Chereads / SILENT SCREAM / Chapter 9 - Chapter 7

Chapter 9 - Chapter 7

Chapter 7

Nang mamatay ako, doon ko naramdaman ang labis na pagsisisi.

Gusto ko muling mabuhay, gusto kong baguhin ang takbo ng aking buhay, gusto kong magbago. Yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon, ginagawa ko na ngayon. Ginagawa ko ang lahat mapasaya lamang ang mga taong nasa paligid ko.

Kasalukuyan kong binabantayan si Naning habang kumakain ng Spaghetti na dala ko para sa kanya.

Ngunit dahil sa mga pagbabagong ginawa ko, ang mga nangyayari sa aking buhay ay wala na sa aking plano. Bago ang mga ito, at may mga taong nakaka-salamuha ko na hindi ko makaka-salamuha kung hindi ako nagbalik muli sa mundong ito.

Kung hindi ko binago ang takbo ng aking buhay ay hindi ito mangyayari.

Pero may kung ano rin dito sa loob ko na gustong malaman kung ano ang aking kinahihinatnan kung mapupunta ako sa bahay ng mga Mren. Gusto kong magpakatapang at harapin ang magiging kapalaran ko roon.

Pero kapag nakikita ko ang lalaking babantayan ko ng isang linggo, hindi ko maiwasang kabahan. Pakiramdam ko kasi, hindi magiging mabuti ang patutunguhan ko roon.

Huminga muna ako ng malalim at tsaka bumuntong hininga. Tinanggal ko muna iyon sa aking isipan dahil batid kong makakahadlang lamang ito sa mga nais kong gawin sa araw na ito.  

Nagpasaya na ako ng mga bata at nakakain naman ako doon sa party, naging masaya rin ako dahil nakikita ko ang mga ngiti at tuwa sa kanilang mukha.

Masaya ako sa tuwing masaya sila.

"Naning, magsisimba muna ako." Nagpaalam muna ako sa aking pusa na wala namang ibang ginawa kundi ang kumain bago umalis.

Pero kahit palamunin 'yang si Naning, mahal na mahal ko 'yan.

Sinuot ko ang dress na binigay sa'kin ni Mam Mren kahapon at batid kong sobrang ganda nito. Kahit hanggang mukha lang ang salamin dito sa bahay dito namin, nakikita ko naman ang buong katawan ko kapag dadaan ako sa mga sasakyan at doon pasimpleng nananalamin.

Habang naglalakad papunta sa simbahan, tinitingnan ko rin ang mga taong nag dadamihan ang mga trabaho sa araw na ito. Hindi na sila nakakapagsimba dahil sa sobrang busy raw na pwede namang ipagpaliban muna at bigyan nang kaunting panahon ang Panginoon na bumubuhay sa kanila araw-araw.

Pero hindi ko naman ito masisisi, iba iba kasi ang mga tao maging ang mga prinsipyo at paniniwala nila sa buhay.

Dala dala ko ang aking maliit na bibliya sa aking kamay habang patuloy na tinatahak ang daan papunta sa simbahan. Naglalakad lang ako dahil hindi naman ito kalayu-an.

Nasa likod lamang ng wet market ang aking tinitirahan at nasa harap ng palengke ang plaza, nasa gilid lamang ng plaza ang simbahan sa gawing kanan nito at nasa kaliwa naman ang isang kilalang subdivision na ang pangalan ay Tram.

Nakikinig ako nang maayos sa mensahe upang may matutunan ako.

"All the things that happends to you, happends to me, happends to us, is according to His will. And He has a plan for it, better plan than ours." Tumango tango ako habang inaabsorb ng katawan ko ang mga salita ng Panginoon.

Nang makalabas ako ng simbahan ay may mga naririnig akong paninitsit at pasipol sipol sa paligid ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang tinawag nito ang pangalan ko.

"Soliva!" Agad naalarma ang buong katawan ko, pamilyar ang boses sa'kin ngunit wala sa ayos ang utak ko upang isipin kung sino iyon.

Nakahanda na ang buong katawan ko upang manapak sa kung sino man ang lalapit sa'kin.

"Hey—" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla ko siyang nilingon at dagli-ang sinapak. Sapul iyon sa mukha at alam kong malakas iyon dahil sa pagpasok ng adrenaline ko kaya kita ko ang pag-atras niya.

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang aking makita kung sino itong nasapak ko.

"Mren?" di ako makapaniwalang siya nga 'yung kanina pa naninitsit at naninipol sa'kin.

"Why did you do that?" himas himas pa nito ang kanyang mukha.

"Sorry," nahihiyang tugon ko, nakayuko sa harapan niya.

"Andami mo nang kasal-anan sa'kin, Soliva Layla Asredo." Sinambit nanaman niya ang buo kong pangalan.

Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Anong ibang kasal-anan ko maliban sa pananapak sa kanya?

Tiningnan ko ito mula paa papunta sa kanyang ulo at nakita ko ang ayos niya na pansimba. Yung sapatos na itim na galante tingnan, naka itim na jeans at naka polo ng kulay puti na halatang mamahalin. Simple lang ang suot nito pero pinatitingkad ito dahil sa aking kagwapohan niya.

