Chapter 9 - CHAPTER SEVEN

NAG-AAYOS ng mga file sa isang kabinet si Mazelyn ng may babaeng dumating na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa kanya.

"Good morning, Ma'am. What can I do for you?" magalang niyang tanong dito.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. May pagkadisgusto sa mukha nito ng makita ang ayos niya. Ano bang mali sa mukha niya? As far as, she know, wala naman kapintasan sa kanya. Maganda naman siya kagaya ng sabi ng iba. Isang simpleng strip white and blue polo shirt na hanggang siko ang manggas at baby blue skirt na hanggang tuhod ang suot niya na binagayan ng half inch booth na kulay black. Hindi naman siya mukhang manang sasuot niya para mabahiran ng pagdisgusto ang mukha nito.

"I'm here for Shilo. Narito ba siya?" mataray nitong tanong sa kanya.

Hindi niya napigilan ang sarili na tumaas ang isang kilay sa tono ng boses nito. Umagang-umaga ay makakaharap pa siya ng masamang elemento.

"I'm sorry, ma'am but Sir Wang is not here today. May I know your name so that I can set you up an appointment?"

Natawa ng mapakla ang babae. "Me? Need to set an appointment" Lumapit pa lalo sa kanya ang babae. "Hindi mo ba ako kilala?"

"I'm sorry, ma'am but I don't know you."

Tumaas ulit ang kilay ng babae. "Then, remember my name. I'm Franz Andria Lee and I will be your next boss."

Tatanungin niya sana ito kung anong ibig sabihin nito sa mga sinabi ng dumating si Joshua na busy sa binabasang papeles. Buti hindi na dadapa ang isang ito sa ginagawa?

"Maze, nandiyan na ba si Shilo?" tanong nito na hindi nakatingin sa kanya.

"He won't be here today."

"Bakit? May meeting kami ma...." napatigil si Sir Joshua sa pagsasalita ng makita nito ang babaeng nasa harap ng mag-angat ito ng tingin. "A-Andria!"

"Hi, Joshua. How are you?"

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat na tanong ni Sir Joshua.

Kung ganoon ay kilala ni Sir Joshua ang babaeng ito. Kaya siguradong kilala din ito ni Sir Shilo. Bigla siyang nakaramdam ng munting kirot sa kanyang puso ng mapag-isip na may ibang babaeng kakilala si Shilo kahit pa nga hindi iyon imposible.

"Anong klasing tanong iyan, Josh? Hindi ka ba natutuwang makita ako? Kailan ba tayo huling nagkita, four years ago?"

"Four years. Apat na taon kang nawala at hindi nagpakita sa lahat. Anong ginagawa mo dito sa opisina ni Shilo?"

Umikot ang paningin ng babae sa buong opisina at tumigil iyon sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang pagkadisgusto sa mukha nito.

"Narito ako para dalawin ang fiancé ko. Namimiss ko na siya."

Biglang parang may bombang sumabog sa harap niya dahil sa sinabi nito. Fiancé? May fiancé na si Shilo? Hindi siya maaring magkamali sa narinig dahil malinaw na malinaw iyon. Nakita din niya sa mukha ni Sir Joshua ang takot na hindi niya alam kung para saan. Tumingin sa kanya si Sir Joshua bago muling tumingin kay Andria.

"Fiancé? Sino si Shan?" natatawang tanong ni Sir Joshua.

"Si Shan? Nandito na ulit siya?"

"Oo, at matagal na siyang kinasal..."

"Alam mong hindi si Shan ang tinutukoy ko." Inis na putol ng babae sa sasabihin ni Joshua.

Takot na tumingin sa kanya si Joshua. Lalo siyang naguluhan sa nangyayari at pinagsasabi nito. Bakit parang walang alam si Sir Joshua sa sinasabi ng babae?

"Let's go to near coffee shop. We need to talk." Seryusong sabi nito.

"Why? I need to talk to my fiancé. I need to talk to Shilo. Wait...."

