Chereads / The Famous And The Bad Girl Book 4 (COMPLETED) / Chapter 5 - Chapter 4: My Heart Went...Ops!

Chapter 5 - Chapter 4: My Heart Went...Ops!

Rae

"Please baby sister, do me a favor." Paglalambing ng kapatid ko sa kabilang linya. Napa irap ako atsaka napa hinga ng malalim.

What the hell?! Ako pa talaga. Pwede naman niyang ipadeliver o hindi kaya, iutos sa mga asungot niya itong mga bulaklak. Mukha na ba akong delivery girl ngayon? Hays. Pasalamat siya at mahal ko siya.

Mas madami raw kasi akong napapaamo na mga tao dahil celebrity ako, eh paano kung basher ko pala itong taong ito? Alam niya bang si Rae Lewis ay kapatid ni Ryan Lewis?! My goodness. At isa pa, sa isang bar pa talaga.

Isang gay bar, correction ng aking isipan. Bagong negosyo ng kuya na kabubukas pa lamang at ka sosyo nito ang babaeng iyon. Argh! Good luck talaga sa akin.

Mabuti nalang dahil umaga, walang mga costumer at sarado pa ang shop, dahil syempre wala naman talaga. Saan ka nakakita ng isang gay bar na ke-aga aga eh madaming nag-iinuman? Tss!

"Do I have a choice?" Tanong ko sa kanya. "Eh palagi mo naman akong hindi binibigyan ng choice kuya. Palaging decided kana para sa akin. Tss!" Pagreklamo ko pa.

"Thank you, Rae. I love you." Sabi nito sa kabilang linya at nahihimigan ko rin na naka ngiti siya ngayon ng matagumpay sa kanyang sarili. Nagwagi na naman po siya.

"I love you too. Hmp!" Sabay nguso ko na akala mo naman eh nakikita niya.

"You'll love her." He says. At talaga lang ha? "And she's kind, please tell her we'll meet next week when I get back. Marami kaming dapat pag-usapan." Nasa Baguio kasi siya ngayon, visiting the farm. Our flower farm na pagmamay-ari ng pamilya namin.

Well, kilala lang naman ang aming pamilya sa Baguio bilang nagmamay-ari ng pinaka malawak na farm ng mga bulaklak. Kaya kung sino man itong Adriana na itong sinasabi ni Kuya at madalas niyang ikuwento sa akin, maswerte siya.

Aba! Bukod sa napaka romantic ng kuya ko, este ng lahi namin eh mababait pa kami. Kaya huwag siyang nagkakamali na saktan ang kuya ko, dahil kapag nagkamali siya, ako ang makakaaway niya. Minsan lang kaya umibig ang kuya ko ano? Lalo na at mabaliw sa isang babaeng katulad niya. Kahit na siya pa ang hottest at pinaka magandang babae sa mundo, hindi ko siya uurungan.

Chaaaar! joke lang 'yun. Of course, I'm not like that. Hehe.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin ako sa lugar na sinasabi ni Kuya, with the help of his personal driver.

Baylight Gay Bar. Iyon ang signage na nakalagay sa labas. Overlooking kasi ito kung saan matatanaw mo ang malawak na karagatan. Ngunit exclusive lamang ang view sa para VIP guest ng bar. At biruin mo 'yun? Sa labas pa lamang mahahalata mong iba trumabaho ang isang Architect Lewis. Iba talaga itong si big brother, pang world class ang skills pagdating sa desenyo. Yan ang dahilan kung bakit proud ako sa kanya.

Hindi na ako sinamahan pa ng driver sa loob ng nasabing bar, pinagbukas lamang ako nito ng pintuan ng kotse atsaka ako dumiretso na sa medyo nakaawang nitong front door. Mayroong naka lagay

na 'We' re close' pero dahil alam ko ang dahilan kung bakit ako napunta dito, kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na tuluyang pumasok sa loob.

Pagdating sa loob, I have nothing to say on interior design as well as the materials used. I'm not an expert when it comes to this but all I can say is 'Wow'. It looks like I have a new place to go when I go out at night. It's really a great place, at hanga ako dahil naisipan ito ng aking kapatid at ng kanyang kasosyo.

