Chereads / Best Mistake / Chapter 5 - Kabanata 5

Chapter 5 - Kabanata 5

"Mommy, si Arci. Asawa ko." Pagpapakilala ni Joshede sa akin sa isang babaeng nasa garden at kasalukuyang umiinom ng kape.

Naibuga ng babaeng tinawag na Mommy ni Joshede ang kapeng hinigop. "Pakiulit mo nga ang sinabi mo, Jos?"

"Mom, ipinakikilala ko sa 'yo ang asawa ko."

Napatayo ang babae nang mahimasmasan at maintindihan ang sinasabi ni Joshede. "Nag-asawa ka na?" tila hindi makapaniwalang paalala nito.

Tumango si Joshede.

"Anong kalokohan itong ibig mong palabasin, Joshede? Basta ka na lang mag-uuwi ng babae rito at sasabihin mong asawa mo? My goodness! Malaking kalokohan itong gingawa mo!"

"Pwede ba, Mom. Huwag ka ng magduda. Wala ka ng magagawa. Kasal na kami ni Arci."

"At saang lupalop mo napulot ang babaeng 'to?" muling tanong nito habang nanalim ang mga mata nito na nakatingin sa akin.

"Pwede ba, Mom? Huwag mo na akong tanungin kung bakit ko naging asawa si Arci? I just drop to let you know na nag-asawa na ako."

"Ano bang kalokohan 'to, Jos? Ang tagal kong hinihintay na sabihin mo sa amin ng Daddy mo na mag-asawa ka na. Pero hindi sa ganitong paraan at hindi sa kung sino lang na babae!"

"Ayoko nang pagtalunan pa natin ang pag-aasawa ko. Nasa right age na ako, Mommy. Ini-inform ko lang kayo sa pagbabago na nangyayari sa buhay ko."

Pagkasabi niya ay hinila na ko ni Joshede sa kamay. "Let's go, Arci."

"Sa-Saan tayo pupunta?"

"Sa bahay ko."

"S-Sa bahay mo?"

"Hindi ako nakatira rito. I have my own condo. Doon tayo titira," tila nainis siya sa ginawa kong pagtatanong.

Napatingin ako sa matandang babae. "Tutuloy na po kami," paalam ko.

Hindi nagawang sumagot nito. Hanggang sa makaalis kami ay walang nasabi ito kahit kunti.

"Mu-Mukhang tutol ang Mommy mo sa pag-aasawa mo, Joshede."

"Wala siyang magagawa."

"H-Hindi mo na lang sana ginawa 'to."

"Ang alin ang hindi ko dapat na ginawa?" nakasimangot na tanong niya.

"N-Na pinakasalan mo ako. H-Hindi naman kasi ako naghahabol. Kasalanan ko naman ang lahat."

"Ayoko ng pagtalunan pa natin ang bagay na 'to, Arci. Ayokong kinukwestyon ang mga desisyon ko sa bahay."

Tumahimik na ako ng marinig ang sinabi ni Joshede. Medyo natakot ako kung bakit natanong ko pa. Hindi ko pa siya lubusang kilala ang lalaking ito. Dapat lang na maging maingat ako sa pakikitungo sa kanya. Kung nagagawa nitong sagut-sagutin ang ina, sino ba ako para i-spare ang pagiging masungit nito.

Naisip ko, masahol pa ata ito sa nagkaasawa ng pipi. Teka, baka naman ako lang ang sumiseryoso sa relasyon namin. Baka naman kunwari-kunwarian lang itong pinasok kong relasyon?

Dumaan kami ni Joshede sa isang Department Store. "Mamili ka ng mga gamit mo. H'wag kang magtitipid. Buy all you can at ako ang bahala."

"Pero nakakahiya naman ata sa 'yo."

"Kasama sa mga pananagutan ko ang bihisan ka, Arci."

Isang saleslady ang lumapit sa amin. "Miss, please assist her, okay?"

"Sir, ano pong items ang biblhin ninyo para kay Ma'am?"

