Chereads / Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 25 - CHAPTER TWENTY-THREE

Chapter 25 - CHAPTER TWENTY-THREE

LUMANDAS ANG masaganang luha sa pisngi ni Maze. Nakita niya kung paano naglapat ang labi ni Ate Carila kay Shilo. At ang taong mahal niya. Hindi man lang tinulak si Ate Carila hanggang sa lumayo si Ate Carila dito. Nararamdam niya ang pagsakal sa puso niya. Tumaas-baba ang dibdib niya sa sobrang sakit na nadarama ng mga sandaling iyon. Bumalik sa alala niya na minahal ni Shilo si Ate Carila bago siya. Ito ang unang minahal ng kanyang nobyo.

"Shilo, ikaw ang minahal ko hindi si Shan. Ikaw talaga ang nagmamay-ari ng puso ko noon at pa---" natigil sa pagsasalita si Ate Carila ng tumingin ito sa kanya. Napasinghap ito at nanlaki ang mga mata. "K-Kaze…"

Doon lang biglang gumalaw si Shilo. Lumingon ito sa kanya. Napa-atras siya ng magtagpo ang kanilang mga tingin. Namutla si Shilo.

"Maze…" humakbang ito para lapitan siya ngunit agad siyang tumakbo palabas.

She run away from that place. She run away with a broken heart again. Nanlalabo ang kanyang paningin ngunit hindi siya tumigil. Nasasaktan ang puso niya sa nakita at hindi niya kayang ka-usapin pa si Shilo. Ayaw niyang dagdagan ang pagkadurog ng puso niya.

"Maze!!!" narinig niyang pagtawag sa kanya ni Shilo.

Nakarating siya sa labas ng mansyon at agad na lumapit kay Sancho na papasok palang sana sa bahay ng ama nito. Hinawakan niya ang braso ng kaibigan. 

"Take me away from here, Sancho." Umiiyak niyang paki-usap sa kaibigan.

"What happen?" nag-aalalang tanong ni Sancho.

"Maze…" 

Sabay silang napatingin ni Sancho sa tumatakbong si Shilo. Hinarap niya ang kaibigan at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa braso nito.

"Umalis na tayo, Sancho. Please!" tuluyang siyang napahagulhul.

Nagtataka man sa nangyayari ay inalalayan siya ni Sancho para pasakayin sa kotse nito ngunit bago pa siya tuluyan makalapit ay napigilan na siya ni Shilo. Hinawakan siya nito sa braso.

"Maze, let me explain." Nakiki-usap nitong sabi.

Umiling siya at pilit na kumakalawa sa hawak nito. Ayaw niyang makinig. Sinasakal pa rin ang puso niya ng mga sandaling iyon dahil sa nakita. Nakipaghalikan ito kay Ate Carila. Sa babaeng una nitong minahal. Hindi lang iyon, mahal din ni Ate Carila si Shilo. Nagmamahalan ang dalawa.

"Maze, please!!! Pag-usapan natin ito. Nagulat ako sa ginawa ni Carila pero walang ibig sabihin iyon. Ikaw ang mahal ko kaya sana hayaan mo akong makapaliwanag. Mag-usap tayo. Wag mo naman ako basta talikuran ng ganito." Hindi maitago ang sakit na nararamdaman sa boses ni Shilo.

Umiling siya. Hindi siya naniniwala. Kung hindi pa binanggit ni Ate Carila ang pangalan niya ay hindi pa ito matatauhan. Mahal ba talaga siya nito. Kung mahal siya nito dapat ay ito ang unang bumitaw sa halik na iginawad ni Ate Carila dito. Kung mahal siya nito hindi niya mararamdaman ang ganitong sakit. Nasasakal ang puso niya at hindi niya kaya iyon. Lagi na lang nadudurog ang puso niya dahil dito.

"Maze…" sinubukan ni Shilo hawakan ang pisngi niya gamit ang isang kamay nito ngunit umiwas siya.

Hindi niya kayang tingnan ito. Kapag tumingin siya dito, alam niyang hihina ang depensa niya.  Susuko na naman siya sa pag-ibig dito. Hanggang kailan ba siya nito sa sasaktan? Hindi ba at nangako itong mahahalin siya at hindi pa-iiyakin muli. Kaya nga niya ito binigyan ng pangalawang pagkakataon. Mahal ba talaga siya nito?

