KAKA-UPO palang ni Maze sa mesa niya ng mapansin ang bouquet ng puting rosas sa table niya. Nakangiting kinuha niya iyon at inamoy. May nakita siyang card kaya kinuha niya iyon.
'I love you, my sweet Mazey! – your handsome husband'
Lalong lumapad ang pagkakangiti niya ng mabasa ang nakasulat sa card. May namuong kiliti sa puso niya dahil sa simple at sweet gesture na pinapakita ni Shilo sa kanya. Pero ang mas nagpapakilig sa kanya ay iyong huling salitang sinabi nito. Husband. Tinuturing na talaga siya nito bilang asawa. Hindi pa naman sila kinakasal dalawa. Dalawang buwan pa bago ang kasal nila. Kakapasok niya lang sa The Lu Emperial City bilang CEO. Noong nakaraang linggo lang siya nagsimula kaya nais niya munang tutukan bago tuluyan magpatali kay Shilo. Akala niya ay tutol ang mga magulang nila ni Shilo sa desisyon niya ngunit sinuportahan siya ng mga ito. Ganoon din si Shilo.
Sinabi ni Shilo na may tiwala itong magpapakasal din sila sa huli dahil alam nilang mahal na mahal nila ang isa't-isa. Kailangan daw ay parehong may tiwala sila sa isa't-isa na sobrang ikinasaya ng puso niya.
Ibinaba niya ang bulaklak at umupo sa kanyang upuan. She needs to work her ass off. Marami siyang kailangan gawin sa araw na iyon pero bago iyon ay kinuha niya ang phone sa bag. She needs to say thank you to the one she loves.
'I love the flower. Thank you.'
Ilalapag na sana niya ang phone ng muli iyong tumunog.
'You're welcome. I love you. I pick you up later. Lunch date with me?'
Nakagat niya ang isang daliri para pigilan ang kilig na nadarama. Walang araw yata na hindi nagpapaalam si Shilo kung pwede siyang kumain kasabay nito. He always considers her schedule. Madalas ay ito ang nag-aadjust sa kanilang dalawa dahil bago palang siya sa kompanya. Kailangan pa niyang patunayan ang sarili sa board at ayaw niyang biguin ang ina. Naka-alalay lagi sa kanya si Shilo na siyang may alam sa posisyon na meron siya. Presidente ng shoe company si Shilo. Hindi man iyon kasing laki ng MDH ay marami pa rin itong ginagawa pero nagbibigay talaga ito ng oras para sa kanya. The effort he showing makes her heart flatter and happy.
'I ask my secretary for my schedule today. I tell you later. I love you too, my hubby.'
'I wait for your reply but don't forget our family dinner later.' - Shilo
'Yes. Pick me up at 5o'clock. I want to buy something for Mommy Sheena.'
'Yes, my wife.' - Shilo
Her heart beat irrationally because of his last text. MY WIFE. What a wonderful thing to read? Paano pa kaya kung talagang mag-asawa na talaga sila ni Shilo? Siguro mas sweet pa silang dalawa. She really glad that she forgive him and fight her fear. Hindi siguro niya mararanasan ang ganitong saya sa relasyon nila. Sa unang pagkakataon ay nagpapasalamat siya sa kalukuhang na-isip ni Joshua dahil dito kaya naglakas loob siyang labanan ang takot at muling sumugal.
Ibinaba niya ang phone niya at tinawagan ang sekretarya niya para alamin ang schedule niya ng araw na iyon. Babae ang sekretarya niya na si Shilo pa talaga ang pumili. Hindi daw ito papayag na lalaki ang maging sekretarya niya. Natawa lang siya sa binata. At dahil ayaw niyang mag-away silang dalawa ay pinagbigyan niya ito. Unfortunately, hindi niya mapagbibigyan ang boyfriend niya sa gusto nitong lunch date. May meeting siya kasama ang mga head department para sa weekly planning nila. Na-intindihan naman ni Shilo kaya sinabi na lang nito na magkita na lang sila mamayang gabi.
Pagkatapos ng lunch meeting niya kasama ang mga head ng department ay tumawag sa kanya ang nobyo. Hindi talaga ito mapalagay kapag hindi sila nagkikita o nagkaka-usap man lang ng matagal.
"Hello, my hubby." Malambing niyang bati sa nobyo.
