Chapter 10 - CHAPTER EIGHT

KATATAPOS lang ni Maze maghalf bath at sinusuklay niya buhok ng tumunog ang phone niya na nakapatong sa kanyang kama. Tumayo siya at kinuha iyon. Napangiti siya ng mabasa ang pangalan ng taong nag-text. Shilo texted her if she is already home.

Umupo siya sa kama at nagreply dito.

'I'm home now.'

Nagulat siya dahil gumanti agad ito ng text.

'That's good to read. Did you ride a taxi o Joshua ride you home?'

Napangiti siya sa text nito. May naramdaman siyang kiliti kaya napahiga siya sa kama. What's up with Shilo? Kagabi lang ito umalis papuntang Paris. Kanina paggising niya ay nabasa niya ang text nito na nagsasabing nasa hotel na ito at matutulog muna. Kapag may kailangan siya ay agad itong itext na hindi niya ginawa. Wala naman kasing nangyaring aberya sa opisina para tawagan niya ito. Dumating din naman kanina sa main office si Sir Shan para tingnan ang mga ilang kailangan i-check. Kaya hindi na din niya tinext ang boss ay dahil alam niyang pagod ito sa byahe at anim na oras ang pagitan ng mga oras nila. Shilo have a busy day ahead.

'Nagtaxi ako. Ayaw kong sumabay kay Joshua. Ang ingay nila ni Anniza at ayaw kong maging referee ng dalawa.'

When she hit send she hugs her phone. Napupuno ng kasayahan ang puso niya dahil lang sa simpleng palitan nila ng text ni Shilo. Ayaw niyang umasa ngunit iyon ang nararamdaman ng puso niya. Bahala na talaga. Saka na niya isipin ang consequences, sa ngayon ay susulitin niya ang mga sandaling ganito sila ni Shilo sa isa't-isa. Natigilan siya ng tumunog ang phone niya. Tiningnan niya ang screen ng phone niya at nanlaki ang mga mata ng makita ang pangalan ni Shilo.

He is calling her… Bakit siya nito tinatawagan? Tumikhim muna siya ng ilang sandali at huminga ng malalim bago sinagot ang tawag nito.

"Good evening sir Shilo." Bati niya. Buti na lang talaga at hindi siya nautal. Ang bilis ng tibok ng puso niya tapos nakaramdam siya ng kiliti sa talampakan niya. She is already Twenty-three and not a teen for crying out loud.

"It's afternoon here, Maze. So good afternoon to you." May himig ng pagbibirong sabi ni Shilo.

Kinagat niya ang ilalim ng kanyang labi para pigilan ang sariling tumawa. "Ganoon ba. Bakit ka napatawag, Sir Shilo?"

Saglit na tumahimik sa kabilang linya. "I just want to check on you."

Humiga siya sa kama niya. Nilaro niya ang dulo ng buhok niya. "Check on me. Why?"

May narinig siyang mahinang tunog sa kabila. "Bawal bang malaman kung okay lang ang sekretarya ko. Alam kong mahirap sa opisina kapag wala ako."

"Well, wala naman nangyaring kakaiba ngayong araw at saka sumilip ngayong araw si Sir Shan. Siya ang pumirma ng ilang papeles na kailangan na ng pirma mo bilang approval."

"Buti naman at pumunta si Kuya."

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Shilo. Pinakinggan niya ang paghinga nito. Nakaramdan siya ng kaginhawahan. Naging musika sa pandinig niya ang paghinga nito. Lalo niyang kinagat ang kanyang ilalim na labi. She feels new emotion that she can't name.

"Hindi ka ba ginulo ngayong araw ni Joshua?" Tanong ni Shilo.

"Ahm… Hindi naman. Busy iyon ngayon dahil maraming applicant. Maraming nag-apply sa hotel na bubuksan natin sa Palawan. Agency already give us the list of possible candidate and Joshua interview some of them." Pagbabalita niya.

