Chereads / Childish Prince / Chapter 4 - Princess's Love For Him

Chapter 4 - Princess's Love For Him

"Mommyyyy",

"Mommyyyyy,where are you?"

Nagising ako dahil sa pagtawag sa akin ni Becca. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Hey, are you ok? i heard you were calling your mom. Is it that nightmare again?" pag aalalang tanong ni Becca.

"This is the second time that it happened to me. Becca i got scared yesterday and everything that i wanted to forget keeps on coming back," hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa takot.

"Shhhh! It's alright, I'm here. Don't worry I won't leave you. Please tell me what happened yesterday?"

"Well. . . I-I don't know. It happened so fast."

"What? I don't understand."

"Ok, kainin mo muna itong breakfast mo then we'll talk after. Bababa muna ako,ok? If you need anything just call me." nakita niya kasi na nalilito pa ako kaya't hindi niya na muna ako kinulit.

"Hindi ka ba papasok?"

"Babantayan muna kita. Baka ano na namang mangyari sayo."

"Ok lang ako. Pumasok ka na. I can handle this."

"Are you sure? Wait. . . it's alright, I'll just stay"

"No. Ayos lang talaga ako. No need to worry

Malaki na ako, kaya ko na 'tong ihandle. Sige na. Malilate ka pa."

"Sige. Pero tawagan mo ako kapag hindi mo kaya ah? I'm worried. I'll go ahead." kita ko sa mga mata niya ang pag aalala at takot.

Naintindihan ko ang pag aalala niya dahil nakita niya kung pano ako madepressed noon. Ayokong kumain, gusto ko nasa loob lang ako ng kwarto na nakabukas ang ilaw. Nahihirapan din akong huminga kaya magigising na lang ako na nasa hospital. Ngayon maybe kaya ko na. I'll try. Kakalimutan ko lang ang nangyari kahapon.

"Kaya mo to Yka! Para sa sarili mo. Para sa kanya." pilit kong kinakalma ang sarili ko.

Gusto kong labanan ang takot ko para sa kanya. Para hindi niya makita ang kahinaan ko. Alam ko kung bakit niya ginawa yun sa akin. Naiintindihan ko siya. Naging maayos naman ang pakikitungo ng isip ko at hapon na nang mamalayan ko. Hindi naman ako sinusumpong. Pilit ko talagang nilalabanan. Pilit kong kinakalimutan. Nasa sala ako at nagrerelax lang. Nakatingin sa magandang view kung saan lulubog ang araw.

"Inhale, exhale, hoooo!" ngunit ng pagpikit ko ay nalala ko na naman. Nahihirapan akong huminga. Nahihilo ako. Inaabot ko ang cellphone ko na nasa mesa malapit lang sa akin para tawagan si Becca pero hindi ko maabot dahil matutumba na ako. May narinig akong pagbukas ng pinto at alam kong si Becca na yun. Pero hindi ko siya matawag dahil nanghihina na ako hangang sa mawalan na ako ng malay.

May naririnig akong iyak. Minumulat ko ang aking mga mata para makita kung sino yun. Nakita ko si Becca na nasa tabi ko na umiiyak.

"Y-Yka?! Doc gising na po siya."

Nakatingin lang ako sa kanila.

"Doc kumusta po siya? A-ayos lang po ba ang kondisyon ng kaibigan ko?" patuloy pa rin siya sa pag iyak.

"She's stable now. Just let her rest and pwede na siyang umuwi bukas. I'll go ahead." tugon ni Doc Reyes at saka umalis. Si Doc Reyes ang Doctor's Family namin kaya't alam niya ang kondisyon ko.

"Thank you Doc." pagkasabi noon ay biglang tumingin sa akin si Becca. Alam ko na ang mukhang ito.

"JANE!!"

Ayan na. Kapag Jane na ang tawag niya sa akin galit na yan. I just smiled then turn my eyes on the other side.

"I'm fine. Kakasabi lang ng Doctor na makakauwi na ako bukas,hehe." ayoko siyang tingnan dahil alam ko na nag aalburuto na ang mukha niya.

"Oo ayos ka na ngayon! Sabi mo Ok ka na kanina. Sabi ko tawagan mo ako if ever alam mong hindi mo kaya! Tapos maabotan kita na nakahiga sa sala?! My God naman Jane!!" galit niyang sabi.

"Sorry na. Tatawagan naman kita eh kaso di ko naabot yung phone ko,hehe." nagpapaawa effect pa ako para mabawasan ang galit niya.

"Yka naman kasi! Nataranta ako kanina sayo. Mabuti na lang at may tao sa labas para tulungan ako na dalhin ka sa hospital."

"Sino? Asan siya? Magpapasalamat ako."

"Hindi ko kilala. Umalis na kanina pa. Nagpasalamat naman na ako ehh. Mabuti na lang talaga at nandoon siya sakto sa floor natin. Narinig niya ata ang sigaw ko kaya nakalapit siya ng mabilis."

"Ahh ganoon ba? Sayang naman at hindi ko nakita. Nakapagpasalamat sana ako."

"Ok na nga yun. Siguro taga doon lang rin siya sa building. Malay mo makita ko ulit. Hayaan mo kapag nakita ko sasabihin ko sayo. Alam mo para nga siyang prince charming kasi bigla na lang sumulpot noong sumigaw ako. Sayang nga at hindi ko nakuha ang pangalan. Gwapo pa naman siya,ehhhh."

"Tingnan mo 'to, may nangyari na nga sa akin at yan pa inuna mo. Ito talaga,haha." natawa na lang ako.

"oh bakit? wala namang masama doon. Kung walang nangyari sayo eh hindi ko siya makikita,haha." pagbibiro niya.

"Eh dapat pala magpasalamat ka sa akin,hehe." pabiro ko namang sabi sa kanya.

"Thanks,charrr!hahahaha. Anyway ano nga bang nangyari kasi? Pwede ka na ba magkwento?"

"Di ba sabi ni Doc magpahinga na ako?haha. Saka ko na ikikwento." ayoko pang sabihin sa kanya at baka kamuhian niya si Chris.

"Sige na nga. Magpahinga ka na. Goodnight." binuksan niya ang phone ko at tinungo ang music Album: Taylor Swift. Alam niyang bukod sa favorite ko ang mga tugtog ni Taylor ay nakakapagpakalma ito ng isip ko. Lalo na ang kanta niyang FEARLESS.

~And I don't know how it gets better that this,you take my hand and drag me head first fearless. And I don't know why but with you I dance in a storm in my best dress,fearless. . .~

Sinabayan ko ang kanta. It really helps me clear my mind. Pero kahit pa ganito ang nangyari sa akin ay iniisip ko pa rin siya.

'kumusta na kaya siya?' sa isip ko.