Chereads / Best Mistake / Chapter 7 - Kabanata 7

Chapter 7 - Kabanata 7

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang miss na miss ko na si Joshede? Wala akong ibang iniisip kundi si Joshede, 'yong mga nangyayari sa amin sa nagdaang gabi. Nami-miss ko na ang kabuuan ni Joshede. Ang mga halik at mga yakap niya.

Bawat bahagi ng katawan ko ay hinahanap ang presensya ni Joshede. Nagpakabusy muna ako para ilibang ang aking sarili. Kahit na ayaw magpatulong ni Manang Rosa sa trabaho ay tinutulungan ko siya. Binago ko ang ayos ng sala. Pati na rin ang kwarto namin ay pinakialaman ko na.

Bandang hapon, habang nagpapahinga kami ni Manang Rosa, kumakain kami ng meryenda ng tumunog ang doorbell.

"Sino kaya 'yon? Imposibleng si Joshede. Bukas pa 'yon uuwi," tanong ni Manang Rosa.

Pigil na pigil ang paghinga na nag-aabang kung sino ang bubungad sa pinto at nanlaki ang mga mata ko nang pumasok ang isang babae na-fit ang pants, kita ang pusod at dibdib. Napabalikwas ako ng kinauupuan. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang babaeng katabi ni Joshede sa picture. So, ito pala si Rissa.

"Si Joshede, Manang?" mataray na tanong nito.

"Ah.... eh.... ewan ko. Hindi ko alam. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta." Sagot ni Manang.

"Anong oras kaya babalik ang lalaking 'yon. Hindi man lang sinabi kung saan siya pupunta. Wala raw sa opisina. Bawat tatanungin ko hindi alam kung saan pumunta. Hindi rin siya nagrereply sa mga text ko sa selpon niya," iritableng sabi niya bago siya sumalpak sa sopa.

"Ang alam ko ay tatlong araw siyang mawawala," sabat ko sa kanya.

Kumunot naman 'yong babae at parang hindi niya ko napansin. At hindi rin ito nagustuhan ang pakikisabat ko sa kanya.

"Sino siya, Manang?" nakataas ang kilay niya habang tinitigan niya ako.

"Ah...e..."

"Hindi pa pala niya ako kilala, Manang. Pwede bang magpakilala sa kanya? 'Yan kasi papasok-pasok na lang siya bigla rito ng hindi kilala ang nasa harapan niya." Mataray ko ring sagot. Aba! Hindi ako magpapa-api sa babaeng ito. Ako ang asawa!

"Hey! Sino ka ba at ang yabang mo?!"

Ngumisi naman ako, yun bang nakakainsulto para mainis ko siya. "Ako lang naman ang asawa ni Joshede!"

"What???! Are you out of your mind?!" tanong niya.

Wala pa man itong ginagawa pero inis na inis na ako sa babaeng ito.

"Manang, anong pinagsasabi ng babaeng ito?"

"Eh... Ri-Rissa, totoo ang sinasabi ni Arci. Asawa siya ni Joshede." sagot ni Manang Rosa.

"At paano nangyari 'yon? Kailan siya ikinasal? At bakit wala siyang binabanggit sa akin?"

"Biglaan kasi ang kasal nila, Rissa." si Manang Rosa ulit.

"Hindi 'to pwede! Hindi niya ako pwedeng talikuran!"

"At ikaw na babae ka, huwag mong isiping nagtagumpay ka na maagaw sa akin si Joshede! Hindi mo kaya ang kaya kong gawin para maibaling sa kanya ang atensyon!" gigil na gigil na sabi ni Rissa sa akin.

"Ang maipapayo ko sa 'yo ay gawin mo ang lahat na inaakala mo na magbibigay sa 'yo ng pagkakataong maagaw ang asawa ko!"

"Akala mo kung sino ka! Saang lupalop ka ba napulot ni Joshede, huh?!"

Ngumisi ako. "Sa isang club. Doon kami nagkita. One day affair lang actually, Miss. At na-inlove na kami sa isa't-isa."

"Hindi ako naniniwala! Siguro inakit mo lang si Joshede! Hindi ang katulad mo lang ang papatulan ni Joshede! I know him!"

"At bakit mo nasabi 'yan?"

"Eh, kasi PO ay napaka-cheap ninyong manamit. Cheap... duhhh... bitch! 'Yang itsura mo!!! 'Yang buhok mong parang mahangin sa labas ang katumbas at 'yang mukha mo, walang karate-arte! Sa totoo lang nagmumukha ka lang katulong ni Joshede!"

Sobrang panlalait ang natanggap ko sa babaeng ito at hindi ko masikmura ang gaspang niyang ugali. "Katulong pala huh? Cheap pala huh? Pwes, ilalabas ko ang pagiging cheap ko!" bigla kong sinampal ng malakas si Rissa. Nasaktan siya, nagalit at gigil na gigil siya sa akin dahil sa ginawa ko. Masama pa ang tingin niya sa akin.

Mabuti na lang humarang si Manang Rosa kay Rissa at hindi niya ako nahila no'ng tangkain niya akong sabunutan.

"H'wag mong papabalikin ang bruhang 'yan, Manang!" utos ko.

"Rissa, utang na loob! Umalis ka na. Naku, kapag nalaman ito ni Joshede baka ako ang pagalitan."

"Talagang aalis na ako pero babasagin ko na muna ang mukha ng babaeng 'yan!" hamon niya.