Nakita niya na ngumiti ang sekretarya niya na nasa gilid niya lang at kasabay sa paglalakad. Kakalabas lang nila ng elevator dalawa.
"Hi, my wife. Tapos na ba ang meeting mo?" tanong ni Shilo sa malambing din boses.
"Yes po. Nandito na kami sa opisina. Kumain ka na ba?" Suminyas na lang siya sa sekretarya niya bago pumasok sa loob ng opisina niya.
"Yes. Nagkaroon ako ng biglaang lunch meeting with the owner of The Madrid Malls."
"Talaga! Kamusta naman meeting niyo? Pumayag ka ba na pumasok ang brand niyo sa mall nila?"
"I check the area with their malls. Magaganda ang location at maraming tao ang pumupunta. I think it's a good idea to put a branch."
"Kung makakabuti iyan sa business mo, bakit hindi mo tanggapin ang alok nila?" umupo siya swiver chair at menasahe ang batok.
Nasa kalahati palang ng araw pero pagod na siya. Marami kasi talagang trabahong kailangan tapusin. Hindi yata iyon natatapos.
"I will ask Tita Aliya first. Ayaw ko naman na magalit siya sa akin. Putting my business in other malls makes me uncomfortable."
Napangiti siya sa sinabi nito. Iniisip pa talaga nito ang kanyang ina. Talagang malaki ang respeto ni Shilo sa kanyang ina na sobrang ikinalaki ang puso niya. Masaya siya na malapit ang nobyo sa kanyang ina. Ibig sabihin lang kasi nito ay hindi ito mahirapan pakisamahan ang kanyang ina. Ganoon din naman siya sa magulang ni Shilo. Malaking factor talaga siguro na magkaibigan ang pamilya nila. Pareho silang walang problema sa kanilang pamilya. Pagdating naman kay China ay kahit papaano ay maayos na ang relasyon ni Shilo. Civil si China kay Shilo sa tuwing magkikita ang dalawa. Hindi naman sinasabi ni China sa kanya na ayaw nito kay Shilo. Noong sinabi niya sa kapatid ang tungkol sa kanila ng nobyo ay ngumiti lang ito.
"Hindi naman siguro magagalit si Mom dahil negosyo iyon. Mas maganda pa rin kapag malawak ang marketing range niyo. Mommy will understand you."
"I still am going to ask her. Isa pa rin si Mommy Aliya sa may malaking share sa kompanya. I need her opinion."
Sumandal siya sa upuan. "Okay, my hubby. If that's what you want."
Tumahimik si Shilo sa kabilang linya pero alam niyang naruruon pa rin ito dahil naririnig niya ang paghinga nito. Tumingin siya sa labas at hinintay na magsalita ang nobyo.
"Do you still busy?" mamaya pa ay tinanong ng nobyo niya.
"Yes. Pero magpapahinga muna ako ng fifteen minutes."
"Are you tired? Gusto mo bang wag na tayong pumunta mamaya sa family dinner?"
"I'm fine, Shilo. Importante ang family dinner natin mamaya. Pag-uusapan na natin ang tungkol sa announcement ng engagement natin."
Biglang tumahimik ang sa kabilang linya. Napatingin siya sa phone dahil baka naputol ang tawag ngunit hindi naman.
"May problema ba, Shilo?" naging alerto siya bigla.
"Nothing, my wife. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ikakasal tayo pero sa pagkakataong ito ay talagang mahal natin ang isa't-isa." Naging malambing ang boses ni Shilo.
Nawala ang agam-agam sa puso niya. Nabalot ng saya iyon. Magkatulad lang sila ng nararamdaman ni Shilo. Kahit naman siya ay hindi makapaniwala na ikakasal na siya sa binata. Tumingin siya sa labas ng gusali.
"I feel the same. Para pa rin akong nasa isang panaginip." Pag-amin niya sa nobyo.
Sino bang maniniwala na pagkatapos ng pinagdaanan nila ay sa simbahan pa rin ang tuloy nila? Na sa wakas ay matutupad na din ang noon ay pinaka-inaasam niya sa buhay. Ang makasama ng habang buhay si Shilo Chauzo Wang. Siya na yata ang pinakamasayang babae sa mundo.
