Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Best Mistake

🇵🇭jaedgu
11
Completed
--
NOT RATINGS
50.2k
Views
Synopsis
Ramona Cecilia Dimagiba wants to go to Manila, but her father betrothed her to marry the son of his friend from abroad. But she fled from her father not to marry to a man she does not love. She was forced to work for a club thinking that server be her work. But she was fondling undertake a customer, she fled the club. She drifted into a private suite of Joshede Montaigne, who has in the bathroom. He thought that she was a woman of a good for a one night stand.
VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata 1

               "Hindi ka sasama sa kanila pagluwas ng Maynila, Arci!" –seryosong sabi ni Papa.

               Kasalukuyan na akong naghahanda sa pagluwas. Iniimpake ko na ang mga gamit ko para sa alas dose ng gabing byahe.

               "Pa, hindi po pwedeng hindi kami lumuwas ngayon. Alas sais ng umaga ay may pasok na kami bukas. Baka mapagalitan ako ni Ma'am Aly kapag hindi ako nakapasok," paliwanag ko.

               "Kapag sinabi ko sa'yong hindi ka aalis, hindi ka aalis!" pagdiriin ni Papa.

               Naalarma ako. Bihirang maging matigas ang boses ni Papa. Kapag ganito, ibig sabihin ay may mabigat na dahilan.

               "Bakit po ba, Pa?"

               "Bukas mo na lang malalaman. May darating tayong bisita at importanteng kaharap ka kapag dumating sila."

               Ano kayang problema ni Papa at kailangang pati ako ay kaharap ng mga bisita niya. Nagtanong ako kay Mama pero hindi ito nagsasalita.

               "Si Papa mo ang tanungin mo."

               Sa labas ng aming bahay ay panay ang hithit ni Papa ng sigarilyo. Gusto ko sana siyang kausapin pero natatakot ako kay Papa. Baka sigawan pa niya ako.

               Palaisipan ito sa akin, tiyak na may malaking dahilan kung bakit hindi siya pumayag sa pagluwas ako sa Maynila.

               Maya-maya ay nagsidatingan ang mga kaibigan ko. Hindi ko na sila nakausap, si Papa na ang humarap kina Marian. Sina Marian at Eula ang mga kaibigan dito sa probinsya, kumbaga kababata ko sila.

               "Hindi na siya sasama at sabihin na lang ninyo sa amo niyo na hindi na rin siya papasok pa roon,"

               "Po? Bakit naman po? Sayang naman po si Arci. Malaki na rin po ang sweldo naming doon."

               "Huwag na kayong magtanong. Basta hindi na siya sasama sa inyo. Mabuti pa ay magsi-alis na kayo baka mahuli kayo sa last trip," pagtataboy ni Papa sa mga kaibigan ko.

               Napilitang umalis ang mga kaibigan ko. At napaiyak na lang ako sa likuran ng pinto kung saan ako nagtatago.

               Sadya ko pa naming inabangan ang aking mga kaibigan at hihilingin ko sanang pakiusapan ako kay Papa na payagan ako lumawas ng Maynila. Pero wala yatang makakapagbago sa desisyon ni Papa.

               Masama ang loob ko at walang kibo kinabukasan. Magdamang akong umiyak dahil hindi ako nakasama sa mga kaibigan ko. Ngayon sobrang lungkot ko. Bakit kasi kailangang pigilan ako ni Papa rito sa probinsya?

               Ang tagal kong nagtiis sa lugar na ito. Kung kaya nga hindi sila makapag-asawa ni Niňa ng taga-rito dahil hindi nila gustong maranasan ang buhay ng mga magulang nila at kanyang mga kapatid. Gusto nilang mapaiba at mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga magiging pamilya kung sakali at syempre pati na rin ako.

               Pero dahil sa nangyayaring ito, para akong ikinulong ni Papa sa lugar na ito at parang mahirap na para makaahon pa ako. Ang masakit, hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan.

KINAHAPUNAN

               May kasama si Papa na dumating galing sa trabaho. Naka-owner ito. Dito kasi sa lugar namin, basta naka-owner ka, mayaman na ang tingin ng tao. Kinakabahan ako sa bagong kasama ni Papa. Parang namumukhaan ko pa ito pero hindi ko lang alam kung saan ko nakita.

               "Magbihis ka ng maayos anak. Gusto  ng Papa mo na maayos ang itsura mo sa pagharap mo sa mga bisita niya." Sabi ni Mama.