Hindi na natapos ng babae ang ibang sasabihin ng hinila na ito paalis doon ni Joshua. Hindi na nagawang magpaalam sa kanya ni Joshua. Sinundan niya ng tingin ang dalawa. Kumirot ang puso niya at nais umiyak. Hindi pwedeng magkamali ang pagkakarinig niya. Fiancé ni Shilo ang babaeng iyon. Nakaramdam ulit siya ng munting kirot sa kanyang puso kaya agad siyang napahawak doon. May fiancé na ang binata. Kung ganoon ay ikakasal na si Shilo sa ibang babae. Talaga palang wala na siyang pag-asa dito. Pakiramdam niya ay sinasakal siya sa sobrang kirot, hindi niya namamalayan na tuluyan ng pumatak ang kanyang mga luha. Lagi na lang ba siya luluha ng dahil kay Shilo. Hanggang kailan siya masasaktan ng dahil sa lihim na pagtingin dito. Bakit ba kay hirap abutin ng isang Shilo Wang? Hindi ba pwedeng siya naman ngayon?

PAPASOK ng restaurant si Mazelyn ng may humawak sa kanyang siko. Kilala niya ang humawak sa kanyang siko ngunit hinila niya pa rin iyon para bawiin pero Shilo being Shilo, hindi siya nito binitiwan. Nakita niya din na sumeryuso ang mukha nito, tanda na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. Hindi na lang niya pinagpilitan na kumuwala sa pagkakahawak nito. Baka kung saan na naman mauwi ang usapan nila. Isang linggo na rin simula ng kilala niya ang fiancé daw nito. Isang linggo na rin siyang umiiwas kay Shilo. Kung totoo kasi na may babae na itong pakakasalan ay kailangan na niyang iwasan ito at subukan ilayo ang damdamin.

Alam niyang isang nakakatawang bagay ang ginagawa niya ngayon dahil kahit umiwas pa siya kay Shilo, hindi na maalis ang katotohanan na hulog na hulog na ang puso niya rito at bawat pag-iwas niya sa binata ay may hatid na kirot sa puso niya pero kailangan niyang sanayin ang sarili sa sakit na iyon. Alam niya kasi na kapag ipinagsabi na ni Shilo sa lahat na nakatakda na itong magpakasal ay katapusan na ng mundo niya. Siguradong guguho ang mundo at madudurog ang puso niya kaya habang maaga pa ay kailangan na niyang masanay sa sakit na hatid ng pag-ibig.

Umupo sila malapit sa glass window. Tahimik lang siya habang nakatingin si Shilo sa menu.

"Anong gusto mo, Maze?"

"Kahit ano?" wala sa mood na sagot niya.

Tumigil si Shilo sa pagtingin sa menu at tumungin sa kanya. "Stop acting like that. Ayaw mo naman sigurong magalit ulit ako, di ba?" may pagbabantang sabi nito.

Ngunit hindi niya iyon pinansin at tumingin lang siya sa labas. Narinig niya na napabuntong hininga si Shilo. "Isang mango juice at isang basong tubig, iyong malamig please!"

"That's all sir?"

"Yes! That's all. Mamaya na lang kami o-order ng pagkain pagdating ng mga kasama namin."

Pagkaalis ng waiter ay namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Shilo. Ang lakas ng loob niyang wag pansinin si Shilo kahit pa nga alam niyang magagalit dito. Siguro, gaanon talaga kapag nasasaktan, nagkakaroon ng lakas ng loob na lumaban sa taong minamahal. Alam naman niyang walang kasalanan si Shilo. Siya iyong tangang umibig dito kahit na napaka-imposibling mahalin din siya ng lalaki.

"Maze..."

Kakausapin na sana siya ni Shilo ng dumating ang ama nito na may kasamang isang napakagandang babae. Agad siyang tumayo at nagbigay galang sa ama nito.

"Good afternoon, Sir Wang." Bati niya.

"Mazelyn, kamusta na hija?" lumapit sa kanya ang matanda at inilahad ang isang kamay.

Masayang tinanggap niya iyon. "Okay lang po ako sir."

"That's good to hear." Tumingin ito sa babaeng kasama nito na parang natuklaw ng ahas na nakatingin sa kanya.

"Aliya." Tawag dito ni Sir Wang.

Napakurap ang babae at napatingin kay Sir Wang. "Yes!"

"I want you to meet, the most amazing secretary of my son, Mazelyn Reyes." Pakilala ni sir Wang.

"It's nice to meet you po, ma'am." Inilahad niya ang isang kamay.

Naiiyak na tinanggap ng babae ang kamay niya. Nakaramdam siya ng kakaiba sa hawak nito. Para bang napakasarap at para siyang nakaduyan sa magkakahawak pa lang nito. "It's nice to meet you too, Maze. I'm Aliya Lu, you can call me Tita Aliya."

Ngumiti lang siya sa sinabi nito. Hindi niya alam pero parang may kakaiba sa babaeng kaharap niya ngayon.

