Arci POV
Hindi makatingin ang lalaki sa akin matapos ang mainit na sandaling naganap sa amin. Hindi kayang tingnan ng lalaki ang bahid ng mantsa na nagmarka sa bedsheet ng kama.
"Sana pumalag ka. Hindi dapat nangyari 'to."
Hindi ko magawang mag-react. Iyak na lamang ang nakaya kong gawing mga sandaling ito.
"I thought, you're one of those women na.... na after sa one night stand for a cost."
"Hindi mo pinakinggan ang pagtutol ko. Sinisikap kong pigilan ka pero...." at hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin.
Ako man ay may pagkakamali. Aminado akong natangay ako ng kanyang damdamin kaya naganap lahat ng wala akong panlalaban. Nasabunutan ng lalaki ang sarili. Larawan niya ang malaking pagsisisi. Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya.
"Magbihis ka na. Bukas na bukas ay aayusin natin ang lahat," aniya.
Naisip ko, papaano pang aayusin ang lahat? Maibabalik pa ba ang aking pagkababae? Kahit anong gawin ng lalaking ito ay hindi na muling mabubuo ang nasira na.
Sa labas ay lalong lumalakas ang ulan. Dumadagundong ang malakas na pagkulog at pagkidlat. Dumadagundong Din ang aking dibdib sa tindi ng takot. Anong kapalaran ang naghihintay sa akin matapos ang gabing ito? Paano kung mabuntis ako? Paano ako haharap sa aking mga magulang, lalo na kay Papa?
Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang huli kong natatandaan ay nakatulog ako sa kama. Siguro dahil sa matinding pagod. Totoo pala ang mga naririnig ko sa aking mga kaibigan na may asawa na. Kapag daw nag-sex ang isang babae at isang lalaki, sumasarap ang tulog.
Nasaan ang hinayupak na sumira ng aking pagkababae? Bukod sa hindi na nagbayad, kung talagang bumabayad nga ng babae, mukhang ipapahawak pa niya ako. At saan ako kukuha ng ibabayad sa kwartong ito? Paano ako makakalabas dito ng hindi ako masisita ng mga tauhan ng hotel?
Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ako naglayas, hindi ako sumuway kay Papa hindi ito mangyayari sa akin. Wala akong ginawa kundi umiyak. Nag-iisip ako kung paano ako makatakas. Posible bang makatalon ako sa bintana? O dumaan kaya ako sa bintana ng CR? Pwede rin naman akong tumakbo na lang palabas. Pero hindi 'yun kadaling gawin. Malaking gulo lang. Naiiyak akong naupo ka kama. Pinagbuntungan ko ng galit ko ang mga unan. Bawat unan na nahahawakan ko ay binabato ko sa pinto.
Nang biglang bumukas ang pinto at ibinato ko sa lalaking pumasok ang unan na hawak ko na eksakto naman ito sa mukha niya. Nabigla ako nang sumimangot ito ng tamaan ko siya ng unan.
"Nagbalik ka pa!" lakas-loob kong sigaw sa kanya.
"Bakit? Hindi naman kita iiwan, ah," seryosong sabi nito sa akin sabay dampot ng mga binato kong unan. Isang supot ang inihagis niya sa aking kandungan.
"Magbihis ka. Lalabas na tayo sa hotel pagkakain natin ng breakfast."
Isang dress at isang high heels ang laman ng supot. May bago ring damit pangloob. Napangiti ako dahil mukhang nakuha ng lalaki ang size ko. Pati paa ko ay nahulaan niya ng sukat. Wala akong masabi. Naging sunud-sunuran lang ako sa bawat sasabihin ng lalaki.
Walang nakakilala sa akin ng lumabas ako. Naka-ponytail kasi ako at walang make-up na nakapahid sa mukha ko. Nagawa ako ng mailabas ng lalaki ng walang sumisita sa akin.
"Maraming salamat. Nailigtas mo ako sa mga taong humahabol sa akin kagabi," seryosong sabi ko.
