Chapter 5
Kinurap kurap ko ang mg mata ko, masakit ang ulo ko at nahihilo ako. Gusto kong bumangon pero hindi kaya ng katawan ko. Kaya wala akong nagawa kundi igala ang aking paningin sa kabu-uan ng silid kung saan ako nakahiga.
Maputi ang pintura sa mga dingding kaya alam ko na agad na nasa clinic ako at nakahiga sa bed. Ngunit ang mas ikinagulat ko dahil sa rami ng mga taong nakapaligid sa'kin, lahat sila ay nakatingin sa'kin.
Kita ko sina Angel, Rose at Lovely, pero bukod sa kanila ay may mga matatanda pang naririto.
"Are you okay?" Bumaling ako sa nagtatanong at naaninag ng mata ko ang school nurse naming si Miss Belya.
Biglang may naramdaman akong kirot sa ulo ko kaya hinawakan ko ito nang mahigpit para mawala yung sakit.
"Anong nararamdaman mo?" dagdag pang tanong ni Miss Belya.
Nang maramdaman ko na paunti-unti nang bumabalik ang katawan ko sa dating diwa ko, tiningnan ko na ang school nurse namin at tsaka binigyan siya ng isang ngiting nagsasaad na wala na siyang dapat ipag-alala sa akin.
Ayoko nang mag-alala pa siya, silang lahat.
"Anong oras naba?" natanong ko nalang dahil sa nakikita ko na ang paglubog ng araw.
"5:15," walang ganang sagot ni Angel.
Dahil sa boses niya, naalala ko ang lahat. Kung bakit ako nandito at kung ano ang nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay.
Okay lang kaya si Angel? May nangyari bang masama sa kanya.
Tinitigan siya at dito ko nakita na ayos lang talaga siya kaya nginiti-an ko ito.
Naalala ko rin ang boses na siyang nagtawag sa pangalan ko, ang boses na batid kong tumatakbo papalapit sa akin nang mga panahong iyon.
Naipikit ko nalang ang mga mata ko ng mariin nang pilit ko iyong inalala ay kumirot lamang ang aking ulo.
Pero lumipas ang ilang sandali ay naging stable na ang kalagayan ko, chineck na ang lahat ng vital signs ko ni Miss Belya at maayos na naman daw ako. Pwede na akong umuwi.
Naalala ko ang mga bagay na kailangan kong gawin ngayon, maaga ako dapat sa convenience store para malaki-laki ang kikitain ko. Kailangan ko ring mag overtime ngayon dahil Sabado naman bukas at wala akong problema sa pag-aaral ko.
"Saan ka pupunta?" rinig kong tanong ng isang ginang.
"Mauuna napo ako sa inyong lahat. Maraming salamat po Miss Belya sa pag asikaso sa'kin." nginiti-an ko siya. "At Angel, mag-iingat kadin parati."
Lalabas na sana ako ng clinic nang biglang nagsalita ang isang ginoo.
"Dito ka muna." Napatingin ako sa kanya. "Kakausapin kalang namin, sandali lang ito."
Nagsitangu-an naman ang mga nandoon pati narin ni Miss Belya bago ko sila nakitang isa isang nagsisilabasan. Matapos non ay pinaupo muna nila ako habang sila ay nakatayo sa aking harapan.
Nalaman kong mga magulang ito ni Angel dahil naalala ko ang mga mukha nila noong pumunta ako sa libing ni Angel noon.
Kami nalamang tatlo ang nandito sa loob ng Clinic.
"Ano pong sasabihin niyo?" magalang kong tanong sa kanila.
"Didiretsuhin kana namin hija, paano mo nalaman na may lason yung bote ng tubig ng anak namin?" Napaayos naman ako ng upo dahil sa paraan nang pagtatanong ng ginang.
Mukha kasing hindi tama ang ekspresyon nila sa pagtatanong, parang sa tingin nila ay may kinalaman ako sa nangyaring panlalason.
Ngunit hindi ko rin alam kung ano ang isasagot dito, hindi ko naman pwedeng sabihin na namatay ako noon tapos nabuhay muli dahil pinagsisihan ko ang una kong buhay at gusto kong magbago?