"Shilo…" narinig niyang tawag ng kaibigan.

Napatingin dito si Shilo.

"Let go. Hayaan mo muna si Mazelyn." May diin na sabi ni Sancho.

"NO!" sigaw ni Shilo at muli siyang hinarap. "Maze, pag-usapan natin ito. This issue is between us. Ayusin natin ito."

"Shilo, nasasaktan pa si Mazelyn kaya hayaan mo muna siya." Hinawakan ni Sancho ang kamay ni Shilo na nakahawak sa kanyang braso. Ito na ang nagtanggal ng kamay doon ni Shilo. "Pumasok ka na sa loob. I will ride you home." Bulong ni Sancho.

Agad niyang sinunod ang kaibigan. Pipigilan sana siya ni Shilo ng agad itong pinigilan ni Sancho. Pumasok siya ng kotse at hindi tiningnan si Shilo. Hindi niya kayang kausapin ang binata. Nasasaktan siya dahil sa ginagawa nito. Mula noon at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya dahil dito. Ito pa rin ang dahilan ng mga luha niya at ayaw niyang maging mahina ngayon. Dahil sa karupukan niya ay nasasaktan na naman siya. Hanggang kailan ba siya magiging ganito kay Shilo? Hanggang kailan ba siya sasaktan ng taong minahal niya?

GUSTONG suntukin ni Shilo si Sancho ng mga sandaling iyon. Kailangan niyang ka-usapin si Maze at magpaliwanag dito. Alam niyang nasasaktan ito dahil sa ginawang paghalik sa kanya ni Carila. Nagulat lang naman siya. Nagulat siya sa sinabi at maging sa naging hakbang nito. Carila never been bold on her action and kissing him first never cross his mind. Ngayon ay labis niyang pinagsisihan na kina-usap ito ng mag-isa. Dapat ay sinama niya si Maze para hindi na ito nangyari pa.

"I need to talk to her." Sigaw niya. Pinipigilan niya ang sarili na wag itong masuntok. Hindi niya bibigyan ng dahilan si Maze na lalong magalit sa kanya. Letting his demon out is not a good move right now.

"Sinabi ko din sa'yo na hayaan mo muna siya. Let Maze breath for a while. Hayaan mo muna siyang makapag-isip." Mahinahong sabi ni Sancho.

"Wala kang alam sa amin ni Maze." Kinatok niya ang bintana ng kotse. "Maze, open this door. Pag-usapan natin ito. Let me explain." Ngunit nagmatigas si Maze. Kahit sulyap ay hindi siya nito tinapunan. 

Hinawakan siya ni Sancho sa balikat at inilayo sa kotse nito. Nanlaban siya at pinilit na kumawala sa pagkakahawak nito ngunit determinado si Sancho na ilayo siya kay Maze. Itinulak siya nito sa kanyang kotse. Napasandal siya sa kotse niya na hindi kalayuan sa kotse nito.

"I said let her breath. Kausapin mo si Maze kapag kalmado na siya. Hindi ka niya pakikinggan ngayon dahil nasasaktan siya. Gusto mo ba talagang magka-ayos kayo ni Maze?"

Tinitigan nuya ng masama si Sancho. 'Of course, he wants to fix this mess with Maze.'

"Let her breath for awhile. Mahal ka ng kaibigan ko. Hindi ka niya basta-basta iiwan." Dagdag ni Sancho. "Settle your other issue first." Tumingin ito sa ibang direksyon.

Doon siya natauhan. Napatingin siya sa direksyon na tiningnan nito. Nakita niyang nakatayo sa labas ng mansyon si Carila. Malungkot itong nakatingin sa kanila. Huminga siya ng malalim. Tumayo siya ng tuwid at tumingin kay Sancho. Seryuso pa rin ang nababasa sa mukha nito.

"Ingatan mo si Maze. Siguraduhin mong makaka-uwi siya ng ligtas sa bahay ni Tita Aliya."

"Don't worry. I take care of my friends." Tinapik nito ang balikat niya bago siya tinalikuran.