Ayokong mag-isip ng negatibo sa kapahamakang inabot ko sa lalaking ito. Gusto kong isipin na lesser evil ang inabot ko rito kaysa naman sa kamay ng Mr. Villarama na 'yon. At 'yung pagtakas ko sa club na 'yon ay isang lalaki ang nagpalala sa akin.
Nalungkot ako para kay Lian at sa iba pang mga babaeng naroroon na hindi na makakaalis dahil nalugmok na nag pagkatao sa kumunoy.
Ngayon ay nasa kahabaan kami ng EDSA. Pamilyar ito sa akin. Naisip kong magpunta na lang muna sa pabrika ni Ma'am Aly. Malaking bagay 'yung makausap lang sana ang aking kaibigan at may mapagsabihan ako sa nangyari sa akin.
"Mister, pwedeng ibaba mo na lang ninyo ako rito sa tabi?" sabi ko sa lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala at wala din akong interest na itanong ang pangalan niya.
"At bakit? Saan ka pupunta?"
"Bahala na kung saan ako dadalhin ng paa ko."
"Gusto mo bang hindi ako patahimikin ng konsensya ko kapag pinabayaan kita?!"
"W-wala ka namang obligasyon sa akin. Hindi naman ako maghahabol."
"Miss, hindi ako ganyang klaseng tao. Dahil sa nangyari sa atin kagabi ay hindi na ako nakatulog buong magdamag. I have to do the right thing para matahimik ako."
"Babayaran mo ako? H'wag na. Quits na lang tayo dahil nailigtas mo naman ako sa mas matinding kapahamakan."
"Miss, sa ayaw at sa gusto mo kailangang magpakasal tayo. May obligasyong moral na ako sa 'yo matapos kitang magalaw dahil isa ka palang birhen."
"Papakasalan mo ako?"
"Oo, wala akong choice. Ngayon lang nangyari ito sa akin. Sanay akong bumayad na babae pero ngayon lang ako naka-encounter ng isang birheng katulad mo. I'm sorry. Hindi ko sinasadya kaya dapat lang na pagbayaran ko ang ginawa ko."
"No! Hindi tayo pwedeng pakasal! Ayoko!!!"
"At anong gusto mo? Habang buhay akong bagabagin ng konsensya ko? No way, Miss. Kailangang makasal tayo ngayon din bago kita iuwi sa amin."
Napalunok ako bago nilingon ang lalaki. Wala akong makitang pangit sa facial features nito. Parang isa pa itong model dahil sa kanyang katawan.
Kung pakakasalan nga ako nito, parang wala akong nadamang pagtutol sa aking puso. Naisip kong mas mabuti na sigurong dito na lang ako magpakasal kaysa naman sa anak ng kumpare ni Papa.
"Ako nga pala si Ramona Cecilia Dimagiba pero tawagin mo na lang akong Arci," hindi ako nakatiis na magpakilala.
Ikakasal na nga lang kami hindi ko pa alam ang pangalan ng lalaking ito. Napangiti ang lalaki. Sabay abot ng kanyang kamay.
"Joshede Montaigne."
Kay bilis-bilis ng mga pangyayari. Sa loob ng buong magdamag ay nabago ang aking buhay. Nandito ako ngayon na pumayag na magpakasal kay Joshede Montaigne sa huwes. Hindi ako makapaniwala na mapapakasal ako sa isang napakisig na lalaki na tulad nito.
At hindi ako makapaniwalang mangyayari ito sa aking buhay. Nangangarap akong magkaasawa ng gwapo, nang isang lalaking hindi taga-probinsya. Matutupad ang pangarap ko ng walang kahirap-hirap. Bigla-biglang dumating sa buhay ko ang lalaking ito at pinapakasalan ako. Kahit na nga sa huwes lang kami ikakasal ay lihim ko 'yong ikinatuwa.
