Chereads / Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 18 - CHAPTER SIXTEEN

Chapter 18 - CHAPTER SIXTEEN

FIVE YEARS LATER....

Hinubad ni Kaze o Maze ang suot na salamin sa mata. Limang taon na rin mula ng iwan niya ang Pilipinas. Iniikot niya ang tingin at napahinto iyon ng makita ang isang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Ngumiti siya at lumapit dito. Napansin din naman siya ng lalaki. Tumayo ito ng tuwid at sinalubong siya. Humalik ito sa kanyang pisngi.

"Kamusta na ang magandang sister-in-law ko?" kinuha ng lalaki ang kanyang luggage.

"I'm good and still pretty." Sagot niya at binuksan ang front seat. Natigilan siya ng makita ang babaeng nakaupo doon.

"Akala ko ba ayaw mo akong makita?" Mapanuksong tanong niya rito.

Sumimangot si China at itinuro ang backseat. "You seat there. Hindi ako makakapayag na makatabi mo dito sa unahan ang asawa ko."

Tumawa siya ng bahagya rito. Napailing na lang siya at sinarhan ang front seat.

"Sorry about that, Maze. Naglilihi pa rin kasi ang kapatid mo." Nasa mukha ng lalaki ang sinceridad sa paghingi ng tawad sa kanya.

Tumawa lang siya. "Don't worry, sanay na ako sa tupak ng kapatid kong iyan. Buti nga nakatagal ka sa ugali ng isang iyan, Chris."

Umiling lang si Christian. "Kung alam mo lang, Maze."

"Hindi pa ba tayo aalis?" Nakataas ang kilay na tanong ni China. Bahagya nitong ibinaba ang bintana ng koste.

Nagkatinginan lang sila ni Christian at parehong nagkibit-balikat na lang. Sumakay siya ng backseat. Tiningnan siya ni China sa salamin na nasa unahan at nang magtagpo ang kanilang tingin ay inirapan siya nito. Napailing nalang siya. Alam naman niya ang drama ng kapatid. Two years ago ay ikinasal ito kay Christian at hindi siya nakarating. Naging busy kasi siya sa pag-aaral, trabaho at nagkataon pa na may tinatapos siyang thesis. Sabi nga niya sa kapatid ay babawi siya pero nagtampo na ito.

"Kamusta ang negosyo mo, Maze?" basag ni Christian sa katahimikan.

"Okay naman. Sa wakas ay natapos ko din ang kailangan tapusin sa U.S."

"Are you staying here for good now?"

"Yes." Tumungo siya.

Nakita niyang nagkatinginan si China at Christian. May kahulugan iyon ngunit binaliwala na lang niya. Wala naman masama kung manatili na siya sa Pilipinas. Handa na rin naman siyang hawakan ang negosyo ng ina.

Hinatid siya ng dalawa sa bahay ng kanyang ina. Agad siyang sinalubong ng ma-init na yakap ni Mommy. 

"Welcome back, anak."

"Thank you, mom." Kumalas siya sa pagkakayakap ng kanyang ina.

Pinakatitigan ni Mommy ang kanyang mukha. Hinaplos nito ang kanyang buhok. Napapansin niya ang namumuong luha sa mukha nito kaya agad siyang ngumiti dito.

"Masaya ako at nandito ka na, anak."

"I'm staying for good mom. Hindi na ako aalis sa tabi niyo." Inakbayan niya ang ina at tumingin kay China na nanonood ng mga sandaling iyon. "Thank you for taking care of my mom while I'm away."

Ngumiti si China at lumapit sa kanila. "Ikaw pa ate. Malakas ka sa amin."

"Ang mabuti pa ay pumasok na tayo. May inihanda akong meryenda para sa iyo, anak. Magugustuhan mo iyon." Malambing na sabi ng ina. "Sumabay na kayong dalawa."

"Sige po, Tita." Inakbayan ni Christian si China.

Unang pumasok ang ina sa loob ng bahay sumunod dito ang mag-asawa. Papasok na din sana siya ng makaramdam siya ng kakaiba. Para bang may nakatingin sa kanya ng mga sandaling iyon. Napalingon siya sa likuran pero wala siyang nakita kung hindi ang pader at gate. Napatingin siya sa kanang bahagi. Doon niya nakita ang malaking bahay ng mga Wang na siyang kapit bahay ng ina. Nakita niyang may nakita siyang taong nakatayo sa may teresa. Nakatingin din sa kanya ang babaeng nakatayo doon. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil natatamaan ang mga mata niya ng sinag ng araw. 

