Chereads / Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 20 - CHAPTER EIGHTEEN

Chapter 20 - CHAPTER EIGHTEEN

"HE said what?" gulat na tanong ni Cathy sa kanya.

"He said he loves me." Sabi niya sa kaibigan. Kwenento niya  ang nangyari noong pumunta si Shilo sa restaurant niya at ang pagpunta ni Joshua sa kanyang bahay.

Cathy is one of her friend. Nakilala niya ito sa U.S ng magmasterial siya doon pero mas na una lang ito umuwi ng Pilipinas kaysa sa kanya.  Pero kahit na malayo ito ay nanatili ang pagkakaibigan nila. They call and talk to each other if she have a problem. Kagaya na lang ng mga sandaling iyon. Ito ang una niyang tinakbuhan ng sinabi sa kanya ni Joshua ang lahat. Naguguluhan kasi siya ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan ang mga sinabi sa kanya ni Shilo at Joshua.

"At naniniwala ka sa sinabi ng pinsan niya?"

Hindi siya nakapagsalita. Anong sasabihin niya, na naniniwala siya sa sinabi nito. Na maaring ganoon nga ang nangyari. Na hindi naman talaga kinasal si Shilo kay Andria. Na pumunta siya ng China para ayusin ang problema sa negosyo nila doon at ayusin ang gusot na ginawa ni Joshua.

Narinig niyang bumuntong hininga si Cathy. Binitiwan nito ang kutsara at tumitig sa kanya. "Magsabi ka nga ng totoo sa akin, Maze. Do you still love him?"

Natigil siya sa pagsubo dahil sa tanong nito. Umiwas siya ng tingin dito.

"Sabi ko na nga ba. You still love him despite of what he did." Umiling si Cathy. Hindi maitago ang disappointment sa boses nito.

Umangat siya ng tingin. "I don't know what to do anymore, Cathy. Hindi ko nga alam kung bakit mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin." Malungkot niyang sabi sa kaibigan.

"Well, let me tell you my friend. What you have for him is true love. Just sad to say, he doesn't deserve you. He is just a jerk. Sabihin na natin na totoo ang sinabi ng pinsan niya pero hindi dapat niya iyon ginawa. He should tell you about his plan or he should tell you that he loves you."

Hindi siya umiimik. Tama naman kasi ang sinabi nito. Shilo should tell her that he loves her. Hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat sa kanila. Kung sinabi lang nito noon na mahal siya nito ay baka  kasal na sila at maaring may anak na rin kagaya ng mga kaibigan nila.

"You should be the one to tell him, you love him. Hindi iyong naghihintayan kayong dalawa." Sabi ng isang boses lalaki na bagong dating.

Napatingin sila sa lalaki. Umupo ito sa tabi niya at ngumiti. "Hello, Cathylyn." Ngumiti ito sa kaibigan ngunit inirapan lang ito ni Cathy.

"Sancho, anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong sa kaibigan.

Sancho is her thesis buddy. Kasama niya din ito sa U.S at kasama niya itong nagsusunog ng kilay doon. Sancho came from a wealthy family at naisipan nitong magmasterial sa U.S. Doon sila nagkakilala at naging malapit na magkaibigan. Ito din ang business partner niya sa U.S. Lagi nitong iniinis si Cathy na lagi naman pinapatulan ng kaibigan. At kahit kailan ay hindi na yata magkakaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Dad asks me to come home. Magreretired na daw ito kaya ako na ang hahawak ng kompanya namin. BJ manage our business when he comes back to U.S soon." Sagot nito sa tanong niya.

"Ganoon ba. Kailan ka pa dumating? Sana nagsabi ka sa amin."

"Bakit? Na miss mo ba ako, Maze?" inilapit ni Sancho ang mukha sa kanya.

Napaatras naman siya sa ginawa ng kaibigan. Tinulak niya ito ng bahagya. "Tumigil ka nga. Mamaya sumbong kita sa ina ng anak mo." Pagbabanta niya rito.

