Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Native Wife [Tagalog Completed]

🇵🇭AZKHA
8
Completed
--
NOT RATINGS
47.8k
Views
Synopsis
With almost 4M reads on Wattpad, now is available here also. How would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ramos, an allergic of the word 'commitment' was framed up to marry a native woman by his very own so called best friend. The supposed to be vacation in a remote area in Benguet turned into a disaster and the only way out was to marry the available marrying age woman in the clan. From that mess his life turned upside down. As they grew closer to each other he fell in love with a native woman. Just that he's in denial, he was even so harsh with her. ⓓDISCLAIMER: This story is not intended to publicize someone's life or to ruin the characters' reputation as well as the place itself, Benguet. I love Benguet, I was there once and came up with this idea. Please be informed that I created this based on my wildest imagination. Again and again, THIS STORY IS MERELY A FICTION. Like this story on Facebook! ⓕ http://www.facebook.com/mynativewife ⓒ I own this story. 白爱花
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

It's early in the morning, somewhere in Ayala Center Makati City. Everybody is hurrying on the street heading to their offices. Well, as we all know life is never been that easy. They say only poor people can experience the hardest of life but they're absolutely wrong! The more wealthy you are the more stress you have. Plus, there is nothing constant in this world but change, especially unforetold changes.

"Good morning, Sir. Y~you're finally her," wika ng secretary niyang parang balisa. Ngunit hindi ito pinansin ng among mukhang may kagalit pa sa phone.

"Sir, si ~ "

"What! Can't you see I'm talking with someone on the phone?" lalong nagalit ito.

"Sir I'm sorry but Mr. Ang is here and he will burst in anger anytime soon."

"Bakit? Hindi pa ba nadeliver mga orders niya? Ang tagal na niyan ah! I've been a good paying employer to you guys, but you did nothing but failure! Palpak na shipment, palpak pa ang submission ng ITR at heto pang kausap kong lawyer. Puro kayo palpak!" Nasa hallway pa nga lang siya sinalubong na naman siya ng mga problema kay aga-aga, kaya tuloy napagbuntunan niya ng galit ang secretary niya.

"Sir sorry pero ginawa ko naman po ang trabaho ko. Customs po ang may problema kaya na delay. I've been calling to follow up but still there's no feedback from them. Makulit po talaga siya at gusto kayong makausap personally," depensa ng secretary niya na makatuwiran naman.

"Just get out of my face and tell that old man to follow me in my office! " Pagkasabi niya ay tumakbo na agad ang secretary niya. Pumikit nalang siya't nagpakawala ng buntong hininga sabay hawak ng batok dahil baka atakehin siya sa sama ng loob. Pagkapasok niya sa office, mga ilang sandali pa'y nakita na niya ang makulit na panot na papasok ng pinto.

"Mr. Ramos, Ayus-ayusin mo ang serbisyo mo. Aba'y malulugi ang negosyo ko sa ginagawa niyo ah!" bungad agad nito habang papasok ito sa office niya. Kung 'di nga lang masamang pumatol sa matanda at nakapa-unprofessional, matagal na niya itong nasapak eh. Huminga siya ng malalim saka nagsalita.

"Mr. Ang nagkaroon po kasi ng problema ang Customs kaya nadelayed ang shipment. Hindi po kami ang nagkaproblema," mariing sagot niya.

"Responsibilidad niyong i-follow up yan!"

"I understand your sentiment, and we keep calling them for feedback. Don't worry, as soon as they return our call I will personally update you. Sometimes there are unexpected things occur and we business men are aware of that. Yet, we would still gamble our investments."

"Ayusin niyo lang talaga or else I will ask for refund," sabay talikod nito at lumabas ng opisina niya.

Nasapo niya na lang ang noo niya at nagkuyom ng palad. Hindi siya makapaniwalang siyang si Gab Ramos, na kailanma'y hindi pinangarap humawak ng negosyo, ni sa panaginip man ay kasalukuyang nawiwindang kung paano niya hahawakan ang inihabilin ng Lolo niya. Nag-iisang apo siya at nasa States na naninirahan ang mga magulang niya. Ayaw niyang tumira abroad kaya napilitan siyang saluhin ang inihabiling pagawaan ng world class furniture ng Lolo niya. Iba ang passion niya sa buhay, hindi negosyo kundi pagdodoktor pero hindi na niya puwedeng pagsabayin ang dalawa dahil pinanunumpa siya ng Lolo niya bago ito namatay na aalagaan niya ang negosyo nito.

"Hey, are you okay bro?" wika ni Jason na best friend niya. Hindi niya napansing pumasok ito dahil seryosong-seryoso siya at nakatulala.

"Andito ka pala bro, hindi kita napansin."

"Yeah! It's been a minute passed but you're still out there somewhere. What's the matter, bro?" Nag-alala tuloy ang kaibigan niya.

"I just can't stand this, bro. After I took over this bussiness wala na akong ibang iniisip kung 'di problema sa company. Alam mo namang hindi ko linya to, 'di ba?" Napakamot siya ng ulo sa sobrang stress.