               "At bakit po kailangan kong harapin ang bisita ni Papa, Ma?"

               "Hindi ko alam. Basta sundin mo ang utos ko. Magbihis ka upang presentable ka pagharap mo sa bisita."

               Hindi na ako nag-atubili pa nang naramdaman ko ang yabag ni Papa sa hagdan. Bakas sa mukha ni Mama ang takot at pangamba kung kaya sumunod na lang ako sa utos nito.

               "Ito ang anak kong si Arci, Pareng Cardo," pagpakilala ni Papa sa akin sa bisita niya.

               Natatandaan ko ang lalaking ito. Ito ang kumpare ni Papa na taga ibang barangay, inaanak yata ni Papa ang isa nitong anak.

               "Maganda pala itong si Arci, Pareng Lucas. Tiyak na magustuhan siya ni Anthony ko."

               "S-Sino pong Anthony?" lakas loob na tanong ko.

               "Wala pa bang alam si Arci, Pare?" tanong ni Mang Cardo.

               "Hindi ko pa sinasabi, Pare. Pero hindi ko na siya pinapaanak pa sa trabaho para magkakilala na sila ni Anthony pa sa pagdating nito sa linggo."

               "Mabuti naman. Eksayted na nga rin si Anthony na makita siya."

                Anthony? Pamilyar  sa akin ang mukha ni Anthony na tinukukoy nila. Hindi 'yon ang inaanak ni Papa pero nakita ko na 'yon nang minsang sumama ako sa Piesta rito sa lugar nila.

               At kung hindi ako nagkakamali ay inirereto nila ng Anthony na 'yon sa akin.

               Kinakabahan ako. Hindi sa ganitong klaseng pagkakataon ko gustong makapag-asawa. Hindi 'yung sapilitan. Naisip ko, kung papalag ako kaagad baka iba ang maging dating ni Papa at hindi ako makapag-isip ng tama kung gagawin.

               "Arci, maupo ka anak. May mahalaga kaming sasabihin sa'yo ni Pareng Cardo," sabi ni Papa.

               Matagal akong nakaupo ay hindi pa rin nagsasalita si Papa at Mang Cardo. Naging tahimik lang din ako.

               "Anak," sa wakas ay nagsalita na rin si Papa. Tumingin lang ako sa kanya.

               "Ano kasi. Ang dahilan kung bakit ayaw na kitang pagtrabahuhin sa Maynila ay dahil parating ang anak ni Kumapareng Cardo buhat sa Amerika sa susunod na linggo at nagkasundo kami na ipakilala kayo sa isa't-isa."

               "Bakit po?" inosenteng tanong ko.

               "Ano kasi, Hija. Naisip namin nitong si Pareng Lucas, bakit pa namin hahangarin na mag-asawa ng iba ang mga anak namin? Tutal, kapwa pa kayo single ni Anthony, bakit hindi na lang kayo ang magkagustuhan?"

               Pigil na pigil ako sa pag-react. Kilala ko si Papa. Kung magtitigas ako ngayon baka posibleng higpitan ako at hindi ako makalabas ng bahay.

               Ganito rin ang ginawa sa nakakabata kong kapatid. Ipinagkasundo sa anak ng isa rin kainuman ni Papa. Ngayon nagdurusa ang kapatid ko sa piling ng asawa.

               At hindi ako papayag na mangyari 'yun sa akin. Kailangan kong maging maingat sa pakikitungo ko sa mga ito para makagawa ako ng tamang hakbang.

               "Gano'n po ba?" mahinahong reaksyo ko sa sinabi ni Mang Cardo.

               "Hindi ka ba tututol, anak?"

               "Hindi po, Pa. Wala naman akong makitang masama sa ginagawa ninyo ni Mang Cardo. Isa pa, wala naman po akong boyfriend. Ano po ang magiging problema?"

               Nag-appear pa ang dalawang magkumpare. Pilit naman ang ngiti ko, ewan ko  na lang kung nahahalata nilang dalawa.

               Habang  nagkakatuwaan sila umaandar ang isipan ko kung ano ang susunod na hakbang ang gagawin ko. Isa lang ang nasa isip ko, hindi ako papakasal sa Anthony na 'yon kahit na ano ang mangyari gagawa ako ng paraan pa makatakas sa kasunduan ng dalawang ito.

***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***