Umayos naman ng upo ito. "Anong ina ng anak ko?"

"Hindi mo pa rin siya nakikita?"

"Nakita ko na siya pero mukhang wala lang dito ang nangyari sa amin."

"Wait! Nakita mo na siya?" gulat kami napatingin ni Cathy kay Sancho.

Sancho is very open to us. Alam namin na lalaki ito kaya nga nagtataka kami noong una. Para kasi itong hindi lalaki kapag nagkekwento sa amin ni Cathy. Masyado itong open sa kanila na hindi nila lubos ma isip na gagawin ng isang lalaking kagaya nito. Ang sabi nito ay magaan daw ang loob nito sa amin dalawa ni Cathy. Alam nitong hindi sila magkekwento sa iba na ginawa naman namin ni Cathy.

Tumungo si Sancho. "Secretary ko siya ngayon. At ang laki ng pinagbago niya. Hindi na siya ang babaeng nakita ko noong nag-aaral palang kami. Ang mas nakakapagtaka pa ay iyong galaw niya. Alam ko naman na loner siya noon pa pero mas loner siya ngayon. Iyong tipong kakain ito ng mag-isa at okay lang sa kanya."

Hinawakan ko ang likod ni Sancho. Alam namin ang pinagdaanan nito. Bigla na lang kasi naglaho na parang bula ang babae pagkatapos ng nangyari sa mga ito. Alam namin na private life na iyon ni Sancho pero sinabi pa rin nito iyon sa kanila para daw malaman namin kung bakit naglaho na lang ng ganoon ang babae.

"Baka ganoon lang talaga siya." Sabi ni Cathy.

"Iwan ko ba, pakiramdaman ko kasi ay may mali rito. Hindi kaya nabuntis ko talaga siya?"

"Ask her. Wala naman masama kung tatanungin mo siya."

"Tanungin? Nag-iisip ka ba, Cathy. Pa--"

Binitiwan ni Cathy ang kutsara at galit na hinarap si Sancho. "Nag-iisip ako, okay. Kaya nga mas matalino ako sa'yong unggoy ka. At saka, ikaw din naman ang nagsabi kanina kay Maze, di ba? You should be the one to tell her, you are the guy she one night stand. Hindi iyong nagpapakiramdaman kayong dalawa. Hay! Bakit ko ba kayo naging kaibigan? Parehas lang kayo ni Maze na parang iwan." Sabi ni Cathy at uminum ng tubig. Tumayo ito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Sancho.

"Sa restroom. Gusto mong sumama?"

"No thanks, I'm good." Sagot ni Sancho at ngumisi.

Inirapan ito ni Cathy at iniwan na sila. Narinig niyang tumawa ng bahagya si Sancho. Napatingin siya sa kaibigan. Napailing na lang siya.

"What?" tanong ni Sancho.

"Lagi mo na lang iniinis si Cathy."

"Masarap kasi inisin ang babaeng iyon. Lumalabas ang pagiging amazona." Tumingin si Sancho sa isang sulok ng restaurant. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita si Shilo na kumakain kasama si Anniza at Joshua. Seryuso ang mukha ni Shilo habang kumakain. Kanina pa ba sila doon? Nakita kaya siya nito? Nasagot ang tanong niya ng tumingin sa kanila si Shilo. Hindi ito nagulat ng makita sila. Bugkos ay lumarawan ang galit sa mukha nito.

Tumingin siya sa kaibigan ng bigla na lang nito hinawakan ang kamay niya. Alam niyang kilala nito si Shilo. Minsan na nito nakita ang larawan ng ex – fiancé. Nang minsan nitong pakialaman ang phone niya ay nakita nito ang larawan nila ni Shilo na magkasama. Tinanong siya nito, nang hindi siya magsalita ay pinilit siya nito hanggang sa magkwento siya. Si Sancho ang definition nila ng lalaking-tsismoso. Wala yatang pinapalampas ang lalaki. Hindi lang ito tsismoso, busy din ito pagtsimis ng sariling buhay nito kaya hanggang ngayon ay hopia parin ang love life.

