Na-enjoy ni Gab ang mga nangyari sa kanila ng peke niyang asawa. For the first time, nakikipagtawanan siya dito. Okay naman pala kasama ang babae. Tinulungan pa siya nitong mag-impake ng mga pasalubong pauwi ng Maynila.
"I don't think my car can load all of these.''
"Kaya 'yan, mga gulay lang naman 'yan at kakanin. Mahal ang mga bilihin doon at saka hindi pa fresh," tugon ni Ariya habang abala sa pag-iimpake.
"Oo nga naman. Pinagtiyagaan niyo pa man din itong gawin kaya nakakahiya naman kong 'di ko dadalhin.''
"What time are you leaving?''
"First thing in the morning para 'di kami gabihin sa daanan."
"Okay, you guys take care on the road.''
"We will. Oh, I'll check if Jason's done packing. Thanks anyway."
"No problem."
Pinuntahan ni Gab ang kaibigan niya pero nakalatag pa rin mga gamit nito. Hindi pa ito nakapag-impake. May kausap ito sa balkonahe pero biglang huminto sila nang makita siyang pumasok.
"You're still not packing? We'll be leaving early bro," bungad ni Gab.
"Bro pasensiya na. I'll be staying for few days. Something happened that needs my attention. Ihatid na lang kita sa bayan bukas. Marunong ka naman na pagdating sa Baguio, 'di ba?" Malungkot ang aura nito.
"May problema ba? What happened?" nag-alalang tanong nito sa kaibigan.
"Some kinda family matters but don't worry, everything will be alright."
"You need help? I can stay here until Sunday."
"No...no thanks. You have to go back, marami ka pang asikasuhin sa company mo."
"Are you sure? ~ Well I think I'll better go to sleep. Maaga pa ako bukas."
"Okay."
Parang kakaiba ang naramdaman ni Gab. Parang...parang may naamoy siyang mali. Parang kakaiba ang kutob niya. Ano naman kaya 'yon?
Nagtungo muna siya sa palikuran bago pumasok ng kuwarto nang 'di inaasahang marinig niya si Apo Endo na sumigaw sa galit.
"Ano! Are you out of your mind? I told you, I'm gonna dig deeper about this marriage.''
"I don't have a choice. I was scared that I couldn't get my inherit portion. But what's more scaring is that, you can possibly die if we aren't able to follow the tradition,'' sagot naman ni Jason.
"You're killing me right now, you know that? How could you set up your best friend for this marriage?"
Tama ba ang narinig niya? Set up? Siya? Nagdilim ang paningin niya at walang kaabug-abog, pumasok siya sa silid at sinuntok ang kaibigan niya! Bagsak ito sa sahig. Pumutok pa ang labi sa lakas ng tama.
"Pakiulit nga ng narinig ko? You set me up para makuha ang mana mo?!'' Hindi niya natantiya ang kaibigan niya't natadyakan pa niya ito. Nakakaawa ang itsura pero mas nakakaawa man siya.
"Bro, I can...e~explain," halos 'di siya makapagsalita sa sobrang sakit.
"Bro? Kinikilabutan ako! Ikaw na tinuring kong kapatid, ikaw pa ang sisira ng buhay ko?" Kinalakad niya ito.
"Enough!" awat ng may-edad.
"Bro, hindi ko sinadyang ikaw ang nasaktuhan ng pagkakataon. Gumawa ako ng paraan pero naunahan ako ni Lolo. Alam kung walang kapatawaran ang kasa...'' naputol ang sasabihin niya nang makitang bumagsak bigla ang lolo niya.
"Lo!" Sa sobrang pagkabigla, iyon lang ang tanging nasambit ni Jason. Nangangatog siya sa sobrang takot.
"Tulong! Tulong!" sigaw ni Gab dahil mukhang hindi na makakapagsalita pa ang kaibigan niya at nanlambot.
