Chereads / Best Mistake / Chapter 2 - Kabanata 2

Chapter 2 - Kabanata 2

His POV

"Sino na naman ang luhaang babaeng 'yon na dinispatsa mo?" sita ni Zed sa akin nang bisitahin ako rito sa opisina.

"Pinaluha ka riyan. Wala akong ginagawa sa kanya, 'no!"

"I bet meron. Luhaan, e. Tiyak na pinaiyak mo 'yon."

"Zed, sobra na ka naman. Ano naman ang tingin mo sa akin?"

"Berdugo ng mga babae."

"Ang sama mong kaibigan. Sinisira mo ang pagkatao ko."

"BWAHAHAHAHAHAHAHAH!'" halakhak niya.

"May sisirain pa ba? Hindi ba malaki na ang sira?"

"Sira ulo ka! Baka may makarinig sa 'yo ay maniwala sa mga pinagsasabi mo."

"Honestly speaking, ano ba ang nakakapigil sa 'yo para seryosohin ang isang babae, ha? Hindi ka na bumabata. You are already thirty years old, Joshede."

"It's simple because, wala pa akong makitang babae na papasa sa pamantayan ko."

"At anong pamantayan ang tinutukoy mo?"

"I should be the first man in a woman's life. It's a big factor."

"Mayroon pa bang virgin ngayon?"

"Kaya nga paano ko naman tototohanin ang mga babaeng nakasiping ko kung alam ko naman na hindi ako ang una."

"Eh, kasi naman babaeng bayaran ang tinatabihan mo. Paano ka ngang makakapag-disvirgin n'yan."

"Pwede ka bang tumabi sa virgin? Syempre, puro hindi na virgin ang mga babaeng papayag na bayaran na for a one night stand."

"Careful ka riyan sa mga pambabae mo, Joshede. Baka magka-aids ka."

"Hindi naman ako manyakis, Zed. At hindi rin ako basta-basta pumapatol. May mga babae naman na pwede mong pagkatiwalaan pagdating sa bagay na 'yan."

"Kung nag-asawa ka na ba, 'di hindi mo na kailangan pang magbayad sa tuwing gusto mo ng sex."

"Hindi gaanong kadali ang pag-aasawa, Zed. It's a commitment. At hindi pa ako handa sa isang lifetime commitment. Ang dami ko pang gustong ma-accomplish sa buhay ko."

"Example?"

"Ang maging stable ako ng husto bago ako mag-raise ng isang pamilya."

"My goodness, Joshede. Hindi ka pa stable sa palagay mo? May sarili ka ng house and lot sa isang first class subdivision. May sarili business at kumikita sa daan-daang libo sa isang buwan. Ano pa bang accomplishments ang hinahangad mo?"

"Bago mo ako ipagtulakang mag-asawa pwede ba ikaw muna? Matanda ka yata sa akin ng 2years."

"Kaya nga ako nandito eh. Para imbitahan ka sa kasal namin ni Paula."

"Ha? Nagbibiro ka ba? Pakakasalan mo si Paula?"

"At bakit hindi? Mahal ko siya."

"Si Paula na isang pick-up girl?"

"Yes, Joshede!"

"Ano ang pumasok d'yan sa kukote mo at naisipan mo ang malaking pagkakamaling 'yan?"

"It's because I love her. Natutunan ko siyang mahalin."

"You're a fool, Zed Santillan"

"Really? Lets wait and see kapag naman ang umibig. Tingnan ko lang kung ano ang sasabihin mo."

"Kaya nga ako umabot sa edad na ganito. Nag-iingat akong mabuti sa pipiliin kong mapapangasawa ko."

"Huwag kang magsasalita ng tapos, Joshede. Mark my word."

Arci POV

"Talaga bang pumapayag ka nang magpakasal sa anak ni Pareng Cardo, anak?" tanong ni Mama nang minsang wala si Papa.

"Ano sa palagay ninyo na tamang gawin ko, Ma?"

"Ikaw ang magdedesisyon sa buhay mo, anak."