"He looks jealous." Natatawang sabi ni Sancho. Inilapit nito ang mukha sa kanya. "Let's see if he makes a move." Bulong ni Sancho.

Bago pa siya makapagreact ay hinalikan na siya ni Sancho sa gilid ng kanyang labi. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng kaibigan. Kung may makakakita sa amin ng mga sandaling iyon ay aakalain na hinahalikan siya nito. Itutulak na sana niya ang kaibigan ng kusa itong lumayo sa kanya. Ngumisi ito pagkatapos.

"Let's do a countdown, Maze. I'm sure your ex-fiancé is mad right now."

"Anong ibig mong..." hindi niya natapos ang sasabihin ng may humatak kay Sancho patayo at sinuntok ito dahilan para maupo ito sa sahig ng restaurant.

"Stay away from my girl." Galit na galit na sigaw ni Shilo.

Nanlaki ang mga mata niya sa nangyari. May bahid din ng dugo ang gilid ng labi ng kaibigan. Susugod na naman sana si Shilo ng pumagitna siya. Iniharang niya ang sarili. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Shilo. Hindi ito makapaniwala na pumapagitna siya sa away nila ni Sancho.

"Move away, Maze." Galit na sigaw ni Shilo.

"Who are you to hurt him?" galit din niyang sigaw. Wala siyang paki-alam sa galit nito. Hindi siya makakapayag na saktan nito ang kaibigan niya.

"He kisses you. No one can kiss you except me." Hinawakan siya nito sa braso.

"Let go of me, you jerk. Hindi mo ako pagmamay-ari para pagbawalan akong halikan ang sinuman." Pilit niyang inaagaw kay Shilo ang brasong hawak.

Nagulat naman si Shilo sa sinabi niya kaya nabitawan siya nito. Gumuhit ang sakit sa mga mata nito. Nais man niyang bawiin ang sinabi ay hindi niya magawa. She needs to say those words for him to stop chasing her. Nais na niyang kalimutan si Shilo at ito lang ang paraan niya. Ang saktan ito para layuan siya. Tinulungan niya si Sancho na makatayo at hindi pinansin ang mga titig ni Shilo.

"Are you okay?" tanong niya sa kaibigan.

"Ang lakas sumuntok ng ex mo." Natatawang bulong ni Sancho. Pinunasan nito ang gilid ng labi gamit ang likod ng palad nito.

Nais niyang batukan ang kaibigan sa sinabi. May gana pa itong magsabi ng ganoon gayong sinuntok na ito ng tao. Pasaway talaga itong si Sancho. Kung ano-anong kalukuhan ang iniisip.

"Who is he, Maze?" narinig niyang tanong ni Shilo.

Napalingon siya rito. Nasa mga mata pa rin nito ang sakit at lungkot. Biglang kumirot ang puso niya sa nakita. Binitawan niya ang braso ni Sancho at hahawakan sana si Shilo ng agad na hinawakan ni Sancho ang kanyang mga kamay. Mahigpit iyong hinawakan ng kaibigan kaya naman patingin siya rito. Seryoso na ang mukha nito.

"Who am I? Well, let me introduce myself to you." Inilahad nito ang isang kamay. "I'm Sancho James Lim, Mazelyn's boyfriend."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kaibigan. Tumingin sa kanya ang kaibigan at kinindatan siya. Pinisil din nito ang kamay niya na parang sinasabi nito na sakyan niya ang kalukuhang iniisip nito. Bumalik ang tingin nito kay Shilo.

"Totoo ba ang sinabi niya, Maze?" tanong ni Shilo. Hindi nito pinansin ang nakalahad na kamay ni Sancho.

Napapikit siya ng mariin. Bakit ba kasi nakikialam itong kaibigan niya sa problema niya? Remind her again later na bugbugin niya si Sancho sa kalukuhang naisip. Huminga siya ng malalim bago hinarap si Shilo at hindi nga siya nagkamali sa nakita. He's face written with sadness and pain. Hindi din maitago sa mga mata nito ang pagsisisi at pag-asam na sana ay hindi totoo ang sinabi ni Sancho.