"Yeah I know. This must be a great nightmare for you but you'll get used to it later on."

"I just hope so, I need a break bro. I really need a break," pagdiriin niya.

"Yeah right! Why don't you go with me on a vacation? I'm going back to Benguet this weekend. Family matters, ya know?''

"Sounds exciting. Can I bring my girlfriend with me? "

"I suggest not to bring her, just let yourself enjoy the trip alone. Besides, if you bring her alam mo namang napakaarte niyon, baka hindi niya magustuhan ang remote area. Bundok ang lugar namin bro, walang kuryente at napakalayo sa kabihasnan."

"Maybe you're right. Subukan ko namang mag-adventure this time alone para maiba naman kasya sa usual stress and polluted city."

"So, see you on Friday night?" Tuwang-tuwa naman ang kaibigan niya't pumayag siya.

"Sure!" Pagkatapos ay nag-brotherly hug ang dalawa at nagpaalam ang kaibigan niyang doktor.

Nakilala niya ito noong college days niya. Palibhasa'y classmate niya ito noong freshman siya at pareho sila ng passion kung kaya't naging magkasundo agad sila. Kung 'di nga lang pinag-shift siya ng Business Management, malamang sa alamang ay doktor na siya ngayon.

Mabilis ang mga araw at Friday na, excited siyang nag-impake saka tumawag para magpaalam sa girlfriend niya.

"Hey babe, I just call to say that I'll be gone for 5 days"

"What! where are you going?"

"I was invited to have a vacation with Jason in Benguet."

"And you're leaving without me? I can't believe it!"

"Babe, nakakahiya naman kasi kung isama kita tapos ako lang ang inimbita. Baka 'di mo raw magustuhan ang lugar nila dahil walang kuryente at malayo sa kabihasnan."

"That jerk, I hate him!"

"Babe naman 5 days lang naman iyon saka, I really need a break. Nabuburyo na ako sa opisina."

"Hmmp! May magagawa pa ba ako?" yamot na wika nito.

"Oh come on babe, don't be mad."

"Oo na sige na, humanda ka pagnalaman kung babae lang pala ang pupuntahan mo doon."

"Mga boring ang mga nandoon. Don't worry hindi ko type ang mga boring woman."

"Oo na, sige na bye na."

"Bye babe," hinalikan pa niya ang cellphone niya.

Sa totoo lang hindi naman niya talaga mahal si Trish. Sinasakyan niya lang ang pagkasosyalera nito. Basta lang ba may matawag siyang girlfriend. Hindi niya naman ito niligawan, basta niya lang pinatulan ang pangaakit nito at naging mag-on na kuno sila. Pagkatapos mag-impake, lumabas siya ng bahay niya't sa kotse na lang siya nag-antay.

"Uy bro, kanina ka pa ba nag-aantay?" Binuksan ni Jason ang bintana ng kotse.

"I'm so excited that's why I'm one and half hour waiting in my car," pagdiriin nito.

"Whoa, I'm kinda sorry to have you wait that long. May pinapadala kasi ang kapitbayan namin. Nakakahiya naman kung tanggihan ko pa."

"Well it's okay basta maging sulit ang pagpunta ko doon ah?"

"I'm sure you're gonna love it, come on let's go!"

Kaya wala na silang inaksayang panahon at umalis na. Sobrang layo ang lalakbayin nila, Manila to Benguet will take 8-10 hours approximately and from their town to their barrio will take 2 hours. They absolutely have long way to go. Ano kayang nag-aantay kay Gab doon?

Inabot din sila ng 10 hours sa biyahe kaya nakarating sila sa bahay ni Jason ay mag-aalasingko na ng madaling araw. Hindi pa maaninag ni Gab ang lugar dahil bukod sa madilim pa, antok at pagod na pagod na sila. Pagkababa ng kotse ay magiliw silang sinalubong ng pamilya ni Jason. Halos 'di niya nga lang naintindihan ang mga sinabi nila dahil tuwi-tuwina ay nag-i-Ibaloi ang mga ito. Inihatid siya ng kaibigan niya sa magiging kuwarto niya. Luminga-linga siya sa paligid. Napakaganda ng ayos bagama't traditional tribal house ang desenyo ng bahay, pero malaki ito at napaka-cozy. Nilapag niya agad ang gamit niya sa kama saka bumulagta na siya sa sobrang pagod at antok.

"Bro, okay lang ba sa'yo ang kuwarto na 'to? Hindi ka pa naman sanay sa buhay bundok."

"This is more than enough bro, very cozy at nakapaganda ng ambiance."

"Are you sure?"

"Bro, ano ka ba? I like this room besides hindi bahay ang pinunta ko rito, kung 'di vacation, bagong environment kahit 5 days lang."

"Oh yeah, I know right? Well, enjoy staying here."

"Thanks, and I really have to sleep, 'di ko na kaya ang antok," abay subsob nito sa unan.

"Okay, matutulog na rin ako." Saka lumabas na ito ng kuwarto.