Silent Scream
What is your greatest regret?
The question that I can immediately answer but that answer is so hard for me to put into words.
Napakaraming mga memorya ang nagbabalik sa aking isipan, simula pa noong ako'y nagkamalay at nagmulat sa katotohanan ng mundong aking sinilangan, kinagisnan at ginagalawan.
Have you ever wondered about that word regret? What is the first thing that comes into your mind when you heard that word? Is it a person that automatically flashed in your mind? Or is it an event that you want to change if you've given a chance?
I believe that everyone has it's own regrets, and it will be so hard and can take time if you are to choose the greatest.
But me, I don't need to choose. Because I only got one regret in my entire life. And that is, to die being nothing.
Napapikit nalang ako nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin, binabaybay ng aking isipan ang mga memorya ng aking nakaraan. Nakaraan na kay sarap balikan at kung maaari ay gagawin ko ang lahat magbago lamang ang takbo ng aking buhay.
Nang may naramdaman akong presensya ay agad din akong nagmulat at tumayo. Marahan kong binaluktot ang aking likod at iniyuko ang aking ulo upang magbigay galang sa kanya, ngunit sinenyasan lamang ako nito na maupong muli.
"Anong pakay mo?" walang paligoy-ligoy niyang tanong nang sandaling makaupo siya sa upu-ang nakalaan para sa kanya.
"Gusto kong mabuhay muli," agaran kong sagot dito. Batid kong inaasahan niya ang aking sagot sapagkat hindi ito kinakitaan ng kahit kaunting pagkagulat man lamang.
"Bakit? May misyon kapa bang hindi natutupad?" Dahan dahang pag-iling ang isinagot ko sa tanong niyang iyon. "May gusto kabang baguhin?"
Huminga ako nang malalim at panandali-ang inisip ang mga bagay na hindi ko nagawa sa mga oras na ako'y nabubuhay pa.
"I'm not satisfied of my deeds and I didn't get my happiness while I'm still alive." Yun lamang ang nagawang sagot ng aking utak sa kanyang katanungan.
"What's your happiness then?" pagtatanong pa niya.
My happiness?
Ano nga ba ang aking kasiyahan? Paano ko nasasabi na ako ay masaya sa mga bagay na aking ginagawa? Ang pagkatuwa ba ay katulad lamang din ng pagiging masaya?
Nalilito ako. Hindi ko alam kung ano ang maging masaya at kung paano maging masaya.
"Every person has it's own meaning of happiness. What's yours?" dagdag pang katanungan niya na nakapagpa-dagdag sa pagkalito ng aking mga iniisip.
"I don't know. But making humans happy and doing what's best for them makes me happy too." Hindi ko inaakalang masasagot ko ang kanyang katanungan sa kabila ng aking pagkalito.
"At hindi mo nagawa iyon?"
Napalunok ako at kahit sa kaunting panahong kanyang inalagi ay nakapag isip ako ng konteng katinu-an.
"I just wanted to live on Earth again and change the way I'd lived. Change the moments I regret on doing things. I want change," diretsong sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga matang kahit anong aninag ko ay hindi ko pa rin makita dahil sa liwanag na nagmumula sa kanya.
"But what if that change will make you regret things even more? What if it can give you more pain, more grief, more tears, more sadness... more regrets?" sunod sunod niyang tanong sa'kin ngunit wala ni isa sa mga sinabi niya ang nakapagpatigil sa apoy ng aking kagustuhang mabuhay muli.
"I will take the risk," matapang kong sagot dito.
This is already a chance, and if I won't take this risk, this will surely my greatest regret I could've ever done in my life.
Kita ko ang pagtayo niya sa kanyang kinauupu-an kaya naman tumayo na rin ako habang pinagmamasdan ang kabu-uan niyang kahit sobrang liwanag ay mas pinili kong magpakasilaw sa taglay nitong sinag.
At ganoon nalang ang pagkagulat ko nang marahan niya akong yakapin at ikulong sa kanyang mga bisig. Bagaman, hindi ito ganoon kahigpit ay ramdam na ramdam ko ang presenysa niya at ang nag uumapaw na pagmamahal.
"You're so brave," huling mga salita na narinig ko galing sa kanya.
At nang magmulat ako, tumambad na sa akin ang tatlong lagusan patungo sa mundong aking kinalakihan. Tatlong mga lagusan na sumisimbolo kung ano ang aking kahihinatnan kung ako man ay mabubuhay muli. At batid kong isa sa mga naroon, ay kamatayan.
Isang purong puti na lagusan na kahit anong suri ko ay hinding hindi ko kakikitaan ng kahit konteng mantsa o dumi.
Sa kabila naman ay isang sobrang itim na lagusan at wala talagang makikitang kahit ni isang bahid ng kaputi-an.
At sa gitna ay ang pinaghalong puti at itim ngunit nangingibabaw ang itim dito at mga mantsa lamang ang kulay na puti.
Napatingala ako sa itaas na purong puti lamang ang kulay at ipinikit ang aking mga mata kasabay nang paghinga ko ng malalim habang iniisip kung saang lagusan ako papasok, dahil batid kong isang pagkakamali ko lamang ay maaaring magdulot sa akin ng kamatayan.
Bigla na lamang nagbalik sa aking mga ala-ala ang mga araw na wala akong ginawa, ang mga pangarap na gusto kong makamtan ay nanatili lamang bilang aking kagustuhan at hindi ko iyon kailanman nakamit dahil wala naman akong ginawa upang maabot ang mga iyon.
Ang mga sitwasyong nangangailangan ng tulong ko ay mas pinili kong takasan ito.
Sa mga panahon na may magagawa ako pero pinili ko pa rin ang magsawalang bahala at walang ginawa kahit ni isa.
Nanatiling mag isa at hindi marunong makihalubilo sa iba. Hanggang sa ako'y bawi-an ng buhay ay walang kahit ni isa ang nanatili sa aking tabi.
Kasabay nang paglandas ng isang butil ng tubig mula sa aking mata ay ang mas lalong pagliyab ng aking apoy ng kagustuhang mabuhay muli at magawa ang mga bagay na pinagsisihang hindi nagawa.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay namataan ko na lamang ang aking sariling naglalakad na pala papunta sa lagusang naroon ang dalawang kulay. Ang itim at puting kulay na para sa'kin ay sumisimbolo sa pagkakapantay pantay ng mga pangyayari.
May itim, mayroon ding puti. May kaguluhan, mayroon ding kapayapaan. May kalungkutan, mayroon ding kasiyahan. May problema, mayroon ding solusyon. May kamali-an, pero pwede namang itama sa maayos na paraan.
Ramdam ko ang ngiti sa aking mga labi nang tuluyan na akong pumasok sa lagusang aking pinili.
I take the risk. And in this state, I believe I already won. I conquer my fears for my future and ready to change the destiny of my life.
What is your biggest regret?
Me? To die nothing.
I'm Soliva Layla Asredo, a woman who died nothing but take the risk to live again.
And my mission, to give my loudest voice to shout my silent scream.
-
Bellevim