Gusto niya akong sampalin pero nakailag ako, hindi talaga ako papayag na saktan ako na babaeng ito. Desidido akong makaganti kaya hinabol ko siya kahit saan siya magpunta. Isang paraan ang naisip ko para mapaalis ang babaeng ito rito sa Condo. Kinuha ko ang kitchen knife at hindi ako nagdalawang isip na itutok ito sa kanya.

"Sige lang! Subukan mong lumapit at bibigyan kita ng gripo riyan sa tagiliran mo!" nagulat siya at napaatras patungong pinto.

"Makikita mo! Babalikan kita! At sa susunod, makikita mo ang hinahanap mo!" sigaw niya.

"Hihintayin kita! Akala mo uurungan kita?!"

Nang makaalis na si Rissa saka ako napaiyak. "Bakit anak?"

"Manang, alam ko naman na mali ang ginawa ko at alam ko ring mapapagalitan ako kay Joshede. Alam ko po na mahal na mahal niya ang babaeng 'yon. Kaya lang, sobra naming makapanlait ang babaeng 'yon."

"Naku, bakit mo naman naisip na mahal niya ang babaeng 'yon?"

"Talaga naman po, 'di ba?"

"Basta ang isipin mo, ikaw ang pinakasalan. Mas malaki ang lamang mo sa kanya."

Nasasaktan at natatakot ako sa maaaring ibunga ng ginawa kong pananakit kay Rissa. Ang nasa isip ko, hindi ilalagay sa kwarto ni Joshede ang picture ng babaeng 'yon kung hindi 'yon mahalaga sa kanya. Gusto kong umiyak sa oras na ito pero hindi ko gustong ipakita kay Manang Rosa ang tunay kong nararamdaman.

"Im home!" excited na pag-iingay ni Joshede sa kanyang pagdating.

Gabi na itong dumating kug saang man siya lupalop nagpunta. Walang gana akong sumalubong sa kanya pero sinalubong niya ako kaagad ng yakap ni Joshede at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Kumusta ka na, Arci? na-miss mo ba ako?" gago, namiss talaga kita ng sobra. Pero hindi ko na lamang sinagot. Kundi, tinulungan ko siyang maghubad ng sulot niyang jacket at inabutan ko siya ng tsinelas.

"Wow! Nabago ata ang arrangement ng salas. Maganda. I like it." Aniya.

Hindi ko alam kung pampakunswelo de bobo lang o sadyang na-impress siya sa bagong ayos ng Condo. Ang susunod ko sanang gagawin ay asikasuhin ang mga bitbit niyang bagahe pero tinawag na naman niya ako.

"Come here, Arci. Hayaan mo na si Manang ang mag-ayos ng mga 'yan."

Hinalikan niya ako sa noo. Kinilabutan ako. Kahit gusto ko ang mga gesture na pinapakita niya, pinagdududahan ko na dala lang ito ng pangangailangan kaya sweet siya sa akin.

"Hindi ka ba naiinip ditto habang wala ako?" tanong niya sa akin habang hinihimas niya ang aking braso.

Umiling lang ako. "Napagod ako sa destino ko sa Cebu. Puro kami trabaho." Hindi na ako nag-react.

Hindi ko lang masabi kay Joshede na paano ba ako maka-relay sa mga sinasabi niya ngayong magpasahanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang trabaho niya.

Isinandal niya ang ulo niya sa sopa. "Nananakit ang ulo ko."

"G-Gusto mong hilutin ko?" nakikiming prisinta ko.

"Yes, please." Walang babalang nahiga si Joshede sa aking kandungan at saka parang ipinagheheleng pumikit.

Napalunok ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan na asawa ko na ang napakakisig na nilalang na ito. Nandito at hinihilot ko pa ang noo niya.

"May sasabihin pala ako sa 'yo," sabi ko na ang nasa isip ay si Rissa.

"Ano 'yon?" malambing niyang tanong.

"Pumunta rito si Rissa. At .... nasampal ko siya."

"Huh?" bigalang napagbalikwas siya ng bangon.

"Bakit mo siya sinampal? Ano ang kasalanan niya sa 'yo?"

"Nilait niya ako at pinagsalitaan ng kung anu-ano ng malamang.... asawa mo na ako."

"Hindi mo ang ginawa mo, Arci! Malaking gulo ito!"

"I'm sorry," parang gusto kong umiyak sa naging reaksyon ni Joshede.

Mukhang masama pa ang loob niya sa nagawa kong pagsampal kay Rissa. Hindi ko akalaing mas kakampihan niya ang babaeng yun kaysa sa akin. Napatayo at nakasimangot si Joshede na humarap sa akin.

"Kailangan ayusin ko ang gulong ito bago pa lumala! You should have not laid a finger on her!"

"I'm sorry. I'm very very sorry," parang maaupos na kandali ang pagkakasabi ko.

"Manang! Ipaghanda mo nga ako ng bihisan! Aalis ako ulit!" galit na utos ni Joshede kay Manang.

Hindi siya nakakilos sa kinaroroonan. Bakas sa mukha ni Joshede ang malaking galit. Naligo ito at pagkabihis niya ay walang paalam na umalis ulit siya. Nasaktan na naman ako sa pambabalewala ni Joshede sa akin.

Asa ka pa, Arci? Bakit ka aasa na dapat niyang pagpapaalaman sa tuwing aalis siya? Sino ka ba sa buhay niya?

***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***