Chereads / Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 17 - CHAPTER FIFTEEN

Chapter 17 - CHAPTER FIFTEEN

HINAWAKAN ni China ang kamay niyang nanlalamig kanina pa. Ngayong araw ang kasal niya kay Shilo. Kay bilis ng araw, lumipas ang isang buwan. Mabilisan ang paghahanda ng kasal nila dahil sa iyon ang nais ng kanilang mga magulang. Wala silang nagawa ni Shilo kundi ang sumunod sa agos ng pangyayari. Hindi na nga sila halos nag-usap ng binata sa loob ng isang buwan. Naging busy kasi ito sa trabaho. Siya at ang ina ang halos naghanda at nagdesisyon sa kasal niyang iyon kahit sa pagsukat ng damit niya ay hindi niya nakasama si Shilo. Pumunta kasi ito ng Europe para ayusin ang isa sa mga branch ng negosyo ng pamilya. At ngayong araw nga ang kasal nila. Iyon ang unang pagkikita nila ni Shilo pagkalipas ng dalawang linggo.

"Okay ka lang ba, Ate?" nag-aalalang tanong ni China.

Nagkaayos kami noong isang linggo lang. Sinabi niya rito ang totoo. Noong una ay nagalit ito. Bakit daw niya hinayaan na gamitin siya ni Shilo sa sariling kapakanan? Bakit daw hindi na lang siya magmove-on kay Shilo? Lumipas ang tatlong araw pagkatapos niyang sabihin kay China ang lahat ay pumunta ito ng bahay at sinabing pupunta ito sa kasal niya bilang supporta sa kanyang ginawang desisyon.

"I'm okay. Thank you." Ngumiti siya ng bahagya sa kapatid.

Pinisil naman ni China ang kamay niya. Bumukas ang pinto na siyang nagpabaling sa kanila. Pumasok ang assistant ng wedding coordinator.

"Let's go ma'am. Malapit na po magsimula ang kasal." Sabi nito.

Tumingin siya sa kapatid. Ngumiti si China at niyakap siya ng mahigpit. "Sana maging masaya ka ate."

"Thank you China. I wish your happiness too my little sister." Gumanti siya nang yakap sa kapatid.

Kumalas sila sa pagkakayakap sa isa't isa. Tinulungan siya ni China na makatayo. May kabigatan kasi ang wedding gown niya. Ang mommy niya ang pumili noon. Nais kasi ito na maging mukhang princessa siya sa kanyang kasal. Hindi naman siya tumutol dahil kahit sa ganoong bagay lang ay makabawi siya sa ina. 

Pasakay na sila ng elevator ng may pumigil sa braso niya. Lumingon siya at nagtaka ng makita si Joshua. Hindi ba dapat ay nasa simbahan ito. Ito ang napili nilang maging best man ni Shilo habang si Anniza naman ang main of honor niya. Buti na lang talaga at maliit magbuntis ang babaeng iyon at hindi nahirapan sa gown nito.

"Joshua, anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya.

"Kaze..." habol nito ang paghinga. Mukhang umakyat ito gamit ang hagdan.

"May problema ba? Di ba dapat ay nasa simbahan ka na?"

"Kaze, I'm sorry. Hindi ko na siya napigilan." He's face has a pity look. Waring nakikisimpatya ito sa kanya.

"Ha!!!" nagtataka na siya sa sinasabi nito. 

May iniabot itong isang nakatuping papel. Nagtataka man ay tinanggap niya iyon. "Ano ito?"

Joshua swallows first before he speaks. "Pinabibigay ni Shilo. I'm sorry pero hindi ka daw niya kayang harapin. I'm sorry."

Binundol na kakaibang kaba ang puso niya. Binuksan niya ang papel at binasa ang nakasulat.

Dear my Maze,

I'm sorry if I drag you on my own mess. Hindi ko alam kung bakit kita pinapanggap na girlfriend and soon-to-be my wife. Dahil siguro sa nais kong kahit saglit maging akin ka. Alam kong mali na pinapanggap kita na labag sa loob mo. Inabuso ko ang kabaitan mo bilang kaibigan ko. Sana sa gagawin ko ay maging masaya ka sa buhay mo.

Maze, I'm sorry. You are now free to love someone you really love. Pinapakawalan na kita sa kasunduan natin. Hindi mo kailangan pakasalan ang isang tulad ko para lang hindi magalit at madisappoint sa iyo si Tita. I will take all the hate and blame of all the people around us. I already call off the wedding. Sana ingatan ka ng taong mahal mo ngayon. Sana maging masaya ka sa piling niya. Sana ay mapangiti ka siya na siyang hindi ko nagawa.

I always be your friend, Maze. I'm so sorry for hurting you in any ways. I wish you all the happiness in this world. Hope to see you soon with a smile. Again, I'm so sorry.

