Chapter 8 - Chapter 8

Alas kuwatro ng madaling araw nang magising sila. Kahit hindi maganda ang nangyari, wala namang kasalanan ang may-edad kaya nagpaalam si Gab dito.

"Lo, I'm leaving this dawn with Ariya."

"Are you sure about this? I felt sorry for what happened but we are strictly observing our tradition," malungkot na wika ni Apo Endo.

"We've already talked about this few hours ago. I'm taking my wife with me."

"I hope you will be in good terms later on. Just don't close your door to get to know Ariya. She is an amazing grand daughter who's willing to sacrifice her own happiness for the sake of the family."

"Sige po, aalis na kami. Salamat po sa pag-accommodate niyo sa akin dito." Hindi siya sumagot sa pahayag ng may-edad baka masama pa ang masabi niya. Mas pinili na lang niyang umalis agad kaysa magkagulo ulit.

Naghakot ng bagahe si Ariya ngunit wala siyang pakialam, ni hindi nga niya tinulungan kahit iika-ika ito sa pagbubuhat. Diretso niyang nilagay sa compartment ng kotse ang maleta niya. Pagkatapos inayos niya ang mga kakanin at gulay para makaupo siya sa likuran. Nang aktong uupo siya, 

"Don't sit there. I don't wanna look like a driver, and I'll never be your driver!'' Bumalik na naman ang kaniyang pagka-arogante.

Lumipat si Ariya sa frontseat, hindi na lang siya kumibo para walang problema. Sanay naman siyang magpasensiya. Pero sa nakikita niya, parang masusubok ang kaniyang pasensiya sa taong 'to.

"I wanna make this clear to you. Don't expect special treatment from me because you're not special. You'll be maid and I'm your boss." 

Naisip ni Ariya na baka wala pa pala sa kalingkingan ang nalalaman niyang paguugali nito mula nang magkakilala sila. Hanggang saan niya kaya ito kayang pagtiisan? Sabagay malaking kasalanan ang nagawa ng pinsan niya kaya naman nauunawaan niya.

"I know. I'm only doing this so my family can repay the trouble we did."

"In fact, this is not enough. You're family took away my freedom, my dignity and my life. This freaking marriage is my big loss. You, your family and your rotten tradition is a total pain in my ass, you know that?'' napatiimbagang na lang si Gab.

"If only I could, I would make this bond null and void right now," sagot ni Ariya ng may kapaitan.

"We're heading to that." Pinaandar agad ni Gab ang kotse at tuluyan nang nilisan nila ang lugar.

Wala silang kibuan habang nasa biyahe. Hindi naman naglakas loob si Ariya na magsalita baka mapahiya lang siya yamang kalilinaw lang nito na employer at employee lang ang ugnayan nila. Ibinaling na lang ni Ariya ang tingin sa bintana ng kotse para naman maiba ang mga nakikita niyang tanawin, hindi ang mabigat na aura ng kasama niya.

Baguio lang ang narating niyang siyudad kaya manghang-mangha siya sa mga nakikita niya. Hindi nila namalayang anim oras na silang nagbabiyahe at nakarating na sila sa Bugallon Pangasinan nang biglang tumunog ang tiyan niya. Hindi ito nakaligtas sa pandinig ng lalaki kaya pinarada nito ang kotse sa harap restaurant.

"Gutom na ata ang mga alaga mong bulate. Kain muna tayo baka mamatay ang mga 'yan, sayang naman baka hindi dadami 'yan. Pinaghirapan mo pa man ding alagaan ang mga 'yan," sabay baba nito ng kotse.

"Grrr!" nanggigil si Ariya.

Nakakainis 'yon pero pumikit na lang si Ariya at sumunod sa lalaking pumasok ng restaurant. Hindi pala sila nag-almusal kaya naman nagreklamo ang tiyan niya.

"Order what you want, I'll be paying," sabi nito sabay upo sa mesa.

"Kung anong order mo, iyon na rin akin."

"Eh paano kung oorder ako ng ahas, okay lang din sa'yo?"

Napaka-sarcastic talaga ng mokong na ito!

"The food I used to eat is quite different from here. I don't know these foods, I haven't try once so I'll depend on you." Totoo naman talaga. Iba ang mga pagkain dito sa karaniwang pagkain sa lugar nila.

"Fine. Waiter?...''

"Yes Sir, can I take your order?'' Nagmadaling pumanhik ang waiter.

