Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Childish Prince

Aquarius_Vinsmoke
--
chs / week
--
NOT RATINGS
40.6k
Views
Synopsis
A man name Chris Alvin Mendez has an illness of Autism Spectrum Disorder (ASD) with Savant Syndrome. It is a special case that's why he needs someone who can really understand him. He's smart, genius actually, and he's good in everything except that social communication is not his specialty. He lives entirely independent. Yka Jane Frentico--> studied abroad when she's 9 years old for almost 10 years and came back to the Philippines to study college. She took Doctors degree specially because of her childhood friend that she knows will need her the most. But when she saw him, everything change. He's not the same as before. It challenges her to widen her understanding towards him 'cause he keeps on pushing her away. There are so much twist revolves around them and there are people who will become there friends and enemies. There are so much strunggle they're gonna face in the future. Will they be standing strong and hold onto each other's arm or will they give up for the sake of their lives?
VIEW MORE

Chapter 1 - His Illness

"Hello ma,kumusta siya?"

umiiyak na mabilis na nagmamaneho ako sa kalagitnaan ng daan dahil sa emergency na natanggap ko habang nasa trabaho ako.

"Yka",umiiyak ang nasa kabilang linya,"nasa room niya pa rin,hindi umaalis",patuloy pa rin ang kanyang paghikbi. "Asan ka na ba?hindi ko na to kaya."

"Papunta na ma,nasa byahe na ako." pinutol ko na ang connection ng aking cellphone para makapagconcentrate sa pagmamaneho.

Nang makarating ako sa bahay ay agad-agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok ng bahay. Nadatnan ko si mama na nasa labas ng kwarto ni Chris at patuloy ang pakikipag usap sa kanya.

"Anak,buksan mo na to,please!"

Nakaakyat na ako ng hagdan at nakita ako ni mama,"Yka kausapin mo siya please,hindi ko kayang nagkakaganyan ang anak ko." kitang kita ko ang pag aalala ni mama kay Chris.

Ang tinatawag kong mama ay mama ni Chris na aking boyfriend. Matagal na kami ni Chris kaya mama na rin ang tawag ko kay Mrs.Mendez.

"Huminahon ka ma,sige na po at ako na ang kakausap. Magpahinga ka na po",tugon ko sa kanya. Tumango siya at tinungo ang sala para maghintay.

Nang makaalis ay kumatok ako sa pinto ni Chris.

"Chris? andito na ako. Pakibuksan ang pinto please. Mahal sige na please,mag usap tayo."

"Ikaw na ba yan mahal?" si Chris.

"Oo mahal,kausapin mo ako."

Bumukas nga ang pinto at hindi ko kita masyado ang mukha niya dahil nakapatay ang ilaw.Dahan dahan akong pumasok at naririnig ko na umiiyak siya. Sinara ko ang pinto para hindi siya mailang. Binuksan ko ang ilaw at nagulantang ako ng makita ko ang itsura ng mukha niya at ang itsura ng kwarto. Nagkalat ang mga libro at ibang gamit niya sa sahig at mga basag na bote. Napatakip ako ng bibig dahil maiiyak na naman ako. Ang mga mata niya ay may dark circles at nagmukha siyang hindi nakatulog ng ilang araw. Nakita ko ang kamay at paa niya na nagdurugo dahil sa mga basag na bote. Napayakap ako sa kanya na umiiyak.

"ano bang ginawa mo sa sarili mo mahal?",mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Bumalik ka mahal,akala ko hindi mo na ako pupuntahan dito, akala ko ayaw mo na sa akin." napayakap rin siya sa akin habang umiiyak.

"Hindi ko naman sinabing ayoko na sayo,ikaw pa ba? eh mahal na mahal kita" sobra akong nasasaktan sa nakikita ko ngayon.

Oo mahal na mahal ko siya kahit ganyan siya. Kahit ganito ang kondisyon niya hindi ko siya naisip bitawan. Mahal niya rin ako. Hindi awa ang nararamdaman ko sa kanya. Sadyang mahal ko lang talaga siya ng sobra. Madami na akong tiniis at nilabanan na problema para sa kanya. Hindi ako susuko sa kanya. Kahit sumuko na siya sa buhay hindi ko siya iiwan. Ipaglalaban ko talaga siya.

Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin na para bang mawawala ako kapag binitawan niya ako. Hinalikan ko ang kanyang tenga para ipaalam na kailangan na namin maghiwalay sa pagkakayakap.

"Mahal umupo ka muna diyan at lilinisin ko sugat mo," umupo naman siya sa gilid ng kama kahit patuloy ang kanyang pag iyak,"Tama na sa pag iyak." pinunasan ko ang basang mata niya at hinalikan ang mga ito.