Agad akong natigilan nang mapansin na mayroong dalawang babae na naka upo sa may counter. Wait, hindi ba close sila? Pero bakit....oh right. Marahil isa sa kanila si Adriana.

Abala sila pareho sa pag-uusap, at tila ba seryosong bagay ang pinag-uusapan ng mga ito. Pansin ko na mayroon din silang iniinom. Of course, ano pa bang ini-expect ko, it's a bar. The place where people get drunk. Actually, hindi lang silang dalawa ang nandito. Mayroon pang isang babae na abala sa paglilinis sa counter bar, nakatalikod ito mula sa akin. And I think, isa siya sa mga staff na nagtatrabaho rito.

I cleared my throat to interrupt them. Hindi naman ako nabigo noong sandaling napalingon na silang dalawa sa aking direksyon. Napalunok ako at napakurap ng maraming beses dahil nasa mundo yata ako ng nga dyosa ngayon, because...shit! They are both pretty.

"Yes? Can we help you?" Pormal na tanong noong medyo hawig ni Gal Gadot. Ugh! My girl crush, I can't believe mayroon siyang kamukha. At sa Pilipinas pa.

Habang iyong isa naman ay napangisi noong sandaling bumaba ang mga mata niya sa hawak kong bouquet ng flowers. And she's hot. Like a goodness model. Walang bang hindi maganda dito? Huwag mong sabihin na pati 'yung naglilinis na iyon eh dyosa rin na katulad nila?

Napatikhim akong muli. Mukhang kailangan ko ng magmadali upang makalabas na rito at makalanghap ng sariwang hangin.

"Uhm...I'm looking for Ms. Adriana? I don't know her last name but I believe she's---"

"Uh, Adriana I think this one is yours." Putol sa akin ng ng hawig ni Gal Gadot.

Pansin ko na napahinto sa kanyang ginagawa iyong babae na abala sa paglilinis. Nakatalikod parin ito mula sa akin.

Pagkatapos ng ilang segundo ay tuluyan na siyang napaharap sa akin, ngunit ganoon na lamang ang aking gulat ng magtama ang aming mga mata. What the f--?! Halos hindi ako makahinga noong sandaling masilayan kong muli ang kanyang nakakalunod na mga mata. And that face! I'll never forget that. I also couldn't sleep for a few weeks because of her. And I thought she was a dream that happened to me that night, but now, it's all true.

And oh, now I finally know her name!

Pero teka lang...that means she's my brother's business partner and her dream girl, right? I'm so stupid. Bakit hindi ko iyon nalaman? Dahil ba masyado akong abala sa personal na buhay ko kaya wala na akong oras para kilalanin ang babaeng napupusuan ng kapatid ko?

"Yes?" Malamig ang boses na tanong nito sa akin. She's staring at my face right now. Natatandaan kaya niya ako? Oh my God! Yung puso ko, parang gustong kumawala dahil sa saya at kaba, at the same time. Masyadong nang-aakit ang mga mata niya. That's why I looked away.

Lumabas siya mula sa counter, ngunit agad din na napahinto ilang hakbang mula sa akin.

"Can you take off your hood? I mean, we just want to see your whole face." Wika ng mukhang model na babae bago napa cross arms, na agad naman na napatango iyong dalawa bilang pag sang-ayon sa kanya.

Oh right, I forgot to mention I'm wearing a hoodie jacket right now. Mahirap na, baka kasi may umaaligid sa paligid na mga. ..you know.

Napalunok akong muli. "Uhmm...s-sorry but I can't. I just---

"Why? Is there a bomb? I'm sorry, but we're just too concerned about our friend's safety. Now, take off your damn hood." Maawtoridad na utos ng kaibigan ni Adriana na si Gal Gadot.

Napakagat ako sa aking labi. Ano ba itong si Kuya, ipapahamak pa ako dahil sa bwesit na mga bulaklak na ito. Walang nagawa na napa buga ako ng hangin sa ere bago tuluyang tinanggal ang aking hood.