"Okay. Tell Joshua to check every applicant. Wag siyang basta magtiwala lang sa recommendation ng agency. Kailangan natin ng magaling na staff. We need to maintain the credibility of our hotel."

"I tell him tomorrow. " napangiti siya.

Muling tumahimik ang kabilang linya kaya muli niyang kinagat ang kanyang labi. Pinaglalaruan niya iyon. Hindi niya naman alam kung ano ang sasabihin kay Shilo. She doesn't know what to ask. Shilo never called him before. Ito ang unang pagkakataon na tinawagan siya nito habang nasa ibang bansa ito. Kapag pumupunta ito ng China para silipin ang ilang negosyo ng mga Wang doon ay hindi siya nito tatawagan. Saka niya lang ito makakausap pagbalik niya. No text and no called when his out of the country. 

"Are you sleepy?" 

Hindi siya nakasagot sa biglang tanong niyang iyon. Napa-ayos siya ng higa. Normal lang boses ng  binata pero kakaiba ang hatid ng tanong nito sa puso niya. Ano ba itong ginagawa sa kanya ni Shilo?

"No. Mamaya  pa ako makakatulog. K-kamusta pala flight mo kanina?" nakagat niya ang kuko niya dahil may bahid ng lambing ang boses niya.

"My flight is tiring but it was fine. Did you eat your lunch on time?"

"Oh… Hindi ko namalayan ang oras kanina pero kumain naman ako. Maraming trabaho kanina sa opisina."

"Don't do it again. Eat your lunch on time that's an order from your boss."

Natawa siya sa sinabi nito at alam niyang narinig nito iyon. Agad naman niyang tinakpan ang bibig. Kinalma niya ang sarili. "Yes, Sir Shilo. Hindi ka ba busy sir?"

"I'm currently in a café right now, drinking my afternoon coffee. I miss your coffee."

Natigilan siya sa huling sinabi nito. Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakarinig niya. Mahina kasi ang pagkakasabi nito kaya hindi masyadong malinaw sa kanya. Parang hindi tama ang pagkakarinig niya ngunit kahit ganoon ay tumibok pa rin ng mabilis ang puso niya.

"Enjoy your afternoon coffee then. Anong oras pala magsisimula ang party?"

"Later at 7pm. I will pick up my coat later."

Nakagat niya ang daliri ng maisip ang maaring suot mamaya ni Shilo. Siguradong pagtitinginan ito ng mga tao. Shilo looks good in suit and tie. Matangkad din ito kaya siguradong agaw pansin ito mamaya. Nakaramdam siya ng paghihinayang dahil hindi niya makikita ang binata mamaya. Sana sinabi niya dito na sasama siya at baka kailanganin siya nito ngunit baka ikagalit lang nito ang gagawin niya.

"Are you still there, Maze?"

"Yes. May… may nakita lang ang daga."

"Hindi ka yata tumili."

"Ha!!!" Shit… sa lahat ng pwede niyang gawing alibi ay iyon pa ang naisip niya. Stupit Maze. Really stupid. "Ano…"

"You're not scared of rats. That's new." Natatawang sabi ni Shilo. "Every girl scared of rats."

"Ah… daga lang naman kasi iyon. They don't bite."

Tumawa ng malakas si Shilo na ikinagulat niya. Shilo laugh hard. This is the first time. Ngayon niya lang narinig na tumawa ng ganoon si Shilo. He seldom smile so it really hard to believe that he's laughing. Oh! How she wishes that she was in front of him to see his face. 

"You already complete my day, Maze."

Shit! Nais niyang tumili dahil sa sinabi nito. Lumukso ang puso niya. He is not talking to Shilo. Hindi yata si Shilo ang kausap niya. Napaka-imposible na maging ganoon si Shilo sa kanya pero tama ang nakarehistrong numero sa phone niya. Maliban na lang kung may nagpalit ng pangalan nito sa phone niya. But his voice is Shilo. Hindi niya maipagkakamali ang boses nito kahit kanino.

