Chereads / DASHER: THE DASHING DEVIL / Chapter 3 - CHAPTER 3

Chapter 3 - CHAPTER 3

DASHER caught his breath as soon as his eyes caught the most beautiful woman he has ever set his eyes on. Marami na siyang nakitang mas maganda pa rito. Sanay siyang napalilibutan ng mga magagandang babae dahil hawak niya ang isa sa pinakamalaking talent agency sa buong Asya. He was the CEO of Claus Artist Center.

Aside from handling Claus Artist Center, he was also connected to one of the biggest T.V. network in the Philippines—ang Supreme Broadcasting Corporation o SBC. Major stock holder siya sa t.v. station na iyon. Kaya marami na siyang nakita at nakadaupang palad na magagandang mga babae—mula sa commercial models, artista, even socialites. But that girl who just came out from that restroom caught his attention real fast.

Siguro ay dahil iyon sa mga mata nitong napakaganda. Her eyes were light brown and chinky. Mapupungay ang mga pilikmata nitong tumatakip r'on. Her eyes were as fierce as his—which was supposed to be a turn-off for him. He liked his woman to be submissive, hindi iyong tipong may balak makipaglaban sa kanya. But her eyes thrilled the hell out of him.

Maputi ito, not enough to compete with his fair skin though. She had perfect curves at the right places—round and firm looking chest combined with a very small waist. He never liked women with heavy make up pero nakapagtatakang nagugustuhan niya ang kakaibang "tapang" na ipinapapakita ng make up na suot nito.

And there was something about her, hindi naman niya alam kung ano. He intensely watched her every move as she walked towards the hallway. Habang papalapit ito ay nanatili siyang nakatayo. Sa loob niya ay kinakatanyiyawan niya ang kanyang sarili. Since when did the renowned lady-killer Dasher Claus felt so helpless like that over a woman?

Unti-unting umangat ang gilid ng kanyang labi nang mapansin ang pamumula ng mukha nito nang dumaan ito sa mismong harapan niya. Natitiyak niyang nahuli nito ang pagsuyod niya ng tingin sa katawan nito. Blushing was definitely a major turn-on for him.

Pinagbuti niya ang pagsipat sa perpektong katawan nito. The delectable body he was seeing made his world spin. Nanuyo ang lalamunan niya nang mapadako ang tingin niya sa isang nunal na namataan niya malapit sa kaliwang dibdib nito. Medyo sumisilip iyon dahil mababa ang neckline ng suot nitong damit. He also saw the mole she had on the right side of her neck.

He grinned at her like a devil. Halos hindi maalis ang tingin niya sa bilugang pwet nito hanggang sa tuluyan itong nakalabas ng restaurant. Napasipol siya nang makita ang bilugang nunal nito sa likurang bahagi ng kanang balikat nito. Sa lahat ng nunal na napansin niya ay iyon ang isa sa pinakagusto niya. His tongue itched to...Napailing siya. He would've gone after her, kung hindi lang niya naalala iyong babaeng dinala niya roon. That smart-assed brat!

He cursed under his breath. Nang makalabas ang babaeng nakapukaw sa atensiyon niya ay sinilip ang suot niyang relong pambisig. Diyata't masyado nang matagal ang babaeng nagpaalam na pupunta lang daw saglit sa restroom? His eyes turned into a slit. Hindi pa naglilipat minuto ay napagpasyahan niyang sumunod sa restroom.

"Matagal ka pa ba?" he called out.

Kumatok siya sa pinto. Walang sumagot. Bigla siyang kinabahan. Pinakiramdaman niya ang paligid. Bumilang siya ng hanggang tatlo bago pinagpasyahang pihitin ang sedura ng pinto. Sumilip muna siya sa loob bago siya pumasok roon. Hindi makapaniwalang napapalatak siya.

He couldn't believe it! Isa isa niyang binuksan ang limang cubicle na naroroon. She wasn't there. Paano ito nakalabas nang hindi niya napapansin? Lumipad ang tingin niya sa bintana. He shook his head. Masyadong maliit iyon para magawa nitong lumusot doon.

Nanggagalaiting napasipa siya sa katabing pinto ng isa sa mga cubicle na naroon. Damn her! Paalis na siya nang bigla siyang matigilan. His blazing eyes caught something inside that particular cubicle. Pumasok siya sa roon. He gasped at what he saw.

Her bag! Her uniform was inside that fucking bag! Sunud-sunod siyang napamura nang mapagtanto ang nangyari. Kung ganon ay...Biglang lumitaw sa isip niya 'yung magandang babaeng lumabas mula sa restroom kanina. Muntik na niyang naibalibag ang hawak niyang bag kung hindi lang nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Hey, bro! Where are you?" bungad ng nasa kabilang linya. Si Blitzen iyon, kapatid niya at isa sa kambal na Claus. Isa ito sa walong kapatid niya.

