Chereads / Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 19 - CHAPTER SEVENTEEN

Chapter 19 - CHAPTER SEVENTEEN

NAGBABASA si Maze ng financial report sa isa sa mga branch ng restaurant na pagmamay-ari ng ina ng may kumatok. Hindi inaalis ang tingin sa binabasa na sinabi niyang pumasok kung sinuman ang nasa likuran ng pinto. Umangat ang tingin niya ng bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga waitress ng restaurant nila.

"Yes." Tanong niya rito.

"Ma'am Kaze, may naghahanap po sa inyo sa labas?" hindi maitago ang takot nito sa kanya.

Ngumiti siya para hindi ito mailang. She doesn't like her staff to be awkward and aloof at her. "Sinong naghahanap sa akin?"

"A-ano p-po?"

"Sabi mo may naghahanap sa akin? Sino?" tumayo siya at lumapit dito.

"S-Shan po ang pangalan."

Napatigil siya sa paglalakad. Para siyang tinakasan ng kulay sa binanggit nitong pangalan. Ilang taon na ba mula ng umalis siya? Limang taon, at sa loob ng limang taon ay hindi siya nakipagkomenikasyon sa pamilya ng taong nanakit sa puso niya. Para saan pa at makibalita siya sa mga ito. Ayaw na niyang malaman kung anong buhay meron ito. Kung kamusta ang pagsasama nito at ni Andria. Sa loob ng limang taon ay naging masaya siya sa buhay niya ng wala ito. Natoto siyang mahalin ang sarili at pahalagaan ang ibang bagay. 

"Shan Wang?" banggit niya sa pangalan ng kuya ng dati niyang boss. Huminga siya ng malalim at tumingin sa tauhan na nakayuko ng mga sandaling iyon. "You can go back to your work now. Pakisabing lalabas na ako." Sabi niya rito.

Nagpaalam na ito at lumabas ng kanyang opisina. Napabuntong-hininga naman siya at lumapit sa kanyang mesa. Kinuha niya ang phone at may tinawagan doon.

"Hello." Bati ng tao sa kabilang linya.

"Cathy?"

"Maze, why you call?" tanong ng babae sa kabilang linya.

Sofia Fe Cathy Dela Costa is one of her friend. Nakilala niya ito sa U.S ng mag-aral siya doon. Pinay din ito kagaya niya. Ito ang una niyang naging kaibigab bago si Sancho James Lim na kasosyo niya sa negosyo. Mabait ito pero matapang. Kung ano ang nais nitong sabihin ay walang pagdadalawang-isip nitong sasabihin. Wala itong pakialam kung anuman ang sabihin ng ibang tao basta masabi lang nito ang nais.

"Shan is here." Balita niya rito.

"Shan? Who's Shan?" takang tanong ng babae sa kabilang linya. May narinig siyang ingay mula sa kabilang linya. Mukhang nasa flower shop nito ang babae.

"Shan Wang, ang kuya ni--"

"Wow!!! Anong ginagawa ng kuya ng ex - fiancé mo diyan sa restaurant mo?" putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

"I don't know. Should I talk to him?"

"Are you ready to talk to him?" balik tanong nito. May narinig siyang parang may nagtataray na babae sa kabilang linya.

"Hindi ko alam." Naguguluhan niyang sabi. Alam niyang si Shan lang iyon pero kahit ganoon ay hindi niya parin mapigilan na hindi mag-alala. Paano kung banggitin nito ang pangalan ni Shilo? Magtanong ito tungkol sa kanila? Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga ito.

"Oh my!!! Maze, I talk to you later. May babae lang akong ihahampas sa sahig." Sabi ni Cathy at binabaan na siya ng tawag.

"Cathy!!!" Habol na tawag niya pa sa kaibigan. Napatingala na lang siya. Mukhang bad timing talaga ang pagtawag niya rito.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Hindi pwedeng magtago siya habang buhay sa pamilya ni Shilo. Ngayong napili niyang manatili na rito sa Pilipinas, hindi maaring hindi magkrus ang landas nila ng pamilya ng binata lalo pa nga at nanatiling magkaibigan ang pamilya nila. Hindi nasira ng naudlot na kasalan nila ni Shilo ang pagkakaibigan ng pamilya nila. Ang huling balita niya ay magpapakasal si Shilo kay Andria sa China. Doon na rin siya nagdesisyon na kalimutan ang binata at pumunta ng U.S para mag-aral. Iyon din ang nais ng kanyang ina. Para mas makalimot siya sa sakit na pinagdaanan.

Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay lumabas siya at lumapit sa isang staff niya.

"Someone is looking for me. Nasaan siya?"

Itinuro nito ang dulong bahagi ng restaurant. Naglakad siya papunta doon pagkatapos magpasalamat. May nakita nga siyang lalaki na naka-upo sa isang mesang naruroon. Nakangiting nilapitan niya ang binata. Kinalabit niya ito ng makalapit siya. Ngunit nanigas siya sa pagkakatayo ng makita kung sino ang lalaking nasa harap niya ngayon. Para siyang nakakita ng multo ng mga sandaling iyon.

Ngumiti ito at tumayo. "Maze." Hahawakan na sana siya ni Shilo ng agad siyang umiwas.

Humakbang siya palayo rito. Anong ginagawa ni Shilo doon? Hindi ba dapat ay nasa China ito ngayon? Hindi ba dapat ay kasama nito si Andria.

"Anong ginagawa mo dito?" galit niyang tanong.

Nawala ang ngiti sa labi ni Shilo at yumuko. "Gusto sana kitang maka-usap, Maze."

She composed herself. "My name is Kaze, not Maze. And I'm sorry but I don't know you." Tatalikod na sana siya ng agad nitong hinawakan siya sa braso.

Napapasung hinila niya ang braso sa pagkakahawak nito. Galit niya itong tinitigan. Kung nakakamatay lang ang mga titig niya ay siguradong kanina pa walang buhay si Shilo sa harap niya.

"I'm sorry, Maze." Sabi ni Shilo habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Tumaas ang isang kilay niya sa narinig. Wala siyang maramdaman na kasiyahan sa sinabi nito. Kung noon siguro ito humingi ng tawad sa kanya ay baka napatawad niya pa ito ngunit iba na ngayon. Sinaktan siya nito at pinagmukhang tanga ng sumama ito kay Andria at nagpakasal.

"I'm sorry? I'm sorry for what mister? I don't know you. Kaya hindi ko alam kung para saan ang sorry mo."

"Maze..." may gumuhit na sakit sa mga mata ni Shilo dahil sa sinabi niya ngunit wala siyang naramdaman na kahit ano. 

"Ano ba?" sigaw niya. "Bakit mo ba ako tinatawag na MAZE? Kaze, that's my name, mister. So please, kung wala ka ng ibang sasabihin pa, umalis ka na sa restaurant ko." Itinuro niya ang pintuan ng restaurant.

Alam niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao pero wala siyang paki-alam.

"Okay, Kaze if it's what you want me to called you. Kung ang pagtawag sa iyo sa pangalan na iyon ang tanging paraan para makausap kita. Then bet it. Now please, let me explain." May pagsumamong sabi ni Shilo.

"I don't talk to strangers." Tinalikuran niya ito. Aalis na sana siya ng bigla siyang yakapin ni Shilo mula sa likuran.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Hindi agad siya nakagalaw sa gulat. Narinig niya ang malakas na tibok ng puso nito.  Nanindig din ang mga balahibo niya. Nagtaas-baba ang dibdib niya. May emosyon na naman siyang nararamdaman na hindi dapat.

"I'm so sorry, Kaze. Hindi ko gustong saktan ka ng mga sandaling iyon. Patawarin mo sana ako." Bulong ni Shilo.

Hinawakan niya ang kamay ni Shilo at pilit na tinatanggal iyon sa pagkakayakap sa kanya ngunit malakas ito. Mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. Humahalo na ang emosyong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Ilang sandali na lang at bibigay na ang puso niya.

"Alam kong mali ang ginawa ko sa'yo limang taon na ang nakakaraan. At humihingi ako ng tawad sa ginawa ko. Kaze, nais kitang pakasalan noon ngunit hindi ko kayang makita kang nasasaktan ng dahil sa akin. Alam kong may mahal kang ibang lalaki noon. At nais kong maging masaya ka sa piling niya. Kaya kahit nais kitang pakasalan ay hindi ko nagawa. Hindi ko kayang makita kang nasasaktan ng dahil sa akin. Umiiyak ng dahil sa akin."