"I need to go, Maze. My choufer is here. Don't forget to text o call me if something happen. Okay?"

"Yes, Sir Shilo."

"Take care, Maze. Have a good night."

"You too, Sir."

"See you soon, Maze."

Natawa siya ng mahina buti na lang at tinakpan niya ang mouth piece. "See you soon, Sir. Enjoy the party. Goodbye." Siya na ang pumatay ng tawag.

Impit siyang tumili at gumulong-gulong sa kama niya sa sobrang sayang nadarama. Her day is also complete because of that call. She can't believe she talk to Shilo like that. Sana makatulog siya ngayon gabi sa sobrang kasayahan na nadarama niya. Sana ganito na lang lagi. She is surely have a peaceful night. Napangiti siya at nayakap ang phone niya. She can't wait to see Shilo again.

MAY binabasa na papeles si Maze ng may kumatok sa table niya. Napa-angat siya ng tingin at nakita niyang nakatayo ang naka-cross sa dibdib ang braso na si Sir Joshua.

"Yes, Sir. May kailangan po kayo?"

"Your boss called me and said that I need to drag you to the cafeteria."

Nagsalubongang kilay niya. Iniangat nito ang braso at pinakita ang waist watch nito.

"It's already lunch time and you need to eat now." Umikot si Joshua papunta sa kanyang likuran ang hinawakan ang magkabilang balikat niya at sapilitan siyang itinayo.

"Sir Joshua…" tili niya.

"I know how hard working you are but your boss is scarier when he was mad so you better come and behave." Sabi niyo at hinila na siya.

Wala siyang nagawa kung hindi ang sumama dito. Buti na lang at wala ng empleyado sa floor nila dahil siguradong pag-uusapan siya ng mga ito. Tama na iyong pinag-uusapan nila ang pagiging malapit nila ni Shilo. Pagdating nila sa cafeteria ay maraming tao ang naruruon. Lahat kasi ng empleyado ng MDHCG ay naruruon kaya nga minsan ay late na siya kumain. Ayaw niyang makipagsabayan sa mga ito. Hinila siya ni Joshua sa isang mesa. Nakita niya doon si Anniza at ilang staff ng HR department. Mukhang sila ang makakasama niya sa pagkain ngayon. Umupo siya sa tabi ni Anniza.

"Maze, anong gusto mong kainin?" tanong ni Joshua.

"Anything would be alright." Sagot niya. Hindi naman kasi siya mapili sa pagkain.

"Okay." Yumuko si Joshua kay Anniza. "How about you, babe? What do you want to eat?"

Tumingin si Anniza kay Josua. "I already order."

Sumimangot si Joshua at tumayo ng tuwid. "Hindi mo ako hinintay."

"Ang tagal mo kasi. Nagugutom na ako."

"Pahamak kasi si Shilo. Ako pa ang inutusan." Tumalikod na si Joshua para kumuha ng pagkain nila.

Sinundan na lang niya ng tingin si Joshua pero agad din nawala dito ang atensyon niya ng kinalabit siya ni Anniza. Tumingin siya sa kaibigan.

"Hanggang kailan ang boss mo sa Paris?"

"Next week pa siya babalik. May aayusin din kasi siyang trabaho doon." Sagot niya.

"Ang tagal naman niya. Siguradong pipistihin nito araw-araw si Joshua."

"Paano mo nasabi?"

Tumingin sa kanya si Anniza at hinawakan siya sa braso. Inilapit nito ang mukha sa kanya. "Pababa na kami dito kanina ni Joshua ng tumawag siya at inutusan ang pobre niyang pinsan na puntahan ka. Sinabing siguraduhin daw na kakain ka ng tanghalian sa tamang oras."

