Chapter 3 - Chapter 3

Walang inaksayang panahon si Jason anupa't tinungo niya agad ang lolo niyang nasa hardin para sabihin ang magandang balita.

"Lolong, ayshe lay problema yo, tinmulok da hota barkadak jen makiasawa!" masaya niyang sambit.

(Lo wala na po kayong magiging problema, pumayag na po ang kaibigan kong magpakasal'')

''Apok baka way dengam jen ngaaw isunga tinmulok, ta nengsas ko ne-gay ket talagan nga-aw to."

(Apo, baka naman may ginawa kang kababalaghan kung kaya't napapayag mo siya? Sa nakita ko kanina mukhang matibay ang paninindigan niya.)

"Ayshe, kina-esel ko bengat sigaton usto, amta ton kasapulan ko e tulong to.''

(Wala po, matinding pakiusap lang po ang ginawa ko. Siguro narealized niya na kaibigan niya pa rin ako na nangangailangan ng tulong)

"Well, I'll dig deeper on that."

"Apo, you have nothing to worry about. Besides, what matters most is your wish will come true tonight. Am I right?"

"I know. But I will still check on that, after all the truth will remain truth, right?'' makahulugang wika nito.

"Of course!" tugon nito habang nakakuyom ang mga palad. Palibhasa'y alam niyang hindi talaga nagbibiro ang lolo niya. Kailangang maging malinis talaga ang bawat hakbang niya baka maipahamak pa niya ang kaibigan niya. Pagkatapos nilang mag-usap ay agad na umalis siyang palihim upang pumunta sa bayan. Kailangan niyang makausap agad ang kaniyang kaibigang nagtatatrabaho sa civil registrar. Kailangan maging malinis ang mga galaw niya para 'di makahalata ang lolo niya. Agad-agad naman siyang bumalik para hindi makahata ang lolo niya.

"Bro, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap kasi si lolo kanina pa nagiimbestiga," bungad agad ni Gab.

"Ah~eh diyan lang sa kabilang farm."

"Grabe, four hours kang wala! Ano na ang gagawin ko? Baka mabuking tayo."

"Relax ka lang. Ako nang bahala, nagawan ko na ng paraan."

"Siguraduhin mo 'yan ah. Baka papalpak tayo niyan."

"Ang dapat mong paghandaan ay kung paano mo gawing makatutuhan ang mga kilos mo para 'di ka mukhang kahinahinala."

"Well kaya ko 'yan. Kanina nga, kinumbinse ko si lola na bukal sa loob kung pumayag. Dahil kako may kasalanan din naman ako kahit ang totoo ay wala naman."

"Pasensiya ka na talaga, bro. By the way, I've already set an appointment with my lawyer for the legal transfer of ownership, kaya ako umalis. Pinaprocess na niya and by Friday dadaan tayo para sa mga kailangang pirmahan.''

"Okay. Nga pala, mukhang nagsidatingan na ata ang mga kamag-anak niyo."

"Ah ganoon ba? Marami bang dalang pagkain?"

"Parang. Ang dami kasing mga binabang mga kawali't palayok eh."

"Kaniya-kaniyang pabonggahan ng pagkain ang tradisyon namin every reunion..."

"Mga apo tulungan niyo muna kami dito at ilang oras na lang ay magsisimula na ang program," biglang singit ng lolo ni Jason.

Naging abala ang lahat sa kusina. Kadalasan sa mga putahe nila'y mga authentic foods 'yong tipong mahirap hanapin sa mga restaurant sa Manila.

Lumipas ang mga ilang sandali at dumating na ang oras para simulan ang programa sa eksaktong 7p.m. Mukhang malaki nga ang angkan nila at aabot halos 530 ang katao. Sabagay malawak ang lugar nila. Sa programa, nagpapakilala bawat isa pagkatapos bawat pamilya'y naghahandog ng traditional na awitin at sayaw gamit ang traditional instruments. Kahit hindi siya nakakarelate ay nakikigulo na rin si Gab kasama ng kaniyang pagpapanggap. May patimpalak din ang pamilya sa pagalingan ng pag-awit at mga katutubong laro. At bilang pagtatapos ng programa,

"Pilme e dadsak ko ta naulnong kito muwan, sakbay ya mansesey-an kito waray piyan kon ibaga yan siguradon madadsakan kayo,'' bakas ang kaligayahan sa mukha ng may-edad.

(Mahal kong mga supling, nagagalak akong nagkakatipon tayo ngayon pero bago tayo magtapos sa ating programa, nais ko ring ibalita ang isang magandang balita na tiyak na magpapagana sa inyong pagkain," bakas ang kaligayahan sa mukha ng may-edad.)

Sa kabilang dako nama'y panay bulong-bulungan ang lahat na tila ba sabik maranig ang balita.

"Niman yan dabi e tyempo ni pakiasawaan ni kabakkulan yan apok.''

(Ngayong gabi ang takdang panahon para ibigay sa pag-aasawa ang pinakamaygulang na dalaga sa aking mga apo.)

Lalong nagkakagulo ang lahat at naghuhulaan kung sino sa kanilang angkan iyon. Sa kabilang dako, kinabahan si Gab. Malay niya ba kung matandang dalaga pala iyon! Kahit pagpapanggap lang, hindi niya 'yon masikmura. Para siyang naduduwal sa naisip niya. Napangiwi na lang siya.