Kumuha ako ng planggana na may maligamgam na tubig , cotton at alcohol. Nilinisan ko ang mga sugat niya sa kamay at paa. Habang ginagawa ko yun ay hindi ko mapigilan na umiyak dahil sa nakikita ko. Maliit lang naman ang mga sugat niya pero hindi ko kayang nagkakaganito siya. Ito ang unang malalang nangyari sa kanya. Yung iba pagkukulong lang sa kwarto at hindi kakain hanggat hindi ako ang magpapakain sa kanya. Oo,alam ko para siyang bata pero kapag nagkakatampuhan lang naman siya ganoon. Hindi kasi ordinaryo ang sakit niya. Hindi ko siya pwedeng pabayaan.

Habang nilalagyan ko na ng bandage ang isa niyang kamay ay naramdaman ko na pumatong ang isa niya pang kamay sa ulo ko. Tumingala ako sa kanya at kita ko na umiiyak pa rin siya pero iyak ng pagsisisi. Ngumiti ako at ipinaalam na ayos lang ako. Bigla niya akong niyakap.

"Sorry mahal,sorry sa ginawa ko.Nahihirapan ka tuloy." sabi niya habang umiiyak.

"Ayos lang mahal ko, pero sana ingatan mo naman ang sarili mo",naiiyak na ako," hindi ko kakayanin kung may mangyari sayong masama. Mahal na mahal kita kaya wag mong isipin na mawawala ako sayo." umiyak na rin ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Tumango siya at pinagpatuloy ko na ang paglalagay ng bandages sa kanyang mga paa. Pagkatapos ko siyang gamotin ay nilipat ko muna siya sa isa nilang kwarto at doon ko siya pinahiga dahil magulo pa ang kwarto niya. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Huwag mo akong iwan mahal."

"Pupuntahan ko muna si mama kasi kanina pa yun nag aalala sayo,babalik din ako." saka ko siya hinalikan sa noo.

"Bilisan mo lang." nagpapaawa ang mga mata niya.

I smiled dahil alam ko na mahinahon na siya. Sinara ko ang pinto at tinungo sa sala si mama at papa. Kakarating lang ni papa galing sa business trip niya sa Singapore. Maaga nga siya umuwi para kay Chris ng mabalitaan niya ang nangyari dito. Nakita ko na nakatulog na pala sila sa sala kakahintay.

"Ma,Pa?"

naalimpungatan sila.

"Ija, kumusta ang anak namin?kumusta si Chris? Ayos na ba siya?"pag aalalang tanong ng mag asawa.

"Ayos na po siya ngayon,pinagpapahinga ko muna siya sa isa sa guess room niyo, medyo makalat po kasi ang kwarto niya."

Huminahon naman ang dalawa at napanatag ang kalooban.

"Salamat naman. Salamat Yka ah,kung hindi dahil sayo mababaliw na ako." sabi ni mama.

"Ok lang po mama. One call away lang ako kapag tungkol sainyo. Magpahinga na po kayo ni papa kasi anong oras na rin po ehh. Ako nang bahala kay Chris."

"Sige ija,magpahinga ka na rin." they smiled then went to their room.

Tiningnan ko ang aking relo at pasado 11 pm na. Nagluto muna ako ng makakain ni Chris dahil alam kong hindi pa siya kumakain mula kahapon. Lugaw lang naman ang niluto ko para madaling madigest at nang makatulog na siya. Dinala ko ito sa kwarto at nakita ko na nakaupo siya na nakaharap sa pinto. Hinihintay niya ako. Nginitian ko siya at pumasok na para pakainin siya.

"Akala ko natutulog ka na. Ito kumain ka muna kasi alam ko hindi ka pa kumakain." habang inilalapag ko ang tray sa lamesa malapit sa kanya ay bigla niya akong hinila at niyakap ng nakatalikod ako. Umiiyak na naman siya.

"Sorry tlaga Yka." kapag pangalan ko na ang sinambit niya ibig sabihin ay nagiguilty na siya.

Humarap ako sa kanya at niyakap ko rin siya ng nakatayo. Hinahagod ko ang ulo niya at hinalikan ko para kumalma. Tumingala siya sa akin at nakita ko ang namumugto niyang mga mata. Hinalikan ko siya sa kanyang labi ng medyo matagal.

"Kumain ka na bago pa ito lumamig." binitawan niya na ako at saka ko sinubuan ng lugaw. Naubos niya naman. Pinainom ko ng gamot niya at pinahiga ko na. Tumabi ako sa kanya para makatulog na siya. Ang ulo niya ay nasa ibabaw ng braso ko at nakayakap sa akin. Hinahagod ko ang ulo niya at likod. Kinakantahan ko rin siya ng pampatulog. Mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa akin kaya't hindi ako makaalis. Nang makatulog siya ay bigla na naman akong naiyak dahil naalala ko ang nangyari. Hinalikan ko siya sa ulo at niyakap din siya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.