Bumilis ang tibok ng puso niya. Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Pumasok siya ng bahay habang pinapakalma ang kanyang puso. Alam niyang hindi niya matataguan ang mga Wang. Malapit lang ang mga ito at may ugnayan pa rin ang pamilya nila. Umalis siya ng U.S ay sinabi niyang handa na siyang harapin ang mga taong nanakit sa puso niya. Limang taon na din naman ang nakalipas at maraming bagay na din naman ang nagbago sa kanya. Marami siyang natutunan sa U.S.

Namuhay siya doon ng mag-isa at nagtrabaho na wala ang kapangyarihan ng pamilya. May negosyo na din siya doon at kasama niya doon ang isang kaibigan. Ang negosyo nilang iyon ang naging dahilan para manatili siya sa U.S ng limang taon. Maliban doon ay nag-aral ulit siya. She studied another course in two years and one year on masterial degree. Masaya na siya sa U.S ngunit kailangan niyang umuwi dahil kailangan siya ng ina sa negosyo ng pamilya. Her mom is not getting any younger. Kailangan niyang muling pag-aralan ang negosyo nila. Wala siyang intension na ipamahala iyon sa kung sinuman.

Naabutan niya ang ina at ang mag-asawa sa komedor. Naka-upo na si China at masayang nakikipag-usap sa kanyang ina. Umupo siya sa kabilang panig ng mesa. Nasa gitna ang ina niya naka-upo.

"May problema ba, Kaze?" tanong ni Mom ng mapansin ang emosyon sa mukha niya.

She feels uneasy because of that person. Kung sinuman ang babae kanina sa teresa ay siguradong kilala siya dahil nakatitig ito ng matagal sa kanya. Ngumiti siya sa ina. "Nothing, mom. I was just thinking about the company."

Hinawakan ng kanyang ina ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Ano ka ba, Kaze? Wag mo munang isipin iyan. You need to rest. May jetlag ka pa."

Tumungo siya sa ina. Lahat sila ay napatingin ng pumasok ang mga katulong na may dalang pagkain. Maja-blanca, makapuno na pinaresan ng mango juice ang inihandang meryenda ng ina. Napangiti siya dahil sa inihain na meryenda ng ina. Ito ang na miss niya sa Pilipinas. Ang pagkaing pinoy. Bihira sila makakain noon ng kaibigan. Pumupunta pa sila ni Sancho sa kung saan para lang maghanap ng pagkaing pinoy. Buti na lang talaga at mahilig din iyon sa pagkain kaya may kasama siya lagi.

"Ate Maze, talaga bang bubukod ka kay Tita? Siya lang naman mag-isa dito." Tanong ni China.

Tumingin siya sa ina bago sinagot ang tanong ni China. "Mas gusto kong mag-isa sa bahay, China. Sanay na din naman ako. Na-iintindihan naman ni mommy."

Nakita niyang nag-iba ang emosyon sa mga mata ni China. Lungkot at awa iyon. Ngumiti siya.

"Wag kang mag-alala, Chin. Nandito naman ako pag-weekend. Gusto ko din naman makasama si Mommy." Dagdag niya para pawiin kung anuman ang bumabagabag sa kapatid.

Hinawakan ni Chris ang balikat ni China para kunin ang atensyon ng asawa nito. Agad na tumingin si China kay Chris. Umiling si Chris bilang pagpigil sa asawa. Nakita niya huminga ng malalim si China. Alam niya kung anong iniisip ng mga ito. 

Ngumiti siya. "Ano ba kayo? Kung iniisip niyo na umiiwas ako sa mga Wang kaya gusto kong bumukod ay nagkakamali kayo. I just love being independent. Noon pa man ay mas gusto ko ng tumuloy sa sarili kong bahay. Walang kinalaman ang mga Wang sa desisyon ko."

Hindi nakapagsalita kahit sino sa tatlo. Napuno ng tensyon ang mesa dahil sa sinabi niya. Alam naman niyang iniisip pa rin ng mga ito ang nangyari limang taon na ang nakakaraan. Limang taon din ang lumipas pero hanggang ngayon ay iniisip pa rin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Akala ba ng mga ito ay hindi siya nakalimot sa nadarama niya kay Shilo. Well, nagkakamali ang mga ito. Aaminin niya nasaktan siya ng sobra sa ginawa nito pero nakaraan na lang iyon. Marami na ang dumaan at nangyari. Masaya na siya sa buhay niya ngayon. Ang nais lang niya ay ang makasama ang ina at mga taong nandiyan sa kanya.