"Yes. He is my boyfriend." Sagot niya rito.

Shilo's eyes are full of sorrow. Nais naman niyang maguilty sa ginawang pagsisinungaling. Lalo siyang kinain na guilt ng makitang pumatak ang mga luha ni Shilo. Shilo is crying and that's the first time she saw him cried after they become friend five years ago. Hindi din ito lasing ng mga oras na iyon. Agad na pinunasan ni Shilo ang mga luha gamit ang likod ng kamay.

"You are lying. Ito ba ang ganti mo sa akin dahil iniwan kita noon. Sinabi ko naman sayo ang totoo hindi ba." Hahawakan sana siya nito ng agad siyang hinatak ni Sancho para itago sa likuran nito.

Her heart is slowly getting weak. Unti-unting bumibigay ang puso niya. At alam niya na ilang saglit lang ay yayakapin niya si Shilo para sabihin dito kung gaano niya ito na miss at kamahal. But Sancho is there to stop her. Alam nito kung gaano siya karupok pagdating kay Shilo. He was there to stop her for doing crazy thing again.

"Don't touch my girl." May diin na sabi ni Sancho. Masama na rin ang titig nito kay Shilo.

Kung wala lang sila sa sitwasyon na iyon ay baka tumawa na siya at biruin ang kaibigan sa galing nitong umarte. Parang totoong sila kung makabakod sa kanya.

"She is not your girl." galit nitong sabi pero wala na iyong tapang.

"She is. So back off. Ex ka na niya. Tapos na ang lahat sa inyo. Mazelyn, never love you anyway. Kaya tigilan mo na siya." Ngumisi si Sancho tanda na iniinis nito si Shilo. Pasimple niyang kinurot ang kaibigan ngunit hindi naman ito nagpatinag.

"Anong sabi mo?" hinawakan ni Shilo sa kwelyo si Sancho.

Agad na lumapit si Joshua para pigilan si Shilo. Akala niya ay hindi ito makikialam at mananatili itong nakatingin sa eksenang nagaganap.

"Shilo stop." Sabi ni Joshua.

Nakita niyang nakamasid lang sa gilid si Anniza. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin kay Shilo. May awa ang mga mata nito at simpatya. Tumingin si Anniza sa kanya pero agad din nag-iwas ng makitang nakatingin din siya rito.

Hindi natinag si Shilo. Galit pa rin itong nakatingin kay Sancho.

"Bawiin mo ang sinabi mo. Mazelyn loves me. At isa ka lang---"

"She loves me. Kaya tumigil ka na."

"Shilo stop ito. Gumagawa ka na ng eksena. She doesn't like this." Bulong ni Joshua na narinig niya.

Tumingin sa kanya si Shilo at Joshua. Nagbaba ng tingin si Shilo nang magtagpo ang mga tingin nila. Unti-unti nitong binitawan ang kwelyo ni Sancho.

"Let's go." Tinapik ni Joshua ang balikat ni Shilo.

Nakita niyang huminga ng malalim si Shilo bago tumingin sa kanya. "I will get you no matter what." Seryuso at puno ng kumpyansang sabi nito bago lumabas ng restaurant.

Sumunod dito si Joshua at Anniza na parehong malungkot ang tingin sa kanya.

Binitawan niya si Sancho ng makalabas ng restaurant ang tatlo. Galit niyang tiningnan ang kaibigan na may ngiti sa labi. Babatukan na sana niya ito ng may bumato ng sapatos dito. Napatingin siya sa nang bato at nakita nila si Cathy na umuusok sa galit. Tinamaan naman sa balikat nito si Sancho.

"Abnormal ka talagang gago ka." Sigaw nito kay Sancho.

"What?" nakahawak sa balikat nitong nasaktan si Sancho.

"Gago ka talaga, sana hinayaan mo na lang mag-usap ang dalawa kanina. Sana nagkaayos na ang mga ito at may lovelife na si Maze." Binatukan pa nito si Sancho ng makalapit ito.

