Chereads / Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 13 - CHAPTER ELEVEN

Chapter 13 - CHAPTER ELEVEN

INILAPAG ni Carila ang biniling kape sa harapan niya. Nasa canteen sila ng mga sandaling iyon. Pagkatapos ng mga nangyari kanina sa itaas ng opisina ay doon na sila tumuloy ni Carila. Hinihintay niyang pumatak ang mga luha ngunit hindi nangyari. Hindi niya alam kung bakit pero sobrang bigat ng puso niya at ramdam niya pa rin ang pagkadurog noon ngunit ayaw pumatak ng mga luha niya. Tumingin siya kay Carila at nakangiting hinawakan ang kapeng ibinigay sa kanya. 

Pinagmasdan naman siyang mabuti ni Carila. Para bang pinag-aaralan nito ang mukha niya pati ang kaluluwa niya. At dahil hindi siya komportable sa tingin nito ay umiwas siya ng tingin dito. Narinig niyang bumuntong hininga si Carila.

"You don't need to pretend in front of me, Kaze. Alam kong nasasaktan ka ng dahil kay Shilo."

Gulat siyang napatingin dito. Halata na ba ang pagsinta niya kay Shilo. Alam na ba nito ang nararamdaman niya para sa dating boss at ngayon nga ay isang kaibigan. Siguro nga ay hindi na niya naitago sa mga ito ang nararamdaman. May mga sandali kasing napapatulala siya habang nakatingin kay Shilo.

"Babae din ako. Napapansin ko kapag may pagtingin ang isang babae sa isang lalaki." Sabi ni Carila na nagpalaglag ng kanyang mga panga.

Kung ganoon ay alam nito ang pagsinta niya kay Shilo kahit noong nag-usap sila sa canteen. Kaya ba nito nasabi ang mga iyon sa kanya noon dahil may alam na ito? At kung alam nito, sino-sino pa sa mga kaibigan nila ang nakaka-alam?

"Ganoon na ba kapansin ang nararamdaman ko sa kanya?"

"Malakas ang pakiramdam ko. At madalas kong napapansin ang mga tingin mo kay Shilo kapag nasa iisang kwarto tayo."

"Si Shilo..."

"Manhid ang isang iyon." Ngumiti si Carila. "Shilo doesn't know. Dahil kung alam niya, hindi ito makikipagkaibigan sa iyo."

Napayuko siya sa sinabi nito. Alam naman niya na kapag nalaman ni Shilo ang nararamdaman niya ay lalayo ito at magbabago ang tingin nito sa kanya. Kaya nga takot siyang malaman nito ang totoo. Ayaw niyang malayo kay Shilo dahil kung gusto niya talaga ay noon pa sana niya ginawa. Noong panahon na hindi pa siya ganoon kahulog dito.

"It's not what you think, Kaze." Sabi ni Carila na pinagtaka niya. "Shilo doesn't want you to be a friend not because of what you think right now."

"Anong ibig mong sabihin, Ate Rila?"

Humarap sa kanya si Carila at isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Gamitin mo ito at ito, Kaze." Itinuro nito ang kanyang dibdib at mga mata. "Hindi masamang umasa kung totoo naman." Tatayo na sana si Carila pagkatapos sabihin iyon nang hawakan niya ang agad ito sa braso.

"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin sa akin, Ate Rila? Naguguluhan ako sa tuwing kakausapin mo ako ng ganito." She said in frustrated voices.

Bumuntong-hininga si Carila at muling umupo sa tabi niya. Tinitigan siya nito sa mga mata. "I'm sorry if I make you confuse. Sa totoo lang nais na namin ibaon sa limut ang lahat dahil alam namin  na nakalimut na rin naman si Shilo sa nakaraan." Hinawakan ni Carila ang kamay niya. "Shilo was once confessed to me that he loved me. Ako ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang relasyon ng magkapatid noon."

