"MISS, are you okay?"
She felt her hair rise when she heard that sexy voice. May accent iyon pero kakaiba. Hindi naman niya mawari kung bakit kakaiba. Siguro ay dahil sa pagkakabigkas nito sa mga salita o di kaya ay dahil sa namamaos nitong boses.
Pwede ring dahil napakaswabe nitong magsalita. O kaya ay dahil naaamoy niya ang mabango nitong hininga kahit nakapikit siya. Ramdam din niya ang kamay nitong nasa likod niya tanda na inangat siya nito at malamang na kinakalong nang mga sandaling iyon.
As much as she wanted to open her eyes to look at the man who would be forced to save her later on, nagkunwari pa rin siyang walang malay. She would only open her eyes if those thugs would leave her alone. Naramdaman niya ang pagyugyog nito sa balikat niya. Sa loob loob niya ay sinisinghalan na niya ito. Bakit ba hindi pa siya nito binubuhat papunta sa sasakyan nito?
"Boss, may problema ba?"
Nanigas siya nang marinig ang tinig ng lalaking kampon ni Mayor Daguio na lumapit sa kanila. Oh no, this is bad! Agad niyang iminulat ang kanyang mga mata para bigyan ng kaunting common sense ang lalaki at mailayo siya agad sa lugar na iyon.
"Oh, you're awake!" bulalas ng lalaking kasalukuyang kalong siya.
No, she wasn't. Nananaginip lang yata siya. O baka nasa langit na siya? An angel—a sweet fuckin' sexy angel. Napatitig siya sa pinakagwapong mukhang nasilayan niya sa buong buhay niya. She's never been breathless just by looking at someone's eyes.
His aqua blue eyes were piercing—right through her thudding heart. Sa hitsura pa lang nito ay natitiyak niyang may lahi itong banyaga. He had white and flawless skin. No freckles, yum! May kalaparan ang panga nito, which made him look stronger and masculine. He had hazel brown hair that looked really soft, parang kaysarap haplusin.
How would it feel if she fisted that hair while he kissed her? She stared at his thin, reddish lips. Napalunok siya. Halatang hindi iyon sanay ngumiti ngunit nakapagtatakang nakakapagpakabog ng dibdib niya ang bawat pagkibot niyon. He had chiselled nose, parang matutusok yata siya sa tangos niyon. Her eyes went back into his cold eyes.
Nakakatakot itong tumingin. Para bang ang laki ng galit nito sa mundo. Nakakapaso kung makatingin ang matalim na tingin nito. His eyes were the sexiest eyes she's ever seen in her twenty-six years of existence. Sexy and enticing.
"Are you okay?" nag-aalalang ulit ng lalaki sa tanong nito kanina.
Then she remembered the reason she was faking a fainting-act. Dapat nga pala niyang takasan ang mga humahabol sa kanya. Tiyak niyang hindi siya magagalaw ng mga ito hangga't may ibang taong nakakakita sa kanila—or at least, it'd buy her more time to think of a way to escape. Isa pa, mukhang mayaman ang lalaking muntik nang makabangga sa kanya. Pasimple niyang sinulyapan ang kotse nito. Hindi man niya alam ang modelo niyon ngunit natitiyak niyang mamahalin iyon dahil na rin sa makintab iyon at halatang bago.
"H-help..." anas niya. Napakunot ang noo ng gwapong lalaki. Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa batok nito. "My head hurts like hell," she cried.
Napakurap ito. Pagkunwa'y napapalatak na tila ba noon lang ito nagising mula sa pagkakatulog. Nabahiran ng pag-aalala ang mukha nito.
"We should go to the hospital," bulalas nito.
Lihim siyang napangiti nang buhatin siya nito. Ni hindi nito binalingan ang mga lalaking humahabol sa kanya. Basta na lang nitong binuksan ang pinto ng kotse nito at ipinasok siya roon. Ngunit bago pa man ito makasakay sa kotse ay bigla itong nilapitan at hinawakan sa braso ng isa sa mga lalaking humahabol sa kanya.
"Saan mo naman dadalhin iyang babae?" tanong ng isang goon.
"If I were you, I'd take that filthy hand off my arm," maangas na sabi ng lalaking hinarang niya. Biglang naningkit ang mga mata nito at pinukol ng nagbabantang tingin ang goon.