Umiling siya. Anong sinasabi nitong may mahal siyang ibang lalaki? Paano nito nalaman na may iniibig siya ng mga panahong iyon? Ubod lakas niyang tinanggal ang kamay ni Shilo sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ang mga mata nito. May nakita siyang lungkot at pagsisisi sa mga matang iyon.

"Anong sinasabi mong may iniibig akong ibang lalaki?" takang tanong niya rito.

"Ang sabi ni Joshua ay may iniibig ka ng mga panahong iyon. At nang makita kitang umiiyak sa dibdib ni Christain ay doon ko na isip na siya ang taong nilalaman ng puso mo. Iniisip kong siya ang sinasabi ni Joshua noon na mahal m---."

"Kaibigan ko lang si Christian." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. "Aaminin ko niligawan ako ni Chris pero kaibigan lang ang turing ko sa kanya at alam niya iyon. At saka, anong alam mo sa nararamdaman ko noon Shilo? Bakit kung magsalita ka ay parang mas alam mo ang nararamdaman ko?"

"Dahil alam ko na hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko. Ilang beses kitang sinaktan noon, isa akong masamang tao sa paningin mo kaya alam kong hindi mo ako kanyang mahalin. Kaya ng makita ko kung paano--"

"Wala kang alam sa nararamdaman ko noon. Hindi mo alam kung gaano mo sinaktan ang puso ko noon, Shilo. Wala kang alam." Galit niyang sigaw dito.

Bakit ba nito sinasabi na alam nito ang nararamdaman niya noon? Kung alam nito hindi na sana siya nasasaktan ng mga sandaling iyon. Unti-unting bumalik ang alaala ng kahapon. Kung paano dinurog ni Shilo ang puso niya ng iwan siya nito. Kung paano siya nito iniwan na sugatan at umiiyak ng dahil dito. Kaya anong karapatan nitong sabihin na alam nito kung anong nararamdaman niya noon. Wala itong alam.

Dinuro niya sa dibdib si Shilo at bahagyang tinutulak. "Wala kang alam kaya wag mong sabihin na alam mo kung sino ang mahal ko noon.Tama nga si Joshua, pareho tayong manhid noon. Hindi ko nakita kung gaano kasamang tao ka. Hinintay ko pang durugin mo ang puso ko bago ko naisip na hindi ikaw ang lalaki para sa akin. Naghihinayang ako sa mga panahong ibinigay ko sa isang tulad mo."

"Maze..." napaangat si Shilo ng mukha.

Humiling siya habang kuyom ang dalawang kamay. She tried to control her angry. Ayaw niyang bigyan ng kasiyahan si Shilo na makita siyang nasasaktan ng dahil dito ngunit hindi niya makontrol ang emosyon.  Sinasakal ang puso niya ng mga sandaling iyon.

"When you left, everything changes. Hindi na ikaw ang lalaking nais kong makasama habang buhay. Oo aaminin ko, minahal kita sa kabila ng masama mong ugali pero hanggang doon lang iyon. Hindi na kita mahal ngayon. Ibinaon ko na sa limot ang nararamdaman ko sa iyo kasabay ng pag-aalis mo sa araw ng kasal natin."

Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito. "You loved me?"

Ngumiti siya ng mapakla. "Oo pero hindi na ngayon. Kaya nga nagpapasalamat ako na iniwan mo ako noong araw ng kasal natin. I realize a lot that day. Hindi pala ikaw ang lalaking nais kong makasama habang buhay. At lalong hindi ikaw ang nakikita kong makasama sa pagtanda ko." She said while looking at his eyes.

May rumehistrong sakit sa mga mata ni Shilo. Umiling ito na para bang hindi naniniwala sa kanyang mga sinabi.

"No! Hindi totoo ang sinabi mo, Maze. Galit ka lang sa akin kaya mo iyan nasasabi. You love me. You still love me. Hindi basta-basta lilipas ang pagmamahal mo sa akin ng ganoon lang. Nagsisinungaling ka lang kasi nasaktan kita noon."

Hahawakan na sana siya ni Shilo sa kamay ng agad siyang umiwas. "Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo? At saka, limang taon Shilo, sa tingin mo hindi pa ako nakalimot sa isang tulad mo. Kagaya nga ng sabi mo kanina, bakit ko mamahalin ang isang tulad mo na wala nang ginawa kung hindi ang saktan ako? I come to my senses now; I already know who the right guy for me is. And it's not you."