Your friend,

Shilo

She crumbles the paper she holding. Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang kamay. At kung hindi pa siya agad na dinaluhan ni China at Joshua ay baka napasalampak siya ng wala sa oras sa sahig ng hallway ng hotel. Naramdaman niya ang pagkabasag ng puso niya. Ang pagkaguho ng mundo niya. Ang taong minahal niya ng halos kalahati ng buhay niya ay iniwan siya sa ere. Hindi na matutuloy ang kasal nila na tanging pinangarap niya.

"Ate..."

Unti-unti siyang napa-upo sa sahig at nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Para iyong sinasakal sa sobrang sakit. Sumigaw siya ng puno ng pait.

"Bakit? Bakit niya nagawa sa akin ito." Tanong niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

"I'm sorry. Sinabihan ko na siya. Sinabi ko nang wag siyang umalis. Na ituloy niya ang kasal ngunit sabi niya ay hindi niya daw kayang makita ka na hindi masaya sa piling niya. Ikukulong ka daw niya sa isang kasal na walang pagmamahalan."

Umiling siya. "Hindi niya ba alam kung gaano ko siya kamahal, Joshua. Buong buhay ko sa kanya na umikot. Mahal na mahal ko si Shilo na kahit nasasaktan na ako ay tiniis ko para lang makita siyang masaya. Ng sinabi niyang kailangan niya ang tulong ko para tumigil na si Andria, hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya dahil sa mahal ko siya. Pumayag akong magpanggap kahit alam ko na madudurog ang puso ko. Pero bakit ganoon? Kahit sa huli ay hindi niya pa rin ako kayang mahalin. Kahit sa isang pangpapanggap lang ay hindi niya ako kayang pakasalan."

"Kaze, hindi totoo iyang sinasabi mo. Shilo lo--"

"Bakit ba niya ito ginagawa sa akin? Minahal ko siya pero bakit hindi niya iyon maramdaman? Hindi niya ba nararamdamankung gaano siya kahalaga sa akin. Kung paano ako nagsakripisyo para maging masaya siya. Kinalimutan ko ang sarili ko dahil sabi ko makita ko lang siyang masaya ay masaya na rin ako. Pero anong ibinigay niyang kapalit, dinurog niya pa rin ang puso ko." 

Niyakap siya ni China ng mahigpit. Sobrang sakit na iniwan siya ni Shilo ng hindi niya nasasabi dito ang nararamdaman.

"Mahirap ba akong mahalin? Hindi ba ako karapat dapat mahalin? Anong kulang sa akin, Joshua? Bakit kailangan niya akong iwan ng ganito? Joshua, sabihin mo sa akin, anong kulang ko para hindi ako mahalin ng taong mahal ko? Sagutin mo ako." tanong niya kay Joshua habang hilam ang mga mata ng luha.

Nabalot ng lungkot ang mga mata ni Joshua at yumuko. "Hindi sa ganoon iyon, Kaze. I'm sorry kung nasasaktan ka ng dahil sa pinsan ko. Siguro naman na mas may higit na rason kung bakit kaniya iniwan ngayon. Mahal ka noon at sigurado ako doon. Maze, I will t-"

"Hindi na, Joshua. Hindi naman ako naniniwalang mahal niya ako. Dahil kung totoong mahal niya ako ay hindi niya ako iiwan ngayon. He also grabs this apportunity to be with me like what I'm doing." Umiling siya. "Hindi niya ako mahal at hinding-hindi niya ako mamahalin."

"Maze, please listen. Mahal ka niya. Maniwala ka. Maybe is confuse right now. Baka kagaya mo ay iniisip niya din na hindi mo siya mahal. I will talk to him. I will tell him you also love him. Kailangan niya lang magtapat ng nararamdaman sa isa't-isa."

Muli siyang umiling dito. Hindi siya naniniwala. Napansin ni Joshua na hindi siya naniniwala sa sinasabi nito.

"Maze, mahal ka ni Shilo. Mahal ka ng pinsan ko. Mag-usap lang kayo."

Umiling siya. "Kung toto nga ang sinasabi mong mahal niya ako. Nasaan siya ngayon? Bakit hindi niya iyon masabi sa akin ng harapan? Ipagsigawan niya din sa harap ko na mahal niya ako."

Tumingin si Joshua sa kanya at balak sana siyang hawakan sa braso ng lumayo siya.

"Sabihin mo sa akin, nasaan na ngayon si Shilo." Pinilit niyang tumayo. Hindi siya makakapayag na hindi matuloy ang kasal nila ni Shilo. Heto na ang pangarap niya, hawak kamay na niya. Hindi siya makakapayag natuluyan itong mawala sa kanya.

"Kaze..."

Tumalikod siya at balak na sana sumakay ng elevator ng hinawakan siya sa braso ni Joshua.