Nabitawan niya ang kamay nitong hawak siya at napatutop sa kanyang mga labi. Pakiramdam niya ay may sumabog na malakas na bomba sa harapan niya dahil sa sinabi nito. Carila was Shilo's loved. Ito ba ang dahilan ng mga luha ni Shilo. Naalala niya ang mga panahon na galit na galit si Shilo sa lahat at kung paano ito umiyak sa harap niya noong minsan ito'y naglasing.

"I-ikaw ang babaeng iyon?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"I'm sorry kung itinago ko ito sa'yo. Ayaw lang namin lumala ang sitwasyon kaya inilihim namin ang lahat."

"Alam ito ni Sir Shan?"

Tumungo si Carila. "Boyfriend ko na si Shan ng magsabi si Shilo ng nararamdaman nito. Nangyari iyon ng ipinakilala ako ni Shan sa kanilang magulang bilang babaeng pakakasalan. Shilo declared war to Shan but I still choose Shan."

"Why?" unti-unting naunawaan na niya ang sinasabi nito. Pilit niyang hinabi ang mga panahon na kasama niya si Shilo. Kung paano ito mag-react sa relasyon ni Carila at Shan. Hindi lang pala iyon basta dahil sa may galit ito sa Kuya nito. Kung hindi dahil sa nararamdaman nito kay Carila.

"It's because my h-heart belongs to S-Shan. Hindi ko alam kung bakit kapatid lang talaga ang nakikita ko kay Shilo. Sa panahon na kasama ko siya sa trabaho kahit kailan ay wala akong naramdamang kilig sa mga sweet gesture niya. Tanging nakikita ko lang ay iyong treatment niya bilang katrabaho at bilang ate niya. Shilo was so good to me and I feel guilty on what happen to him. Nakita ko kung paano siya nagbago dahil sa mas pinili ko ang kuya niya. Gusto ko man siyang lapitan at pagaanin ang loob ngunit hindi ko magawa dahil sa ayaw ko siyang umasa na may nararamdaman ako sa kanya." May mga luhang pumatak sa pisngi ni Carila. Nakikita ang sakit sa mga mata nito.

"Carila..." hinawakan niya ito sa braso. Nakaramdam siya ng munting kirot sa kanyang puso. Thinking what Shilo's feeling upon knowing that the love of your life loved someone else makes her heart ache. Ngayon palang na nalaman niyang isang kagaya ni Carila ang gusto nitong babae ay nasasaktan siya. Carila is very amazing woman. She is smart, simple and kind woman. Nakita niya kung paano nito pinaglaban ang pag-ibig kay Shan. Carila is strong woman despite of her dark past. Iniwan kasi ito sa bahay ampunan ng totoong magulang. And until now, hindi parin nito kilala ang mga magulang. Masaya na din naman daw ito sa taong umampon dito. Sa bagong pamilya nito.

"Nais kong iwan si Shan dahil ayaw kong tuluyang masira ang relasyon nila ni Shilo ngunit ayaw ni Shan. Siya ang lumaban sa pagmamahalan namin nang sumuko ako. Hindi niya hinayaan na lumayo ako. Na kahit nakikita namin na nasasaktan si Shilo ay hindi kami naghiwalay. I feel so guilty. Para akong kontrabida sa isang drama ng mga panahong iyon." Tumingin sa kanya si Carila at muling hinawakan ang kanyang kamay. "And I am so happy when you come to his life, Kaze. Nakita namin ang pagbabago nito kahit umabot ng halos tatlong taon. Thankful ako sa'yo dahil hindi mo iniwan si Shilo sa mga panahon na galit siya sa mundo."

