Chereads / The Faith's Failure (Filipino) / Chapter 5 - |3| Wrong timing

Chapter 5 - |3| Wrong timing

Faith's Point of View

"Stay, doon sa isang kanto!" turo ko habang nakasakay sa kotse n'ya. Sumabay uli ako kay Stay dahil malapit naman ang flight school n'ya sa pinapasukan ni Kaiden. Suot ko ngayon ang blouse at pants na binili n'ya kahapon.

"Ayan, salamat!" ani ko at bumaba sa front seat.

"Wala ka talagang pakielam kung ma-late ako, 'no?" Nag pout ako. Oo alam ko yun, pero ngayon lang naman. He's a good student, pagbibigyan s'ya.

"Hehe, ingat, study well!" ani ko at kumaway bago maglakad papunta sa university. 

Hindi pa ako nakakapasok sa gate ay nakita ko na si Kaiden sa gilid niyon. Nilapitan ko naman s'ya habang busy ito sa pagce-cellphone.

"Hindi pa start ng klase n'yo?" I approached him.

Mukha naman s'yang nagulat dahil sa bigla kong pagpunta roon. "Oh, Faith, ikaw pala. Mamaya pang 9 am, bakit?"

"Ah, nagdala ako ng pagkain mo," I said while carrying the lunchbox. I wake up early just to cook it.

Agad naman syang ngumiti. "Salamat ha, mukhang masarap yan." Ngumiti ako pabalik. "Anong meron?"

"A-ah, may pupuntahan din ako malapit dito, naisipan ko lang m-magluto," I lied. Pilit akong tumawa ng bahagya at tumungo.

"Oh, really? Salamat."

"Ah-- may hinihintay ka ba?" tanong ko.

"Oo, eh."

"Kaiden!" Lumingon kami sa isang mistiso at matangkad na lalaki. Kaibigan n'ya siguro.

"S'ya yung hinihintay 'ko, si Jordan," sabi n'ya. Ngumiti kami sa isa't isa.

"So, aalis na ba kayo? Why not, kumain muna tayo sa labas?" yaya ko sa kanila.

"Ah, Faith, siguro dadalhin ko na lang. May paguusapan pa kasi kami ni Jordan," aniya at kinuha ang lunchbox sa kamay ko. Nagulat man ako sa naging reaksyon nya ay ngumiti na lang ako.

Wrong timing ba 'ko? Hays. Sana magustuhan nya man lang yung niluto ko. Sayang, akala ko pa naman sabay kaming kakain. Napabuntong hininga na lang ako sa pagkadismaya.

"Mukhang masarap yan ah," puri ni Jordan sa luto ko. Pilit naman akong ngumiti.

"Ihahatid muna kita sa sasakyan," ani Kaiden pero tinanggihan ko ito.

"Hindi, wag na. May pupuntahan pa ako malapit rito," pagsisinungaling ko uli.

"You sure?" I nodded. "Ingat ka," he added. I smiled to them and started to walk.

Puntahan ko kaya si Stay sa school nya? Kaso baka magalit lang s'ya sa'kin. Hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang sinabi ni Stay sa'kin kagabi. Hindi s'ya nagpapakasal dahil sakin? dahil mahihirapan tanggapin ng magiging girlfriend n'ya na may kasama s'yang babae sa bahay?

Agad kong tinawagan si Stay. Wala akong pake kung nasa klase s'ya, my curiosity is killing me.

"Why? Where are you?" Bungad n'ya agad sa'kin.

"Stay, dahil ba sa'kin kaya hindi ka makapag asawa..." matamlay kong tanong. Hindi ko pa kasi alam kung kelan ako makakahanap ng bahay. Ilang segundo na ang nakakalipas pero hindi pa rin s'ya sumasagot. "Hayaan mo, after two months, hahanap na ako ng malilipatan."

"Ano ba yang iniisip mo? Maglinis ka na lang ng bahay paguwi mo, okay?" Pagiiba nya ng topic.

