Chapter 14 - CHAPTER TWELVE

"HA!!!" gulat na gulat na sigaw nina Carila, Shan, Joshua at Anniza ng sabihin nila ni Shilo na engaged na sila.

"Guys, common. Alam niyo naman na malapit na kami ni Maze sa isa't isa at hindi--"

"At alam din namin na hindi kayo magnobyo, Shilo." Putol ni Shan sa iba pangsasabihin ni Shilo. Seryuso ang mukha nito. Ito ang unang nakabawi sa pagkagulat.

"Kuya, hindi mo alam ang nangyayari sa amin dalawa ni Maze. We are secretly dating. Akala niyo lang magkaibigan kami pero ang totoo ay nag-dedate na kami." Hinawakan ni Shilo ang kamay niya. Napayuko na lang siya. Noon ay kaya niyang magpanggap sa harap ng mga kaibigan nawala siyang nararamdaman kay Shilo pero ngayon ay nahihirapan siya. Alam niya kasing hindi agad maniniwala ang mga ito sa ganoong pagpapanggap.

Bumuntong hininga si Shan. "Shilo, stop lying to us. Alam namin nawala kayong relasyon ni Maze maliban sa pagiging magkaibigan. Wag mo kaming paniwalaan sa mga bagay na alam namin na hin--"

"Bakit ba ayaw mong maniwala kuya? Dahil ba ito sa dati kong nararamdaman sa asawa mo?"

Biglang tumahimik ang paligid sa sinabi ni Shilo. Naging awkward ang buong paligid sa kanilang anim. Shilo is flaming mad while Shan is relax.  May tension na naman namamagitan sa dalawa at iyon ang ayaw niyang bumalik. Okay na kasi ang mga ito simula nang maging malapit siya kay Shilo. Hinawakan niya sa braso si Shilo at inagaw ang atensyon nito.

"Let them be, Shilo." Sabi niya. "We both know that we are going to marry each other. I don't mind if they don't believe us."

Tumingin sa kanya ang lahat. Naagaw din niya sa wakas ang atensyon ng mga ito.

"Kung ganoon ay magpapakasal talaga kayong dalawa?" tanong ni Anniza. Nasa mga mata nito ang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Tumingin siya sa kaibigan at marahang tumungo. Ngumiti siya bago muling humarap kay Shilo. Sana ay mapatawad siya ng mga kaibigan sa pagsisinungaling niya. Kailangan nilang magpanggap pati sa mga ito para mas maniwala si Andria. Kapag sinabi nila sa mga kaibigan na nagpapanggap lang sila ay baka makarating pa kay Andria at mabisto ang pagpapanggap nila. Hindi sa wala siyang tiwala sa mga kaibigan. Naninigurado lang silang dalawa ni Shilo na magiging maayos ang pagpapanggap nila. Hindi pwede mauwi sa wala ang lahat. Kailangan din niyang akitin at kunin ang loob ni Shilo para mahalin din siya nito. Ito ang huli niyang pagkakataon, dahil kapag umibig sa kanya si Shilo, alam niyang makukuha niya ang noon pa niya pinapanggarap, ang makasama si Shilo habang buhay.

"Wow!!! I didn't see this coming. Akala ko pa naman ay broken hearted ka, Kaze. Finally nakuha mo din ang ka.... aray."

Sinipa niya si Joshua sa paa para tumigil ito sa pagsasalita. Hindi pwedeng malaman ni Shilo na iniibig niya ito. Baka bigla itong umatras sa usapan nila. Hanggang hindi pa siya mahal ni Shilo kailangang wala itong alam sa nararamdaman niya. Alam niyang sinabi niya rito na hindi niya ito pakakawalan kapag minahal na niya kaya hindi pwedeng malaman nito ang nararamdaman ng ganoon kaaga. Wala pang limang araw na nagpapanggap sila.

"Bakit ka naninipa, Kaze?" hinimas ni Joshua ang nasaktang tuhod.

"Ang ingay mo kasi. Anong broken hearted na pinagsasabi mo diyan? Kita mo namang ikakasal na ako sa taong mahal ko. Nagpapanggap lang naman kaming magkaibigan sa harap niyo noon dahil hindi pa kami ready noon na sabihin sa inyo." Sumandal siya kay Shilo. Nais niyang matawa sa sarili. Ngayon niya lang nalaman na magaling pala siyang umarte. Iyon lang, walang script na sinusunod.

Agad na inilagay ni Shilo ang braso nito sa balikat niya para makadama siya ng kakaiba sa loob ng katawan niya. May naglakbay na kiliti sa braso niya papunta sa kanyang puso ng marahang pisilin ni Shilo ang kanyang balikat. Napaayos siya ng upo. It's tingle inside of her and it makes her feel hot.