"Aba, Cathy, namumuro ka na ha! Binato mo na nga ako ng sapatos mo, babatukan mo pa ako."

"Wag mong ibahin ang usapan. Gago ka, tingnan mo nga ang ginawa mo."

"What? Tama lang naman ang ginawa ko. Dapat naman talaga iyon kay Shilo. Tingnan natin kung hindi maulol ang isang iyon. Sinaktan niya ang kaibigan natin. A little revenge is not so bad." Tumingin sa kanya si Sancho. "Pahirapan naman natin ng kunti si Shilo bago siya balikan ng kaibigan natin."

"Balikan? Nababaliw ka na ba? Hindi ko na babalikan pa si Shilo."

"Oh common, Maze. You still love Shilo. Kung hindi kita pinigilan kanina, alam ko na lalapitan mo siya at yayakapin. Marupok kang babae ka, kaya wag ako." Umupo si Sancho. Tinawag nito ang waiter para umorder. Parang walang nangyaring eksena kanina habang naka-upo ito doon.

Wala itong paki-alam kung pinagtitinginan ito ng mga tao sa ginawa kanina. Talking about the male-tsismoso, alam nito ang nature ng kauri kaya marunong na bumaliwala sa atensyon ng mga kapwa nito tsismoso.

"I don't love him." Sabi niya at umupo na rin.

"Ahhh..." Tili ni Cathy at kinuha ang bag. "Isang indenial at isang abnormal. Bakit ba may kaibigan akong kagaya niyo?"

"Oh! Saan ka pupunta?" tanong ni Sancho.

"Lalayas sa harap niyo. Nahiya naman ako sa pagiging normal ko." Tumingin sa kanya si Cathy. "Take my advice, my little Mazey. Follow your heart. Mahal ka ng unggoy na iyon, what I saw at him is a man who are loving someone. He truly loves you. At alam ko na hindi siya titigil para makuha ko ulit. So follow your heart and make your own happy ever after. "

"Cathy..."

"Wag kang maniwala sa abnormal nating kaibigan. Tingnan mo nga, single parin." Galit nitong tinitigan si Sancho.

"Nagsalita ang may boyfriend." Sabi ni Sancho.

"Okay lang. Kaysa naman maging tulad mo na torpe na nga, hindi pa kayang panagutan ang babaeng mahal daw niya."

Umangat ng tingin si Sancho. "Cathy below the belt na iyang sinabi mo ha."

"Whatever." Tumingin nito sa kanya. "See you later, Mazey. Goodbye."

Umalis na si Cathy pagkatapos nitong inirapan si Sancho. Naiwan siya kasama ni Sancho na may bahid ng inis na sinundan ng tingin si Cathy.

"Si Cathy talaga."

"You know Cathy." Sabi niya.

"Isang taklisa. Buti wala pa iyong nakakaaway sa ugali niya."

Ngumiti siya ng bahagya. Kung alam lang ni Sancho. Cathy is very vocal on her feeling and what she thinking. Alam niyang may nakakaayaw din ang kaibigan. And what Cathy said left her thinking about what she will do to her feeling for Shilo. Hindi niya alam kung susundin niya ba ang puso o ang isip. Her heart said gives Shilo a second chance but her mind tells her to move on and find a better man.

IPINARADA ni Mazelyn ang koste malapit sa gate ng bahay ng ina. Her mom asks her to come home. May pag-uusapan daw silang dalawa tungkol sa trabaho. Pagkatapos nilang pumunta ni Sancho sa mall ay agad siyang pumunta sa bahay ng ina. Bumaba siya ng kotse. Saglit lang siya doon at uuwi din siya sa sariling bahay niya. Ayaw niyang tumagal doon dahil sa katabi lang ng bahay ng ina ang bahay ng ama ni Shilo.

Pipindutin na sana niya ang door bell ng may humawak sa kamay niya. Napatingin siya sa pangahas. Napaatras siya ng makita ang kuya ni Shilo.