Sinundan niya ito hanggang sa maka-alis ang sasakyan nito. Nanikip ang dibdib niya. Iyong sakit na nakita niya sa mga mata ni Maze ay sumasakal sa puso niya. Alam niyang may pagkakamali siya at hindi sapat ang rason na nagulat siya. Nasasaktan siya kapag ganitong alam niyang galit sa kanya ang dalaga pero tama naman si Sancho. Maze needs to breath. Hindi sila pwedeng mag-usap kapag ganito ang emosyon nilang pareho pero sisiguraduhin niyang mag-uusap sila mamaya. Hindi siya makakapayag na matapos ang isang araw na hindi nila naayos ang gusot sa pagitan nila. Aayusin niya ang relasyon nila ni Maze. Hindi siya makakapayag na mawala ito sa kanya ng ganoon lang. 

Ayaw niyang lumipas na naman ang ilang taon sa kanilang dalawa. Pero bago iyon ay haharapin niya muna ang issue niya sa nakaraan. Napatingin siya kay Carila. Umiiyak ito na nakatayo sa gate ng mansyon ng mga Tolentino. Ilang beses niyang pinuno ng hanging ang dibdib. Naiinis siya sa ginawa ni Carila pero hindi niya pwedeng daanin sa galit ang lahat. Hindi na rin naman siya ang dating Shilo na kapag nagagalit ay nagwawala at nanakit ng ibang tao. At saka, kahit anong gawin niya, asawa pa rin ito ng Kuya niya at ina ito ng pamangkin niya. Bahagi na ng pamilya nila si Carila. 

Nang alam niyang kalmado na siya ay lumapit siya kay Carila. Itinago niya ang emosyong nadarama ng mga sandaling iyon. He is mad and confused of her sudden action.

"You need to explain to me, Carila. Everything about you… and Kuya Shan." May diin ang pagbanggit niya sa salitang 'you'. "Ipaliwanag mo sa akin kung bakit sinabi mong ako ang mahal mo noon at hanggang ngayon, gayong ang Kuya ko ang pinakasalan mo."

Lalong bumuhos ang mga luha ni Carila at napa-upo. Umiyak ito ng malakas. Nakikita niya ang paghihirap na nararamdaman nito ng mga sandaling iyon. Hinayaan niya lang ito sa pag-iyak. Ilang minuto pa ang lumipas pero patuloy pa rin sa pag-iyak si Carila. Tutulungan sana niya ito ng may na-una na sa kanya. Napatingin siya sa lalaking ngayon ay hinawakan si Carila sa pagkabilang balikat.

"Carila, calm down." Narinig niyang bulong ng lalaki kay Carila.

"Harry, papasukin mo muna si Carila at ang kasama niya." May sumigaw mula sa loob ng mansyon.

Napatingin siya sa babaeng nagsalita. Agad na sinunod ng lalaki ang sinabi ng babae. Sumunod naman siya sa loob. Walang tigil sa pag-iyak si Ate Carila hanggang sa mahatid namin siya sa pangawalang palapag ng bahay. Sa isang malaking kwarto siya ipinasok ng lalaki at inihiga. Kasama namin sa kwartong iyon ang babae kaninang tumawag dito. May hawak itong isang basahan. Pinunasan nito si Carila na wala pa rin tigal sa pag-iyak.

"What's happening?" hindi niya na mapigilang tanong.

Kanina ay okay pa ito pero ng tinanong na niya ito tungkol kay Kuya Shan at sa kasal nito ay bigla na lang itong nagbreakdown. Something is wrong with Carila. May nangyari ba dito at sa Kuya niya. Tinapik ng lalaki ang balikat niya at lumabas ng kwartong iyon. Sinulyapan niya muna si Carila bago sumunod sa lalaki. Sa isang library room sila pumasok. Umupo sa likod ng mesa ang lalaki.

"Let me introduce myself to you." Panimula ng lalaki ng masara niya ang pinto. "My name is Harry Tolentino at kasama ako dati ni Carila sa bahay ampunan. Kaibigan niya ako."

Oo, kilala niya ang lalaki. Nang galing din ito sa isang makapangyarihan at mayaman na angkan. Isa ito sa tagapag-mana ng mga Tolentino.

"Kilala kita at alam kung kilala mo din ako. Sagutin mo ang tanong ko. Anong nangyayari kay Carila? Bakit bigla siyang naging ganoon? I talk to her earlier and she is fine. Bakit ngayon naging ganoon na siya?"