"Ate Rila, ginawa ko lang naman iyon dahil sa mahal ko siya. Hindi ko din alam kung bakit ko minahal ng ganito si Shilo sa kabila ng mga ginawa at mga sinabi nito. Hindi ba dapat ay magalit ako sa kanya dahil sa araw-araw na ginawa niya sa buhay ko, pinapahirapan niya ang kalooban ko. Ngunit heto ako, para pa rin tangang umiibig sa kanya. Pilit parin sinisiksik ang sarili sa buhay niya kahit na alam ko naman na wala akong pag-asa." Pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Lahat ng alaala ng nakaraan ay bumalik. Ang sakit na tiniis niya at ang saya na hatid ng pagiging magkaibigan nila. Na kahit durog na ang puso niya ay patuloy pa rin siyang umiibig at umasa sa isang kagaya ni Shilo. Ganito pala ang totoong pag-ibig. Maghihintay ka sa wala. Mananatili ka sa tabi niya sa panahon na kailangan ka niya. At hindi ka hihingi ng anumang kapalit mula rito. Iyong kahit hindi ka din niya mahalin basta maging masaya lang siya. Marahang pinisil ni Carila ang kamay niya.

"Muli akong makiki-usap sa'yo, Kaze. Wag mong bibitawan si Shilo at ibigay kay Andria dahil alam kong hindi siya magiging masaya sa babaeng iyon. Alam ko din na may babaeng iniibig ngayon si Shilo ngunit hindi niya kayang magtapat. Kaya sana hintayin mo siya at wag mong hayaan na mapunta sa iba." Puno ng paki-usap ang mga mata ni Carila.

Umiling siya. Nais na niyang bumitaw dahil sa mga nalaman. Oo nga at mahal na mahal niya si Shilo ngunit paano naman siya? Sa loob ng tatlong taon, kay Shilo lang umikot ang mundo at puso niya. Hinayaan niya ang sariling masaktan at ayaw na niya. Minahal niya ng buong puso si Shilo pero ito na yata ang tamang panahon na kumawala siya sa nararamdaman. Ito na yata ang tamang panahon para isipin naman niya ang sarili. Shilo going to marry Andria and there's nothing she can do.

"Kaze...."

"My heart is already broken, Carila. Hindi ko na kaya pa ang sakit. Sa loob ng tatlong taon ay naghirap ang puso ko dahil kay Shilo. Umasa akong mapapansin din niya ako ngunit hindi iyon nangyari. At heto na nga, ikakasal na siya. Sa tingin mo may laban ako sa isang Andria?"

"Kaze, mahal ka ni Shilo."

Umiling siya. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Bakit naman siya maniniwala dito? Nais nitong manatili siya sa tabi ni Shilo kahit na nga ikakasal na ang tao.

"You should believe her, Kaze." Narinig niyang may nagsalita mula sa kanyang likuran.

Napalingon silang dalawa ni Carila. Nakita nilang seryusong nakatayo si Joshua at kasama nito si Anniza. Ngayon niya lang nakita si Joshua na ganoon kaseryuso sa isang paksa. 

"Joshua, akala ko nasa Japan ka?" tanong ni Carila.

Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi at hinarap si Joshua. "Wag mo naman akong bigyan ng dahilan para umasa."

"Manhid kasi kayo pareho ni Shilo. Hindi niyo napapansin na may pagtingin kayo sa isa't isa. Kami ngang kaibigan niyo napansin." Bumuntong hininga si Joshua. "Kaya nga ayaw kong maki-alam sa lovelife niyong dalawa. Ang gulo niyo kasi."

"Ikakasal na siya Sir Joshua."

"Ha!!!!" nanlalaki ang mga matang napatingin ito kay Carila.

Tumungo si Carila. "Bumalik si Andria at sinabing ikakasal na daw ito kay Shilo. Akala ko ba ay naayos na ito ni Shilo. Nagsalita na din naman siya tungkol sa issue na pagpapakasal niya dito. Bakit ngayon ay nandito si Andria at kasama pa niya ang ama? Ang sabi nito ay pag-uusapan nila ang kasal ni Andria at Shilo."

Umiling si Joshua. "Hindi talaga siya titigil? Gusto niya talagang pakasalan siya ni Shilo."

Tumungo si Carila. Napa-isip naman si Joshua. Para itong nag-iisip ng isang plano. Lumiwanag ang mukha ni Joshua at ngumisi sa kanila. Para bang may kalukuhan itong naisip ng mga sandaling iyon.