Sumimangot si Joshua at hinawakan sa braso si Anniza. "Anny, si Kaze oh, sinaktan ako." Parang batang nagsumbong sa ina si Joshua.

Isang batok ang binigay ni Anniza kay Joshua at tinulak ang lalaki dahilan para malaglag ito sa upuan. Nagulat sila sa nangyari. Lumikha kasi ng malakas na tunog ang pagkakalaglag nito. Nakita nilang rumehisto ang sakit sa mukha ni Joshua. At imbes na tulungan tumayo at humingi ng tawad si Anniza ay inirapan lang nito si Joshua at pinagpatuloy ang pagkain ng cake. Tumayo si Joshua habang himas-himas ang nasaktan balakang.

"What the heck, Anny? Naglalambing lang naman ako sa'yo. Bakit ba kailangan mong manulak?" galit na sigaw ni Joshua. Seryuso na ang mukha nito.

Buti na lang talaga at nasa bahay niya ang mga ito nagkalat. Nakakahiya kapag sa cafe niya. Siguradong pagtitinginan sila ng mga tao sa ingay ng mga ito. Abnormal pa naman itong si Joshua.

Hindi sumagot si Anniza. Tinitigan lang nito ng masama si Joshua bago muling kumain. Napasimangot na lang si Joshua at umupo ulit sa upuan nito.

"Kung hindi lang talaga kita mahal na babae ka, kanina ka pa nakatikim sa akin." Sabi ni Joshua.

Nabitiwan ni Anniza ang hawak na kutsara at nag-aapoy ang mga mata na tiningnan si Josua. Natigilan naman si Joshua at napalunok.

"Anong sinabi mong, abnormal ka?" galit na tanong ni Anniza.

"Anny, wala akong...." Ngumiti ng mapakla si Joshua at hahawakan sana si Anniza ng biglang hinuli ng huli ang kamay ni Joshua at biglang pinilipit iyon. Sumigaw si Joshua sa sakit.

Lahat sila ay nagulat sa pagiging bayulente ni Anniza. Oo at minsan ay nasasapok talaga nito si Joshua pero hindi kagaya ng mga sandaling iyon. Masyadong physical manakit ngayon si Anniza at nagugulat silang lahat.

"Wag mo akong hinahamong, unggoy ka. Akala mo ba hindi kita papatulan, ha?"

"Anniza." Hinawakan ni Carila si Anniza para kumalma ito pero hindi ito pinansin ni Anniza.

"Honey, calm down." Sabi ni Joshua. Bakas sa mukha nito na totoong nasasaktan sa pagkakahawak ni Anniza.

"Honey? So, honey mo na naman ako ngayon?"

"Anniza, calm down." Sabay na sabi ni Shilo at Shan. Lumapit na ang dalawang lalaki para patigilin si Anniza.

Ngunit bago pa mahawakan ni Shilo si Anniza ay tinitigan na ito ng masama ng huli. "Wag kayong makialam dito."

"Honey, masakit na talaga. Baka mabali mo ang kamay ko. And please, calm down. Ang baby natin baka mapano." Sabi ni Joshua na ikinatigil nilang lahat.

"Baby?" sabay-sabay na tanong nilang apat.

Natigilan naman si Anniza sa tanong nila. Pinakawalan nito ang kamay ni Joshua at tumingin sa kanila.

"B-buntis ka Anny?" hindi makapaniwalang tanong ni Carila.

Ngumiti ng mapakla si Anniza at tumingin ng masama kay Joshua. "Guys, a-ano?"

"Wow!!!" sabi ni Shilo. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Hindi lang pala kami ni Maze ay may tinatago. Kayo din pala ni Joshua."

"Guys, ano kasi..." hindi alam ni Anniza kung paano magpapaliwanag sa kanila. Tumayo naman sa tabi nito si Joshua na seryuso ang mukha. Inakbayan nito si Anniza.

"Guys, please!!! Wag niyo naman salain na parang criminal si Anny. Kung may gusto kayong tanungin, ako na lang ang tanungin niyo." Sabi ni Joshua. Alam namin na seryuso na ito ng mga sandaling iyon.

Ngumiti na lang siya sa sinabi ni Joshua. Mukhang mahaba-habang usapan ang mangyayari nang mga sandaling iyon. Tumalikod siya at iniwan ang mga ito para kumuha ng pagkain.

Inilalabas niya ang cake na ginawa ng lumapit si Carila at tinulungan siya.