"Uy, Godo. Hayaan mo na iyan. Baka mayari tayo nito kay boss. Mukhang mayaman 'yan eh. Mamaya ipakulong tayo bigla," bulong ng isa pang goon sa kasama nito.
Maangas na binitiwan ng goon ang kamay ng Ingliserong lalaki. Mayamaya ay napatingin ito sa gawi niya kaya agad naman siyang pumikit at nagkunwaring tulog.
"Putcha naman kasi eh! Bakit may dumating pang pakialamero? Kapag hindi totoong estudyante iyang babaeng 'yan, yari talaga tayo kay boss," angil ng goon sa kasama nito.
Biglang nagkatinginan ang dalawang goons. She sensed something bad about those tricky looks those thugs gave them. Napamura siya. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at tsaka sinigawan iyong Ingliserong lalaking nagligtas sa kanya.
"Get in, you fool! Get in fast and let's get away from them before a herd of goons comes here to get us!" natatarantang sigaw niya.
Nasundan ang sigaw niya nang biglang undayan ng goon ang lalaki. Hindi ito nakaiwas kaya nasapol ito sa mukha. Napamura ito bago nanggigigil na napabaling sa sumuntok rito.
"Dammit! You'll gonna pay for this, bastard!"
Isang malakas na suntok sa mukha ang ibinalik nito sa sumuntok rito. Sinundan nito iyon ng isang matinding sipa at isa pang suntok sa tagiliran ng goon. Nang matumba ito sa kalsada ay sumunod naman nitong binalingan ang isa pang goon. Namangha siya sa lakas na ipinamalas nito. Ni hindi nagawang makabawi ng mga goons rito.
Habang pinupunasan nito ang gilid ng labi nitong pumutok nang masuntok ito ng isang goon ay napadako ang tingin nito sa grupo ng mga goons na tumatakbo papalapit sa kanila.
"Get back here! Let's run!"
"I can take them all down!" mayabang nitong sagot. Halatang nasaling ang pride nito kanina nang masuntok ito sa mukha. What? Iyon ba ang first time nitong makatikim ng suntok?
"They have guns, you idiot!" He didn't even flinch. "If in three seconds, you aren't still here, I'm gonna drive this damned car and run away all by myself."
He threw her a vicious look. "Damn!" naasar na angil nito bago padabog na sumakay sa kotse. "Who are you? Why are they following you?" sunud-sunod na tanong nito matapos nitong patakbuhin ang kotse papalayo.
"We don't have time for this. I'll answer you later when—"
"Dammit! Ano ba'ng problema ng mga lalaking iyon?" sigaw nito. His hand slammed the steering wheel as he eyed the herd of thugs that fired bullets on them. He stepped on the accelerator. "Yumuko ka nga! Ayokong magkalat ng dugo rito sa loob ng kotse ko!" galit na baling nito sa kanya. Kasunod niyon ay ang pagkabasag ng salamin sa likurang bahagi ng kotse nito. Sunud-sunod na naman itong napamura bago lalong inapakan yung accelerator.
"M-marunong kang magtagalog?" nabibiglang bulalas niya. Ni hindi niya napansin na pinapaulanan sila ng bala.
"Dito ako sa Pilipinas nakatira, kaya syempre marunong ako."
"Kanina pa ako nag-e-English, marunong ka palang magtagalog. Pinahirapan mo pa ako," asik niya.
"Kasalanan ko pa ba'ng bigla ka na lang nag-assume na hindi ako marunong magtagalog?" iling nito. "We are running for our lives pero heto ka at kung anu-ano pa ang pinapansin mo. Nababaliw ka na ba? Diba ang sabi ko ay yumuko ka?"
Napasimangot siya. Hindi iyon ang first time niyang mapaulanan ng bala kaya hindi na siya ganon katakot. Nang hindi pa rin siya yumuko ay tinignan siya nito ng masama. She just shrugged at him. Mayamaya ay natahimik ang paligid nila. Nawala ang putukan. She glanced over her shoulders and saw no sign of the thugs behind them. Nakahinga siya ng maluwag.