"Damit na panglakad at pang-bahay, shoes and handbag, cosmetics, underwears, perfume, lotion, everything na kailangan niya."

"Half a dozen for all the dresses, shoes and handbag. A set of two for the cosmetics and the others."

Nanlaki ang aking mga mata sa pagkabigla. Hindi ko expected ang gesture ni Joshede. Hindi ko lubos maisip na gagastusan ako ng ganitong kalaking halaga ng lalaking ito.

Nang maipon ang mga pinamili ni Joshede para sa akin ay kulang-kulang na P200,000.00 ang inabot na halaga ng mga 'yon. Wala akong masabi. Takang-taka ako kung bakit sobrang galante naman ang lalaking ito sa akin? Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung ganito ba talaga ang isang lalaki kapag nakadisgrasya ng isang birhen?

Nang sakay na kami ng kotse nito ay natahimik muli ang lalaki. Feeling ko na naman ay hindi ako existing ng mga oras na ito. Nakikiramdam lang ako sa mga kilos ni Joshede. Kung hindi niya ako kausapin ay hindi siya kumikibo. Hanggang sa nakarating kami sa isang condominium tower.

Kaagad kaming sinalubong ng gwardiya at tinulungan kaming magbitbit ng mga pinamili para sa akin. Halos hindi namin madala lahat sa dami ng pinamili ni Joshede.

Hindi ko akalaing sasakay pala kami ng elevator. "Ayoko riyan. Pwedeng maghagdan na lang ako?" tanong ko.

"Hindi pwede, Arci. Nasa eight floor ang unit ko."

Napalunok ako at hindi makatanggi. Punong-puno ako ng takot na napasunod ni Joshede. Hindi ko lang masabi na hindi ako sanay sumakay rito.

Napapikit ako ng awtomatik na sumara 'yon at magsimulang maglibot sa mga floor ng condo tower. Pakiramdam ko ay hinahalukay ang aking bituka sa bawat pag-andar at paghinto nito sa bawat floor.

Hindi ako nakatiis ay napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Joshede at nakapikit sa balikat niya. "Takot ka ba sa elevator?" tanong niya.

Hindi ako dumilat na tumango. "Kailangang magsanay ka ng sumakay rito dahil dito tayo titira."

Tumango ulit ako tanda ng pagsang-ayon ko pero hindi pa rin ako dumidilat. Hanggang huminto ulit ito.

"Here we are. Open your eyes now, Arci."

Dahan-dahang dinilat ko ang aking mata. Bumulaga sa akin ang isang maluwag na pasilyo na carpeted ang sahig. Huminto kami sa tapat ng isang pinto na may number 85 ni Joshede. Nag-door bell siya at binuksan ng isang may edad na babae na halos kaedad ni Mama.

"Manang Rosa, pakitulungan kaming magdala ng mga gamit ni Ma'am Arci mo at ipasok mo sa kwarto ko."

"Sino siya Joshede?" tanong nito habang ipinapasok ang mga pinamili sa isang kwarto.

"Asawa ko, Manang. Si Arci."

"Huh? Nag-asawa ka na?"

"Bakit masyado ka yatang nagulat, Manang? Hindi ba gusto mo na naman talaga akong mag-asawa?"

"Oo nga. Pero nakakabigla ka naman, Jos."

"Ako man ay nabigla sa mga nangyari. Hindi pa sana ako handang mag-asawa."

"Gano'n pala ay bakit nag-asawa ka na?"

"Kailangan na, Manang."

"Bakit? Nabuntis mo na ba ang babaeng 'yan?" pabulong na tanong ng matanda.

"Hindi po. Pero kailangan ng pakasalan."

"Kung sabagay ay maganda siya at mukhang mabait. Mas gusto ko naman siya kaysa kay Rissa."

"Manang!"

"Ay, sorry po Sir."

Pero huli na ang pagsaway na 'yon. Nagawa ko ng magkaroon ng agam-agam sa aking isipan.

"Manang magluto ka ng masarap na pagkain sa hapunan. Magpapahinga lang muna kami ni Arci," aniya Joshede.