"Oh my! Ayaw kong malaman iyang naisip mong kalukuhan. Bye guys, kwento niyo nalang sa akin kapag naparusahan na ng ama nito ang lalaking iyan." Aalis na sana si Anniza ng hawakan ito ni Joshua sa braso.

"You are coming with me, Anny. Kailangan mo akong tulungan para sa kaligayahan ng kaibigan natin. Dapat natin ayusin ang kaguluhang ito." Hinatak na nito paalis si Anniza ng hindi nagpapaalam sa kanila.

Pilit naman kumawala si Anniza at nagsisigaw na wag itong idamay sa kalukuhan ng boss nito. Sinundan na lang nila ng tingin ang dalawang para ng aso't puso na nagsisigawan sa hallway ng canteen.

"Sinumpong na naman ba nang kabaliwan nito si Joshua?" tanong ni Carila.

Tumungo siya bilang tugon. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat gawin ng mga sandaling iyon. Naguguluhan na siya pagkatapos nang sinabi ni Joshua. Iyong sinabi niyang mahal din siya ni Shilo at manhid lang silang dalawa kaya hindi nila napapansin ang pagtingin sa isa't isa.

PABABA ng hagdan si Maze nang mapansin niya si Shilo na naka-upo sa sofa. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa puso niya. Kagabi pagkatapos umalis ni Joshua at Anniza ay umalis na rin siya kahit pa pinigilan siya ni Carila. Hindi pa siya handang harapin ito pagkatapos ng nalaman. Naguguluhan parin siya, hindi niya alam kung dapat na ba siyang sumuko o ipaglaban ito? Dapat ba niyang paniwalaan ang sinabi ni Joshua at Carila. Huminga siya ng malalim at babalik sana sa kanyang kwarto ng tinawag siya ni Shilo.

Napapikit siya ng mariin bago humarap dito. Nakatayo na ito sa gitna ng sala. Ngumiti siya rito bago ipinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan.

"Shilo, anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Seryuso siyang tinitigan ni Shilo. "Bakit umalis ka agad kagabi? Di ba sinabi kong sabay tayo kakain."

Lumukso sa tuwa ang puso niya. Hindi nito kinalimutan ang sinabing kakain sila ng sabay. Pero agad din niyang pinigil ang sarili. May kapalit ang kasayahang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Tumikhim siya.

"I'm sorry. Akala ko kasi lalabas kayo nina Andria." Sagot niya at umupo sa sofa.

May sarili siyang bahay kaya naman walang iisturbo sa kanina ni Shilo ng mga sandaling iyon. Hindi na rin naman niya kasama si China. May sariling bahay na rin ito na bigay ng totoo nitong ama. Nalaman niyang anak sa labas si China ng totoo nitong ama at ang totoong ina nito ay dating prostitute. Binigay si China ng totoo nitong ina kay Nanay dahil hindi ito kayang buhayin. Pagkatapos magpa-DNA test ng mag-ama ay agad itong kinupkop ng totoong ama habang ang ina nito ay ayaw makipag-usap kay China.

"Nangako ako sa iyo kaya tutuparin ko." Umupo sa tabi niya si Shilo at hinawakan ang kanyang kamay.

Napuno ng pagtataka ang gwapong mukha nito ng binawi niya ang kanyang kamay. Umatras siya palayo rito. Natatakot siya kapag malapit ito at hawak siya. Nagiging marupok siya pagdating dito. Nakakalimutan niya na sugatan ang puso niya at nais itong kalimutan.

"Iyon lang ba ang pinunta mo dito?"

"Galit ka ba sa akin?"

Napaangat siya ng mukha at napatingin kay Shilo. Lumarawan ang sakit sa mga mata nito. Biglang hinaplos ang puso niya. Nasasaktan din ang puso niya kapag ganito ang nakikita niya kay Shilo.

Umiling siya bilang tugon dito. "Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

"Dahil kay Andria."

