Kinabukasan maaga siyang nagising dahil hindi siya nakatulog nang maayos. Ewan kung bakit, dahil ba naawa siya sa babae o napasubo siya sa pekeng kasal na 'to? Kahit peke, kasal pa rin iyon. Nakakawindang nga naman ang talaga, ibang klase nagbiro ang buhay. Bakit ba kasi sobrang stressful ang buhay?
Naisipan niyang lumabas at mag-jogging na lang para maiba naman ang sasagi sa isipan niya.
"I'm supposed to have a good vacation. Why it turns out to be like this?" wala sa loob na wika niya.
Nandito siya para magrelax, hindi magdagdag ng stress. Ayaw niya munang pag-isipan ang mga nangyayari. Besides, peke lang naman ang kasal. Magiging normal din ulit ang lahat. Ang gusto niyang gawin ay sulitin muna ang mga tanawin sa pagligid. Habang papalayo ang natakbo ni Gab, nakarating siya sa Rose farm ng kaibigan.
"What a beautiful view!" Kitang-kita ni Gab ang sunrise habang malamig ang samyo ng hangin na humpas sa mga nakatanim na mga rosas. Naamoy niya ang mga ito at wala sa sariling itinaas niya ang kaniyang mga kamay na para bang lilipad habang nakapikit. Ang sarap ng pakiramdam niya. Kahit papaano'y nabawasan ang stress niya. Ngunit napadilat siya nang may narinig siyang humihikbi. Hinanap niya ito kung saan, sa wakas nakita niya sa ilalim ng puno. Nakatalikod itong nakasandal sa puno. Lumapit siya ng dahan-dahan.
"Hey, are you okay?" Nagitla ang babae sa bungad niya.
"You?"...'' You!' Halos sabay nilang wika.
"Bakit nandito ang babaeng 'to?" wika ni Gab sa isip. Ang tinutukoy niya ang Ang kaniyang fake fiance.
"Bakit ang aga mong nag-emote dito?" diniretsa niya itong tinanong.
"Hindi ako magaling mag-Tagalog," umiiyak pa rin ito.
"Well, I can't speak Ibaloi, so English is fine by me." Tumaas ang kilay niya. Sosyal pa talaga ang mga taga rito at mas maalam pa ng English kaysa pambansang wika. Sa totoo lang naman mas maalam nga talaga ang katutubo mag-English.
"Well apparently, you know why I'm crying. Just don't play dumb to me,' kalmado ang tono pero firm ang babae.
"Oo nga pala. Miserable nga pala ang babaeng ito at ikakasal siya bukas sa lalaking guwapong tulad ko. As if naman gusto ko rin siyang pakasalan. Hoy, kung alam mo lang mas ayaw kong magpakasal sa taong bundok na tulad mo! Pasalamat ka ayaw kong magkagulo ang pamilya mo,'' wika ni Gab sa sarili.
"Am I that hateful to you that you can't even accept me as your husband?" sinikap niyang maging kalmado.
"I can't marry a total stranger. I don't even know you. I just met you. I hate this idea of marriage. Sometimes I wish I didn't belong to this family.''
"Whoa! Whoa! Whoa! Just so you know, I'm your biggest success. There are lots of women dying to date me because I'm a successful man. You have nothing to lose, besides my best friend is your cousin. I bet he knows the entire me. Unlike me, I'm just supposed to have a vacation here and then I'm trap into this.. this stupid marriage!'' Hindi nakapagpigil si Gab. Kinikilabutan talaga siya noong binanggit niya ang salitang 'marriage' .
"If that so, why did you agree with them in the first place anyway?'' Kamaldo pa rin ang babae which is very surprising.
"Because, because...ah! Enough of this stupid topic! Why don't we accept the fact and move on?"
"You're right! After all, this topic won't change the situation. I can do nothing to stop this marriage nor runaway forever. Not unless I'll commit suicide."
''Don't even think about that, not even in your dreams. Don't even try. You know what? So many dying people out there want to add even a minute of span in their lives. Hello? This is just a marriage,'' kibit-balikat niya.
"Of course it is! But if you fail in marriage, it is something like suicidal too."
"Alright alright, fine! We better get back because they're maybe freaking out right now," putol ni Gab dahil parang walang katapusang argumento ang nagaganap. Siguro ganooun talaga ang mga babae, seryoso pagdating sa usaping kasal. He never imagine himself tying a knot. He is comfortable that way, or maybe the right woman for him hasn't arrived yet. Who knows? Only time will tell. For now, what matters most is to get rid of this mess. Malayo pa lang sila, sinalubong na agad sila ng kaibigan niya.
"Where on earth were you guys? We've been looking for you," bungad ni Jason na humihingal pa.
"Nag-jogging ako at nakarating sa farm niyo, incidentally I found her sobbing under the tree, so we talked. Akala niyo tumakas na kami?''
"As far as I can see, I could tell you're trying to runaway. Hindi niyo gusto ang isa't-isa eh."
"Whatever! Nothing and no one can ever stop Lolo. So be it," wika ni Ariya.
"Hey, come-on Cuz. You just don't know each other, well as of now. Because if you do, you'll definitely gonna like each other," nakangiting wika nito sabay tingin niya kay Gab na para bang nanunukso. Kumunot ang noo ng kaibigan niya na para bang nagsasabing tumigil siya, pero sige pa rin siya.
"To tell you what Cuz, my best friend is hardworking, kind, successful and most of all pretty man. While you... "
"Ayt! Enough of this 'my horse is compatible with your horse' stuff. We better get ready para matapos na ito," sabad ni Gab na halatang hindi na natutuwa.
"Well, what I'm trying to say here is that you're match made in heaven."
"Oh shut up!'' Nagulat si Ariya sa naging reaksyon ni Gab. Iniisip niya, bakit kaya pumayag itong lalaking 'tong magpakasal sa kaniya yamang mukhang namumuhi naman ito? Ano man ang dahilan ay kailangan niyang malaman dahil nakasalalay ang magiging buhay sa sagot niyon. Tiyak na magiging miserable ang buhay niya sa lalaking ito. Naghiwa-hiwalay na sana sila ng direksyon pagpasok ng bahay nang maabutan sila ng lolo nila.
"O mga apo, maggayak na kayo't isang oras na lang ay magaganap na seremonya."
"P~po? Ah ~ eh ang aga naman ata," sagot ni Gab na nauutal sa sobrang kaba. Bakit parang laging sinusorpresa siya ng may-edad? Kung 'di lang dahil sa salitang 'kaibigan' ay matagal na siyang sumibat.
"Mas maaga mas maganda."
"Sige po apo," wika ni Jason dahil mukhang hindi na makakapagsalita ng maayos ang kaibigan niya. Kanuya-kaniya nilang tinungo ang bawat silid at naggayak na para sa kanilang seremonya.