"Kaze, wala na sa bansa si Shilo."

Lumingon siya dito. Nakita niya sa mga mata nito ang lungkot at awa para sa kanya.

"Wala na si Shilo sa Pilipinas. Tumawag siya kanina sa akin, sinabi niya sa akin na kunin ko ang sulat sa hotel room niya para sa'yo. Papunta na daw siya ng China kasama si..." Joshua pauses.

"Sinong kasama niya?" tanong niya rito.

"Kasama niya si Andria."

Parang siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Joshua. Unti-unting siya napa-upo sa sahig at parang batang umiyak.

"Ahhhhhhhhhh...." sigaw niya habang umiiyak. Sinuntok niya ang pusong nasasaktan. Niyakap naman siya ni China. Umiiyak na rin ito katulad niya. "No! NO! NO! Hindi iyon totoo. Shilo... Shilo please! Please, come back to me. Kailangan kita.... Mahal na mahal kita kaya please... wag mo akong iwan." Umiiyak niyang sigaw. Wala na yatang mas sasakit pa sa mga sandaling iyon ng buhay niya.

Shilo left her. She left her with a broken heart.

"KAZE, ANAK, buksan mo naman ang pinto?" nakiki-usap na sabi ng kanyang ina.

Tinakpan niya ng unan ang kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ang kahit na sino. Hindi pa siya handang harapin ang kahit na sino. Ilang araw na ba siya nakakulong sa kwartong niya? Hindi niya alam. Basta ang nais niya lang ay magkulong doon. Nais niyang ipaglusa ang pagkabasag ng puso niya. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa sa kanya ni Shilo. Hindi pa rin niya lubos akalain na iiwan siya nito at sasama ito kay Andria.

Nalaman niya na ginamit ni Shilo ang private plane ng pamilya nito para makaalis agad ng bansa. Hindi iyon alam ni Tito Shawn. Walang nakaka-alam na iyon ang gagawin nito ng araw na iyon. Tumawag ito kay Joshua ay nasa airport na ito at pasakay ng eroplano. Hindi man lang siya nito pinuntahan at kinausap. Wala man lang itong sinabi na kahit ano sa kanya. Basta na lang siyang iniwan sa ere.

All she did if for him. Ginawa niya ang lahat para dito tapos ito ang igaganti nito pero kahit ganoon ang ginawa ni Shilo ay nararamdaman niyang mahal niya pa rin ang binata. Ito pa rin ang minamahal niya , ang tinitibok ng puso niya at ang nilalaman ng puso't isipan niya. Bakit ba hindi na lang manaig ang sakit at galit niya dito? Bakit hindi niya tuluyang kamuhian ang binata? Patuloy pa rin ang puso niya sa pagmamahal dito.

Pumatak ang mga luha niya ng muling sumidhi ang sakit na nadarama sa puso. Walang sandaling hindi siya umiiyak ng dahil kay Shilo. Hinihiling niya na bumalik ito at sabihin sa kanyang mahal din siya nito. Ngunit sino ba ang niluluko niya,dib a. Ang sarili niya. Alam niya na walang pag-ibig sa kanya ang binata. Isa siyang tanga. Isang dakilang tanga.

Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha niya at lumakas ang hagulhol niya. Alam niyang naririnig ng kanyang ina ang iyak niya sa labas ngunit wala siyang paki-alam. Wala na siyang paki-alam.

"Kaze, please! Open this door. Kausapin mo na ako, anak." Puno ng paki-usap na sabi ng kanyang ina.

Ngunit kagaya kanina ay hindi niya ito sinagot. Patuloy lang siyang umiyak at hawak ang kanyang dibdib. Mamaya pa ay tumayo siya at hinanap ang phone niya. Maybe she need to do something. Baka kapag naka-usap siya ni Shilo ay bumalik ito sa kanya. Nahanap niya ang phone sa taas ng study table niya. Agad niyang hinanap sa phone book ang number ni Shilo at tinawagan ngunit kagaya ng araw na iniwan siya nito ay hindi makontact ang number nito. Ilang beses pa niya iyon ginawa.

"Please! Please! Let me talk to him." Paki-usap niya.

Ngunit kahit anong dial niya ay hindi talaga niya makontact ang binata. Binato niya ang phone niya at nabasag iyon dahil sa tumama sa dingding. 

"Wala kang kwenta." Sigaw niya sa aparato.

Napatingin siya sa laptop niya. Maybe an email can get thru. Binuksan niya iyon at agad na binuksan ang yahoo mail niya ngunit isang balita ang bumugad sa yahoo page niya. Parang gumunaw ang mundo niya ng makita ang isang larawan. Larawan ng taong minahal niya ng buong puso niya pero iniwan siya. Nakangiti ito sa larawan at kasama nito ang babaeng dahilan kung bakit umalis ito sa araw ng kasal nila.