"Ito ang kwarto natin, Arci. Feel at home. H'wag kang mahihiya. Kung  anuman ang gusto mong gawin pagbabago sa bahay, feel free to do do." Tango lang ang naisagot ko kay Joshede.

Habang nakikipag-usap ako sa kanya ay nag-iikot ang mga mata ko sa paligid. Naghahanap ang aking mata hanggang sa mapadako ng tingin ko sa side table kung saan ay may picture frame na nakapatong. Kahit malayo kita ko ang isang larawan ng lalaki na nakaakbay sa isang babae ang nakaakit ng atensyon ko.

"Magandang bahay 'to," kunwaring sabi ko at pasimpleng lumakad palapit sa side table. Nang isang hakbang na lang ang layo ko sa side table at pumasok si Joshede sa CR ng kwarto.

Sinamantala ko 'yon at mahawakan ko ang frame upang magkaroon ng klarong bista ng larawang nakapaloob. Kuha ni Joshede at isang babaeng gusto kong isiping maganda pero unknowingly ay nakalabi na pala ako. Nakaakbay nga si Joshede at larawan ito ng matinding kasiyahan habang nakaakbay sa babae.

Ito siguro ang Rissa'ng sinasabi ni Manang Rosa. Nang maramdaman kong pagbukas ng pinto ng CR at nagmamadali ko itong ipinatong ang frame sa table at pasimpleng tumalikod.

"Bakit parang naestatwa ka riyan?" sita niya. Diretsong-diretso kasi sa aking kinakatayuan.

"Na-Naninibago lang ako. Parang hindi pa rin ako makapaniwalang may asawa na ako."

"H'wag mong seryosohin ang bagay na 'to. As I've told you, bunga ng obligasyong moral ang nagtulak sa akin para pakasalan ka.

"Alam ko."

"Kaya naman hindi kita pinagbabawalan sa gusto mong gawin. Hindi kita hihigpitan at gayon din ako. I expect na malaya ko pa ring magagawa ang gusto ko."

Marahan akong tumayo. Kasama na siguro sa hindi ipagbabawal ang relasyon nila ang babaeng kasama niya sa picture. Alam ko naman ang limitasyon ng relasyong ito pero nakakapagtaka na nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib.

Arci, masaya ka. Sino ka para masaktan? Kagabi mo na lang nakilala ang lalaking 'yan? Don't you expect na mahal ka niya kaya ka pinakasalan.

"Kung gusto mong magpahinga, feel free to do so. Kung may iuutos ka pwede mong tawagin si Manang Rosa."

"Hindi. Hindi ako inaantok. Gusto kong maligo," nahihiya akong maghalungkat ng mga pinamili ni Joshede para sa akin. Kumuha ako ng isang short at isang loose t-shirt at mga damit pangloob.

"N-Nakalimutan nating bumili ng tuwalya."

"Hindi na kailangan. Marami akong bath towel. Buksan mo ang closet sa bandang kanan."

Nanginginig ang mga kamay ko ng binuksan ko ang pinto sa closet na tumambad sa akin ang iba't-ibang kulay ng mga imported na tuwalya na maayos na nakasalansan. Kinuha ko ang nasa ibabaw kulay pink 'yon. Nagkataong paborito ko ang kulay at pumasok ako sa banyo.

Panay ang buntong hininga ko habang nasa loob ako ng banyo. Nakatapat ako sa shower ay si Joshede pa rin ang laman ng isip ko. Ano kaya ang gagawin ng lalaking 'yon kung sa paglabas ko ay makita niya akong bagong paligo? Maakit kaya siya sa akin? May mangyayari ba sa amin?

Kung anu-ano ang naiisip ko at nakaramdam ako ng init ng katawan. Bakit ba ako nag-i-expect na maaakit sa akin ang lalaking 'yon, e, aksidente lang naman itong naging dahilan kung bakit niya ko pinakasalan.

Ang ginawa ko ay tinodo ang shower at hinayaang mababad ang katawan ko. Paglabas ko, ni anino ni Joshede ay hindi ko makita sa kwarto.

***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***