YKA's POV
I woke up na nakasobsob sa katawan ni Chris. Tulog pa rin siya. Hindi ko mapigilan ang pag amoy ng t shirt niya. Ang bango kasi. Tiningnan ko ang mukha niya.
"Ang cute mo talaga"
Nakapa ko ang kamay niya na nasa beywang ko.
~hala! bakit may sugat ang kamay niya? Ano na naman kaya ang ginawa niya kagabi?~
Tinitingnan ko ng maigi ang kamay niya. Hindi bagay na magkatoon ng sugat ang soft niyang kamay (^,^'). Habang pinaglalaruan ang mga daliri niya ay biglang gumalaw ito at iniligay sa gitna ng mga daliri ko.
"Anong ginagawa mo sa kamay ko?"
Gising na pala siya.
"Good morning. Ano nangyari dito sa kamay mo? Bakit may mga sugat?"
"Wala yan. Don't mind it."
"Ano nga? Ano ba ginawa mo kagabi?"
"'Wag mo na ngang isipin yun. Mabuti nga't binuhay ko pa siya,tsk!"
"Huh? binuhay? Sino? Hindi ko maintindihan."
"Ang kulit!"
Tinaasan niya ako ng boses. Hindi na ako nagsalita para hindi na siya magalit. Pero ayoko talaga ng sinisigawan ako kaya hindi na lang ako umimik.
"Ano gusto mong breakfast?"
"Wala. Hindi ako nagugutom."
Nawalan na ako ng gana. Gusto ko lang naman malaman kasi baka kung ano na namang hindi maganda ang ginawa niya. Tumayo na siya at naghilamos sa cr. Hindi ko siya tinitingnan sa mata.
"Ano bang problema?"
"Wala naman."
"Ano nga?"
"Huwag mo nang intindihin yun."
Ginagaya ko lang ang sinabi niya kanina. Gusto ko lang siyang asarin.
"Haaay. Yung kanina ba?"
"Hindi. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mong sabihin. Basta ang gusto ko lang kung ano man yang ginawa mo,hindi ka mapahamak."
"Hindi naman ako magagantihan noon"
"Huh? Gantihan sa-"
Biglang bumukas ang pinto.
"Kumusta na Yka ang pakiramdam mo?"
"Ayos na po doc. Kaunting galos lang naman po. Pwede na po ba akong umuwi?"
"Pero hindi ka pa magaling."
Sabat ni Chris.
"Haha, overprotective din itong boyfriend mo."
Namula si Chris. Ang cute haha.
"Anyway, don't worry kasi ayon dito sa result mo wala namang nabaling bote sa katawan mo kaya maaari ka nang umuwi."
"Pero doc-"
"Ano ka ba, sinabi na ngang pwede na akong umuwi. Ikaw ba naospital? Ako di ba? Okay na nga pakiramdam ko."
Nagkatitigan kami ni Chris. Para kaming mag aaway.
"Ehemm! Mr. Mendez, kung ayaw mong lumala ang mga sugat niya, pagpahingahin mo muna siya sa bahay niyo."
"Bleh! Sabi na kasi eh. Ang kulit."
"Haixt'"
"Sige na at baka makasali pa ako sa away niyo,haha."
"Sige po doc. Thank you."
Nakalabas na si doc pero nakatingin pa rin sa akin si Chris.
"What?"
"Huwag kang lalabas sa bahay mamaya."
"Saan naman ako pupunta?haha"
Nakita ko na pikon siya. Parang bata kung magdabog 'to.
Nakauwi na kami ng condo pero hindi pa rin siya kumikibo.
"Taas muna ako."
Tumango lang siya at dumiretso sa kusina. Nahiga muna ako sa kama pero nakakaramdam na ako ng gutom. Sakto naman na pumasok siya,hihingi sana ako ng pagkain.
"Ahm,Chris nagu-"
Hindi niya ako pinansin at dumiretso sa bathroom. Maliligo ata.
~dapat dito lambingin eh.~
Pagkalabas niya ay nakita kong pinupunasan niya ang kanyang buhok.
"Ako na magpupunas ng buhok mo."
