Chereads / SILENT SCREAM / Chapter 8 - Chapter 6

Chapter 8 - Chapter 6

Chapter 6

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, nalilito ako. Kung anong desisyon at pagpipilian ang pipiliin ko, o kung wala ba akong pipiliin ni isa.

Nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga huling binitawang salita ni Mren sa'kin kahapon.

Makikipagkita ang kanyang ina sa'kin ngayon? Bakit?

Pero batid kong may trabaho akong kailangang gawin. Kailangan ko pang maging clown ng mga bata.

Yes, a clown. Kinuha kasi ako bilang assistant ng isang sikat na clown para sa isang children's party ngayon. Pero mamayang hapon pa naman iyon at wala rin akong gagawing importante ngayon maliban sa magluto ng pansit at ilako ito.

Hindi sinasadyang masagi ng isipan ko ang aking yumaong ina.

Tiningnan ko ang mismong lugar kung saan ko siya nakitang nakahiga sa ikalawang pagkakataon.

Napangiti nalang ako, hindi ko alam kung totoong ngiti o pilit lamang. Pero kailangan ko na talagang tangapin ang katotohanan.

Ang swerte ko nga kung tutu-usin, dalawang beses kong nakasama si Nanay.

"Meaw.." Nagbalik ako sa aking dating diwa at dating isipin nang ngumiyaw si Naning.

Yumuko ako upang kunin siya.

"Aalis ba ako Naning at makikipagkita sa Mama niya, o maglalako tayo ng pansit?" parang baliw kong tanong dahil sa isang pusa lang naman ako humihingi ng opinyon.

Ngunit sa halip na sagutin ay kinalmot lamang ng pusang ito ang aking kamay upang makawala kaya binitawan ko na ito.

Huminga ako nang malalim bago binaling ang tingin sa pataas nang pataas na haring araw.

"Good morning." Nakangiting bati ko rito bago naghugas na ng pinagkainan, naligo't nagbihis.

I made up my decision already, I'll go up first with his Mom and then being a clown.

Bukas nalang siguro ako maglalako ng pansit.

"Salamat po." Binigay ko ang pera sa driver nang makarating na ako sa Cam. "Mag-iingat po kayo."

Naglalakad na ako papunta sa Camellon Mall nang bigla nalamang kumabog ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Dahil ba ito nang nakita ko ang kanyang ina na parang naiinip sa kakahintay?

Nakita ko siya sa labas ng Cam at naiinitan na siya dahil sa sikat ng araw, patingin tingin din siya sa kanyang relos at tumatanaw tanaw sa mga taong dumarating, maging ang pumapasok at lumalabas sa mall.

Napalunok nalang ako nang magtama ang aming mga mata. Agad akong lumapit sa kanya at tsaka yumuko.

"Good morning Mam." Binati ko ito.

"Akala ko hindi kana darating." dinig kong sabi niya.

Inangat ko naman ang paningin ko't nginiti-an siya.

Ako nga ang hinihintay niya. Pero bakit?

"Soliva right?" Hindi siya sigurado.

"Yes Mam." Tumango ako.

"Can I call you Soli."Nakangiti akong tumango rito.

Bakit niya kaya alam ang pangalan ko? Sinabi ba ni Mren?

"Ahh.. ano po ang gagawin ko rito?" Nahihiya ako dahil wala sa lugar ang aking pagtatanong, kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa maginaw na lugar na ito na puno ng mga taong may kaya sa buhay at may pambili ng mamahaling bagay.

Lumingon naman ito sa'kin.

"Just go with me Soli. Join me on my shopping." Nakangiti siya kaya ngumiti narin ako, pinipilit na huwag magmukhang pilit.

Parang nagsimula nang umusbong ang pagsisisi sa dibdib ko. Iniisip ko na sana nagluto nalang ako ng pansit para may maipanglalako mamayang tanghali. Wala akong maaaning pera sa pagsho-shopping.

Napatindig nalang ako ng tuwid nang lumingon ito sa'kin. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.

"Do you want this?" tanong niya sa'kin habang nakaturo sa isang bag, mamahaling bag.

Iniling ko naman ang ulo ko nang dahan-dahan.

Batid kong nagulat siya sa sinagot ko at hindi maiwasang magtanong kung bakit.

"Hindi ko naman po alam kung saan ko gagamitin 'yan." mahinahong sagot ko, natatakot ako sa kung anong magiging reaksyon niya.

Pero nang tumango-tango ito at ngumiti, nawala nang bahagya ang kaba ko rito.

"Anong gusto mo rito?" pagtatanong pa niya.

Nandito naman kami sa mga beauty products. May mga kolorete, lotion, perfume at marami pang iba.

Umiling naman ako at tsaka siya nagtaka.

"Lahat ng mga babae ay ito ang pinapangarap." ngiting sambit pa nito habang tumitingin sa mga lipstick.

"Ganoon po ba?" napakamot nalamang ako sa aking batok. "Hindi ko kasi alam."

"You're weird." Mahina man ito ngunit nadinig ko.

Hindi ko nalang siya sinagot. Nagpatuloy kami sa paglalakad lakad sa buong mall, patingin tingin din ako sa mga nadadaan ko ngunit hindi ko iniwala sa aking paningin si Mam Mren.

Malamig ang Camellon at hindi nito maiiwasang sumakit ang ulo ko, pero kaya ko rin naman.