Hindi sumagot si Harry. Umalis lang ito sa pagkaka-upo sa mesa. May kinuha ito sa bulsa. Phone iyon. May kinalikot ito sa phone nito bago lumapit sa kanya at binigay. Nagtatakaman ay tinanggap niya iyon. Binasa niya ang nakasulat doon. Lalong nadagdagan ang kaguluhan sa isipan niya dahil sa nabasa.

"We meet accidentally in a mall. Nagkausap kami at buong akala ko ay okay lang siya. Nagulat na lang ako at natanggap ko ang text na iyon mula sa kanya. Sinabi niya sa akin na ilayo ko siya sa mapang-abuso niyang asawa. I don't know the whole story, Mr. Wang, but Carila is a friend of mine. Kaibigan siya namin ng asawa ko at hindi kami uupo sa isang tabi ng manghingi siya ng tulong."

Napa-angat siya ng tingin at ibinalik dito ang phone. Nabasa nga niya doon ang sinabi nito. Inaabuso ni Kuya si Carila. In what way? Kapag kasama namin si Carila ay wala kaming nakikitang indikasyon na sinasaktan ito ni Kuya. Malambing at ma-ingat pa nga si Kuya kay Carila kaya paano nangyaring sinasabi ni Carila na inaabuso ito ng Kuya niya. May nangyayari ba ng hindi namin alam.

"May binanggit ba sa inyo si Carila?" tanong niya.

Umiling si Harry. "Ayaw niyang pag-usapan ang kapatid mo. Nagkakaroon siya ng emotional breakdown kapag pinipilit namin siyang kausapin kami tungkol sa pagsasama nila ng Kuya mo. Hindi namin siya pwedeng pilitin, Mr. Wang."

Hindi siya nakapagsalita. Lalo siyang naguguluhan sa nangyayari. May nangyayari sa likod ng pagsasama ng Kuya niya at ni Carila. Ang tanging makakasagot na lang noon ay ang Kuya niya. Kailangan niyang kumprontahin ito. Kailangan niyang malaman ang totoo mula dito.

Nanatili pa siya sa bahay na iyon dahil hinintay niyang magising si Carila ngunit sumapit ang gabi ay nakakulong lang ito sa kwarto. Nakipaglaro muna siya kay Sheldon na nandoon din sa bahay na iyon. Tumawag ang kanyang ama at sinabing gising na ang kuya niya. Kinamusta din nito si Carila at kung mapipilit pa niyang puntahan ang kuya niya. Sinabi niyang hindi dahil nagkaroon ng emotional breakdown ang tao. Gusto nitong umuwi siya kasama si Sheldon pero sinabi niyang hindi makakabuti kung kukunin niya ang bata kay Carila. Nangako sa kanya ang mag-asawang Tolentino na hindi ilalayo sa kanya si Carila at Sheldon basta hindi siya gagawa ng hakbang na ikasasama ni Carila.

Umalis siya sa bahay na iyon na puno pa rin ng katanungan. Hindi siya umuwi sa bahay niya. Pupuntahan niya muna si Maze at kailangan nilang mag-usap. Pagdating niya sa bahay nito ay nakita niyang patay ang mga ilaw. Tinawagan niya din ang phone nito ngunit nakapatay iyon. Wala siyang choice kung hindi tawagan si Tita Aliya. Mabuti na lang at na kontact niya ito.

"Good evening, hijo. Napatawag ka?"

"Tita, kasama niyo po si Maze?" agad niyang tanong. Nasa loob siya ng kotse at nasa tapat pa rin ng bahay ni Maze.

"Si Maze? Akala ko ba magkasama kayo at nasa ospital."

Hindi siya sumagot. Hindi kasama ni Tita si Maze. Kung ganoon ay nasaan ang dalaga? Binundol siya ng kaba. Saan pumunta ang nobya niya?

"Shilo, may nangyari ba?" tanong ni Tita ng hindi siya ng salita.

Napabuntong hininga siya. "May pinatalunan lang kami ni Maze, Tita. Misunderstanding lang po. Gusto ko sana siyang maka-usap kaso wala siya dito sa bahay niya."

Narinig niyang huminga ng malalim si Tita Aliya. "Bakit di mo subukan tawagan ang mga kaibigan niya? Baka kasama niya ngayon si Cathy. Iyon ang madalas niyang kausap kapag may dinadala siyang problema."