"Give me two orders of Steak and pesto. Drinks...uhmm give me pineapple juice for her and a glass of wine. Oh, and a bottled water, please."

Nag-recap muna ang waiter sa mga in-order nila.

"Okay, kindly wait for your orders to be served. Is there anything else, Sir?"

"That would be all."

Mga ilang minuto dumating ang orders nila. Walang imikang kumakain ang dalawa. First time ni Ariya ng ganitong dish kasi mas pabor sila sa lutong bahay at traditional native dishes. Nasarapan din naman siya sa ganitong putahe. Hindi niya namalayang sinulyapan siya ni Gab habang kumakain. Paano ba naman kasi giliw na giliw siya sa kinakain niya.

Pagkatapos nilang kumain, wala silang inaksayang sandali anupat umalis agad sila. As usual walang kibuan. Palibhasay busog, hindi natiis ni Ariya ang antok kaya nakatulog siya sa biyahe. 

Limang oras ang lumipas at magaalasingko na ng hapon.

"Hey!" Ginising siya ni Gab pero malalim ata ang tulog niya at hindi niya ito narinig.

"Hey!" Napabalikwas si Ariya sa lakas ng hampas nito sa balikat niya.

"Huh? B~bakit?" nagugulumihanan niyang tanong.

"Anong bakit? Ayaw mong bumaba? Dito ka lang ba?''

"Nandito na ba tayo?" Bumaba siya at luminga-linga siya sa paligid. Napanganga siya sa nakita niya. Nasa parking sila at natatanaw niya ang mga malalaking buildings sa paligid. Ngayon lang siya nakakita ng personal sa mga ito. Kahit edukada siya, hindi niya mapigilang mamangha sa paligid. Unang punta niya ng Makati kaya ganoon na lang ang pagkamangha niya. Nasa isang high end condominium ng Ayala Center nakatira si Gab.

"Whoaah! Ang gaganda pala sa personal ang mga buildings dito. Ang tataas pa." Manghang-mangha talaga siya sa paligid. Luminga-linga siya na halatadong naninibago sa paligid. 

"Hey, listen here! Hindi ako naniniwala sa fiery hell. Ewan ko sa'yo kung naniniwala ka. Dahil kung oo, this is it." Hinila siya ni Gab ng mahigpit dahil mukhang nakakalimutan na niya ang dahilan kung bakit siya naparito.

"Aw!" binawi ni Ariya ang kamay niya.

"Listen, bago kita papapasukin sa pamamahay ko lilinawin ko sayo mga rules and regulations ko. Una, wala tayong pakialamanan ng mga personal affairs. Pangalawa, 'wag mong pakikialaman ang mga personal belongings ko dahil bibilhan kita ng sarili mo. Pangatlo, kailangang malinis lagi ang paligid. Pang-apat, tatawagin mo akong 'Sir' bakabaka magtataka mga ang kapitbahay ko na may babae akong kasama. Paano kung biglang dadating ang girlfriend ko? Panglima, huwag na huwag mo akong tingnan ng palihim baka ma-in love ka sa'kin, maliwanag?'' lintanya ni Gab.

"Yes Sir! Noted."

"Good! Magkakaintindihan tayo niyan. Tara, dalhin mo na mga gamit mo at tatawag lang ako ng assistance."

Agad-agad namang nakakuha sila ng assistance kaya tumuloy na sila sa 25th floor kung saan nakatira si Gab. Nakakalula ang bilis ng elevator. Pakiramdam ni Ariya na first time pang sumakay nito'y parang hinahati ang tiyan niya. Kahit may kaya ang pamilya niya para siyang naiignorante sa bagong kapaligiran. Siyempre sanay siya sa farm at rancho nila. Kung 'di nga lang napasubo siya sa kasalang 'to, wala talaga siyang balak lumuwas ng Maynila. Dahil hindi hamak na mas maganda pa rin sa kanila. Nakakarepresko ang paligid at hindi nakaka-stress. 

*********************************

AUTHOR'S NOTE :

To continue reading the complete stories head over to my Facebook page: (AZKHA - Author) nandun po ang link kung san po ninyo mamabasa ng free ang dalawang book na Ito. Salamat sa unawa.

or

magdownload ng Dreame app... please search my username: This Is Azkha, or you simply search My Native Wife 1 and 2. I scheduled update every day. it's free. You can also check my other stories here, they're free and completed