Kumukuha siya ng mga gamit na gusto niya at inilalagay iyon sa kanyang cart, nag represnta naman ako bilang cart pusher at tinangap naman niya ito agad.

"Do you like dresses?" nagtanong ulit siya.

Gusto ko ng damit. Pero nahihiya ako.

"Kumuha ka ng isa. Suotin mo kapag pupunta kang party." Ngumiti siya sa'kin.

Party? Kahit kailan ay hindi ko pa naranasang pumunta 'don.

"Wag nalang po Mam, may mga damit pa naman ako sa bahay." Pagtangi ko rito.

"Wag kanang tumangi, alam kung gusto mo ng damit. Kumuha kana." Wala na akong nagawa dahil nahihiya rin akong tumangi.

Kinuha ko ang simpleng puting damit na may layers at laces tapos long sleeve. Maganda siya at mura, pinakamura sa kanilang lahat.

"That's not for party Soli." rinig kong sabi niya nang ipinakita ko ang aking napili.

"Pansimba ko po." Hindi naman siya nakapagsalita sa sinagot ko at tumango nalamang ito sa'kin.

Sa totoo lang, nahihiya na ako kay Mam Mren dahil wala akong ibang ginawa kundi ang tumangi sa lahat ng kanyang offer. Yung dress lang ang tinangu-an ko at wala ng iba.

Hindi rin kasi importante iyong mga tinuturo niya. Mabubuhay naman ako kahit walang accessories, kahit walang make-ups, kahit walang mga sandalyas o kung ano-ano pa.

Sa prinsipyo ko kasi, batid kong marami pang dapat paglaanan ng pera keysa sa sarili mong mga gusto na hindi naman kailangan.

Yes, I'm poor. But I'm not stupid to think that I'm the poorest, because there are lots of people in the world who's poorer than me.

"Pumili kana Soli." Tinutukoy niya ang menu na nasa tabi ko.

Kinuha ko naman ito at binabasa ang mga pangalan ng mga pagkaing sobrang mahal. Kahit na konte lang ang serving, mahal padin ito.

Pinili ko nalang ang spaghetti dahil matagal naring hindi ako nakakatikim niyan. At gusto ko ring malaman kung bakit ganito na lamang ito ka mahal.

"Just eat." Nginiti-an ko siya.

"Salamat Mam. First time ko po ito. Hehe." Tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala.

"Really?" Tumango ako. "Why?"

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi, baka kasi kung ano na ang masabi niya sa'kin.

"Marami pang mga araw ang gusto kong mabuhay kaya kailangang hindi ako magastos." Ngunit sa huli ay pinili kong magsabi.

Habang kumakain kami ay paminsan-minsay nagsasalita siya, nagpasalamat din ito dahil sa pagtulong ko sa kanyang pinakaunang anak. Ate ni Mren.

Hindi ko tinapos ang aking pagkain at sinadya ko rin naman ito. Akala ko ay aalis na kami ni Mam Mren ngunit may mga sinabi pa ito sa'kin na mas lalong nakapagpadagdag sa isipin ko.

"I have an offer for you," napabaling naman ang tingin ko sa kanya. "I'll give you a job."

Naalala ko bigla ang sinabi sa'kin Mren kahapon, katulad din ba ito ng job offer ng kanyang ina?

"Ano pong trabaho iyon Mam?" Umupo naman ito ng maayos at tsaka ako tiningnan ng sinsero.

"I know you're brave, I know that you have a good heart, and no offense, base on how you look, malabong magustuhan ka ng anak ko." Napatawa naman ako ng kaunti dahil sa sinabi ni Mam Mren, tumatawa rin kasi siya ng kaunti kaya sinasabayan ko nalang.

"Gusto ko lang naman na bantayan mo ang anak ko. Just for a week, may business tour kasi kami sa Europe, isasama ko si Clarie at maiiwang mag-isa ang pasaway kong anak na iyon. I know na makakaya mo ang trabahong 'yun, I believe in you." Ngumiti siya sa'kin, nagpapalakas loob.

"Teka Mam," hindi ko kasi maiwasan ang magtaka. "Bakit ako?"

"Because I can see that you can adjust to my son's attitude, na mababantayan mo siya nang maayos, na isa kang tao na mapagkakatiwalaan." Ano bang klaseng tao ang anak niya at ganito nalamang ang kanyang mga sinasabi sa'kin?

"You will stay in our house for free and eat there for free. If he commanded you to do something, just do it." Parang maid ata ang kahihinantan ko nito. "I know you can do it. Bibigyan kita ng sweldong higit pa sa inaasahan mo."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Wala sa ayos ang utak ko para mag desisyon at ayoko namang magpadalos dalos dahil batid kong nasa huli ang pagsisisi.

Alam ko rin kung gaano ka laki ang offer nito sa'kin. Pero ang iniisip ko, ano ang magiging kapalit nito? Paano nito mababago ang takbo ng buhay ko?

Babaguhin ba ito para maging maayos, o para maging mas magulo?

"Soliva.." tinawag niya ako sa aking pangalan.

Tiningnan ko siya at ganoon din ito sa'kin, kapag tinitingnan ko ang kanyang ina ay mukhang hindi ako makatangi.

At nang nagsalita na ito, sa tono palang ay parang alam na niya kung ano ang desisyon na pipiliin ko. At sa hindi malamang kadahilanan ay mas kinabahan ako roon.

"Patinu-in mo ang anak ko."

Bellevim