"Hello too bro," sarkastiko niyang sagot.

"Where the heck are you? Kanina ka pa namin hinihintay."

"I accidentally helped a young woman who had an accident. Ako na nga ang tumulong, ako pa ang tinakasan!" he angrily hissed. "Can you imagine that?"

"The guys should hear about this," amused na sabi nito.

Lalong nagtagis ang mga bagang niya dahil sa pang-aasar nito. "Shut up! Hinimatay lang siya sa harap ng kotse ko. The next thing I know, nakikipagbugbugan na ako sa mga humahabol sa kanya." Odd, the cut on his lips suddenly throbbed. "I'll tell you the whole story later."

"Baka naman pakana lang iyon para mapansin mo siya?"

"Pansin na pansin ko na nga siya eh. Tinakasan niya ako!"

Lalong napahalakhak ang kapatid niya. "What an ego-boosting experience, bro."

He could almost see his brother's teasing grin. "Bloody hell! Oo na, papunta na ako diyan. Huwag mo na nga akong tatawagan! Don't you dare tell the other boys about this too. Kapag binomba ako ng tawag ng mga iyon, yari ka sa'kin," banta niya. "Hang up!"

Although he and his brothers hated their father, magkakasundo silang lahat bilang magkakapatid—sa pagkasuklam sa kanilang ama. Kaya every month, kahit pa gaano sila ka-busy sa kani-kanilang mga trabaho, ay hindi nila nakaliligtaang magkita-kita para magbonding. Hindi kasi porke nakatira sila sa iisang bahay ay madalas na silang magkita roon.

Everybody abhorred that mansion, kaya halos walang umuuwi roon. In his case though, he'd decided to live in his condo for a while. Habang hindi pa nalulutas ang sulirananin niya. He clenched his fist when he remembered his stalker.

"Make it fast, bro. Manlilibre daw si Donder mamayang gabi. Unlimited booze."

Napangisi siya. "Galante talaga iyang kambal mo. Kabaliktaran mong kuripot."

"Nagsalita ang Hari ng Kuripot," ismid nito.

"Fine, I'm coming," natatawang aniya.

"Hindi lang pala mga babae mo ang nakakarinig ng linyang iyan, ano?"

"You, sonofa—!"

Napailing na lang siya nang patayan siya nito ng tawag. He always felt good whenever he talked to his brothers. They were the only nice thing that ever happened to him ever since he became a Claus. He sighed. Speaking of shits, he had another problem.

Somebody was creeping the hell out of him. Magda-dalawang linggo nang may nanggugulo sa kanya. Noong una ay hinayaan niya lamang niya ang kung sinumang nagpapadala sa kanya ng sulat. Tutal ay sanay siyang sinasabihan ng I Love You.

Kaso, last week lang ay nakatanggap siya ng isang sulat sa mismong opisina niya. The next thing he knew, all the places he went to had those scary love letters. Para bang alam na alam ng stalker niya ang lahat ng lugar kung saan siya naroroon. And the last letter served as his last straw. Natanggap niya iyon tatlong araw na ang nakararaan.

Nang minsang makipag-date siya sa isang supermodel na dumalaw sa kanyang kumpanya ay muli siyang nakatanggap ng sulat. The letter was placed inside his car. But unlike the previous letters he had, hindi isang undying love confession ang laman niyon kundi isang pagbabanta.

Akin ka lang. Walang pwedeng umagaw sa'yo! Akin ka lang! Iyon ang laman ng sulat. And then, nalaman niya na hindi lang pala siya ang nakatatanggap ng ganoong sulat. The supermodel he'd dated received a more serious threat than him. Sinira ang bintana ng kotse nito at pinuno ang loob niyon ng daing at bagoong kinabukasan pagkatapos ng date nila.

Kaya nga ayaw man niya ay sinunod niya ang payo ng kanyang sekretarya. He sent an email to a certain investigator—si Mystique Agent. Ayaw kasi niyang ipaalam sa pulisya ang tungkol sa insidente dahil ayaw niyang maka-attract ng media. Minsan palang din namang nangyayari iyon. Jessica, the supermodel, said that someone who hated her must've done it.

Ngunit duda siya roon. Natitiyak niyang may kinalaman ang nagpapadala ng sulat sa kanya. Kaya kailangan niyang mahuli ang nanggugulo sa kanya. And once he found that stalker, tsaka siya hihingi ng tulong sa pulis. He loved his privacy so much.

Once the police were informed, hindi niya masisiguradong makakaligtas iyon sa media. And then those suckers would turn his life into hell by following him around, asking for an interview or whatsoever. He would never let that happen.

Napadako ang tingin niya sa hawak na bag. Sa oras na makita niya ulit ang babaeng iyon ay magbabayad ito ng mahal sa kanya. Pagbabayaran nito ang ginawa nitong pagtakas sa mula sa kanya.