Tumikhim ang kanyang ina para basagin ang tensyon. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil.

"Kaze, wag mo sanang mamasain ang sinabi ng kapatid mo. Nag-aalala lang sa iyo si China. Kung saan ka naman masaya ay doon din ako, anak." Ngumiti sa kanya ang ina.

"I'm sorry, Ate. Nag-aalala lang talaga ako dahil alam kong mahirap mag-isa sa bahay."

Ngumiti siya sa kapatid. "I'll be fine, Chin. Kagaya ng sinabi ko, sanay na akong mag-isa. Wag kang mag-aalala sa akin. I'm sorry din kung nasabi ko iyon."

Tumayo si China at niyakap siya ng mahigpit. "I'm happy your back, Ate. Sobrang na miss kita."

Gumanti siya ng yakap sa kapatid. Masaya din siyang bumalik na siya ng Pilipinas. Masayang masaya siya na makasama ang mga taong mahal na mahal niya. Mag-uumpisa na ang bagong buhay niya.

NAKA-UPO  sa pavilion si Maze ng lumapit ang ina na may hawak na isang tasang kape. Inilapag nito  sa mesa ang hawak na kape. Napatingin siya sa ina. Isang malambing na ngiti ang ibinigay sa kanya ng ina.

"Malalim yata ang iniisip mo, anak." Hinawakan ng kanyang ina ang buhok niya.

"I'm just thinking something, mom."

"Care to share." Hinawakan ng kanyang ina ang kamay niya at pinisil iyon.

Ngumiti siya sa ina at tumingin sa langit. "Iniisip ko lang ang tungkol sa trabaho ko. Iyong mga plano ko sa kompanya niyo ni Daddy. Gusto ko kasing mas mapalago pa ang kompanya. I want 'The Lu Imperial City' to well-known in the world."

Mas lumawak ang pagkakangiti ng kanyang ina. "Kung nabubuhay lang ang ama mo. Sigurado ako, sobrang proud niya sa iyo. Nagpapasalamat ako kay Ariel at pinalaki ka niya ng maayos. Hindi ka niya pinabayaan."

"Thank you, mom. Babawi ako sa inyo ngayong nandito na ako."

"Alam ko naman na hindi mo pababayaan ang kompanya, anak. Malaki na ang pinagbago mo. Nakapagpatayo ka ng sarili mong negosyo at naging maayos iyon. Tumayo ka sa sarili mong paa at bilang ina mo. Proud na proud ako sa iyo. Ipinagmamalaki kita sa lahat, anak. At kung anuman ang plano mo ay nasa likuran mo lang ako."

Ngumiti siya at niyakap ang ina. For five years, her mom never left her side. Kahit na umalis siya ng bansa ay sinisugurado nito na nasa tabi pa rin siya nito. Walang araw na hindi siya tinatawagan ng ina at kapag may importanteng okasyon sa buhay nila ay lilipad ito papuntang U.S para lang makasama siya. Ito ang nasandalan niya sa mga panahon na nasasaktan siya. Tinulungan siya nitong makalimot sa lahat ng sakit na pinagdaanan niya. Pinadama nito sa kanya na mahal na mahal siya nito. She is thankful of her mom. 

Pagkalipas ng ilang minuto ay kumalas siya sa ina at pinakatitigan ito sa mga mata.

"Mom, may plano sana ako. Kung okay lang po sana sa inyo?"

"Ano iyon, Kaze?" inayos nito ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa kanyang mukha.

"I want to manage the restaurant for half a year and half a year for construction firm before I hold the company." Seryuso niyang paalam sa ina.

Nagsalubong ang kilay ng ina. Alam niyang hindi nito inaasahan ang desisyong iyon pero nais niya munang pag-aralan ang lahat mula sa baba. Kunti palang ang alam niya sa restaurant dahil iilang buwan palang niya iyon hinawakan noon bago pumunta ng U.S. At sa construction ay may alam naman siya kahit papaano noong nagtatrabaho siya sa mga Wang. They have real estate that involve alot of construction. At Pagdating naman sa ibang negosyo ng pamilya ay may alam na siya. Pinag-aralan niya iyon noong nasa U.S siya at may iilang pinagkakatiwalaan din naman ang pamilya.

"Bakit hija? I mean, hindi ba dapat ay sa nararapat na posisyon na kita ilagay agad. I should train you now that you are here."