Nataranta ang buong sambayahan sa nangyari. Buti na lang nandoon ang mga magulang ni Jason at unang sumaklolo. Maya-maya'y nanauli sa katinuan si Jason at sa wakas ay nagamit niya ang kaniyang pagkadoktor. Buti na lang at hindi high blood ang lolo niya. Hinimatay lang pala kaya pinagpahinga muna nila ito.
Ngayon, alam na ng lahat ang katotohan. Ang pekeng kasal ay naging totoo! Naipa-register na pala kahapon ni Apo Endo ang kanilang kasal kung kaya't hindi mahanap ni Jason ang mga dokumento. Kinausap niya ng sarilinan ang kaibigan niya.
"Bro, hindi ko na hihilingin sa'yo ang kapatawaran dahil alam ko namang 'di mo ako mapapatawad eh. Hindi na mahalaga sa akin ang mana ko. May isa lang akong pakiusap ko sayo, ayokong mawala sa amin si Lolo.''
"Anong gusto mong gawin ko? Totohanin ko 'tong pahamak na sakalsakalan na 'to? Ano na lang ang sasabihin ko sa girlfriend ko? Besides, I haven't think of settling down yet!" galit pa rin si Gab at hindi naman siya masisi dahil siya ang niloko.
"Hindi naman mahirap mahalin ang pinsan ko dahil kilaka ko siya at tiyak na magugustuhan mo rin siya balang araw."
"Eh 'di ikaw na ang tumira kasama niya. Bakit ka pa nandamay ng ibang tao?"
"I understand, huwag mo na akong patawarin if that's your will. Pero nakikiusap ako, nakasalalay sa'yo ang buhay ng Lolo ko."
"At nangungunsinsiya ka pa? Ako dapat ang gagawa niyan, hindi ikaw. Hindi ko naman kayang pumatay ng tao. Tama! Kailangan ko ng katulong kaya puwedeng-puwede ang pinsan mo. Bakit nga ba hindi? Makaganti man lang ako sa kabaitan mo."
"Huwag naman ganoon bro."
"Nagrereklamo ka? 'Yon lang ang magagawa ko hangang sa magpapa-annull kami kung maisipan na naming magpakasal ng girlfriend ko." Sukdulan na talaga ang mga nasabi niya.
"Bro naman, 'wag mo naman idamay ang pinsan ko sa galit mo..."
"I can handle it kuya, kakayanin ko ang lahat para kay Lolo. Kung 'yon lang ang paraan, gagawin ko," biglang sumingit si Ariya sa usapan dahil kanina pa pala itong nakikinig.
"Ariya, you don't have~"
"It's okay kuya. Makabayad man lang ang pamilya natin sa kaniya. Alam kung 'di mo 'to ginusto."
"'Yon naman pala eh. Napakabait naman talaga ng pinsan mo, ano? Eh kung ganoon, mag-impake kana at magsisimula na bukas ang pagiging tsimay mo."
"Pakiusap lang bro. Okay lang kahit gawin mo siyang katulong, huwag mo lang siyang saktan," pakiusap ni Jason.
"Ano man ang gawin ko sa kaniya, akin na lang 'yon! Tutal asawa ko 'yan eh, di ba?"
"Alam kung ako ang may kasalanan. Pero kung mabalitaan ko na inaabuso mo siya, hindi kita mapapatawad. Hindi ko 'yon palalampasin."
"Huh! Nasa akin pa rin ang alas, bro. Ikaw ang nagsimula nito," he emphasized the word 'bro' para maipamukha niya dito ang katarantaduhang ginawa nito sa kaniya. Naturingan pang best friend, ito naman pala ang sisira sa pagkatao niya.
"Okay lang kuya. Kaya ko ang sarili ko. Huwag kang mag-alala. I gotta go to get ready."
Tumalikod na ang babae. Iniwan din ni Gab si Jason at tinungo ang silid niya. Hindi niya talaga matanggap ang nangyari. Ang nanloko sa kaniya ay ang itinuring pa niyang kapatid. Now he realizes that it's so hard to trust someone, even to your so called best friend. Meron pa ba talagang tapat sa mundong ito?