"Kuya Shan!"

"Hello Kaze. Long time no see." Ngumiti si Kuya Shan.

"Hello." Bati niya at tumingin sa paanan nito.

May nakita siyang isang batang lalaki doon. Ang cute ng bata na ngayon ay nakatingin sa kanya. 

"Say hello to Tita Kaze." Sabi ni Shan sa anak nito.

"Hello po." Yumuko ang bata sa kanya.

Hindi niya napigilan ang isang ngiti na sumilay sa kanyang labi. Kamukha ni Shan ang bata. Ito na ba ang anak nito at ni Ate Carila. Yumuko siya at inilahad ang isang kamay dito.

"Hello. I'm Tita Kaze. What's your name?" magiliw niyang tanong dito.

Tumingin lang ang bata sa kanyang kamay bago tumingin sa ama. Waring nagpapaalam ito sa ama kung pwede ba nitong tanggapin ang pakikipagkamay niya. Nakangiting tumungo si Shan sa anak. Doon lang tumingin sa kanya ang bata.

"It's nice to meet you. I'm Sheldon Carlo Wang." Pakilala ng bata at tinanggap ang kamay niya.

"Nice to meet you too, Sheldon. Ang cute-cute mo." Sabi niya sa bata.

"Is he?"

Tumingin siya kay Kuya Shan. Nakangiti ito sa kanya. Tumayo siya at hinarap ito. Ang tagal din bago kami nagkita muli. Kuya Shan tried to talk to her before she left the country but her mind was closed at that time. Ayaw niyang makausap ang mga taong nakapaligid sa kanila noon.

"He is. Kamukha mo siya Kuya Shan."

"Ganyan din ka cute ang magiging baby niyo ni Shilo."

Natigilan siya sa sinabi nito. May kumirot sa puso niya dahil sa sinabi nito. Umiwas siya ng tingin dito. Ayaw niyang makita nito na malungkot siya sa mga sinabi nito ngunit malakas ang pakiramdam ni Kuya Shan. Agad nitong napansin ang lungkot at sakit na bumalot sa kanya.

"I'm sorry." He sounds so sincere.

Napatingin siya rito. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito para bang alam nito ang sakit na nararamdaman niya.

"It's okay. Limang taon na rin naman mula nang mangyari ang lahat. Paano? Papasok na ako. May importante pa kaming pag-uusapan ni Mommy." Binalingan niya ang anak ni Kuya Shan. "It's nice to finally meet you, Sheldon. Magpakabait ka." Hinawakan niya sa ulo ang bata bago pinindot ang door bell.

"Kaze, can we talk after you talk to your mom?"

Napatingiin siya kay Kuya Shan. Alam niya kung ano ang nais nitong pag-usapan nila. Tungkol iyon kay Shilo. At nang mga sandaling iyon, kung mamaari ay ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Shilo. Ngumiti siya kay Kuya Shan. Sasagot nasana siya ng bumukas ang gate.

"Ma'am Kaze." Sabi ni Yaya Sandra.

Tumingin siya sa katulong ng kanyang ina. Ngumiti siya rito bago tumingin ulit sa kay Kuya Shan. Biglang may pumasok na katanungan sa kanyang isipan at tingin niya ay masasagot iyon ni Kuya Shan. "Ya. I want to ask you something."

Ngumiti si Kuya Shan ng marinig ang sagot niya. "Hintayin ka namin sa bahay. Wag kang mag-alala, wala si Shilo sa bahay. May sarili na siyang bahay kaya hindi mo siya makikita mamaya."

Ngumiti siya ng bahagya rito bago tuluyan pumasok sa bahay ng ina. Kailangan niyang harapin ang lahat. Kung anuman ang malalaman niya mamaya mula kay Kuya Shan, alam niyang isa iyon sa makakatulong sa desisyon niya. Hindi niya pwedeng taguan ang kanyang nakaraan. Hindi habang buhay ay magtatago siya para lang hindi masaktan.