"Alam ko po iyon, mommy pero gusto ko pa rin talaga pag-aralan ang negosyo natin ng isa-isa bago ako umupo sa pwesto niyo. Mas maganda pa rin po na alam ko lahat ng kalakalan ng negosyo natin. May alam na ako sa iba at sa tingin ko sapat na iyon pero ang restaurant at construction firm." Umuling siya sa ina. "Kunti lang talaga alam ko. I want to be in-hand to the company. And this is my way."

Huminga ng malalim ang kanyang ina. "Sigurado ka ba sa gagawin mo? Wala bang kinalaman dito ang mga Wang?"

"Mom..." may pagbabantang sabi niya.

"Alam kong masakit ang ginawa sa iyo ni Shilo. Kahit kami ay nasaktan sa ginawa niya pero anak. Hindi habang buhay ay iiwasan mo ang mga Wang. Parti sila ng buhay natin. Naging parti na din sila ng negosyo natin." Humigpit ang pagkakahawak ng kanyang ina sa dalawang kamay niya na hinawakan nito kanina.

Huminga siya ng malalim. "Mom, alam ko po iyon. At saka, wala naman kinalaman ang mga Wang sa mga desisyon ko. I just want to do this to the company. Like I said, this is my way of learning our business. Walang kinalaman dito si Shilo o ang mga Wang. Kung sakali man na kailangan ko silang harapan ay haharapin ko sila. Nakaraan na ang lahat, mommy. I already move on. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Kaya nga po ako umuwi dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko ng harapin ang taong nanakit sa puso ko."

Hindi nagsalita ang kanyang ina. Pinakatitigan lang siya nito sa mga mata. Pinagmamasdan at pinag-aaralan nito ang emosyon niya habang nagsasalita siya. Hindi nawawala ang pag-aalala nito. Kumawala siya sa hawak ng kanyang ina at hinawakan ito sa balikat.

"Sinasabi ko na sa iyo, mom. I'm fine now. Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon. Hindi mo na kailangan pang mag-alala." Ngumiti siya sa ina.

Ngunit hindi na nagsalita ang kanyang ina at kinabig na lang siya para yakapin. Gumanti naman ang kanyang ina. Ganoon nga talaga siguro ang ina. Masyado itong apekdato sa nangyari sa kanya. At alam niya na hindi niya maitatago ang totoo sa ina sa mahabang panahon. Dahil aaminin niya. Hindi pa talaga siya handang harapin ang mga Wang. Limang taon pero hindi niya alam kung paano ba haharapin ang mga ito dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng puso niya. Hindi pa niya masasabi kung talagang naka-move on na ba siya hanggang hindi nakikitang muli si Shilo. She needs to harvest more strong well to face him and she knows she needed it very soon.

MAHIGPIT na yakap ang ibinigay ni Shilo kay Joshua ng makita niya itong nakatayo sa labas ng kotse nito. Gumanti naman ang pinsan. Kumalas siya sa pagkakayakap sa pinsan pagkatapos ng ilang sandali at tumingin sa babaeng kasama nito na malaki ang tiyan.

"Pang-ilan na 'yan?" tanong niya.

Sumimangot si Anniza at inirapan siya. "Pang-isa pa lang namin." Mataray na sagot nito.

"Buti naman at nasundan niyo na siya?" sabi niya.

Tinapik ni Joshua ang balikat niya. "Life must go on. Hindi na din naman mababalik ang bata kung patuloy naming sisihin ni Anniza ang sarili namin sa nangyari."

Tumungo siya at tinapik din ito sa balikat. "Pasok muna kayo sa loob." Niyaya niya ang mga ito.

Na una siyang naglakad papasok sa loob ng bahay niya. Sumunod naman sa kanya ang mag-asawa. Tatlong taon na din kasal ang pinsan niyang ito at masaya siya dahil na saksihan niya iyon. Masaya siya para sa pinsan na nakuha na ang nais. Masasabi niyang naging worth naman ang sakripisyong ginawa niya para dito. He owns it to him. 

"Umupo muna kayo dyan at papakuha lang ako ng meryenda." Sabi niya at iniwan muna ang mag-asawa sa sala.

Pumunta siya ng kusina at naroon ang isa sa katulong ng mansyon na si Aling Lourdes. Minsan lang naman ito sa bahay niya. Dalawang beses sa isang linggo. Pumupunta lang naman ito para maglinis at maglaba ng mga damit niya. Pagdating sa pagkain ay siya ang nagluluto para sa sarili. Nasanay na din siya dahil noong nasa China siya ay siya lang mag-isa sa bahay niya. He becomes independent. Sarili niya lang ang maasahan niya. Walang nag-aalalaga sa kanya. 