Lahat sila ay napa singhap noong sandaling tinanggal ko ang hood. Including Adriana, habang nanlalaki ang mga mata, ngunit mabilis niya rin iyong naitago. Hindi ko maiwasan ang mapa ngiti sa gilid ng aking mga labi noong sandaling mapaiwas siya ng tingin mula sa akin.

"Wait...I know you." Biglang sabi 'nong mukhang model. Shit! "You're a celebrity, right?" Natawa siya ng mahina. "Of course you have the right to wear like that, to protect yourself from the paparazzi." Nagtataka na napatingin sa kanya si Adriana.

"Wait, do you know her?" Curious na tanong nito.

"Yeah? Catherine loves her songs." She simply answered.

"She's a singer?!" Chorus naman ng dalawa. Napatango ito sa kanyang mga kaibigan bago napaharap muli sa akin, this time naka ngiti na siya. Damn! Ang ganda niya!

"My wife is a great fan of yours." Kumikinang ang mga mata na wika nito. Nahihiyang napa ngiti naman ako.

"T-thanks!" Sabay kamot ko sa aking batok.

"I'm Breeze, nice to meet you." Pagpapakilala nito. "And this is Billy." Pagpapakilala rin nito sa kamukha ni Gal Gadot. Hindi talaga ako makapaniwala na kamukhang-kamukha niya ito. Lumapit ako sa mga ito at nakipag kamay.

"She's...gorgeous right?" Sabay pasimpleng siko nito kay Adriana dahilan upang tignan siya nito ng masama. Napakagat ako ng aking labi upang pigilan ang sarili na matawa. Mukhang magkaka sundo kasi kami ng isang ito.

Muling nagbaling ng tingin sa akin si Adriana. Napaka lamig ng mga mata nito na tila ba biglang naging Ice Princess. Ang bilis naman nitong magbago. Sala ba siya sa init at sa lamig?

"So what can I help you?" Pormal na tanong nito sa akin. Finally, lumapit na siya sa akin ng tuluyan. "Were still close, you can---"

"I know." Putol ko sa kanya. Sandaling tinignan niya ako ng malalim sa aking mga mata. "But my brother wanted to give you this." Kunot noo at naguguluhan na napa titig itong muli sa aking mukha.

"Ryan." Muling wika ko pa. "I'm his younger sister."

Awtomatikong napa 'O' ito ng kanyang labi noong makuha ang ibig kong sabihin. So hindi niya rin alam na mayroong kapatid si kuya? O sadyang hindi niya lang ako namumukhaan. O baka naman, lasing lang talaga siya noong gabi na iyon.

Ini-abot ko sa kanya ang bouquet na agad naman niyang kinuha mula sa akin. "Thank you...uh."

"Rae." Pagpapakilala kong muli sa kanya, for the second time. Sandaling natigilan ito bago napa kunot ang noo.

"Right, Rae." Sabay ngiti na sabi nito. Shit! Pwede bang kahit konting oras pa Lord? Parang ayaw ko ng umalis sa harap niya ngayon.

"Hey, Adriana!" Tawag sa kanya ni Breeze. "We have something to go. Make it faster!" Pag-papaalala naman ni Breeze.

Napa tikhim ako. "I s-should go." Utal na pagpapaalam ko kay Adriana. Muli, tinitigan lamang niya ako ng walang emosyon sa aking mukha. Hindi ko na ito hinintay pa na mapagsalita ng tuluyan na tumalikod na ako.

"Tell your brother he still doesn't know what my favorite flower until now." Pahabol na sabi nito dahilan upang matigilan ako at muling mapalingon sa kanya.

"So tell me, what's your favorite?" Tanong ko.

"Daisy." Tipid na sagot nito bago ako tuluyan ng tinalikuran pabalik sa kanyang mga kaibigan.

Habang ako naman, isang ideya ang pumasok sa aking isipan. Oh my brother, may the best Lewis win.

But....shit! He's in love with her!