"Mukhang tama nga ang hinala namin, may kinalaman ka 'ron. Pero hindi kaya ng konsesnya mong makita ang anak namin na kaklase mo pa naman na nalalason kaya't pinilit mo siyang ibigay ang bote ng tubig sa iyo." pag gawa pa ng kwento ng ginoo.
Hanep. Napamaang nalang ang bibig ko sa gulat dahil sa pambihirang konklusyon nilang iyon na kahit sa isip ko ay hindi man lang sumagi kahit konteng detale ng iniisip nila.
Pero pinilit ko paring pairalin ang galang ko sa kanila.
"Pasensya napo ngunit, ang mga sinabi niyo ay hindi totoo." tangi ko sa kanilang mga paratang. "Iba lang talaga ang pakiramdam ko 'non na parang may masamang mangyayari at kapag ganoon ang pakiramdam ko ay nagkakatotoo talaga."
I'm sorry. I'm sorry kung nagsinungaling ako. Hindi ko lamang gustong mapasok ang gulong ito na hindi ko man lang naisip bago ako gumawa ng hakbang.
Ang tanging iniisip ko lang naman ay ang kapakanan ni Angel.
"Hindi ko sinasadyang mahagip ng paningin ang bote na hawak ni Angel at di maipaliwanag na bilis ng tibok ng puso ang naramdaman ko 'non kaya ginawa ko ang lahat upang makuha iyon." Batid kong hindi kapani paniwala ang pagdadahilan ko kaya kahit na tumatango tango ang mag-asawa sa harap ko, hindi nila maitatanging hindi sila kumbinsido.
"Sigi. Kung 'yan ang dahilan mo. Basta siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman dito, madadamay ang mga magulang mo." Napatingin naman ako sa ginoo nang sinabi niya iyon at tsaka marahang ngumiti, pinilit na huwag maiyak.
"Wala napo akong mga magulang." Natigilan sila nang marinig nila iyon.
Hindi sila nakapagsalita kaya nagsalita na ako dahil batid kong may buwan na sa labas.
"Mauuna napo ako kung wala na kayong ibang sasabihin. Mag iingat kayo parati." nakangiting paalala ko sa kanila, paalalang pantao.
Batid kong may galit sa pamilya nila at gustong maghiganti dahil nakita ko iyon sa balita noon, pero wala akong planong ipaalam iyon sa kanila.
Sinagip ko lamang ang kanilang anak sa tangkang panlalason ay ako na ang naging masama sa paningin nila. Paano pa kaya kung sasabihin ko ang tungkol sa mga taong galit ka kanila?
Baka mamatay ako nang wala pang oras.
Nang makalabas na ako ay tama nga ang aking hinala ko, nanjan nanga ang buwan. Nakikita ko ito sa kalangitan at nakangiti siya sa'kin.
"You're smiling at me again." ngiting sambit ko.
"Really?" Halos mapa talon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ng pamilyar na boses na iyon.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang lalaking ito na nakatayo habang nakapandekwatro sa gate ng Centertian High School at diretsong nakatingin sa'kin.
Kita ko rin ang dahan dahang pagngiti niya bago lumapit sa'kin kaya naman awtomatiko akong napaatras.
"Wag kang umatras, di naman kita babarilin." Ngumisi pa siya na parang may naalala bago tumingala sa itaas.
Tumabingi pa ang kanyang ulo na parang tinitingnan ang buwan sa iba't ibang angulo.
"Is your moon really smiling? Is it really happy?" tanong niya habang nakatingala parin. "Look at this angle, you can see that it's not happy but sad."
Tiningnan ko naman ang buwan sa angulo nang pagkakatingin niya.
Oo nga, sa angulong ito ay malungkot siya.
"But it depends upon how you interpret it." nasabi ko nalang bigla dahil sa ideyang pumasok sa isip ko. "Nasa iyo 'yan kung anong side mo ito titingnan, sa positibo ba, o sa negatibo."
Tiningnan ko siya at hindi na ako nagulat na nakatingin na pala ito sa'kin. Seryoso ang kanyang mga tingin na parang handang handa itong makinig sa anumang mga salitang lumabas sa bibig ko.