Nag-usap pa sila ng ilang minuto ni Shilo bago tuluyan nagpaalam. Nakarating na din ito sa opisina. Busy sila pareho sa trabaho pero naglalaan sila ng oras para sa isa't-isa. Siguro kung sekretarya pa rin siya ni Shilo ay madalas silang magkasama pero iba ang buhay niya. At tanggap na niya noon pa na hindi na siya ang dating Maze.
Bago sumapit ang five o'clock ay dumating si Shilo sa opisina niya para sunduin siya. Magkahawak kamay silang dalawa habang naglalakad sa lobby at nakasunod ang tingin ng mga empleyado. Kitang-kita sa mga mata ng mga empleyado ang paghanga sa nobyo niya ng bumaba sila ng lobby. Kasama daw nito ang sekretarya nito na si Mr. Zobel. Ito daw ang magmamaneho sa kanila papunta sa restaurant. Naghihintay na si Mr. Zobel sa labas. Pinagbuksan sila nito ng pinto. Inalalayan muna siya ni Shilo makapasok ng kotse bago ito umikot para sumakay.
"Nasa restaurant na ba si Mommy Sheena?" tanong niya ng nasa byahe na sila.
Tumingin sa kanya si Shilo. "Hindi pa. May dadaanan muna sila ni Dad bago pumunta ng restaurant." Sagot nito.
Tumungo siya. "Isasama ba ni Kuya Shan si Sheldon. Namimiss ko na ang kakulitan ng pamangkin mo."
Lumapit sa kanya si Shilo. Nakahawak ito sa kamay niya. Ipinatong nito ang kamay nila sa hita nito. Inilapit ni Shilo ang mukha sa kanya. "Gusto mo bang magkaroon tayo agad ng isang Sheldon."
Nanlaki ang mga mata niya. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang mukha. Hinampas niya sa balikat si Shilo na ikinatawa lang ng binata. Napatinign siya kay Mr. Zobel. Nakatingin pa rin ito sa daan at mukhang hindi pinansin ang ginagawa nila sa likuran ni Shilo. Tiningnan niya ng masama si Shilo na may naglalarong ngiti sa labi.
"Umayos ka nga, Shilo kung ayaw mong makatikim sa akin." Pagbabanta niya sa binata.
"Wala naman akong ginagawa. Pwede naman siguro ma-una ang honeymoon natin?" pabulong ang tanong nito sa kanya pero kahit ganoon ay hindi niya pa rin mapigilan na mamula.
Nahambas niya muli si Shilo na mukhang gustong-gusto ang pang-aasar sa kanya. Hinatak niya ang kamay na hawak nito ngunit mas humigpit lang ang pagkakahawak ni Shilo. Nagulat na lang siya ng hinatak siya nito para ipatong ang ulo sa kanyang balikat. Nanindig ang balahibo niya ng halikan siya ni Shilo sa leeg.
"I miss you, Maze. Hindi ko makalimutan ang gabing iyon. Kahit lasing ako noon ay alam ko ang ginagawa ko. I really want to claim you that night. Sobrang saya ko ng malaman na ako ang unang lalaki sa buhay mo."
Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan dahil sa binulong ni Shilo. Tumatama din ang hininga nito sa kanyang balat dahilan para makadama siya ng kakaiba sa kanyang puson. May munting kiliti doon na matagal na niyang hindi naramdaman. After five years ngayon lang nila napag-usapan ni Shilo ang tungkol sa bagay na iyon. Binitiwan ni Shilo ang kamay niya at pinalupot ang braso nito sa baywang niya. Lalong nagdikit ang kanilang katawan. Naramdamn niya ang singaw ng init sa katawan nito. Mas naging aware siya sa pasensya ng binata.
"Shilo…" bulong niya.
"I don't regret claiming you that night, Maze. Kung may nakaraan man tayong hindi ko babaguhin ay iyong gabing naging akin ang katawan mo. You are perfectly fit under my bed and in my arms." He said in seductive voice.
Hindi pa nakuntinto si Shilo. Hinalikan nito ang kanyang leeg ngunit sa pagkakataong iyon ay mas matagal. Biglang uminit ang pakiramdam niya ngunit bago pa siya tuluyang madarang ay umiwas siya sa binata. Tinanggal niya ang braso nitong nakayakap sa kanyang baywang at hinarap ito. Tumitig siya sa mga mata nito at kitang-kita ang pagnanasa doon. Hinawakan niya ang kamay ng nobyo at pinisil.
"We get there soon." Sabi niya at ginawaran ng magaang halik ang labi nito.