"Tita, upo na po kayo." Basag ni Shilo sa katahimikan.

Saka lang binitiwan ni Tita Aliya ang kamay niya. Nahihiya itong ngumiti sa kanya. Umupo ito sa tabi niya habang sa tabi naman ni Shilo ay si Sir Wang. Ang dalawang matanda na ang nag-order ng pagkain  nila. Habang naghihintay ay nag-uusap ang mag-ama tungkol sa negosyo. Sumasali naman si Tita Aliya. Nalaman niyang business partner ni Tita Aliya ang ama ni Shilo sa iilang negosyo ng nga huli. Nariyan ang cakeshop at real estate ni Tita Aliya na kung saan ay investor ang mga Wang. 

Nang dumating ang pagkain nila ay tahimik lang siyang kumain. Natigilan lang siya nang maglagay si Shilo ng isang ulam sa kanyang plato. Susuwayin niya sana ito ng bigla itong magsalita.

"Bawal kang tumanggi. Isang linggo ko ng napapansin na hindi mo kinakain ang mga pagkaing binibili ko para sayo." May bahid ng tampo ang boses nito.

"Kumakain na kasi ako sa canteen kaya hindi ko na nakakain ang mga inoorder mong pagkain. Akala ko kasi..."

"Akala? Alam mong maraming namamatay sa maling akala, Maze." Muli nitong nilagyan ng pagkain ang plato niya. "If you have problem to me, ask me. Wag kang mag-assume at agad na magtampo. Kaya ko naman sagutin ang mga tanong mo."

Para siyang tinamaan ng kidlat sa sinabi nito. Bakit pakiramdam niya ay kasalanan niya ang nangyayari? Mali ba talaga ang hinala niya na ito ang fiancé ng babaeng iyon na pumunta ng opisina. Wala din naman siyang narinig mula ng huling pumunta ang babaeng iyon. Hindi na rin ito bumalik ng opisina kahit na madalas na pumapasok nitong huling linggo si Shilo. Walang Andria na bigla na lang sumusulpot para makipag-usap kay Shilo.

"May problema ba kayong dalawa, hijo?" tanong ni Tita Aliya na nasa amin na pala ang atensyon.

Pareho kaming napatingin ni Shilo. "Wala po Tita. Sadyang matampuhin lang po talaga itong sekretarya ko."

"Matampuhin ka hija?"

"Parang ikaw lang din, Aliya. Kapag hindi nasunod ang gusto mo---"

"Tigilan mo ako Shawn." Pinagmulatan ng mga mata ni Tita si Sir Shawn. Umiling na lang ang matanda.

"Hindi po ako nagtatampo kay Sir Shilo. Iba lang po---"

"Hindi nagtatampo? Sigurado ka, Maze?" putol ni Shilo sa iba niya pangsasabihin.

Nararamdaman niya na naman ang namumuong galit mula rito. Sa lahat ng ayaw nito ay iyong nagsisinungaling. Hindi siya nakaimik. Yumuko na lang siya para itago ang pagguhit ng sakit sa kanyang mukha. Bakit ba alam nito kung kailan siya nagsisinungaling? Kailan pa ito natotong pag-aralan ang kilos niya?

"I'm sorry. If you feel embarrassed after what I did. Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko ng gabing iyon. Magtampo ka kung gusto mo dahil sa hindi kita kina-usap pagkatapos ng nangyari. Pero iyon lang ang alam kong paraan para hindi ka mailang sa akin ngunit nagkamali pala ako. I should tell you that I like what I did. At hindi lang bugso ng kung ano ang ginawa ko ng gabing iyon." Tumayo si Shilo.

Puno naman ng pagtataka siyang tumingin dito. Now, she is confuse. Hindi niya alam kung anong pinagsasabi nito. Hindi ba tungkol kay Andria ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Anong sinasabi nitong may ginawa ito sa kanya na hindi nito pinagsisihan? Bago niya pa matanong si Shilo ay umalis na ito sa mesa. Nagpaalam ito sa dalawang matanda bago tumungo sa deriksyon ng restroom. May nangyari ba noon na hindi niya alam?

"Pagpasensyahan mo na si Shilo, Maze. Kilala mo naman ang boss mo na iyon." Hingi ng pansensya ni Sir Shawn.

