa, amtam gayam yan man esel ni Ivadoy!"
(Oo. Aba'y marunong pala itong mag-Ibaloi.)
"Otek bengat lolong.'' Sa totoo lang, nag-memorize lang naman siya ng mga ilang pangungusap mula sa Google.
(Kaunti lang po Lo) Sa totoo lang, nagmemorize lang naman sa ng mga ilang pangungusap mula sa Google.
"Ngentoy ngaran mo apok?''
(Anong pangalan mo apo?)
"Gab Ramos po," matipid niyang tugon.
"Angagsapa ka la?''
(Nag-almusal ka na ba?)
''Napselak pylang, no egay da, pyan kon mandikdiked shiya kad-an yo.''
(Busog pa po ako Lo. Mamaya nalang po,gusto ko pong maglibot muna sa lugar niyo.)
"Lolong endawak da.''
(Lolo aalis na po ako)
"Sige apok, pan-annad ka.''
(Sige apo mag-ingat ka)
Tumalikod na si Gab pagkatapos nagpaalam sa may-edad at binulungan ang kaibigan niya.
"Tara, ilibot mo na ako sa lugar niyo!" excited na wika niya.
"Ayaw mo talagang kumain bro? Well, save it for later."
"Bakit? Anong mayroon mamaya?"
"Family reunion, at maghahanda sila ng maraming pagkain."
"Ayos 'yan! Magpapagutom ako ng husto para sulit naman ang handa nila," sabay ngiti niya.
Bagama't maganda ang pangangatawan niya, wala sa bokabularyo niya ang salitang diyeta. Siguro mabilis lang talaga ang metabolism niya at masipag siyang mag-excercise, kaya makisig pa rin siya. Bagay sa kaniyang mestizong anyo.
Hindi alintana ni Gab ang gutom, pinangangatawanan na niya talaga. Sabagay nalilibang siya sa mga magagandang tanawin. Sobrang remote na talaga ang lugar at foggy na sa sobrang taas. Pumunta din sila sa talon at rose farm ng pamilya ni Jason. Hindi siya magkamayaw sa kakakuha ng picture sa mga magagandang tanawin. Tanghali na ng nakauwi sila.
"Bro kailangan mong makita ang antiques place namin. Halika!"
"Meron kayo?"
"Naman! Namana pa ni lolo yan sa mga katutubo naming ninuno." Pagkabukas agad ng pinto ay namangha si Gab sa kaniyang nakita. Halos 'di siya makapaniwala sa kaniyang nakita dahil mas luma pa ito kay sa mga nakikita niya sa mga exhibit sa museum.
"Whooaah! Bro are these for real?"
"Naman! Gusto mong mag-selfie? Libreng-libre bro, basta huwag mo lang i-post online ah. Eto oh, hawakan mo at kukunan kita," sabay abot nito sa antique na tungkod. At habang panay kuha ng picture ang kaibigan niya bigla nalang bumukas ang pinto at nagulat sila pareho ng sumigaw ang lolo ni Jason.
"Bakit mo hinawakan 'yan! Ibaba mo yan! Alam mo ba ang ibig sabihin ng ginagawa mo!" Nagalit ang may-edad.
"Ho? eh lolo kumuha lang po ako ng picture kasama 'to at wala naman po akong balak kunin 'to," depensa ni Gab at tila nanatiling tahimik si Jason.
"Mahigpit naming sinusunod ang tradisyon ng aming ninuno na kapag may hahawak ng tungkod na 'yan ay maging miyembro ng pamilya namin," seryosong wika ng may-edad.
"Wala pong problema, Lo. Para kaming magkapatid ng apo niyo kaya parang pamilya na rin ang turing ko sa pamilya niya."
"Hindi ganoon iyon! Ang ibig kong sabihin ay kailangan mong mag-asawa sa isa mga miyembro ng pamilya."
"Ho?!'' Laking gulat niya at natakot siya sa sinabi nito.
"Hindi kami nagbibiro pagdating sa bagay na 'yan."
"Hindi naman po puwedeng mag-asawa ang hindi kilala ang isa't-isa, saka lalo na kapag walang pag-ibig ang dalawa," sagot niya pero hindi pa rin umimik ang kaibigan niya.