Sumandal siya sa kotse at tumingin sa labas. Ayaw niyang pag-usapan nila ni Shilo ang bagay na iyon sa ganoong lugar. Masyado iyong pribado para sa kanya. Naririyan ang sekretarya nito. Oo nga at para itong walang paki-alam sa ginagawa nila ni Shilo pero hindi pa rin siya komportable na pag-usapan ang bagay na iyon. Alam niyang walang paki-alam si Shilo sa sasabihin ng ibang tao. Ganoon naman ito kahit noon. He will show to everyone how much he care and love her. PDA na kung PDA basta mapakita nito sa lahat na pagmamay-ari siya nito. Nakakakilig iyon pero may limitasyon. Mukha naman na-intindihan ni Shilo ang nais niya dahil umayos din ito ng upo. Sinulyapan niya ang nobyo. Nakatingin ito sa labas at malalim ang iniisip.
Napangiti siya. Lumapit siya dito at isinandal ang kalahating katawan sa malapad nitong dibdib.
"I love you." Bulong niya.
Gumalaw si Shilo. Binitiwan nito ang kamay niya at inilagay ang braso sa kanyang balikat. Hinalikan siya nito sa noo at ang isang kamay naman nito ang humawak sa kamay niya. He intertwined their hands. Ganoon ang pwesto nila hanggang sa makarating sila sa kanilang destinasyon. Kakahinto lang ng kotse ng tumunog ang phone ni Shilo.
Umayos siya ng upo para mas maka-usap nito ng maayos ang ama na siyang nakita niyang nakasulat ang pangalan sa screen ng phone nito.
"Yes Dad. Nasa restaurant na po kami ni Maze." Sumulyap sa kanya si Shilo. "Nasaan po kayo?"
Naging alerto siya ng makitang nag-iba ang emosyon sa mukha ng nobyo. Something is wrong.
"Anong nangyari? Bakit nasa ospital si Kuya?" may bahid ng pag-aalala ang mukha ni Shilo.
Binundol siya ng kaba dahil sa tanong nito sa ama. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Shilo na ngayon ay sobrang tensyonado.
"Sige. Pupunta na kami dyan." Pinatay nito ang tawag. "Mr. Zobel, we need to go to DL Medical Center."
Agad naman sumunod ang tao sa utos ni Shilo. Nag-aalalang sinulyapan niya si Shilo.
"What happen to Kuya Shan?" tanong niya sa fiancé.
Doon lang tumingin sa kanya si Shilo. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. "Kuya Shan got an accident."
"What? Si Ate Carila at Sheldon?" namutla at nanginig siya sa nalaman.
"Hindi niya kasama. I need to call Carila." Binitiwan ni Shilo ang kamay niya at kinuha ang phone sa bulsa nito.
Hinayaan niya ang nobyo na tawagan si Ate Carila habang siya ay hindi maalis ang pag-aalala kay Kuya Shan. Pinapanalangin niya na okay lang talaga ito at walang kahit anong masamang nangyari dito.
NAKA-UPO si Maze sa mahabang sofa na naruruon sa private room ni Kuya Shan. Kasama niya sa sofa si Shilo na kanina pa hindi mapalagay. Nabangga ang sasakyan ni Kuya Shan sa isang pampasaherong van. Hindi naman ganoon kalakas ang impact kaya walang masyadong pinsalang nangyari. Ma-agap naman daw na naka-iwas si Kuya Shan ngunit nasagi pa rin nito ang van. Ligtas naman ang sakay ng nabangga nitong sasakyan at sinasagot na ng pamilya ni Shilo ang pagpapagamot. Basi kasi sa imbistigasyon ng mga pulis ay si Kuya Shan ang may mali. Masyadong mabilis ang pamamaneho nito.
Ang dahilan kung bakit hindi mapalagay si Shilo ay dahil sa wala sa silid na iyon si Ate Carila. Kanina pa ito tinatawagan ni Shilo pero hindi ito sumasagot. Tumawag sila sa bahay ni Kuya Shan at doon nila nalaman na umalis si Ate Carila kasama si Sheldon. Nagsabi si Ate Carila kay Kuya Shan na masama ang pakiramdam nito kaya hindi makakasama sa family dinner pero may balak pala itong umalis. Nasa byahe na daw si Kuya Shan ng mapansin nitong naiwan ang isang documento na dapat ay ibibigay kay Daddy Shawn kaya bumalik ito. Doon na abutan ni Kuya si Ate Carila na paalis ng bahay. Nagkasagutan daw ang dalawa sabi ng mga katulong. May sumundo kay Ate Carila at Sheldon. Sinundan ni Kuya Shan si Ate Carila at naaksidente. Tinanong namin kung anong pinag-awayan ng mag-asawa ngunit walang alam ang mga katulong. Galit na galit daw si Ate Carila at puro sumbat ang sinasabi nito.