"You don't need to marry him, Kaze." Sabi ni Carila. Seryuso ang mukha nito.

" Ate Rila..."

"Alam kong nagpapanggap lang kayo. Nag-usap tayo ng gabing nagsabi si Andria na ikakasal ito kay Shilo. Nakita ko kung paano ka nasaktan ng gabing iyon. Wala iyong halong pagpapanggap, Kaze. Kaya alam ko na nagpapanggap lang kayo ni Shilo."

"Ate Rila..." yumuko siya dahil sa sinabi nito.

"Ano bang nangyari, Kaze? Akala ko ba susuko ka na sa kanya. Bakit biglang magpapakasal kayo? At ganito pangpinapaniwala niyo ang lahat na may relasyon kayong dalawa."

"I'm sorry. Siguro ay dahil sa marupok ako pagdating kay Shilo." Pumatak ang mga luha ni Maze. "Iwan ka ba, Ate Rila. Sabi ko, susuko na ako dahil sobrang nasasaktan na ang puso ko pero nang lumapit siya at sinabi niyang hindi niya papakakasalan si Andria, naging mahina ako. At ng sinabi niyang kailangan niya ang tulong ko para tumigil na si Andria ay agad akong pumayag. Kahit pa sinabi niyang may babae itong unang pinangakuan ng kasal at nais niyang tuparin iyon ay pumayag pa rin ako. Ang tanga ko, Ate Rila. Ang tanga ko pagdating kay Shilo. 

"Kahit alam kung ako ang talo sa pagpapanggap naming ito ay pumayag pa rin ako. At susubukang pa-ibigin siya. Gusto ko pa rin kumapit sa kunting pag-asa na mapapansin ako ni Shilo sa munting pagpapanggap naming ito. Kahit pa nga alam kung magiging luhaan at talunan ako sa huli. Alam ko sa paglalaro naming ito ako ang talo. Ako ang masasaktan at madudurog ang puso. Ako ang maiiwang iwanan at luhaan sa huli dahil kapag tumigil na si Andria, magpapakasal na ni Shilo sa babaeng totoo niyang mahal. At iyon ang babaeng una niyang pinangakuan ng kasal."

"Kaze, learn to stop. Paano kung umabot kayo ni Shilo sa punto na kailangan niyo talagang magpakasal? Paano ka? Mas lalo ka lang masasaktan noon." niyakap siya ni Carila at hinagod ang kanyang likod.

"Kung ganoon ay pakakasalan ko si Shilo kahit pa isa lang pagpapanggap ang pagsasama namin. Matawag ko lang na akin siya. Kahit sa ganoong bagay lang maging akin siya. Kahit sa isang pagpapanggap lang maging akin si Shilo. Maramdaman ko man lang na mahal niya din ako. For once, gusto ko din maranasan na mahalin ni Shilo kahit sa isang pagpapanggap lang, Ate Rila dahil sa totoo lang iyon ang tanging hiling ko sa buhay ko. Kahit pa na ang sakit-sakit na Ate Rila ay kakapit pa rin ako."

"I'm so sorry if I put you in this kind of situation. I shouldn't stop you from moving on from the very start." Bulong ni Carila na umiiyak na rin ng mga sandaling iyon.

Umiling siya. Carila doesn't need to say sorry. Siya ang nagdesisyon na manatili sa tabi ni Shilo. Desisyon niya ang magpanggap at pumayag sa gusto ni Shilo. Walang nagtulak sa kanya napatuloy na mahalin si Shilo at umasa dito. Kung nasasaktan man siya ngayon ay walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya.

"Kaze, please! Just stop. Wag mong hintayin ang sandaling turog na turog ka na bago siya kalimutan." Ani Ate Carila ngunit hindi niya pinakinggan.

MAY tinatapos na trabaho si Maze ng kumatok ang isa sa staff ng cafe.

"Yes. May problema ba?" tanong niya.

"Ma'am Kaze, may naghahanap po sa inyo sa labas."

"Sino naman?"

"Christian po ang pangalan?" parang hindi sigurado na sagot ng babae.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kanyang opisina. Agad naman tumabi ang staff niya ng dumaan siya sa harap nito. Itinuro nito kung saan nakaupo si Christian. Malalaki ang mga hakbang niya ng makita ang kaibigan. Isang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Christian ng makita siyang papalapit dito. Bigla niyang nayakap ang binata ng makalapit siya. Na miss niya ang kaibigan niyang iyon. 

Nagulat naman si Christian sa ginawa niya ngunit saglit lang iyon dahil agad din itong gumanti ng yakap sa kanya.