Alam niyang sinabi na iyon ni Joshua kanina ngunit nagulat naman siya. Ginawa ba talaga ng boss niya iyon? Hindi ba tinanong siya nito kagabi ang tungkol sa pagkain niya ng tanghalian at sinabihan siya nitong kumain sa tamang oras. Kung gaano ay sinugurado talaga nito na kakain siya sa tamang oras. Makagat niya ang mga labi para pigilan ang sarili dahil may umuusbong na kiliti sa puso niya. Kinikilig siya sa ginawa ng binata. Hindi siya nagsalita at kinalma ang sarili para hindi mapansin ni Anniza na kinikilig siya. 

Akala niya ay may sasabihin pa ang kaibigan ngunit wala na. Naging abala na ito sa pagkain na hinatid sa kanila ng cook. Dumating din naman agad si Joshua kasunod ang isang cook ng cafeteria. Kapag nasa top position ka ng mga Wang ay special ang treatment. Kagaya na lang ng mga sandaling iyon. Self-service sa cafeteria pero hinahatiran sila ng mga cook para hindi na sila maghintay sa serving area. It's one of the privileged they get inside the company but it not happens all the time. Madalas pa rin kasi silang kumakain sa labas lalo na kapag sinasama sila sa lunch meeting. Ang ibang top manager ay sa labas pinipiling kumakain kaya kunti lang ang may mga special treatment na nangyayari. 

Habang kumakain sila ay nakikipagkwentuhan silang mga staff. Hindi lang siya makasabay sa mga ito dahil parehong mga HR staff ang kasama niya. They talking about the applicant today. Doon niya naalala ang sinabi ni Shilo kagabi.

"Sir Joshua, tumawag pala si Sir Shilo kagabi at ang sabi niya ay piliin daw mabuti ang kukunin natin aplikante. Wag daw tayong umasa sa recommendation ng mga ahensya."

Napatingin sa kanya ang lahat ng naroroon. Nagtatanong ang mga titig ng mga ito. Nagsalubong ang kilay niya. Bakit ganoon sila kung makatingin sa kanya? Wala naman masama sa sinabi niya.

"Tumawag sa iyo si Shilo kagabi?" gulat na tanong ni Joshua.

Nakita niya ang pagkaguhit ng pagkagulat sa mukha nito bago ito tumingin kay Anniza. Napansin niya ang kakaibang tingin ng dalawa.

"May problema ba?"

"Nothing, Maze. Nagulat lang ako. Alam mo na." tumaas ang dalawang balikat ni Joshua. "Shilo never call if his out of the country but he called you last night and he called me today."

"And it's all because of you." Dagdag ni Anniza sa sinabi ni Shilo.

Nang init ang mukha niya dahil sa sinabi ng mga ito. Nag-iwas siya ng tingin at napa-inum ng tubig. Narinig niyang tumawa si Joshua. Naging tahimik naman ang mga tao sa table nila. Napayuko naman siya. She should said that. Mukha ngang iba ang iniisip ng mga ito. Joshua and his crazy mind trick. Tumikhim siya. Hindi pwede na iba ang isipin ng mga kasamahan niya patungkol sa kanila ni Shilo. Wala naman kasi talaga. Malinis ang konsensya niya kahit pa nga totoong may gusto siya sa boss nila.

"Ano bang sinasabi niyo?" tumawa siya kahit parang napipilitan lang. "Gusto lang masigurado ni Sir Shilo na maayos ang lahat lalo na at siya ang Presidente ng kompanya."

Tumawas ang kilay ni Joshua at ngumisi. "You said so, Maze. Malay ba namin kung anong pinag-usapan ninyo kagabi. Basta tumawag lang siya sa akin kanina at sinabing pakainin kita." 

Nais niyang batukan ang sarili. Sana tumahimik lang siya dahil parang ginatungan lang niya ang iniisip ng mga ito. Yumuko siya. Nakalimutan niyang wala nga palang nanalo kay Joshua pagdating sa asaran. Hindi na lang siya nagsalita hanggang sa matapos silang kumain. Siya ang unang nilisan ang cafeteria. Hindi na niya kinaya ang atmosphere sa table nila. Pahamak kasi talaga si Joshua. Nakalimutan niyang magaling pala sa asaran ito.