Nasa highway na rin naman kasi sila. Tiyak na mas lalong maeeskandalo ang mayor kapag nagkalat ang mga bodyguards nito sa harap ng maraming tao.
"Who's going to pay for my car's damages?" bigla nitong naitanong matapos mapalingon sa kanya. Halatang galit pa rin ito, hindi nga lang niya matiyak kung dahil ba iyon sa pagkasira ng kotse nito o dahil sa hindi niya pagsunod sa mga utos nito kanina.
She gave him a pointed look. Mukha itong mayaman pero bakit ito nagkukuripot? Hindi kaya driver lang ito at hindi talaga ito mayaman? Napatingin siya sa kamay nito. Sino'ng driver ang nagsu-suot ng Rolex Watch? Napailing siya sa kanyang kagagahan.
"Eh hindi ba't may insurance naman ang kotse mo?"
"Para maka-avail ng insurance, kailangan kong magpasa ng police report tungkol sa nangyari kanina. Handa ka bang sumama sa'kin sa presinto ngayon?" hamon nito.
"W-well..." Hindi siya pwedeng sumama, mayayari siya.
"I thought so. Hindi rin naman ako pwedeng magfile ng police report," sabi nito. Ni hindi it nag-elaborate kung bakit. If she had her reasons, maybe he also had his own.
"So, sinasabi mo ba'ng dapat kitang bayaran?" nananantiyang tanong niya.
"I saved your life but what did I get? A lot of bullet holes on my car!"
She rolled her eyes. "Hindi ba sapat ang thank you ko? Mukha ka namang mayaman."
"Who are you? Bakit ka nila hinahabol?" His eyes flew to her camera. Ting!
"M-mas maganda yata kung sasagutin ko 'yan sa mas magandang lugar," pag-iwas niya sa tanong nito.
"You'd better answer all my questions later, lady," he threatened.
Pareho silang tahimik sa buong byahe. Hindi na siya nagtanong kung saan siya nito dadalhin. Humipil ang kotse nito sa isang restaurant. Napabuntong-hininga siya.
"Let's go," wika nito bago nagpatiunang umibis ng sasakyan.
Matagal bago siya kumilos. Kung hindi pa siya nito pinagbuksan ng pintuan ay hindi pa siya iibis ng sasakyan. She nervously glanced at the restaurant in front of them.
"Hindi mo ako matatakasan, kung iyan ang iniisip mo," mariing turan nito.
He grasped her hand and almost dragged her towards the restaurant. Napangiwi siya. Paano niya ito matatakasan kung ganon ito kahigpit makahawak sa kanya?
She cleared her throat. "Err...pwede ba akong pumunta muna sa restroom?" tanong niya nang makapasok sila. She nervously surveyed the place.
Tinignan siya nito ng matiim. "No."
"Pero kailangan ko ng magbanyo," giit niya. "Malapit ng pumutok ang pantog ko." She tried her best to show him how badly she needed to go to the restroom.
"I will let you buy more time," he sneered. Obviously, nahalata nito ang plano niya. "Pero ito ang sisiguraduhin ko sa'yo. Hindi mo ako matatakasan. Huwag mo ring uubusin ang pansensya ko dahil kapag ako nainis, dadalhin kita sa pulis para doon ka na lang magpaliwanag."
She let out a nervous laugh. "S-sandali lang ako."
"Sasamahan kita sa loob."
Natilihan siya. "I am going to the ladies' room. Hindi ka pwede r'on!"
He beckoned one of the waiters, yung eksaktong dumaan sa harap nila. "Am I allowed to go inside the ladies' room? Hindi ko kasi maiwan itong kapatid ko ng mag-isa, eh. Minsan na kasi siyang itinakas ng lunatic stalker niya. And as you can see, she's still a minor."
Napanganga siya sa sinabi nito. There was a bite of sarcasm in the way he said that she's a minor. Sigurado na siya, he'd already figured out that she was just on a disguise.
"Ay, sorry sir. Hindi ho namin mapapayagan iyan. Pero pwede ko hong sabihan iyong guard na bantayang mabuti itong kapatid ninyo kung sakali mang may magtangkang kunin siya. Tsaka papayagan ho namin kayong mag-antay malapit sa pintuan ng restroom, para makita ninyo kung sinu-sino ang mga papasok at lalabas doon," nagpapaliwanag na sagot ng waiter.