"I miss you." Bulong niya.

"I miss you too, Maze."

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Pinakatitigan niya ang kaibigan at masasabi niyang may nagbago dito. Gwapo pa din naman si Christian. May ngiti sa labi nito na lalong nagdagdag sa kagwapuhan nito.

"Upo ka, Chris." Itinuro niya ang upuan.

Umupo din siya pagkatapos pero nanlaki ang mga mata niya ng may iniabot ito sa kanya na isang bouget ng bulaklak. Napangiti siya at tinanggap iyon.

"Thank you." She smells the flower.

"You're welcome."

"May gusto ka bang kainin? It's my treat." Tinawag niya ang isang staff.

Agad naman lumapit ang staff niya. Sinabi niya ang gusto niyang pagkain. Siya na din ang pumuli para kay Christian dahil napapansin niyang nahihiya ito. Alam niyang hindi ito sanay sa ganoon lugar at gusto niyang iparanas iyon dito. Chris is still one of her good friends. Maraming itinulong sa kanya ang mga magulang nito simula ng maulila siya ni China. Ang pamilya nito ang sinandalan nila sa panahon na nagluluksa sila ni China.

"So, kamusta ka na?" tanong niya pagkatapos kunin ng staff niya ang order nila.

"Ito okay lang. Ikaw? Mukhang sanay ka na sa buhay mayaman?" nahihiyang tanong ni Chris.

"Hindi naman. Ganoon pa rin naman ako. Halos walang nagbago."

"Buti kung ganoon. Gusto kang kamustahin ni Nanay at tatay. Matagal ka na daw nilang hindi nakikita at baka daw kinalimutan mo na sila." May pagbibirong sabi ni Chris.

Mahinang natawa siya. "Hindi ah. Balak kong dalawin sila sa katapusan . Busy lang talaga dito sa cafe. At alam mo naman, gusto kong bumawi sa mommy ko. Matagal kaming nagkalayo kaya gusto ko siyang laging makasama. Ikaw nga itong hindi nagparamdam sa akin ng ilang buwan." Binahiran niya ng pagtatampo ang boses.

Yumuko si Chris. "Pumunta kasi ako sa probinsya ni Nanay. Sumama ako kay Tito noong nagbakasyon siya. Kaka-uwi ko lang noong nakaraang araw."

Tumungo siya. "Mali pala iyong narinig kong balita. Ang sabi kasi ay susunod ka sa ate mo sa ibang bansa."

Umiling si Chris. "Hindi ako natuloy. Ayaw kong mag-ibang bansa.Nagbakasyon lang talaga ako sa probinsya. Ngayon nga ay balak kong mag-enroll. Ipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko, Maze."

Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga?"

Tumungo si Christian. "Gustong mag-aral ng engineer. Pumayag si Ate na mag-aral ako at siya ang bahala sa tuition ko. Mamasada ako ng taxi para may pang-allowance ako. Trabaho sa gabi at aral sa umaga."

Nakaramdam siya ng kalungkutan sa sinabi nito. Alam niyang mahirap ang pamilya ni Christian at hindi ito kayang paaralin. Matalino pa naman ang kaibigan at halatang gustong magsumikap sa buhay. 

"Chris, hindi ba iyon mahirap?"

Ngumiti si Chris sa kanya. "Oo pero pagtitiisan at pagsisikapan ko, Maze. Gusto kong may marating sa buhay. Hindi pwedeng hanggang ganito na lang ako. Gusto ko din naman na ma-ipagmalaki ako ng babaeng mamahalin ko."

Nakagat niya ang ilalim ng kanyang labi dahil sa sinabi nito. Nag-iba kasi ang tingin ni Christain sa kanya at alam niya kung anong nais nitong ipahiwatig. Hanggang pa ngayon ay may damdamin pa rin sa kanya ang binata. Nalungkot siya para sa kaibigan.

"Magandang dahilan iyan, Chris para magsumikap ka pero sana gawin mo iyan hindi lang para sa kanya kung hindi pati na rin sa sarili mo at sa mga magulang mo. Gawin mong inspiration ang mga taong nagmamahal sa iyo."

Hinawakan ni Christian ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Nanigas naman siya sa ginawa ng binata. Gusto niyang bawiin ang kamay dito ngunit ayaw niyang saktan ang binata. He had to much. Natatakot na siyang saktan ito dahil alam niya kung gaano ba kasakit ang hindi mahalin ng taong mahal mo. She knows the pain he feels right now.

"Hindi lang naman ito para sa iyo, Maze. Pati din naman sa mga magulang ko. Gagawin ko ang lahat para maging karapat dapat para sa iyo, Maze."