"At may nabuo na akong desisyon. Isang desisyon na alam kong ikagagalit ni Papa at baka maisumpa pa niya ako."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Mama, ayoko pong magpakasal sa inirereto ng Papa sa akin."

"Anong binabalak mong gawin ngayon?"

"Gusto ko pong tumakas."

"Ha?"

"Kaya ba ninyong ipatanggap sa akin ang isang mali?" umiling si Mama.

"Kung gano'n ay hindi ninyo ako isusumbong kay Papa sa binabalak kong pagtakas."

"Anak, kawawa ka kapag nalaman ng Papa mo itong balak mo."

"Kaya nga kailangan ko ang tulong niyo. Gumawa kayo ng paraan para makatakas ako nang hindi kayo mapaghinalaan ni Papa na kasabwat ko."

Huminga ng malalim si Mama.

"Sige. Gagawa ako ng paraan. Bukas ay uutusan kitang magtungo sa bayan. Pabibilhin kita kunwari ng gamot ko."

"Ma, marami pong salamat. Kailangang-kailangan ko talaga ang suporta n'yo."

"Mag-iingat ka, anak. Huwag kang magpapahuli sa Papa mo."

~*~

"Ano? Hindi pa umuuwi ang anak mo? At bakit mo hinayaan si Arci?!" galit na galit si Mang Lucas kay Aling Amanda.

"Sinumpong ako ng sakit ng ulo kanina at inutusan ko siyang bumili ng gamot."

"At bakit siya ang inutusan mong bumili ng gamot?! Alam mo namang hindi ko siya pinapalabas ng bahay!"

"Hindi ko 'yun naisip, Lucas. Ang tanging gusto ko lamang ay maibsan ang sakit ng ulo ko kaya ko siya inutusan."

Isang sampal ang inabot ni Aling Amanda sa kamay ng kanyang asawa.

"Hindi ka nag-iisip! Ano ngayon ang mukhang ihaharap ko kay Pareng Cardo at sa kanyang anak?!"

Napapikit na lamang siya. Pero nagpapasalamat na rin na nakatakas ang anak. Sa nakikita niyang ikinikilos na asawa, mas gusto na niya na mapalayo si Arci kaysa naman ang magpakasal sa isang lalaking hindi nito gusto.

"Susundan ko si Arci sa Maynila! At kapag nakita ko siya kaladkarin ko siya pabalik dito sa probinsya!"

"Lucas, pabayaan mo na ang anak natin! Huwag mong pigilan ang kanyang karapatan na pumili ng lalaking gusto niyang pakasalan!"

"Sinasabi na nga ba at may kinalaman ka sa pag-alis ng anak mo! Sinadya mong patakasin siya!"

Bago makasagot si Aling Amanda ay sampal ang inabot niya buhat kay Mang Lucas.

Arci POV

Nakahinga ako nang maluwang ng sapitin ang terminal ng bus sa Maynila. Ngayon ay malayo na ako sa aming probinsya at pansamantalang nakatakas ako kay Papa. Ang problema ko ngayon ay kung sundan ako ni Papa dito.

Tinawagan ko si Marian para sabihing nasa Maynila na ako. "Saan ka tutuloy niyan, Arci? Wala naman tayong ibang kakilala rito sa Maynila."

"Bahala na, Marian. Maglakad-lakad na lang muna ako baka sakaling makahanap ako ng trabaho."

"Sige. Mag-iingat ka. Tawagan mo kami kaagad kapag nagkaproblema ka."

"Maraming salamat, Marian."

WANTED WAITRESS

Natawag ang pansin ko sa nabasa kong ito na nakasabit sa dingding ng club restaurant na 'yun sa bandang Quezon City. Hindi ito kasinlaki ng mga pangunahing club dito sa Maynila pero maayos at mukhang class.

Lakas loob akong pumasok pumasok at hinanap ang taong may-ari. Hindi naman siya nagdalawang salita. Kaagad niya akong tinanggap ng babaeng nakausap ko.

"Pwede ka ng magsimula mamayang gabi. Pero bago 'yun ipapakilala kita sa mga magiging kasama mo," sabi ng nag-interview sa akin.

"Maraming salamat po."