"Sige. Maghihintay na lang ako sa paglabas niya," he plastered a satisfied grin.
"H-Hindi ba maagalit iyong manager ninyo? Bakit ikaw ang nagde-decide mag-isa?" naiinis niyang sansala sa usapan ng dalawa.
Napakamot ang waiter. "Eh ma'am, na-orient naman po kami kung ano ang dapat at hindi namin dapat payagan na pakiusap ng mga costumers eh. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kalabisan ang hinihingi ng kuya ninyo dahil kapakanan ninyo naman ang nakataya rito."
She irately rolled her eyes."Whatever!"
"S-sige ho, maiwan ko na muna kayo," paalam ng waiter bago umalis.
"Narinig mo ang sinabi niya. Don't worry, aantayin ka ng kuya mo sa paglabas," nakangising baling ni Dasher sa kanya. Mayamaya ay naglakad ito patungo sa isang mesang malapit sa daanan ng restroom, kung saan tiyak na dadaananan niya sakali mang lumabas siya.
"Magsi-CR lang ako!" paangil niyang sabi bago ito iniwan.
Pagkapasok niya sa restroom ay nanggigigil niyang inalis ang suot niyang wig. Her long, black, straight and shiny hair broke free. Hanggang sa kanyang bra-line ang haba niyon. Inalis rin niya ang suot na pekeng nunal sa kanyang pisngi. Inilabas niya ang kanyang make-up kit na nasa loob ng kanyang bag at mabilisang nilagyan ng kolorete ang kanyang mukha. She was really good about make up, bukod sa mahilig siyang mag-ayos sa kanyang sarili, kailangan din iyon sa pagiging isang undercover agent niya.
Kinuha niya ang microSD mula sad ala niyang DSLR at inilagay sa wallet niya. Ipinasok niya ang camera sa kanyang bag bago inilabas ang damit na nasa loob niyon. Pumasok siya sa isa sa mga cubicles doon at tsaka nagpalit ng damit. Nang lumabas siya ay nakasuot na siya ng isang pulang dress. Isang dangkal mula sa tuhod niya ang haba niyon.
Sleeveless 'yun. May kababaan rin ang neckline. Hapit ang damit niya na siyang naglabas sa magandang hubog ng kanyang katawan. Dinala niya ang damit na iyon bilang isa pang option sa pangdi-disguise niya. she could be a brat or a socialite anytime she wanted.
Inalis niya ang suot na black shoes at inilagay iyon sa backpack sa dala niya. Ipinagpasalamat niyang hindi napansin ng lalaki kanina na suot pa rin niya iyong backpack bago siya pumunta roon. Kung iniisip nitong tuso ito, pwes, patutunayan niyang tuso rin siya.
She grinned. Inilabas ang dalang itim na stiletto at isinuot iyon. Inilabas din niya ang isang diamond-studded black purse na naroon din sa backpack. Kinuha niya ang lahat ng mahalagang bagay na laman ng kanyang bag at tsaka inilipat iyon sa purse. Iiwan niya ang bag na iyon. Babalikan na lang niya iyon, kagaya nang babalikan niya ang iniwan niyang motorbike sa kalsada malapit sa bahay ni Mayor Daguio.
Madalas niyang gawin iyon, and so far, nakukuha pa naman niya ang mga iniwang gamit dahil naitatago niya rin iyon sa lugar kung saan hindi madalas nakikita ng mga tao. Medyo tagilid nga lang siya ngayon dahil wala siyang maisip na pwedeng pagtaguan ng mga iiwan niyang gamit. Napailing siya. Iisipin na lang niyang malas siya at hindi na niya makukuha ang mga maiiwan niyang gamit roon.
Sinipat niya ang kanyang sarili sa salamin. Sino ang mag-aakala na iyong highschool student na pumasok sa C.R. kanina ay siya? She's just transformed into a very hot and very beautiful matured woman. She wondered, ano kaya ang magiging reaction ng lalaking naghihintay sa kanya sa labas sa oras na makita siya nito? Napangisi siya.
Binuksan niya ang pinto at tsaka lumabas. We'll see.