Pagka-upo niya sa table niya ay agad niyang inabala ang sarili para makalimutan ang nangyari kanina sa cafeteria. Mabuti nalang at marami siyang gagawin kaya naman mabilis niyang nakalimutan ang mga bagay na iyon. Gumagawa siya ng kape niya ng tumunog ang phone niya. It's already 3o'clock in the afternoon. Kinuha niya sa bulsa ng suot na office coat ang phone niya. Napasinghap siya ng makita ang pangalan ni Shilo. Tumingin muna siya sa loob ng pantry kung may kasama siya bago sinagot ang tawag nito.

"Hello, Sir."

"Good morning, Maze."

"Good afternoon here, Sir Shilo."

"Oo nga pala."

Napangiti siya. Kinikilig na naman ang puso niya. "Napatawag po kayo? May kailangan po ba kayo?"

"Is everything okay there?"

"Okay naman po. The usual." Sumilip siya sa pinto. Nag-aalala siya na baka may biglang pumasok ng pantry.

"That's good to hear." Narinig niyang may kinausap si Shilo. "Sorry about that."

"It's okay."  Naglakad siya malapit sa pinto at sumilip. Nang makitang busy ang mga tao sa labas ay isinara niya ang pinto ng pantry.

"Sinundo ka ba ni Joshua kaninang lunch?"

"Oo. Hindi mo na sana iyon ginawa." Huli na para bawiin niya ang sinabi. Hindi niya dapat sinasagot ng ganoon si Shilo. Masyado na nga talaga siyang komportable dito.

"I need too. Baka late ka naman kumain. Masama iyon sa kalusugan mo. I need an efficient secretary, remember."

"Okay po. Maaga ka yatang nagising kanina. Hindi ba late natapos ang party kagabi?"

"I get home early." Natahimik ang sa kabilang linya tapos may narinig siyang ingay.

Nagsalubong ang kilay niya dahil wala siyang maintindihan sa mga sinasabi sa kabilang linya. Parang inilayo ni Shilo ang phone nito o malayo dito ang phone. Baka may nakitang kakilala si Shilo at bigla itong hinarap. Ibaba na sana niya ang phone at e-text na lang ang binata ng muli itong nagsalita.

"Sorry about that. I need to go. May kailangan akong puntahan."

"Okay. Ingat po ka—" hindi na niya natapos ang sinasabi ng namatay ang tawag.

Napatingin siya sa phone. Nalungkot siya dahil hindi man lang pinatapos ni Shilo ang sasabihin niya. Hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos dito. Napabuntong hininga siya. Baka busy nga talaga ang boss niya. Marami siguro itong kailangan tapusin doon. Nagkibit balikat nalang siya at nilapitan ang kapeng ginagawa kanina. Buti na lang at mainit pa iyon kahit paano.

Kinuha niya iyon at bumalik na sa table niya. Marami pa siyang tatapusin. Kailangan niyang basahin lahat ng papeles na kailangan pirmahan ni Shilo pagbalik nito mula Paris. 

Nasa kalagitnaan siya ng paggawa ng letter para sa proposal nila sa isang investor ng may narinig siyang nagkakagulo sa isang table. Napatingin siya sa direksyon ng mga ito. Nagsalubong ang kilay niya dahil kitang-kita ang pagkagulat sa mukha ng mga ito. Mukhang may nalaman na naman na tsismis ang mga ito. Napa-iling na lang siya at hinayaan ang mga ito. Ngayon lang naman iyon dahil kapag bumalik na si Shilo ay balik naman sa pormal at tahimik ang opisina. Takot ang mga empleyado kay Shilo. Strikto pa rin kasi ito pagdating sa oras ng trabaho.