"Anong ba talaga ang nangyayari sa kanila ni Carila?" narinig niyang tanong ni Shilo.
Napatingin siya sa nobyo. Hawak nito ang kamay niya ng kanina pa. Nasa mukha nito ang lungkot na alam niyang para sa Kuya nito.
"Hindi ko din alam, Shilo. Huling pag-uusap namin ni Ate Carila ay wala siyang nabanggit na problema tungkol sa kanila ni Kuya. Mukha pa nga siyang masaya."
Kahit siya ay nagulat ng malaman na nag-away ang dalawa. Nagkausap silang dalawa ni Ate Carila noong isang araw lang at wala siyang nakitang senyales na may sama ito ng loob o hindi ito masaya sa pagsasama nila ni Kuya Shan. Wala din bakas siyang nakikita na sinasaktan ito ni Kuya Shan. Kung tutuusin ay sweet ang dalawa sa isa't-isa. Nakikita niya kung paano alagaan ni Kuya Shan si Ate Carila kapag kumakain o nakakasama nila ito sa labas. Si Ate Carila ay hindi masyadong pinapakita ang paglalambing o sweetness kay Kuya Shan. Akala namin ay ganoon lang talaga ito. Mahinhin kasi ang pagkakakilala nila dito. She is simple and shy type person.
"Kahit ang mga magulang niya ay hindi ko makontact. Para bang nagtatago sila. Ano ba talaga ang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Shilo.
Pinisil niya ang kamay ng nobyo at isinandal ang sarili sa dibdib nito. Alam niyang nahihirapan ang loob nito ng mga sandaling iyon. Parehong malapit ang nobyo sa dalawa at nasasaktan din ito sa nangyayari.
"Let's all come down and ask Kuya Shan when he wakes up. Wag muna tayong mag-isip ng kung anu-ano." Mahinahong sabi niya.
"Oh!" narining niyang sagot ng nobyo.
Binitiwan nito ang kamay niya para ilagay sa kanyang baywang at hinila siya palapit sa katawan nito. Nagkadikit ang kanilang mga katawan kaya isinandal niya ang ulo sa balikat nito. Narinig niya ang tibok ng puso nito. Hindi niya napigilan ang sarili na ipikit ang mga mata. Naging musika sa pandinig niya ang tibok ng puso nito. Naputol din agad ang kanyang pakikinig sa tibok ng puso ni Shilo ng tumunog ang phone nito. Gumalaw ang nobyo para kunin ang phone nito na nasa bulsa. Nakita niya ang pangalan ng ama nito sa screen ng phone.
Umalis siya sa pagkakasandal dito para mas masagot nito ang tawag ng ama.
"Yes, dad." Tumayo si Shilo at lumabas ng kwarto. Sinundan na lang niya ng tingin ang nobyo.
Nang mawala sa paningin niya ang nobyo ay saka lang siya napatingin kay Kuya Shan. Hindi pa rin ito nagigising mula kanina at na-aawa siya dito. Wala sa tabi nito ng mga sandaling iyon ang taong minamahal. Gaano ba kabigat ang pinag-awayan ng dalawa para iwan ito ni Ate Carila? May tinatago ba sa kanila ang mag-asawa? Tumayo siya at nilapitan si Kuya Shan. Aayusin na sana niya ang kumot nito ng pumasok si Shilo ng kwarto.
"I need to go, Maze." Kinuha nito ang itim na coat na nakalagay sa sofa.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Dad already knows where Carila is." Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso.
"Talaga. Okay lang ba siya?" nag-aalalang tanong niya.
Mabilis talaga gumalaw ang pamilya ni Shilo. Makapangyarihan nga talaga ang mga ito dahil hindi man lang lumilipas ang isang araw na hindi nahahanap si Ate Carila at Sheldon.