"Katulad lang din 'yan ng buhay ng tao, may magandang side at may malungkot din." sinsero kong ani habang nakangiti rito.
"But it can be a person that's hiding from it's mask." Aba, hindi din pala pahuhuli, lumalaban. "You can say that it's happy, but deep inside, it's hurting."
Grabe. Hindi nga papatalo.
"It depends upon how you interpret it." dahan-dahan ko itong sinabi sa kanya at kita ko naman ang pagngiti niya, ngiting humahanga.
"Let's go." Kumunot ang noo ko. Anong let's go? "Hindi ka paba uuwi?"
"Bakit hindi kapa umuuwi?" binalik ko ang tanong sa kanya.
"I'm waiting for you." Ano!? "Can't you just appreciate it? Nilamok ako kanina Ms. Soliva Layla Asredo."
Sinabi nanaman niya ang buo kong pangalan.
"Ano bang kailangan mo!?" pilit kong tinago ang aking inis ngunit nagkukusa itong lumabas lalo na dahil sa mga pinagsasabi niya.
Hindi kami close at ngayon lang ulit kami nag-usap matapos ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. Wala siyang kaalam-alam na dahil 'don kaya hindi ako makatulog.
"I want to know where you live."
"Ha!" Awtomatikong napamaang ako sa gulat dahil sa diretsong pagsagot niya sa tanong ko.
"Why?" inosenteng baling niya sa'kin.
"Why?" Nagtaka siya dahil sa pag-gaya ko sa kanyang tanong.
"Ginagaya mo ba ako?" kumunot ang noo niya.
"Tinatanong kita kung bakit ka pupunta sa lugar kung saan ako nakatira." seryoso ako at tinitingnan ko talaga siya sa mata.
Kahit na mga singkit 'yun, pilit ko paring inaalam kung ang mga susunod niyang sasabihin ay katotohanan.
It's weird to think that this man is acting like this in front of me.
"Wag mo'kong awayin." Iniwas niya ang kanyang tingin sa'kin. "I'm being friendly here."
Nagtaka naman ako. Anong friendly?
"Kaya umuwi na tayo."
"No!" mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya nang bigla niya itong hawakan.
"What's the problem? It's getting dark." Di mo'ko madadaan sa Ingles mo.
"Alam mo, nakakatakot ka." Natigilan naman ito dahil sa sinabi ko. "Hindi ka ganyan, anong nangyari sa'yo?"
Kita ko ang paglunok niya, nag-iisip.
"Kung wala kang magandang sasabihin, uuwi na ako. May trabaho pa ako." diretsong sabi ko rito at nagsimula nang maglakad papalayo papunta sa kalsada.
"I can give you a job." Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Ano namang klaseng trabaho?
Gumagabi na at inaalala ko talaga 'yung trabaho ko para mabuhay pa ako bukas.
"You can stay and eat for free." dagdag pa nito.
"I'm not interested. Legal ang trabaho ko." Hindi ko siya tiningnan at naghahanap lamang ang aking mata ng masasakyan.
"Fuck! Are you thinking that the job I offered is illegal?" Nagulat ako dahil sa biglaang pagtaas ng kanyang boses. "Sorry."
Tumingin ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang kabu-uan niya. Gusto kong malaman kung ano ang laman ng isip niya at kung bakit niya ginagawa ito sa'kin.
Laking pasasalamat ko dahil hindi na nagiging pasaway ang tibok ng puso ko.
"Sigi," bumuntong hininga siya. "Kung ayaw mo'kong papuntahin sa bahay niyo, pumunta kana lang bukas sa Cam."
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka sa sinabi niya. Bakit naman ako pupunta 'don? Marami akong kailangang gawin bukas.
Ang Cam o Camellon ay isang Mall na katabi lamang ng Centertian Elementary School na makikita mo sa kaliwa kung nakatayo ka sa Centertian High School. Ito ang pinakamalaking mall sa buong Halthian at maraming pumupunta rito kahit malayo sa palengke.
"Aasahan ka niya." dagdag pa nito.
"Niya?" Tumingin siya sa'kin bago tumango at ngumiti.
"My mom wants you to go with her tomorrow."
—
Bellevim