"Nay Lourdes, nasa sala po si Joshua at Anniza. Maari niyo po bang ilabas ang ginawa kong pizza at gumawa na din po kayo ng juice." Magalang niyang sabi.

"Sige, hijo. Ako na ang bahala." Ngumiti ang matanda.

"Salamat po." Iniwan na niya ang matanda sa kusina at nilabasan ang pinsan.

Nakita niyang pinagmamasdan ni Joshua ang larawan na naka display sa sala niya. Larawan ng babaeng laman ng kanyang puso pa hanggang ngayon. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng pinsan. Lumingon ito sa kanya. Nang makita siya ay agad nitong ibinaba ang hawak na picture frame. Para itong criminal na bumalik sa tabi ng asawa. Ngumiti siya dito at umupo sa isahang sofa.

"May larawan ka pa rin pala niya?" tanong ni Joshua.

Ngumiti siya kahit na malungkot iyon. "Hindi naman ako nakalimot, Josh."

Yumuko si Joshua at kitang-kita ang guilt sa mukha nito. Alam niyang sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kanya pero wala naman siyang sinisisi. Desisyon niya ang lahat. Walang pumilit sa kanya na gawin ang bagay na iyon at walang dapat sisihin kung hindi siya. All those happen to him was his fault. Mga desisyon niya noon na hindi niya alam kung tama ba ngayon.

"I'm sorry." Narinig niyang sabi ni Joshua.

Tumingin siya sa pinsan. "How many times I told you? It's not your fault. It's my desision and you have nothing to do with it. Masaya naman ako sa ginawa ko." Tumingin siya kay Anniza. "Masaya akong masaya na kayo ni Anniza."

Umiling si Joshua. Tumayo siya at nilapitan ang pinsan. Hinawakan niya ito sa likurang bahagi ng leeg nito at pinisil ng marahan. 

"Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Ang importante naman ay tapos na ang lahat. Masaya na tayong lahat." Mahina ang boses na sinabi niya ang huling salita.

Tumingala sa kanya si Joshua at pinakatitigan siya sa mga mata. "Masaya ka ba talaga, Shilo?"

Natigilan siya sa tanong ng pinsan. Seryuso kasi ang mukha nito. Minsan lang naging seryuso si Joshua at kapag ganoon ay malalim ang hugot noon. Ngumiti siya sa pinsan at bumalik sa kina-uupuan.

"Oo, masaya ako. Lahat ng desisyong ginawa ko noon ay nagbunga din naman ng maganda. Masaya kayo. Masaya na si Andria at.... masaya si Maze sa buhay niya." Hindi niya napigilan na makadama ng kirot ng banggitin ang pangalan ng babaeng iniwan limang taon na ang lumilipas.

Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ang puso niya sa tuwing nababanggit ang pangalan nito. Kahit lumipas ang ilang taon ay ito pa rin ang taong nagpapagulo ng sistema niya, ang taong nagpabago sa kanya at ang taong naging dahilan ng sugat sa puso niya. Maraming 'what ifs' siya ng iwan ito pero kahit ano naman gawin niyang tanong sa sarili at pagsisisi ay hindi noon mababago ang katutuhanan na sinaktan at iwanan niya ang dalaga. Hindi niya nga alam kung paano itatama ang pagkakamali dito. 

"Shilo..." tawag ni Anniza.

Napatingin siya sa asawa ng pinsan. "Ano iyon?"

Tumingin muna si Anniza kay Joshua bago nagsalita. "Ang totoo niyan, kaya kami pumunta dito ay para sabihin sa iyo ang isang bagay."

Nagsalubong ang kilay niya. "Tungkol saan?"

"Pumunta ako kahapon sa bahay niyo at nalaman ko sa mga katulong na dumating na siya."

Biglang bumundol ang kakaibang kaba sa puso niya. Nanigas siya sa pagkakaupo. Tama ang sinasabi ni Joshua. "S-sino... Sino ang d-dumating?" nagtaas baba ang dibdib niya.

Huminga muna si Joshua bago nagsalita. "Mazelyn. Bumalik na si Kaze Alexa."

Parang tumigil ang mundo niya ng marinig ang pangalan nito. Bumalik na siya. Bumalik na ang babaeng bumaliw sa puso niya.