"Chris... I'm sorry. Alam mo naman kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa iyo."

Yumuko si Christian. Ayaw niya itong saktan pero ayaw din naman niya itong paasahin. Masakit ang umasa. Mas masakit pa iyon sa rejection kaya kung maaring maging tapat sa binata. Christian deserves to be happy. He deserves someone better. Someone who can love him equally and it's not her. May mahal na iba ang puso niya at alam niyang hindi iyon basta-basta mabubura.

"I wish you find someone better, Chris. Iyong babaeng talagang mamahalin ka bilang ikaw. Iyong hindi mo kailangan eh please siya dahil tanggap ka bilang ikaw."

"May isang kagaya mo pa ba, Maze?"

Mas lalong nilukob ng lungkot ang puso niya para sa kaibigan. Paano niya ba pagagaanin ang loob nito? Wala siyang maisip dahil kagaya nito ay hind din niya alam kung paano kakalimutan ang taong mahal. Kung paano ba ibabaon sa limo tang lahat lalo na at nasa magulong sitwasyon sila ng binata. Mas lumala ang sitwasyon nila. At mas nahuhulog ang puso niya dito.

"Chris, alam kong makakahanap ka ng babaeng mas hihigit sa akin. Babaeng mas mamahalin mo. Darating din siya." Ipinagpalit niya ang mga kamay nila. Siya naman ngayon ang nakahawak sa kamay nito.

"Sa tingin mo?"

Ngumiti siya at tumungo. Gusto niyang kalimutan na ni Christian ang nararamdaman nito para sa kanya. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang makahanap ito ng taong mamahalin nito. Nagpapasalmat siya ng dumating ang order nila. Naging tahimik sila ni Chris. Tumikhim siya para basagin iyon.

"Nagkita  na ba kayo ni China?" 

Nagtaas ng mukha nito si Christian. Ngumiti ito sa kanya. "Oo. Siya nga ang nagsabi sa kain na nandito ka. Maayos na din pala ang buhay niya."

"Kahit papaano ay maayos na din. Wala naman akong mahihiling para sa kapatid ko kung hindi ay maging maayos ang buhay niya. She deserves to be happy." Napangiti siya ng maalala ang kapatid.

Hindi nagsalita si Christian. Naging tahimik na ang binata. Pakatapos nilang kumain ng cake ay nag-usap pa sila ni Chris patungkol sa buhay at nakaraan nila. Binalikan nila ang mga pinagdaanan nila noong bata palang sila. Kung gaano sila kakulit. Alam niyang nais lang sariwain ng binata ang lahat kaya pinagbigyan niya at saka natutuwa din naman siya. Kahit papaano ay nakakalimutan niya ang sakit at problemang dinadala dahil kay Shilo.

Nang mapansin nila ni Christian na madilim na ay nagdesisyon silang kumain sa labas. Kinuha niya ang bag sa loob ng opisina ngunit natigilan siya ng kinuha ang phone na nakapatong sa table na maraming tawag mula kay Shilo. Sinubukan niyang tawagan ang binata ngunit hindi ito sumagot sa unang tawag niya. Habang palabas ng opisina ay sinubukan niya pa rin tawagan si Shilo. Nang may sumagot sa tawag niya ay agad siyang nagsalita.

"Tumawag ka? May problema ba?" tanong niya. Nakita niya si Christian na nakatayo na sa tapat ng pinto ng shop.

"Hello ma'am. Kayo po ba si Maze?"

Nagsalubong ang kilay niya ng marinig ang isang boses babae. Sino naman ang babaeng iyon? At bakit ito ang may hawak sa phone nito? Hindi maaaring si Ate Carila iyon dahil kilala niya ang boses nito.

"Yes. Maze here. Nasaan si Shilo?"

"Naku ma'am. Buti at tumawag kayo. Pwede niyo po bang puntahan dito si Sir. Sobrang lasing po kasi niya. Hindi naman po naming siya maawat dahil nagagalit siya sa amin at sinabing isusumbong kami sa boss naming. Ayaw ko pong mawalan ng trabaho, ma'am."

Napapikit siya dahil sa sinabi nito. Lasing si Shilo. Ano na naman ang nangyari dito? Bakit naglasing na naman ang binata? Napapikit siya ng mariin. Hanggang kailan siya magpapakamartir kay Shilo. Dapat yata pati siya ay tanggapin na din ang sinabi niya kanina kay Christian. She needs to move on and find the right man for him. Pero paano kung ganitong lubog na siya sa sitwasyon nila ni Shilo?