Tumingin siya sa boss niya at ngumiti lang ng bahagya dito. Napatingin ulit siya sa direksyon na tinahak ni Shilo. Nais niyang sundan ang binata para tanungin ito ngunit baka magtaka ang dalawang matanda kaya muli na lang niyang itinuon ang atensyon sa kinakain. Hindi naman nagtagal si Shilo sa restroom. Bumalik din ito pero masama pa rin ang timpla ng mukha nito. Kikibuin niya sana ang binata ng maglagay ito ng isang hiwa ng manok sa plato niya. Napatingin siya doon. Napuno ng saya ang puso niya dahil sa ginawa nito. Hindi na yata ito galit sa kanya.

"Thank you." Bulong niya.

Tumingin sa kanya si Shilo at ngumiti. Wala na ang gitla sa noo nito. Napangiti na din siya dahil mukhang okay na naman sila. Mamaya na lang siguro niya tatanungin ang binata pagkalabas nila ng restaurant dahil nakakahiya naman magtanong sa harap ng mga ito. Nagsimula na ulit siyang kumain. 

"Shilo, kailan magsisimula ang pagpapatayo ng hotel natin sa Bohol?" basag ng ama nito sa katahimikan.

"Next week na dad pero hindi ko iyon mamonitor dahil pupunta ako ng Paris para sa anniversary project ng isang sister company natin doon. I called Kuya yesterday to stand for me for awhile."

Napatingin siya kay Shilo. Hindi niya alam na aalis ito ng bansa. Bakit hindi yata nito sinabi iyon sa kanya? She is his secretary, she supposed to know that.

"Ganoon ba." Tumingin sa kanya si Sir Shawn. "Kasama mo ba si Maze?"

Sinulyapan siya ni Shilo at umiling. "I'm going alone. Mas kailangan si Maze sa opisina. I trust her in everything while I'm away."

Nakaramdam siya ng kalungkutan dahil doon. Hindi pala niya makakasama ang binata sa Paris. She should feel flattered because he trusts him but she can't. Iilang araw din niyang hindi makikita ang binata. Yumuko siya para itago ang nararamdaman na lungkot. Kung kaya niya lang sabihin dito na hindi niya kayang malayo dito ay sinabi na niya pero natatakot siya. She afraid to tell him what she feels inside.

"Hanggang kailan ka sa Paris?"

"One week or so, Dad. Aayusin ko din ang ilang bagay doon."

"Okay." Tumungo si Sir Shawn.

Hindi naman niya nagalaw ang kanyang pagkain. Nawalan siya ng gana dahil sa narinig. Pinaglaruan na lang niya ang manok na nasa plato pa niya.

"Busog ka na ba?" bulog sa kanya.

Nanigas siya sa kina-uupuan dahil sa pagbulong nito. Naramdaman niya pa kasi ang paghinga nito sa kanyang tainga. Shilo is too close to her. Bumilis at gustong kumawala sa dibdib niya ang kanyang puso dahil sa ginawa ng binata. Tumatama ang hininga ni Shilo sa tainga niya na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Something is travelling inside her body down to her stomach. Sa tingin niya ay namumula din ang kanyang mukha dahil na ngangapal iyon. What the hell is he doing?

Tumungo siya bilang tugon sa tanong nito. Hindi niya ito maharap dahil sa takot na baka kapag lumingin siya ay tumama ang kanyang labi dito. Nakakahiya iyon sa harap ng dalawang taong nasa harap nila. Ama pa rin ni Shilo ang nasa harap niya at siyang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahunan niya. Ano na lang ang sasabihin nito kapag nakita silang ganoon ni Shilo na siyang boss niya? Tumikhim siya at lumayo ng kunti sa binata.

Mukha naman napansin ni Shilo ang discomfort niya dahil umayos na din ito ng upo. Buti na lang at hindi pinansin ng ama nito ang ginawa ni Shilo. Nagpatuloy ang pag-uusap nila tungkol sa kompanya. Tita Aliya will be involving on MDHCG next project. A collaboration between the two companies and they will meet again for next plan. Naging tahimik na lang siya at pinakinggan ang mga sinasabi ng mga ito. Pagkatapos nilang kumain ay nanatili pa sila para sa uminum ng kape at magkwentuhan tungkol sa ilang bagay. She is drinking her smoothie ng maramdaman niya ang kamay ni Shilo sa hita niya. Napatingin siya doon bago tumingin sa binata. Nakatuon ang atensyon nito sa ama. Nagsalubong ang kilay niya sa ginawa nito. Aalisin na sana niya ang kamay nito gamit ang isang kamay ng bigla na lang iyon hulihin ng kamay nitong nakahawak sa hita niya. Pinagsalikop nito ang kamay nila at mahigpit iyong hinawakan.