Tatayo na sana siya para ipasok ang isang kontrata sa opisina ni Shilo ng lumapit sa kanya ang isa sa mag empleyado.

"Ma'am Maze, tingnan mo ito." Inilahad nito ang phone sa kanya.

Tiningnan niya iyon at napasinghap siya ng makita ang larawan na bumungat sa kanya. Nakuha niya ang phone ng wala sa oras. Umawang ang labi niya at nanginig ang kamay niya ng makita ang pagkakahawak ng babae sa braso ni Shilo. Hindi siya pwedeng magkamali si Andria ang babaeng iyon. Magkasama ang dalawa. Kailan?

She scrolls the article and she is more shock when she read what written on the article. 

'Andria Lee, heiress of The Sand Empire and Shilo Chauzo Wang, President of Meile De Hua Group of Companies was spotted last night at the annual anniversary of Pariston Grand Hotel. The two couple walked together inside the venue. Ms. Lee was escorted by Mr. Wang and according to the organizer of the event Mr. Wang partner for that night is Ms. Lee. People who come to the said event assumed that the two are dating. Lee family is a good friend of Wang Family and both are in business industries. We tried to talk to Mr. Wang that night but he left the venue earlier and Ms. Lee was not spotted after Mr. Wang left.

A closed friend of two said to us that the two couple is engaged and soon-to-be married. 

Nanginginig ang mga kamay na ibinalik niya ang phone kay Jammy. Hindi na niya tinapos ang pagbabasa ng article na iyon. Nakatingin sa kanya si Jammy na puno ng katanungan. Marahil ay nagtataka ito sa reaksyon niya. She tried to compose herself and hide her emotion. Hindi ba at sanay na siyang magpanggap na walang nararamdaman. Tumikhim siya at tumingin dito.

"I already k-know that." Na-utal niyang sabi.

Nais pumatak ng mga luha niya ngunit pinigilan niya ang sarili. Kinurot niya ang kayang hita para pigilan ang emosyon. She can't break down now. Siguradong magtataka ang mga empleyado ng kompanya. Hindi kailangan malaman ng mga ito na nasasaktan siya.

"Alam mo na? Alam mong engage si Sir Shilo." Napalakas ang boses ni Jammy kaya napatingin sa kanila ang mga empleyado.

"Pumunta si Ms. L-Lee minsan dito sa opisina at nagpakilala."

"Wow!!!" hindi makapaniwalang sabi ni Jammy. Muli nitong pinagmasdan ang larawan. "Ang ganda ng fiancé ni Sir Shilo. Siya siguro ang dahilan kaya nagbago bigla si Sir."

Hindi siya nakapagsalita. Nanatili lang siyang nakatayo doon habang nadudurog ang puso niya. Naisin man niyang magwala ay hindi niya magawa. Gusto niyang sumigaw at sabihin na nasasaktan siya ay hindi pwede.

"T-tigilan mo na iyan, Jammy. Bumalik ka na sa trabaho mo."

Tumingin sa kanya si Jammy at tumungo. Naglakad na ito palayo sa kanya. Doon lang siya nakagalaw. Humakbang siya ng isa ngunit bigla siyang natumba dahil sa nanginginig na tuhod. Napaupo siya sa sahig ng opisina. Nasagi niya pa ang baso niyang may lamang kape at tumapon iyon. Nakarinig siya ng malakas na pagsinghap.

"Ma'am Maze!" sigaw ni Jammy.

Ito ang unang nakalapit sa kanya dahil hindi pa ito nakakalayo. Hindi na niya pinansin ang mga naging reaksyon ng ibang empleyado. Nakatulala na lang siya doon at hinayaan ang kanyang mga luhang dumaloy. She can't hold it anymore. Sobrang sakit ng puso niya. She is in pain and she let it all out. Bahala na sa iisipin ang ibang tao. Nais niya lang na umiyak at ilabas ang sakit na nadarama.