Hindi agad nakapagsalita si Shilo. Nakatingin lang ito sa kanya na puno ng sakit at pagsisisi ang mga mata. Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya at nais niyang hawakan ang pisngi nito para paga-anin ang loob ngunit agad din niyang pinigilan ang sarili. Hindi siya pwedeng maging marupok kay Shilo ng mga sandaling iyon. Kasal na ito, wala na siyang karapatan dito. Dapat galit nalang ang nararamdaman niya rito.

"I love you, Maze. I love you since I don't know. And I want to do---"

"Your love is five years too late, Shilo. I already move on. I don't need your love anymore. Bumalik ka na sa babaeng pinakasalan mo." Walang emosyong sabi niya rito bago ito iniwan.

Hindi niya pinansin ang mga luhang pumatak sa pisngi ni Shilo. Hindi siya pwedeng maging mahina ng mga sandaling iyon. Hindi siya pwedeng magpadala sa emosyong nararamdaman dahil kapag ginawa niya iyon ay uuwi ulit siyang talunan.

Pagkapasok sa kanyang opisina ay doon pa lang niya pinakawalan ang mga luha. Napahawak siya sa kanyang dibdib na unti-unti na naman nakaramdaman ng pagkadurog. Bakit ba kasi kailangan niya pa ulit magpakita? Bakit kailangan pa nito balikan ang nakaraan? Hindi pa ba sapat kay Shilo na sinaktan siya nito noon. Akala niya ay nakalimot na siya sa pag-ibig niya rito ngunit hindi pala. Naruruon lang pala iyon sa kasulok-sulokan ng puso niya dahil sa muli nilang pagkikita para iyong isang matamlay na bulaklak na muling nabuhay. Tama nga yata ang sabi nila, hindi niya malalaman kung nakapag-move on na ba siya hangggang hindi niya nakakaharap ang taong minahal niya noon. Ngayong ay nasasabi niya, hindi pa talaga siya nakalimot. Naruruon pa rin ang tibok na iyon sa puso niya kapag nakikita si Shilo.

Her life is about to get mess again. At alam niya na wala na siyang kawala sa nakaraan niya. Hindi na niya matatakasan pa si Shilo. Ngunit paano si Andria, nasaan na ang babae at bakit hinayaan nito si Shilo na puntahan siya?

PAPASOK ng bahay si Maze ng may tao siyang nakita sa may garden. Naka-upo ito sa duyan at nakatingala ito sa mga bituin. Napansin yata ng taong naroroon na nakatingin siya kaya ito napatingin sa kanyang direksyon. Nagulat siya ng makita si Joshua. Tumayo ito at agad na lumapit sa kanya.

"Good evening, Kaze. Pwede ka bang makausap?" tanong nito.

Napatingin siya sa pambisig na relo. It's already 9o'clock in the evening. Anong ginagawa nito sa bahay niya?

"Tungkol ba saan?"

Tumingin si Joshua sa paligid. Wala naman masyadong tao sa subdivision na iyon. Tulog na rin ang mga tao kaya wala dapat itong ipag-alala na may makarinig sa pag-uusap nila. Muling bumalik ang tingin ni Joshua sa kanya. 

"Tungkol sana kay Shilo at Andria."

Pagkarinig sa pangalan ng dalawa ay bigla siyang nawalan ng gana na pakinggan ang sasabihin nito. She had enough for that day. Buong araw siyang nagkulong sa opisina dahil sa kaisipan na nasa labas lang si Shilo. Mukhang napansin ni Joshua na ayaw niyang pag-usapan si Shilo kaya agad siya nitong hinawakan sa braso.

"Listen to me first, Kaze. Alam kong huli na itong sasabihin ko pero sana makinig ka. Noon ko pa sana sasabihin sa iyo ito ngunit umalis ka ng bansa at pinutol mo ang kominikasyon sa amin." Huminga ng malalim si Joshua. "Shilo didn't marry Andria. Oo magkasama silang pumunta ng China pero hindi sila nagpakasal. Shilo went to China to work and settle something. Nagkaroon ng problema ang isa sa negosyo ni Tito dahil sa kagagawan ng ama ni Andria. Patatapusin sana ni Shilo ang kasal niyo bago pumunta roon ngunit hindi na niya ginawa. Ginamit din niya iyong dahilan sa ama para hindi matuloy ang kasal niyo at hindi tuluyan masira ang relasyon ng pamilya. Pabalik na sana siya dito at aayusin ang gusot niyo ng malaman niyang lumipad ka na papuntang U.S. Nawalan na siya ng pagkakataon na kausapin ka."