Natigilan siya. Masyado ba siyang halata kahapon. Nakuha nito ang mensahe niya ng titigan niya ito ng masama. "Ah... H-hindi ah." Pilit siyang ngumiti dito.

"Ganoon ba." Umiwas ng tingin si Shilo. Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Maze, naniniwala ka ba sa sinabi ni Andria kahapon?"

Natigilan siya sa tanong nito. Anong sasagutin niya? 

"Dapat ba akong maniwala sa kanya?"

Tumingin sa kanya si Shilo at hinawakan muli ang kanyang kamay. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya iyon ibinawi. "Hindi totoo ang sinabi niya. Hindi ko pakakasalan si Andria pero may sinabi siya na  hindi ko alam kong dapat ko bang paniwalaan. Well, I don't know if what she said is true." Confuse written on Shilo's face.

"Anong ibig mong sabihin?"

"She said that I promise to her that I will marry her when we get old but I can't remember I promise that to her. Ang tanging naalala ko lang ay iyong pangako ko sa isang babae noong walong taon gulang palang siya at sigurado akong hindi si Andria ang babaeng iyon."

Hindi agad siya nakapagsalita. May babae ng pinangakuan si Shilo na pakakasalan. Kung ganoon ay wala na talaga siyang pag-asa dito.

"Baka si Andria talaga ang babaeng pinangakuan mo noong walong taong gulang palang siya."

Umiling si Shilo. "Naalala ko pa ang mukha ng babaeng pinangakuan ko ng kasal. At saka, ang sabi ni Andria, fourteen years old siya ng nangako ako sa kanya. Kaya alam kong hindi talaga siya."

"Kung ganoon, hindi mo pakakasalan si Andria?"

Tinitigan siya ni Shilo sa mga mata at ngumiti. "Oo. At sinabi ko na iyon kagabi sa kanya." Humigpit ang hawak ni Shilo sa kamay niya. "Maze..."

"Bakit?" bigla siyang binundol ng kakaibang kaba.

"Maari mo ba akong tulungan?"

"Tulungan saan?"

"Andria insist me to marry her and I accidentally told her that I already planning to marry someone. And that someone is you."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Para siyang nakakita ng multo sa sobrang gulat. Kulang nalang ay tumili siya. Sa lahat ng babae siya pa talaga ang sinabi nito kay Andria. Siya, papakasalan ni Shilo. Bakit siya?

"A-ano?"

"I'm sorry. Sobrang nadulas lang talaga ako kagabi at iyon ang sinabi ko sa kanila ng kanyang ama. Even Tito Andrie is pursuit me to marry her daughter. Ayaw ko naman makasal kay Andria. I don't love her."

"Kaya mo na isip iyon. Sa tingin mo maniniwala si Andria sa sinabi mo na papakakasalan mo ako gayong---"

"Naniwala siya." Putol ni Shilo sa iba niya pangsasabihin.

Bumuka ang bibig niya sa gulat. Bakit naman kay bilis maniwala ni Andria? Alam nitong dati siyang secretary ni Shilo. Alam din nito na magkaibigan lang siya ni Shilo, na walang kahit anong especially na emosyong namamagitan sa kanila ni Shilo. Umiling siya. Hindi talaga siya naniniwala sa sinabi ni Shilo. Alam naman kasi ng lahat na magkaibigan lang sila. Kahit ang kanyang ina ay hindi nag-iisip ng kahit anong tungkol sa kanila ni Shilo. Hinahayaan nga nito si Shilo na manatili ng hating gabi sa bahay niya dahil alam nitong magkaibigan lang silang dalawa.

Hinawakan ni Shilo ang balikat niya. "Maniwala ka sa akin, Maze. Kailangan kita ngayon. Tulungan mo akong patigilin si Andria."

"Akala ko ba naniniwala siya, bakit pinagpipilitan niya parin ang sarili niya sa'yo?"

"Dahil mahal niya daw ako. Gagawin niya ang lahat para makuha ako. Hindi daw siya makakapayag na ikasal ako sa iyo. Aagawin niya daw ako sa iyo."