Tiningnan niya ako ng matagal,akala ko kakagat na.
"No. Kaya ko."
At pinagpatuloy ang pagpupunas. Kailangan kong mag isip para lumambot na siya. Kasi naman.
~ ayun. I have an idea.~
"hubby"
Bigla siyang napatingin sa akin.
"Hubby nagugutom na ako."
Ang tagal niya akong tinitigan. Syempre ako nagpapawa para makakain na.
"Oi hub-"
"What did you call me?"
"Na. . nagugutom na ako?"
Inaasar ko talaga siya. Bigla siyang lumapit sa akin.
"Hindi. Yung isa . Hu-hubby?"
"Ahh. Oo. hehe. Ayaw mo ba?"
"Hindi."
"Ah sige,huwag na lan-"
"I mean,hindi sa ayaw ko. Gusto ko nga eh. Talaga ? Tinawag mo akong hubby?"
"Oo nga."
"Yey. May wifey na ako."
Nakuha ko rin ang atensyon niya. Pero mukhang mapapasubo ako nito. Kay Rebecaa lang ako mahilig magbigay ng callsign.
"Ahh,hehe. Gutom na ako."
"Ganoon ba? Bakit di mo agad sinabi sa akin? Sige baba na ako at magluluto. Hintayin mo na lang ako dito wifey ko"
Tuwang tuwa siya. Mukhang nabuhayan na naman. Kanina lang hindi niya ako kinikibo.
Pero after an hour ,wala pa rin siya.
"Grabe naman, ang tagal niya. Gutom na gutom na ako. Pang fiesta ba ang niluluto niya?"
Sa gutom ko ay nagpasya akong bumaba na lang. Pero iba ang naabutan ko doon.
"Oi Becca, mabuti nakadala-"
"Anton! Andiyan ka pala."
Nakatalikod sa akin si Anton at ang kaharap niya ay si Chris. Nararamdaman ko amg tensyon sa loob ng condo.
"Bakit mo dinala si Anton dito?"
Tanong ko ng mahina kay Becca.
"Eh bakit ba? Dinadalaw ka lang namin. Masama ba yun?"
Oo nga pala. Hindi niya alam na magkaaway ang dalawa.
"Parang sira tong boyfriend mo, dinadalaw ka lang namin pero nagalit agad. Pinagsasabihan si Anton,para ngang magsusuntukan ang dalawa eh."
"Naku. Mamaya ko na iexplain sayo."
Pumagitna ako sa kanila.
"Guys, huwag na kayong mag away dito please. Anton uwi ka na muna."
"Bakit hindi ka man lang nagagalit sa kanya?"
"Bakit naman ako magagalit sa kanya eh kaibiga-"
Nagulat ako noong tiningnan ko si Anton. Maga ang mukha nita,parang binugbog.
"Ano nangyari sayo Anton? May bumugbog ba sayo?"
"Bakit hindi mo tanungin yang magaling mong boyfriend. Oo nag usap tayo kahapon pero hinding hindi ko magagawa sayo ang pinaparatang niya."
"You're still denying what you've done?!"
Akmang susuntukin niya sai Anton pero pinigilan ko.
"Ano bang pinagsasabi niyo?"
"Hindi ba't siya ang dahilan kung bakit ka naospital?!"
"Sinabi na ngang hindi ako!"
" ano bang sinasabi mo Chris? Hindi siya ang gumawa noon sa akin."
"Anong hindi? Siya lang ang nakita ko na nandoon sa school! Imposibleng hindi siya. Alalahanin mo Yka! Baka naman may tinirok siya sayo kaya hindi mo naalala!"
"Chris! ano ba! Alam ko ang sinasabi ko!"
Nagagalit na ako dahil hindi sila nakikinig sa akin. S Chris naman masyadong hyper.
"Oi bestfriend,relax ka lang. Kahit ako hindi ko naiintindihan. Kayo kasing dalawa,maghinay hinay lang kayo. Nahahighblood na si Yka. Pag ito-"
"Chris, ikaw ba ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ang mukha ni Anton?!"
"Deserve niya yan!"