Nakatitig sa kanyang mga mata si Joshua habang nagpapaliwanag. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi nito. Kung dapat ba niyang paniwalaan ang sinabi nito.

Tumawa siya ng bahagya. "What a lame excuse, Joshua. Sa tingin mo maniniwala ako sa sinabi mo? Five years, sa tingin mo hindi ko malalaman kung sakaling iyon ang totoong reason ni Shilo. Hindi natuloy ang kasal namin dahil hindi niya ako kayang pakasalan. Hindi niya kasi ako mahal. Isang ha---"

"He loves you, Kaze." Putol ni Joshua sa iba pa niyang sasabihin. "Shilo loves you for who you are Kaze. Hindi ka pa man si Kaze ay mahal ka na ni Shilo. Alam ko iyon dahil kitang kita ko kung paano ka niya titigan. He cares for you but he can't show you. Sana paniwalaan mo ang sinasabi ko."may bahid ng pagsusumamo ang boses ni Joshua.

Umiling siya. Hindi niya kayang paniwalaan ang sinabi nito. Oo nga at nagsabi na kanina sa kanya si Shilo na minahal din siya nito pero hindi niya parin maintindihan kung bakit kailangan siya nitong iwan sa araw ng kasal nila. Dahil siya, handa niyang pakasalan ito kahit pa nga ang alam niya ay walang pag-ibig mula rito. Na isang once sided love lang ang meron sila.

"Kaze, paniwalaan mo naman ako. Alam--"

"Tama na, Joshua. Wala din naman saysay kung magpapaliwanag ka ngayon. Tapos na ang lahat sa amin ni Shilo. Limang taon nang tapos kung anumang relasyon meron kami. At kahit magpaliwanag ka pa ngayon ay wala na iyong magagawa pa. Pareho na kaming may kanya-kanyang buhay. Kaya sana-"

"He still loves you, Kaze. Kaya siya naririto ay para balikan ka. Mahal na mahal ka ng pinsan ko." Putol ni Joshua sa iba pa niyang sasabihin. Nasa mukha at boses nito ang pagsusumamo.

"I'm sorry pero wala ng babalikan pa si Shilo. I already move on, Joshua. At sana hayaan niyo na ako maging masaya sa buhay ko." Tatalikuran na sana niya ito ng muli siya nitong pigilan sa braso.

"Hindi si Shilo ang lalaking nangako kay Andria ng kasal." Narinig niyang huminga ng malalim si Joshua. "Ako ang lalaking iyon, Kaze. Pumunta si Shilo para kausapin ang ama ni Andria tungkol sa pangako ko sa anak niya at patigilin ito sa kung anumang plano nito sa pamilya namin. Hindi ko pwedeng pakasalan si Andria dahil buntis na si Anniza at mahal na mahal ko ang asawa ko. Isang linggo lang sana si Shilo doon ngunit lumaki ang problema ng kompanya nila kaya hindi agad siya nakabalik. Kung saan maayos na ang lahat ay umalis ka naman papuntang U.S kaya nagdesisyon na lang si Shilo na manatili sa China." Paliwanag ni Joshua.

Parang may bombang sumabog sa harap niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam na may ganoon palang pangyayari noon. When Shilo left her, she shut down her world to everyone. Hanggang sa umalis siya ng bansa ay hindi siya nakipag-usap kahit kanino man. Tanging ang ina at si China lang ang nakakausap niya sa mga kakilala. At wala din naman nagtangkang magsabi sa kanya ng tungkol kay Shilo.

At that moment, Maze doesn't know what to believe, naguguluhan siya sa nangyayari. Ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang mga sinabi ni Joshua. Napahawak siya sa dibdib, napakabigat noon. Maraming katanungan ang tumatakbo sa isipan niya ng mga sandaling iyon.

Marahan niyang hinatak ang kamay paalis sa pagkakahawak ni Joshua. "Thank you for explaining everything to me, Joshua. Pero hindi na noon mababago pa ang nararamdaman ko para sa pinsan mo. I don't love him anymore. Huli na ang lahat sa amin." Sabi niya kay Joshua bago ito iniwan doon.

Wala ng pag-asa sa pagitan nila ni Shilo. Masyado siya nitong sinaktan. Hindi pa siya handang masaktan ulit dahil dito.