"Sige po, Tita. Thank you po."

"Pag-usapan niya na lang ng mabuti ni Kaze ang problema niyo, Shilo. Lahat maayos sa mabuting usapan, okay?"

"Yes, Tita. Bye po." Pinatay na niya ang tawag at tumingala.

Sana pala hindi na siya tumagal sa mansyon ng mga Tolentino. Umalis na lang sana siya at sinundan si Maze. Kahit na dito muna siya sa labas ng bahay nito nagpalipas ng ilang oras. Ipinatong niya ang braso sa noo. Sunod-sunod ang problema niya ng araw na iyon. Sasabog ang ulo niya sa nangyayari. Mula sa pamilya niya at sa babaeng minamahal. Saan niya ngayon hahanapin si Maze?

Umayos siya ng upo pagkalipas ng ilang sandali. Tatawagan niya si Sancho. Ito ang huling kasama ni Maze. Baka may ibang lugar itong pinagdalhan kay Maze. Tatawagan na sana niya ang lalaki ng makitang tumatawag sa kanya ang kaibigan at business partner na si Patrick. Sinagot niya iyon.

"Bakit?" bungad niya dito.

"Nasaan ka?" seryusong tanong ni Patrick.

"Nasa bahay ng nobya ko. Bakit? May problema ba?"

"Pumunta ka sa isang branch ng bar ko. Nandito ang fiancée mo at naglalasing. Bilisan mo at baka makursunadahan siya ni Brandon."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Hindi na niya sinagot ang kaibigan at agad na maniobra ang kotse niya. Binundol ng kaba ang dibdib niya sa kaalaman na nasa isang bar si Maze at lasing. Hindi lang pala isang bar, alam niya ang tinutukoy ni Patrick. Ang bar nito ang ginawang bugad ng mga sindikato na nagpapainum ng sex drugs sa babaeng natitipuhan nito. Matagal na iyon minamanmanan ng kaibigan dahil nais nitong malaman kung sino ang pinakapinuno ng sindikato pero madulas ang mga ito. Ilang taon na nga bang lihim na pinag-aaralan ni Patrick ang mga ito? Simula pa yata noong nagtapos ito ng pag-aaral at kakasimula palang ng bar. 

Mabilis niyang narating ang bar. Hinanap niya si Maze na agad niyang nakita sa isang sofa at kasama nito si Patrick na parang bantay nito. Lumapit siya sa kaibigan at tinapik ang balikat. Para itong nakahinga ng malalim ng makita siya.

"Buti at dumating ka na."

"Salamat." Nilapitan niya ang nobya na nakahiga na sa sofa. 

Namumula ang mukha nito at halatang lasing na lasing. Napamura siya sa isipan. Ganito ba talaga ang epekto ng ginawa niya dito. Masyado ba niya itong nasaktan sa ginawa niya. Alam niyang alam nito na minsan niyang minahal si Carila. Iniisip ba nito na pahanggang ngayon ay mahal niya pa rin si Carila. Wala ba itong tiwala sa pagmamahal niya dito. May naramdaman siyang kirot sa puso niya.

"Muntik na siyang lapitan ng grupo ni Brandon. Inarbor ko lang." bulong ni Patrick.

Napatingin siya sa kaibigan. May nabuhay na galit sa puso niya. Natipuhan ng mga hayop na iyon ang babaeng minamahal. Kapag nabiktima nila ang babaeng mahal ay hindi siya makakapayag na mabuhay pa ang mga ito. Sisiguraduhin niyang mabubulok sila sa kulungan. Hindi pa nila natitikman ang galit ng isang Wang.

"Don't worry. Hindi sila namilit. Hindi ko sila hahayaan na hawakan kahit dulo ng buhok ni Maze. Alam ko kung gaano kahalaga sa iyo iyang fiancée mo." Dagdag ni Patrick.

"Salamat, brod." Binuhat na niya si Maze. He carries her bridal style.

Mabigat ang dalaga pero kaya naman niya ang bigat nito. Mabilis niyang inilabas ng bar si Mazelyn na tulog pa rin. Gaano ba karami ang nainum nito? Kanina pa ba ito umiinum? Masusuntok talaga ni Sancho kung dito nito hinatid si Maze at hinayaan ang dalaga na maglasing. But knowing Sancho, he also overprotective over Maze.