Nanlaki ang mga mata na patingin siya doon. What the hell is Shilo doing? Ano bang nangyayari sa binata? Napatingin siyang muli dito. Wala siyang nabasang emosyon sa mukha nito na nakatingin sa ama. Pinilit niyang bawiin dito ang kamay dahil baka mapansin iyon ng mga taong kasama nila ngunit hindi ginawa ng binata. Nanatiling mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Hindi siya tumigil sa paghila ng kamay niya kaya tumingin sa kanya si Shilo ng kausapin ng ama nito si Tita Aliya.

"Stop it, Maze." Mahina ang boses ngunit matigas nitong sabi.

Natigil naman siya. Agad naman hinarap ni Shilo ang ama nito ng tumungin ang matanda. Ganoon sila ni Shilo, magkahawak kamay sa ilalim ng mesa hanggang sa matapos ang pag-uusap ng mga ito. Nagpapasalamat siya na walang napansin ang dalawang matanda sa kamay nila. Binitiwan ni Shilo ang kamay niya ng tumayo ang dalawang matanda. Sumabay sila sa mga ito palabas ng restaurant. Hinawakan naman siya ni Shilo sa siko.

Hinatid nila si Tita Aliya sa kotse nito habang ang ama ni Shilo ay nagpaalam na sa kanila. Magkaibang direksyon daw naka-park ang kotse nito. Humarap sa kanila si Tita Aliya ng mabuksan ang kotse nito.

"I enjoy eating lunch with you two parang hindi lunch meeting itong pinuntahan ko." Sa kanya nakatingin ang babae.

Ngumiti siya dito.

"Masaya ako at ganoon ang nararamdaman mo, Tita. I miss eating lunch with you, Tita."

Tumingin si Tita Aliya kay Shilo. Hinawakan nito ang pisngi ng binata. "I'm happy you get the position you wanted, Shilo. Thank you for the dinner date and  white roses you given me the last time. I love it."

Napatingin siya kay Shilo. Si Tita Aliya ba ang kasama nito noong nakaraan. Iyong inayos niyang dinner date ay para kay Tita Aliya. Nanlaki ang mga mata niya.

"Anything for you, Tita." Yumakap si Shilo kay Tita Aliya.

Gumanti si Tita Aliya ng yakap sa binata pero kumalas din agad. "Let's eat dinner once you comeback from Paris. Isama mo si Maze." Tumingin sa kanya si Tita Aliya. "I want to know you more, hija."

Niyakap siya ni Tita Aliya na ikinagulat niya. Ilang sandali din siyang natigilan bago gumanti ng yakap dito. Naramdaman niyang hinagod nito ang buhok niya bago siya pinakawalan. Ngumiti ito ng ubod tamis.

"It's nice to meet you again, hija." Tumingin it okay Shilo. "Drive safely." Paalala nito kay Shilo.

"Opo." Natatawang sabi ni Shilo. Ito na ang nagbukas ng pinto ng kotse ni Tita Aliya.

Sumakay na din si Tita. Kumaway muna ito sa kanila bago tuluyan silang iniwan nito. Sinundan nila ni Shilo ng tingin ang papalayong kotse ni Tita Aliya.

"Let's go."

Tumingin siya kay Shilo at tumungo. Mabilis na hinawakan ni Shilo ang kamay niya at ipinasok ang mga daliri nito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Natigilan siya at napatingin sa kamay nilang dalawa.

"S-Shilo..."

"Let me hold your hand like this for awhile, Maze."

Hinila na siya ni Shilo papunta sa kotse nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod dito. Hindi na niya tinangka pang bawiin ang kamay dito. Gusto din naman niya kasi ang pagkakahawak nito sa kamay niya. She feels so happy. She feels safe. She feels comfortable and contended. Kahit ngayon lang nais niyang pagbigyan ang saliri. Kahit ngayon lang nais niyang alisin sa kanyang isipan ang katotohan na may ibang nagmamay-ari sa binata. Na tuluyan na itong mawawala sa kanya kapag pinakasalan nga talaga nito ang babaeng iyon. She wants to be selfies and let her heart decided.

'Kahit ngayon lang gusto kong isipin na may nararamdaman ka sa akin, Shilo.'  Aniya sa kanyang isipan.