"Hindi ka magsisisi sa ginawa mong pagpasok dito. Malaki ang kinikita ng mga kustomer basta mabait lang kayo."

Ang nasabing babae na nakilala kong si Madam Em ay part-owner pala ng club restaurant na ito. Sa isang kwarto sa second floor at nakilala ko ang iba pang mga babae na nagtatrabaho rin bilang waitress.

"Taga saan ka?" tanong sa akin ng isang babae.

"Taga-probinsya."

"Ah, cheap! Naku, kailangan matuto kang maging wise dito sa trabaho natin."

"At bakit kailangan maging wise?" tanong ko.

"Para kumita ka ng mas malaki."

"Paano ba maging wise?"

"Ay, naku. Cheap nga talaga ang babaeng ito. Ang dami pang hindi alam!"

"Mabuti pa ay magsukat ka na ng uniporme mo doon sa kwarto. Maghanap ka na ng kasukat mong damit para hindi ka na makaabala mamayang gabi," sabi sa akin ng babae.

Dinala ako sa dressing room at naguat ako nang makitang puro sexy ang mga damit na nandoon.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Arci."

"Arci, ako nga pala si Lian," pagpapakilala ng babae sa akin.

"Alin d'yan ang uniporme natin?" tanong ko.

"Iyan. 'Yang mga maiiksing damit na 'yan na kita ang likod at dibdib."

"Huh? 'Yan ang isusuot natin mamayang gabi?"

"Oo, bakit? Hindi mo ba alam?"

"Hindi, e. Akala ko puti. 'Yung parang nurse."

"Naku, gaga! Hindi na uso 'yun! Noong araw pa 'yun. Nung kapanahunan ng mga lola natin!"

Napalunok ako.

"Parang hindi ko ata kaya 'yan, Lian."

"Anong hindi kaya? Kailangang kayanin mo. Baka akala mo makakatakas ka pa rito. Hindi na 'no!"

"Huh? At bakit hindi?"

"Gusto mong ipabugbog ka ni Madam Em? Ihanda mo na ang sarili mo na mabubulok ka na rito."

"Tinatakot mo ba ako, Lian?" kinilabutan ako.

"Hindi kita tinatakot. Sa totoo lang." Napatingin ako sa mga mata ni Lian pero wala nga sa mukha ng babaeng ito ang nagbibiro.

Kinagabihan ay wala akong nagawa kundi ang magsuot ng damit na pinaka-uniporme raw namin. Kita ang dibdib at litaw ang likod. Litaw din ang kalahati ng hita. Naasiwa ako pero wala akong magawa.

"Hoy! Bakit hindi ka pa nag-aayos ng mukha? Hindi ka pwedeng ganyan lang lalabas. Kailangan ay nakamake-up ka!" bulyaw ni Madam Em ng umakyat siya sa kwarto namin.

"Wala akong pang-make-up Madam Em. At saka hindi ako marunong maglagay n,'yan."

"Naku, ayusan ninyo ang babaeng 'yan at baka makunsumi ako riyan! Bilisan ninyo! Dagsa na ang kustomer sa baba!"

"Yes, Madam!" sabay-sabay na sagot ng mga kasama ko.

Hinila ako ni Lian sa isang sulok. "Halika at ako na ang mag-aayos sa 'yo. Tiyak na marami ang nagkakagulo sayo. Bukod sa bago ka rito ay maganda ka pa."

"Natatakot ako, Lian. Baka salbahe ang mga lalaking kustomer dito."

"Hindi naman actually mga salbahe. Nananantsing lang sila. Ganern."

Napalunok ako ako ng simulan akong ayusan ni Lian. Tingin ko nangangapal ang mukha ko habang pinapahiran ako ng kung anu-ano sa mukha. Gusto kong sisihin si Papa sa sinapit kong kapalaran. Kung hindi sa masamang balak niya malayong malagay ako sa alanganing sitwasyon gaya nito.

Pababa na kaming lahat nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Patay! Baka walang pupuntang customer ngayon," react ng isang babae.

Sana nga. Para naman makatakas ako sa trabahong ito.

***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***