"Wala kang karapatan na bugbugin ako! Wala akong ginawang masama sayo! Lalo na kay Yka!"
"Aba talaga!"
Hindi ko na napigilan yung dalawa na mag away. Sumasakit na rin kasi ang ulo ko at nahihilo pa. Sa gutom ata. I tried to stop them pero biglang dumilim ang paningin ko. Narinig ko na lang na si Becca na sumigaw.
----*
CHRIS' POV
Hindi ko na napigilan na suntukin si Anton. Nayayabangan na kasi ako sa kanya. At naiinis ako sa mukha niya. Habang nagsusuntukan kami ay narinig kong sumigaw si Becca.
"Ykaaa."
Nakita kong nakahandusay na si Yka sa lapag.
"Hey,Yka. What happen?
"Hindi ko alam. Bigla na lang siyang tumumba. Kayo kasi! Ang kukulit niyo,sinabi nang tumigil na kayo. Yan tuloy.!
Nakita kong hahawakan sana ni Anton si Yka.
"Don't you dare touch her! Umalis ka na!"
"Kaibigan ko si Yka. Concern ako sa kanya."
"Ang lakas din talaga ng loob mo!"
Kinarga ko na si Yka.
"Becca,ilabas mo na yang lalaking yan. Ako nang bahala kay Yka."
"Pero-"
"Anton,tama na. Alis na muna tayo. Mas hindi gagaling si Yka kapag nandito ka kasi mag aaway at mag aaway lang kayo ni Chris."
Pagkalabas nila ay inakyat ko na si Yka sa kwarto.
"Ano bang nangyari sayo?"
Nag aalala ako dahil bigla lang siyang bumagsak kanina. Yung Anton kasi na yun.
Binantayan ko lang siya hanggang sa magising siya.
"Yka? May nararamdaman ka bang masakit? Punta tayo ng hospital?"
"Anong nangyari?"
"Nahimatay ka kanina."
"Sila Becca?"
"Pinauwi ko muna. Pati yung Anton na yun. Gusto pa nga sanang magstay. Badtrip na yun!"
"Chris. Tama na. Alam ko naman na galit ka sa kanya,pero dapat naghinay hinay ka. Dapat inalam mo muna ang totoo bago ka nanugod ng tao. Lilinawin ko lang, hindi siya ang gumawa nito sa akin. Hindi niya yun magagawa kasi kaibigan niya ako."
"Eh na kita ko siya. Mukhang aligaga. Mukhang may ginawang kasalanan."
"Nag usap kami nang hapon na yun pero hindi niya ako sinaktan."
"Kung hindi siya sino?! Sabihin mo sa akin para managot siya!"
"Huwag na. Hindi naman malala itong ginawa nila eh."
"Nila? So madami sila?! Walanghiya,pinagkaisahan ka! Makakatikim talaga sila sa akin!. Sino sila?!"
"Chris tama na please. Ayoko na ng gulo. Pakinggan mo na lang ako,okay?"
"Pero kasi sinaktan ka nila!"
"Ayos na nga. Huwag mo na silang intindihin. Sorry kung pinag alala kita. Alisin mo na sa isip mo yun."
Gusto ko man sundin siya na ibalewala ang mga taong yun,hindi ko kaya. Hindi nila pwedeng gawin na lang yun sa mahal ko. Pero hindi na lang ako kumibo. Pinakita ko sa kanya na susundin ko siya. Tumangho na lang ako.
"Thank you hubby ko. "
Hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi ko talaga siya matiis lalo na kapag naglalambing siya.
"Kain na lang tayo."
"Oo nga pala, tara nakahanda na yun kanina pa. Kung hindi lang sila dumating,nakakain ka na sana."
"Okay lang. Tara?"
"Dito ka na lang. Dadalhin ko na lang sayo yung pagkain mo."
"Kaya kong tumayo. Gusto ko sabay tayo kumain."
"Sige,tara"
Bumaba na kami at kumain,pagkatapos ay pinagpahinga ko siya sa sala. Kasama ko lang siya para kung may kailangan siya, mabibigay ko kaagad.