Faith's Point of View
"C-cell biology, five... Microbiology..." Napalunok ako. "...five, genetics..." Huminga ako ng malalim. "Five again."
Parang panaginip, ayaw kong maniwala. I just failed three subjects at one sem. Nice one, ang galing mo talaga, Faith.
"A scholar that got five in three subjects? God, I can't believe it." Napahilot sa sintido ang Prof ko.
Nanatili akong nakatungo. Gusto ko man mag sorry dahil nadisappoint sya, ay hindi ko nagawa. Nanginginig ang buong katawan ko, parang anong oras man para akong bibigay.
"I'm sorry, Ms. Santimoza. Your scholarship will be gone..." Tumingin ito sa akin. "...and you're kicked out." Mariin na sabi ni Mrs. Gatchalian at umalis.
Naiwan akong magisa sa office. Oh Faith, what have you done? Isa ka nang hampaslupa na walang pera at matutuluyan. Great. Huminga ako ng malalim at itinago ang rating slip sa bag.
Hindi ito ang pinangarap ng mga magulang ko sa'kin.
"Ang bayad?" Nakataas ang kilay nito habang nakalahad ang palad. "Asaan na?"
Ito ang bumungad sakin pagkauwi ko ng bahay.
"Wala pa po yung allowance—" she cutted my words.
"Paano ka magkaka allowance, nakick out ka na. Bayaran mo na 'ko, para makaalis ka na," sabi nito.
Napabuga na lang ako ng hininga. Naalala kong ang university pala ang sumagot sa lahat ng kailangan ko. Para akong nawala sa sarili ng mga sandaling iyon at tumitig sa kawalan.
"Ano na? Kayong mga estudyante puro pagsasaya ang alam, tapos kapag bumagsak parang namatayan ng pamilya," sabi ng landlord ko.
Tumingin ako sa kaniya at napatawa nang tignan n'ya ako mula itaas paibaba.
"Ma'am, magbabayad ako. Sana hindi nyo na ako hinusgahan na parang nagba-bar ako at nagpapalaspag sa gabi."
Kinuha ko ang natitirang 2500 sa wallet at binigay ito sa kanya.
"Magbabayad naman pala, pinatagal mo pa." Umirap ito at umalis na.
Pumasok ako sa bahay, handa na akong lumayas sa impyernong lugar na 'to.
"Whoo, Faith, You're free! No more pressure, No more genetics! No more calculation! Wala ka ng patutunguhan sa buhay! Congrats!" Ngiting sabi ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.
Naguube na ang ilalim ng mga mata ko, namamayat na rin at gusot ang uniform. Napakagat labi ako habang pinipigilan ang pagluha.
"Eye bags, mawawala ka na," ngiting sabi ko sa sarili habang umiiyak.
Patuloy akong humagulgol at tinatanong ang sarili kung paanong ang isang honor student noon, ay biglang nawalan ng direksyon sa buhay ngayon.
Dala dala ang maleta at bag, umalis ako sa apartment. Nagpalakad lakad sa kung saan. Gabi na nang dinala ako ng sarili ko sa isang hindi pamilyar na lugar.
Saan ako pupunta ngayon? Wala akong kaibigan... o mapupuntahan man lang para magpalipas ng gabi. Wala akong pera. Mamamatay na ba ako?
"Miss?" Lumingon ako sa babaeng tumawag sa'kin.
"Wala ka bang pamilya? Gaano ka na katagal na pakalat kalat?" Tanong ng isa pang babae habang may dalang papel.
"Ahm—"
"Wag ka magalala, nagkukupkop kami ng mga homeless na nawala sa sarili," sabi ng tumawag sa'kin.
N-nawala sa sarili?
"Hindi po ako baliw," ngiting sagot ko.
Napatawa sila. "Marami na kaming naririnig na ganiyan miss, tara na, mapapahamak ka lang kung sa kalsada ka pa tumira," sabi niya.
Huminga ako ng malalim.
"Ang totoo nyan, galing ako sa school." Pinakita ko ang school ID sa kanila. "M-may matitirhan ako, wag kayong magalala," pagsisinungaling ko.
Siniko ng babae ang katabi nya. "Ah, ganun ba... Sorry talaga, sorry." Sambit ng isa.
"Miss, sorry sa inasal namin. Pero ihahatid ka na lang namin sa pupuntahan mo, tara," dagdag pa nila.
"A-ano? Ah— malapit na ako—"
"Hindi pwedeng pabayaan namin kayo dito miss, gabi na kasi."
Sumabay sila sa akin maglakad. Nagpalinga linga ako sa daan. Hindi ako mapakali. Saan ako dito pupunta?!
Sa hindi kalayuan ay may nakita akong cafe. Kalaunan ay may naisip akong plano. Binilisan ko ang paglakad hanggang makarating roon.
"Dito, dito ako nakatira," masayang sabi ko.
"Gano'n ba miss? Sige, mukhang marami ka pang aasikasuhin," sagot niya nang makita ang maraming tao sa loob.
"Thankyou!" Sambit ko at pumasok sa loob.
Hindi ko alam kung saan ako uupo sa dami ng tao. Kailangan kong magpahinga, halos limang oras din akong nagpalakad lakad sa daan.
Hinilot ko ang balikat at braso nang makaupo sa upuan. Tinignan ko ang mga menu. Biglang kumulo ang tiyan ko nang makakita ng banana cake na may milk coffee.
Kinapa ko ang bulsa ko at hinanap ang pera. Kusa akong sumimangot nang maalalang wala na nga pala akong pera.
Ano ng gagawin ko? Mamamatay na ba ako sa gutom? Oh Lord, mas gusto ko mamatay kakareview sa di maintindihang formulas.
"Miss, may order ka ba?" tanong ng waiter.
Unti unti nang nagaalisan ang mga costumers. Tinignan ko ang waiter na nagaabang ng pipiliin ko.
"Ahh, sir. Asaan ang may ari?" pabalik kong tanong. Lumingon ito sa akin.
"Tatawagin ko po ba?" Tumango ako. Lumapit sa akin ang matangkad at pawisang lalaki na naka apron pa.
"Yes, ma'am?" Sabi nito nang umalis ang waiter. Huminga muna ako ng malalim bago sabihing,
"Pwede bang..." Tumingin ako sa kanya. "...dito muna ako tumira?"
Simula nang tumira ako roon ay nakahanap ako ng tahanan. Si Kaiden ang tumulong sa'kin sa lahat.
"Nabubog si Faith!"
"Kaiden, may nagalit na costumer kay Faith."
"Si Faith, natapunan ng icing!"
Sa bawat pagkakamali na nagagawa ko habang waitress, wala akong narinig na masama mula sa kan'ya.
"I'll help you."
"I'll teach you."
"Pagpasensyahan n'yo na po s'ya, baguhan lamang s'ya, ma'am."
"Okay ka lang ba?"
"I'll get the band aid."
"Be careful next time, okay?"