Nakaramdam siya ng munting kirot sa puso. Andria already confesses but she was rejected. Siya kaya, kapag nagtapat kay Shilo, ano kaya ang magiging reaksyon nito. "Hindi mo ba talaga siya mahal? Kahit katiting lang?"

Umiling si Shilo. "Hindi ko mahal si Andria."

Hindi siya nakapagsalita. Pakakasalan siya nito. Iyon ang sabi nito kay Andria, at dapat ba niyang paniwalaan iyon? Tumikhim siya.

"Pakakasalan mo ako para tigilan ka na ni Andria?"

Tumungo si Shilo. "Magpapanggap tayo na magpapakasal hanggang sa tumigil siya."

"Shilo, nababaliw ka na ba? Magpapanggap tayo. That means, we are including our parents and friends in this mess. Hindi maaring hindi sila kasama sa binabalak mong pagpapanggap. At hanggang kailan ang pagpapanggap natin? Hindi pwedeng matagal ang engagement natin? Mahahalata lang ni Andria na nagpapanggap tayo kapag nagkataon."

"Alam ko pero ito lang ang naisip kong paraan para tigilan na ako ni Andria at saka nasabi ko na rin sa kanya. Kaya paninindigan ko na. Sabihin na lang natin na pareho tayong busy sa family business kaya wala tayong oras na asikasuhin ang kasal natin."

Napahawak siya sa noo niya. Gulo ang nais papasukan ni Shilo tapos madadamay lang ang mga taong malapit sa kanila. Ano na lang ang sasabihin ng kanyang ina at magulang nito kapag nahuli sila? Pretending to married  is not a joke. Siguradong may masasaktan pagnagkataon.

"Paano ang babaeng gusto mo? Di ba ang sabi mo kanina ay may pinangakuan ka ng babae ng kasal? Di ba gusto mo siyang pakasalan?"

Natigilan si Shilo na tanong niya. Nakita niyang nagbago ang emosyon sa mga mata. Kitang-kita niya kung paano nalungkot ang mga mata nito. Nasaktan naman siya sa nakita at nais batukan ang sarili dahil sa nagtanong pa siya ng ganoon. Bakit ba kasi hindi niya mapigilan ang sariling magtanong ng ganoon dito?

"Gusto ko siyang pakasalan, Maze. Tutuparin ko ang pangako ko sa kanya kaya kailangan ko munang makawala kay Andria. Kung totoong nangako nga ako kay Andria noon kailangan kong makawala sa pangakong iyon para mapakasalan ang unang babaeng pinangakuan ko." Tumitig sa kanyang mga mata si Shilo habang sinasabi iyon.

Agad siyang nag-iwas ng tingin para maitago ang nasasaktang damdamin. He really loves that girl. Talagang gagawa ito ng paraan para matupad ang binitiwang pangako sa babaeng minahal na kahit pa ang gamitin siya. At nasasaktan ang puso niya sa mga nalaman, hindi niya akalain na magiging ganito sila ni Shilo. Ang dating secretary nito na naging kaibigan at ngayon nga ay niyaya siyang magpanggap na fiancé nito.

Huminga siya ng malalim at tumingin kay Shilo. Itinago niya ang nasasaktang puso sa isang ngiti. "I help you. Magpanggap tayong dalawa na magpapakasal ngunit sa isang condition."

"Ano iyon?"

Hindi agad siya nakasagot. Her hands form into pist. Pinipigilan niya ang sariling wag umiyak sa harapan ni Shilo. "Don't make me fall in love to you. Dahil kapag nahulog ako sa'yo, hinding-hindi na kita pakakawalan pa. Magpapakasal tayo ng totoo."

That makes Shilo eyes wide. At seryuso siya sa sinabi. Dahil sisiguraduhin niya na totoong ikakasal sa kanya si Shilo. Hindi siya makakapayag na pakakasalan nito ang unang babaeng pinangakuan nito ng kasal.