Shilo is smiling at the camera while Andria is holding at his arms. Parehong nakikitaan ng saya ang dalawa. They look really a good couple. They look perfect for each other. Pumatak ang mga luha niya. Binasa niya ang article kahit na nanlalabo ang kanyang mga mata. The caption already said that she shouldn't read it but still she read the article. Napakamartir niya talaga.

Shilo Chauzo Wang and Andria Lee are planning for their upcoming wedding.

Shilo Wang and Andria Lee comes to the premaire night of 'Clash on you' where the main actor is Andria Lee's cousin. Both come with a smile in their face. When a reporter ask Andria what's her relationship with Shilo, the lady just said. 'What do you think?'

There's no confirmation on both but Andria's cousin and the main cast of the movie, Zhui Yi Lee confirm that Andria and Shilo are engaged. The couple are in China to talk about their upcoming wedding. The wedding will held soon on Lee's mansion and it will happen next month added by Zhui Yi.

She laughs and cries at the same time. Ito ba ang dahilan kung bakit ito sumama kay Andria sa China. Akala ba niya kaya sila nagpapanggap ni Shilo ay para hindi nito mapakasalan si Andria. Pinaglaruan lang ba siya ni Shilo. Isa lang ba siyang malaking biro sa binata. Napa-upo siya sa sahig kanyang kwarto.

"Ahhhhh...." sigaw niya. 

Nararamdaman niya ang pagkabasag ng puso niya. Ang pagkaturog noon ng pinong pino. Shilo plays her heart. Pinaglaruan lang siya ng binata pagkatapos ng lahat ng ginagawa niya. Ibinigay niya lahat lahat dito tapos ito ang igaganti nito. Ginawa siya nitong isang katawang-tawa tao sa harap ng mga tao. Pagkatapos nitong hindi sumipot sa kasal nila ay heto at magpapakasal siya sa ibang babae. Akala pa naman niya ay aalalagaan siya nito. Akala niya ay mahalaga siya dito. Iyon pala ay isa lang siyang laruan dito. Isa siyang tangang babae. Matalino siyang tao pero ang tanga-tanga niya.

Pinilit niyang tumayo. Humawak siya sa upuan at mesa. Nang muli niyang makita ang larawan ni Andria at Shilo ay muling may sumugat sa puso niya. She can't breath. Hindi siya makahinga at nasasakal siya sa sakit na nararamdaman.

"Ahhhh...." tinabig niya ang lahat ng gamit sa study table niya. Lahat iyon ay natapon at nabasag. Naglikha iyon ng malakas na tunog.

"Manluluko ka. Pinaniwala mo akong hindi mo ako sasaktan. Isa kang manluluko." Lumapit siya sa isang cabinet.

Naruruon ang lahat ng mga larawan na magkasama sila ni Shilo. May ilang bagay na bigay nito. Lahat iyon ay kinuha niya at tinapon. Binasag niya at pinunit ang mga binigay nito. Ano bang silbi noon? Sinaktan at niluko siya ng binata. Pinaglaruan lang nito ang damdamin niya.

"Paano mo nagawa ito sa akin?" iyak niyang tanong sa isang larawan nito na nasa frame at malakas iyon ibinato sa dingding. 

Nabasag iyon. Napasandal siya sa kabenit pagkatapos niyang basagin ang lahat ng laman noon. Nagkalat ang gamit sa loob ng kwarto. Maraming basag na bagay ang nagkalat. Patuloy sa pagpatak ang mga luha niya. She feels so betray and used. Ano ba kasing maling ginagawa niya para maranasan niya iyon? Ang tanging ginawa niya lang naman ay ang magmahal. Ang ialay ang lahat-lahat sa kanya sa taong mahal pero sinaktan siya.

"Oh my god." Napasinghap ang kanyang ina ng makita ang ayos ng kwarto niya. May hawak itong maraming susi. "Kaze..." tumingin sa kanya ang ina.

"Mommy..." umiiyak niyang sabi.

"Oh my god. Ang anak ko." Tumakbo sa kanya ang ina at agad siyang niyakap.

Lalong bumuhos ang mga luha niya. Gumanti siya ng yakap sa ina. Sa mga bisig ng ina niya siya umiyak ng umiyak. Suko na siya. Hindi na talaga niya kaya ang sakit.

"Mommy, ayoko ko na. Hindi ko na kaya mommy." Puno ng bighating sabi niya sa ina.

"Nandito lang si mommy, Kaze. Nandito lang ako anak. Hindi kita iiwan."

At kagaya ng isang batang nasaktan. Maze cried to her mother arms. She cried all her pain. Iniyak niya ang lahat ng kabiguan sa buhay niya. Kasabay ng pangakong hindi na siya muling masasaktan pa dahil sa pag-ibig.

💜💜💜