Sa front seat niya inilagay ang dalaga. Kinabitan niya muna ng seatbelt ang dalaga bago hinarap ang kaibigan.

"Salamat talaga, Patrick."

"Walang anuman. Ingat kayo ni Maze."

Tumungo siya. Tinapik niya muna ang balikat nito bago sumakay ng kotse. Habang nasa byahe sila ay sinusulyapan niya pa rin ang dalaga. Mahimbing na ang tulog nito. Sa bahay niya dinala ang dalaga. Mas mabuti na iyon para makapag-usap sila bukas ng maayos. Inilapag niya sa kama si Maze at agad na kumuha ng maligamgam na tubig at towel para punasan ito. Naamoy niya ang alak sa nobya.

Pinunasan niya ang mukha at braso ng dalaga. Nakasuot pa talaga ito ng sleeveless kaya kitang-kita ang kaputian ng kanyang braso. Napamura siya ng wala sa oras ng pumasok sa isip niya na may ibang lalaking pinagnanasaan ito sa loob ng bar. Sigurado kung wala si Patrick doon ay may lalaki ng lumapit sa nobya. Sasabog yata ang ulo niya sa sobrang selos kapag nagkataon na makitang may lalaking humawak sa pagmamay-ari niya. Sa kanya na si Maze simula ng tinaggap siya nitong muli sa buhay nito.

Sunod niyang pinunasan ang leeg nito. Napalunok siya ng mahagip ng kanyang mga mata ang maliit na bahagi ng dibdib nito. Nakaramdam siya ng namumuong init sa katawan. Mabilis niyang inilayo ang sarili kay Maze. He is tempted to touch her more but it's not right. Lasing ang dalaga at hindi tamang samantalahin niya ang sitwasyon nito. Napatingin siya sa nobya. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Napakaganda nitong pagmasdan habang natutulog. Namumula ang mukha nito dahil sa kalasingan. Dumako ang tingin niya sa labi nito. Lalo siyang napalunok ng lumakbay ang init na nadarama sa puson niya. He is in danger. 

Umiwas siya ng tingin at hinagilap ang remote ng aircon. Kailangan niyang magpalamig. Binuksan niya ang aircon at pinakalma muna ang sarili bago muling binalikan si Maze sa kama at pinagpatuloy ang ginagawa kanina. Matinding self control ang ginawa niya para malinis ang dalaga. 

Ilang mura ang lumabas sa bibig niya habang isa-isang binubuksan ang butones ng suot nitong sleeveless. Muli siyang napalayo kay Maze ng tumambad sa harap niya ang dibdib nito natatakpan ng bra. Maze's body is in full show. Pinasadahan niya ang katawan ng dalaga. Nanuyo ang lalamunan niya ng makita ang maputi nitong balat at makurba nitong baywang. Lumiliit na ang depensa niya at bago pa iyon tuluyang mawala ay agad niyang tinakpan ng kumot ang katawan ng dalaga. Nararamdaman niya ang paninigas ng kanyang alaga.

"Shit!!! You are my little torture, Mazey." Bulong niya bago iniiwas ang tingin sa dalaga.

Naglakad siya sa paanan ng kama. Napamunok siya at gumapang ang kanyang kamay habang itinataas ang kumot. Pinakatitigan niya ang dalaga habang ginagawa ang pagtaas ng kumot. At dahil hindi siya nakatingin hinagilap na lang niya ang butones ng pantalong nito. Muli siyang napalunok ng makapa iyon at binuksan. Ibinaba niya ang zipper at mabilis na hinubad  ang pantalon sa dalaga. Nang mahubad ang pantalon  ay inayos niya ang kumot ng hindi tumitingin. Kapag tumingin siya ay siguradong mapuputol ang depensa niya. Aangkinin niya ang dalaga kahit lasing ito at alam niyang ikakagalit iyon ng kasintahan. Para na rin niyang pinagsamantalahan ito kapag nagkataon.

Dahil buhay na buhay pa rin ang init sa katawan niya at ang kanyang alaga ay mabilis siyang pumasok ng kanyang banyo at tumapat sa malamig na tubig. A cold shower will surely help him. It's better than forcing his self to the unconscious woman he loves.