"I found out soon. Okay lang ba kung ikaw muna ang magbantay kay Kuya?" tumingin ito sa nakakatandang kapatid.
"Hindi ba ako pwedeng sumama sa iyo? Gusto ko din maka-usap si Ate Carila." Nakiki-usap niyang sabi dito.
She really wanted to talk to her and knows why she suddenly left Kuya Shan. And maybe, she can change her mind. Nakita niyang nagdalawang isip si Shilo kaya hinawakan niya ang braso nito. Nais niyang sumama at wala itong magagawa. Nagpakawala ng malalim na paghinga si Shilo bago tumungo. Napangiti siya dahil napapayag ang nobyo.
"Tatawagan ko lang si Mr. Zobel para siya muna ang magbantay kay Kuya. Pagkadating ay aalis agad tayo."
Tumungo siya. Tinalikuran siya ni Shilo para tawagan ang sekretarya nito. Hindi naman nagtagal ay dumating si Mr. Zobel. Agad silang umalis ng ospital. Naging tahimik silang dalawa ni Shilo sa buong byahe. Nagsalubong ang kilay niya ng pumasok ang kotse ng nobyo sa subdivision kung saan ang bahay ni Sancho. Kung ganoon ay naririto si Ate Carila. Hindi naman pala ito masyadong lumayo. Bakit?
Inihinto ni Shilo ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Alam niyang mayayaman ang mga tao sa lugar na iyon. Doon din kasi sana siya bibili ng lupa kung hindi lang niya na-isip ang ina. Agad niyang hinubad ang suot na seatbelt ngunit pinigilan siya ni Shilo.
"Wag ka munang lumabas. Ako na muna ang kaka-usap kay Ate Carila." May bahid ng paki-usap ang boses ni Shilo.
Nagdalawang isip siya kung susundin ang nobyo. Agad siyang hinalikan sa noo ni Shilo at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Let me talk to Carila alone, Maze. Para ito kay Kuya Shan."
Tumungo siya bilang sagot. Ngumiti si Shilo at ginawaran ng magaang halik ang labi niya. Lumayo sa kanya ang nobyo at lumabas ng kotse. Sinundan niya ng tingin ang nobyo na lumapit sa gate ng malaking bahay. Nag-doorbell ito. Lumipas ang ilang minuto ay bumukas ang gate at iniluwa ang isang matangkad na lalaki. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino ang lalaking lumabas ng gate at kinaki-usap ngayon ni Shilo. Kung hindi siya nagkakamali ay si Harry Tolentino iyon. Isa sa anak ng isa din sa makapangyarihang pamilya sa bansa.
Ilang sandali pa nag-usap ang dalawa bago pinapasok ni Harry si Shilo. Nakita niyang naiwang bukas ang gate ng mansyon. Napabuntong hininga siya at hinintay ang pagbabalik ng nobyo. Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik si Shilo. Nakaramdam siya ng pagka-inip. Lumabas siya ng kotse at maglalakad na sana papunta sa gate ng mansyon ng may kotseng huminto sa tapat niya.
"Maze?" tanong ni Sancho na lumabas ng kotse.
"Sancho." Ngumiti siya sa kaibigan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito. Tumingin pa ito sa katapat na bahay.
"May kaka-usapin lang kami ni Shilo sa bahay na ito." Tinuro niya ang bahay sa likuran. "Ikaw?"
"It's Dad's house. May kukunin lang na importanteng dukomento." Itinuro nito ang katapat na bahay.
"Ow!!!" aniya. "Usap na lang tayo mamaya. Papasok muna ako."
Tumungo si Sancho. Ngumiti siya sa kaibigan at naglakad na papasok ng gate. Malaking bahay ang bumungad sa kanya. Iniikot niya ang paningin sa paligid at doon niya napansin ang pavilion sa gilid ng bahay. Nakatayo patalikod sa kanya si Shilo at natatakpan naman nito si Ate Carila. Humakbang siya palapit sa mga ito. Ilang hakbang na lang sana ng matigilan siya dahil sa narinig at sunod na nangyari.
"…ko siya mahal. Ikaw ang mahal ko, Shilo. Mula noon at hanggang ngayon." Hinawakan ni Ate Carila ang magkabilang pisngi ng kanyang nobyo bago inilapat ang labi nito sa labi ni Shilo.
Napako siya sa kinatatayuan at naramdaman ang pagkapunit ng kanyang puso.