"Aygan ko garud ya paki asawaan to. Usop ka ali apok yan Gab.''

(Unang tawagin natin ang mapapangasawa niya. Halika apo, lumapit ka Gab.)

Parang pinako sa lupa ang mga paa ni Gab at hindi niya iyon maihakbang. Panay nguso ng kaibigan niya pero hindi ito umipekto kaya tinulak siya nito. Dahan-dahang lumapit si Gab na pakiramda'y binubuhusan ng malamig na tubigb ngunit tagaktak ang pawis. Hindi pala ito madali at napasubo na siya.

"Halika apo, huwag kang mahiya. Pakilala ka sa magiging bago mong pamilya. Kaunting Ibaloi lang alam niya kaya magtaTagalog na lang siya."

"M~magandang gabi po sa inyong lahat. Ako po si Gab Ramos, 30 years old tubong Maynila at best friend ni Jason," iyon ang tanging nasambit niya. Paano ba nama'y nangangatog ang tuhod niya't napapatakbo na siya sa hiya. Huminga siya nang malalim saka pumikit. Mahirap pala kahit magpapanggap lang. Parang mabibingi siya sa malakas na palakpakan sa paligid.

"Ngayon nama'y tawagin natin ang magiging kabiyak niya. Halika dito Ariya.''

Hinanap agad ni Gab kung sino itong si Ariya. Mabilis niya agad itong nakita yamang pinagtitinginan ito ng mga kamag-anak niya. May mga lumapit pa't yumakap para bang natutuwa sila't mag-aasawa na ito. Ngunit mukhang hindi masaya ang babae. Parang ayaw nitong lumapit kaya kinausap ito ng malamang mga magulang niya. Maya-maya'y lumapit. Habang papalapit ito narealized ni Gab hindi naman pala siya matandang dalaga, baka nga mas matanda pa siya. Hindi naman kagandahan talaga ang dalaga pero sa taglay niyang kayumangging balat ay napalutang nito ang natural na pagkadalagang Pilipina. May isa pa siyang napansin, ang mga luhang nagngingilid sa mga mata nito.

"Ngayon, magpakilala kayo sa isa't isa." Inilahad ni Gab ang kamay niya dito.

"Dahil bukas na bukas din ay ikakasal na kayo't ako mismo ang magkakasal sa inyo." Pagkasabi ng may-edad ay biglang humigpit ang pagkakahawak ng babae sa kamay niya Gab bagay na ikinagulat niya. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng awa sa babae. Paano kaya kung totoo ang kasal nila? Tiyak na miserable ang mga tao sa angkan na ito. Walang kalayaan sa sarili. Gayunpama'y manghang-mangha siya sa pagkamasunurin nila.

"Awww ang sakit." Biglang nanauli sa katinuan ang babae nang nagsalita si Gab.

"S~sorry." Niluwangan ni Ariya ang pagkakadaop nito.

"Ako si Gab, ikaw?...'' binawi niya ang kamay niya. "Anong klaseng kamay mayroon ang babaeng ito?" wika ni Gab sa sarili.

"Ariya," matipid niyang tugon na halatang wala sa loob. Pinagmasdan niya ito, ibang-iba ang aura nito sa mga typical city girls. Walang make up, may halong traditional clothe ang damit, magaspang ang kamay parang bato. Puwede niyang tawaging dalagang bundok, ngunit aminado siya sa taglay nitong natural na ganda.

"Sige, magsimula na kayong kumain at makapagpahinga na dahil bukas ay may malaki pa tayong handaan," patuloy ng may-edad.

Pagkasabi niyaon tumalikod agad ang babae pumaroon sa puwesto ng kaniyang mga magulang. Akmang kakausapin ito'y biglang umalis.

"Hoy! kanina ka pa nakatayo diyan ah," anang ng kaibigan niya.

"Grabe bro, hindi ko ma-imagine ang buhay niyo dito. Wala kayong kalayaang pumili ng mapapangasawa. Napakamiserable niyo siguro, 'no?"

"Hindi naman. Mas mahalaga ang tradition ng pamilya at alam namin lahat 'yan. Later on, makakapag-adjust din naman sila gaya ng mga parents namin. Masaya din naman sila. Tingnan mo?" sabay turo nito sa kinaroonan ng mga magulang nito. At talagang masaya naman sila tingan at sweet sa isa't-isa.

"Nananatili pa ang aming mga ari-arian," dugtong ni Jason.

"Buti hindi ka pa pinag-aasawa ng lolo mo kung 'di lagot ka sa naging girlfriend mo."

"Iyan ang pinag-awayan namin dahil 'di niya kayang mamuhay dito. Iyon kasi ang kahilingan ni lolo sa akin eh. Kailangan kong sundin si lolo kaya naghiwalay kami."

"Naku! Buti na lang peke ang kasal bukas dahil kung hindi, magiging miserable ang buhay ko. Baka ikamatay ko pa 'yan nang maaga."

"'Wag ka ngang maingay diyan! Tara na nga sa loob."

Pumasok na ang dalawa at diretso higa sa kani-kanilang kama. What a long stressful day to them! Sana matapos agad ang bangungot na'to.