Isang kaibigan ni Joshede ang tumayong witness. Ito ay si Zed at bakas sa mukha ang malaking pagtataka. "Ano ang pumasok sa utak mo at nagpatali ka ng ganito kadali?" mahinang tanong ni Zed kay Joshede.
"Mamaya ko tayo mag-usap, Zed. Nakakahiya sa nakakarinig sa 'yo," pabulong na sagot ni Joshede.
Mistulang kasal din pala sa pari ang pagpapakasal sa huwes. May singsing din. Hindi ko lang alam kung saan kumuha ng wedding ring ang lalaking ito pero akala ko ay nagpabili ito kay Zed.
"Congratulations sa inyong dalawa," bati ni Zed matapos ang seremonya ng kasal.
Sa ekpresyon ng mukha ni Joshede na ibang groom ang nakikita ko. Dahil pilit na pilit ang ngiti nito at dahil napilitan lang itong magpakasal sa akin.
"Kain muna tayo'"
"Dapat lang. Ang aga mo akong inistorbo at nagugutom na talaga ako."
Sa isang restaurant kami pumunta, hindi ko alam kung anong lugar na ito. Mabangong amoy ng mga pagkain ang sumalubong sa amin. Puno ng mga tao sa loob. Patunay nga ito a masasarap ang mga pagkain dito.
Naupo kami sa isang mesa para sa apat na tao at inabutan ako ng menu list. Malay ko naman ang mga pagkain dito. Ang alam ko lang na pagkain ay mga ordinaryo. Nang mapunta ako rito sa Maynila saka nga lang ako kakain sa mga fastfood restaurant.
"Ano ang gusto mong kainin, Arci?" tanong ni Joshede nang hindi nakatingin sa akin.
Sinuyod ko ang mga nababasang pangalan ng pagkain sa menu at kasunod noon ay titingin ako sa katapat sa presyo. Nakatingin sa akin sina Joshede at Zed at naghihintay rin ang waiter na kukuha ng aming order.
Napalunok na naman ako. Bukod sa hindi ko kabisado kung ano bang klaseng luto ang nakalista sa menu ay hindi talaga ako marunong mag-order. Pero may naintindihan ko 'yong chicken barbecue at iyon 'yung inorder ko. Nakahinga ako ng maluwag nang ilista ng waiter ang order ko.
"Drinks niyo, Ma'am?"
"Coke."
Sina Joshede at Zed naman ang nag-order. Hindi pamilyar sa akin ang tunog. Nang i-serve ang mga order ay parang gusto kong mainggit sa dalawa. Nakalagay sa isang oblong na plato ang order kong chicken barbecue samantalang ang order ng dalawa ay sa isang square na lalagyan nakalagay.
May tigdalawang malalaking hipon na nababalutan ng harina at saka mga bilog-bilog na parang kanin ang nakita ko sa plato.
"Gusto mo rin 'to?" tanong ni Joshede.
Parang nahulaan niya ang nasa isip ko. "H-Hindi. Tama na sa akin 'to," aniya.
Sa totoo lang, hindi ko kayang ubusin ang tatlong chicken barbecue na nakatusok sa stick. Ang lalaki pa ng hiwa. Pero ibang klaseng sarap 'yun kumpara sa ordinaryong barbecue na nakakain ko.
Natulala ako nang magbayad si Joshede ng mahigit sa isang libong piso gayong tatlo lang kaming kumain. Ganito ba gumastos ang mga pera?
Pagkakain namin ay nagpaalam na si Zed na hihiwalay na sa amin. "Alagaan mo 'yang asawa mo, Arci. At huwag kang magpapaapi riyan. Kapag nambabae, isumbong mo kaagad sa akin," biro niya bago pinara ang isang taxing nagdaan.
Nang makapagsolo kami ni Joshede ay nawalan na ako ng kibo. Tahimik na nagmamaneho lang ito at ni hindi niya ako tinitignan.
Ano ba itong napasukan ko? At bakit ba nag-abala pa ang lalaking ito na pakasalan ako kung ganito namang parang ayaw niya akong kausapin?
***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***