"Apok, andito ka sa teritoryo namin na mahigpit ang panghahawakan sa tradisyon ng aming mga ninuno. Tamang-tama at may pagtitipon mamaya ang buong angkan."
"Lo, pasensiya na po pero 'di ko po magagawa ang sinabi niyo. Saka ibinigay lang po sa akin 'to ng apo niyo. Sabi niya okay daw magpa-picture." Napagtanto niyang hindi na talaga ito biro.
"Bro, magsalita ka naman diyan oh," wika niya sa kaibigan niya.
"B~bro, pasensiya ka na hindi ko kasi alam na papasok si lolo eh. Lo, pasensiya na po. Puwede po bang mag-usap po muna kami ng kaibigan ko?"
"Apok alam mo na ang kahihinatnan kapag balewalain niyo ang tradisyon na 'to. Huwag naman sanang aabot sa sitwasyong may magbuwis ng buhay," banta ng may-edad na talagang seryosong-seryoso.
"Lo, hayaan niyo po munang kausapin ko ang kaibigan ko, please," makaawa ni Jason.
"Sige, ipaliwanag mo sa kaniya dahil kung hindi baka ikamatay ko ito ng maaga,'' banta uli ng may-edad sabay labas ng silid.
''Bro, nagbibiro lang naman ang lolo mo 'di ba?''
''Bro, pasensiya na. Hindi ko inakalang papasok siya dito ng ganitong oras. Kasi madalas nasa farm siya ng ganitong oras eh. Hindi talaga nagbibiro ang lolo. Seryoso talaga naming sinusunod ang tradisyon ng angkan namin.''
''Ay hindi ako papayag diyan! Magkakagulo tayo niyan.'' Nagsimula na siya mag-init sa galit.
''Please naman, gawan na lang natin to ng paraan.''
''Hindi ako magpapakasal sa taong di ko pa nakikilala. Saka may girlfriend na ako, 'di ba?''
''Alam ko naman hindi ka seryoso sa doon eh. Sige na please, tulungan mo ako. Ayoko pang mamatay si lolo.''
''Imposible 'yang sinasabi mo bro! Hindi ko masikmurang magpakasal sa hindi ko kilala.''
Pagkarinig niyao'y napansin niyang tumulo ang luha ng kaibigan niya. Naisip niya, ganoon ba talaga ito ka seryoso? Hindi pa niya ito nakitang umiyak kahit kailan. Kahit pa noong nagtaksil ang girlfriend nito. Pero ang mas nakagugulat ay ang sumunod na ginawa nito. Lumuhod ito sa harapan niya.
''O~oi bro huwag kang ganiyan. Hindi maganda 'yan. Tumayo ka.''
''Hindi. Hindi ako tatayo hangga't mangako kang tutulungan mo ako. May naisip na akong magandang paraan. Please, alang-alang sa'kin. Tulungan mo ako. Tatanawin kong malaking utang na loob ko 'to.''
''Sige na, oo na. Tutulungan na kita.'' Wala siyang ibang choice dahil naawa naman siya sa kaibigan niya. Anupa't kaibigan ang turingan nila kung hindi niya ito tutulungan?
''Salamat talaga bro. Utang na loob ko to sa'yo. Ang naisip ko, magpanggap ka na lang na pumayag magpakasal sa pinsan ko. Ako na bahala sa papel. Hindi ito magiging legal, kakausapin ko din ang mag-register at ipaliwanag ang tungkol sa tradisyon at kay lolo. At bilang pampalubag-loob, ibibigay ko sa'yo ang isang iktarya na lupa ko. Bukas na bukas ay ipa-process ko na ang transfer of title.''
''Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Ang akin lang ay paano kung mabuking tayo?''
''Hindi ka mabubuking niyan kasi 5 days ka lang naman dito. Pagkabalik mo sa Manila back to normal ka na ulit. Ako na bahala sa mga papeles.''
''Siguraduhin mo lang ha? Kung 'di lang kita kaibigan hindi ako papayag.''
''Salamat talaga bro. Sabihin ko mamaya kay lolo at maianunsyo niya ito mamaya sa gathering.''