"Bakit mo pa 'ko pinatira sa bahay mo? Sabagal lang naman ako." Sinisipa sipa ko ang mga maliliit na bato na nadaraanan ko.

"Hey, you're my  bestfriend. And I'm already 21, busy ako sa pagaaral, so definitely marriage is not on my plans right now," he replied.

I'm his bestfriend... Yay! Sa sobrang saya ko ay pinutol ko na ang linya at masiglang naglakad sa daan. Makakatira pa 'ko sa bahay n'ya, may chance pa akong magipon ng mas maraming pera!

Napatigil ako nang makakita ng dalawang bata na nagaaway habang papalapit sa daraanan ko. I suddenly remembered when we started to became friends.

Sobrang saya ni Nanay nang matalo ko sa quizbee ang grade 5 student na si Stay Montemor, matalino s'ya at isa sa mga pambato tuwing may contest. Habang nasa hallway ako ng school ay nakita ko sa gilid ng building si Stay. Naiyak s'ya.

"Huy," tawag ko sa kanya, pero hindi nya ako pinansin. Nagpatuloy lang sya sa pagiyak. Natural lang na umiyak kapag natatalo, nasanay kasi syang manalo tuwing may quiz bee. Pero idagdag pa nating, grade 4 student ang nakatalo sa kaniya. Siguradong iiyak din ako kung ako ang nasa sitwasyon niya.

"Hwag ka nang umiyak." Dahan dahan kong inangat ang mukha nya at pinahiran iyon ng panyo. Sobrang pawis na pawis s'ya at iyak ng iyak.

"Sorry." Tumungo ako. Hindi nya pa rin ako pinapansin at umiwas ng tingin. Nanginginig man, napagpasyahan kong ibigay sa kanya ang medal na nasa bulsa ko.

"Ayan, sayo na 'yan," ngiting sabi ko sa kanya.

Tumingin s'ya sakin at tinulak ako bago tumayo. Masakit man ang pagkakatulak n'ya ay hindi ko iyon pinansin at tinignan ang tumatakbong si Stay.

Nagdaan ang ilang araw at lagi ko siyang tinatabihan sa canteen, hanggang sa naging close kami. Ako ang kauna unahang naging kaibigan n'ya. At simula non, hindi na kami nagkahiwalay hanggang 2nd year ng high school.

Nang makalagpas sakin ang dalawang bata ay naalala ko nang lumaki kami ni Stay. Wala akong balita sa kanya nang lumipat sila ng pamilya sa Maynila noong highschool ako. Sobrang saya ko noong nakapag college ako sa Maynila, akala ko magkikita uli kami, pero nagsinungaling s'yang nasa ibang bansa.

Napakagaling talaga.

Sumakay ako ng taxi pauwi at napagdesisyunang maglinis ng bahay. Sumapit ang hapon pero hindi pa rin umuuwi si Stay, kaya nagtext ako. Nagreply naman syang pauwi na.

Pero 20 minutes na ang nakakalipas, malamig na ang pagkain ngayon. Agad kong kinuha ang cellphone, malilintikan s'ya sakin.

STAY'S POV |

"Why?" sagot ko sa kabilang linya.

"Stay, malamig na ang pagkain!" Napaapak ako sa breaks ng kotse nang mapagtanto 'kong papunta ako sa school ni Faith. "Stay!" she shouted again. Damn, what's going on with me?

"I'm sorry, i-it's traffic." Agad akong nagmaneho pabalik ng bahay. I sighed.

Everytime when I feel tired, I see myself coming to Faith's school or worst, to her house. But damn, I only see her away from me. Being like this since high school is a big question for me. There, I witnessed how she cries in the corner. How she deny the pain when rejected, and how she smile but the truth is, sadness never leave her.

Those times I wanna be that 'sadness' which hugs her tight every night. Faith doesn't know how my tiredness fade everytime I saw her.

When Faith smiles, I'm happy. But it's driving me crazy when she feels sad.

"Stay!" she welcomed me on the gate.

I have no worries at all, because she's with me,

and I have no plans to let her go.