Hindi katulad nang parati kong nakikita sa kanya sa eskwelahan, iba ang ayos ng kanyang buhok ngayon. Ang formal ng dating at parang aatend ito ng kasal.

"Dinadagdagan mo ang kasa-anan mo Ms. Asredo." nakangisi siya nang sinambit niya ito.

Anong kasa-anan nanaman?

"Kasal-anan mo rin dahil pwede mo namang diretsuhin akong tawagin sa pangalan ko at hindi nalang idinaan sa sitsit at sipol muna." seryoso kong sabi rito at hindi ko naman sinasadyang manisi sa kanya. Nagsasabi lamang ako ng totoo.

"I'm just testing if you'll look at me through that. Yung iba kasi, lumilingon agad." Natatawa pa siya.

"Iba yun, ibahin mo'ko." Ngumiti naman siya sa pagsagot ko.

"Iba ka nga." Kahit na sa pinakamahinang boses pa niya sinabi ito, narinig ko parin.

"Sumama ka sa'kin." Ano!?

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Anong sasama sa kanya? No way!

"Day 1 ng trabaho mo Ms. Asredo." Ngiting seryoso ang ginawad niya.

"Anong Day 1? Bukas ang Day 1 ko!" agad akong tumangi sa sinabi niya.

"Edi Day 0." Nauna na siyang naglakad papunta sa parking lot ng mga sasakyan at kita ko naman na may mga ibang mga lalaki rin doon. Mukha silang mga tambay, sila yung nakita ko kanina na nanjan lang mula umpisa hanggang matapos ang simba.

May iba kasi talaga na nagpapaalam para magsimba, pero hindi naman pumapasok sa simbahan.

Pero agad din itong lumingon sa'kin nang maramdaman niyang walang sumusunod sa kanya.

"Hindi mo'ko nadadaan sa ganyan Mr. Mren." Pilit kong ipakita ang galang at respeto ko sa kanya sa kabila ng mga ginawa niya.

"Ah ganon?" Nanghahamon ba siya?

"Ganon," matigas kong sagot dito.

Ngunit ganoon nalang ako kagulat nang bigla niya akong kargahin na parang sakong bigas sa kanyang balikat at simpleng naglakad papunta sa kanyang sasakyan na parang wala kami sa simbahan.

Gusto kong sumigaw, pero anlapit lang namin sa simbahan. Gusto ko siyang bugbugin, pero batid kong hindi magandang ihemplo iyon sa mga kabataang makakapanood.

"Pang ilan na'yan bro?" dinig ko pang sabi nong isang lalaki na mukha rin namang mayaman pero tambay nga lang talaga sa harap ng simbahan.

"Hindi kasali 'to." Saka niya ako pinasok sa kotse niya.

Magaan lamang ako dahil sa pagiging mapayat ko kaya ganoon nalang kadali para sa kanya ang gawin iyon. Gusto kong magmura sa totoo lang pero hindi ako nagmumura at hindi ko rin alam kung paano magmura kaya wala akong ibang magagawa kundi tingnan siya nang sobrang sama.

"Don't look at me like that Ms. Asredo, can you just thank me that I will bring you to your place of job?" Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya.

Oo nga, hindi ko alam kung saan siya nakatira.

"Isa pa," nagulat ako dahil sa biglaang pagseryoso niya. "Wag mo'kong ipapahiya sa mga barkada ko."

Hindi na siya nagsalita pa maging ako hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay na nandito lang naman pala sa Tram subdivision. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa subdibisyon na ito, malaki ito at napakaraming mga bahay.

Nasa bandang dulo na kami nang huminto ang kanyang sasakyan. Lumabas na siya at bago niya sinarado ang pinto, nagsalita pa ito.

"Hindi kita pagbubuksan kaya lumabas ka dyan mag-isa." At tsaka ko siya nakitang umalis.

Nagsimulang umusbong ang kaba sa dibdib ko, sinusubukan kong buksan ang pintu-an na nasa tabi ko lamang ngunit hindi ko ito mabuksan. Ito ang pinakaunang pagkakataon na nakasakay ako sa isang kotse at hindi ko alam maging ang bagay na ito.

Hindi ko maipaliwanag ang pagsikip ng dibdib ko at nagsisimula na naman akong mahirapan sa paghinga.

Mabilis ang tibok ng puso ko at mabilis ang aking mga paghinga para lamang makasinghap ng hangin.

This is my phobia, ang maiwang mag-isa sa isang maliit na lugar. Hindi naman ganoon kaliit ang kanyang sasakyan, malaki ito kung tutu-usin. Ngunit kapag naiwan akong mag-isa ay aatake ito.

"Hindi ka talaga marunong makinig— Soliva! Soliva!" Hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kalagayan ko.

Madali niya akong hinila palabas ng sasakyan at tsaka pinasandal sa nakasarado ng pinto. Feeling ko, matutumba na ako kapag wala akong masasandalan.

"Soliva, anong nangyari sa'yo? Okay kalang ba? Soliva!" Tinapik tapik niya ang aking mukha nang mahina at kahit na hindi niya sabihin, batid kong nag aalala ito dahil sa tono ng kanyang pananalita.

Ayokong may nag-aalala sa'kin.

Pinikit ko ang mga mata ko at tsaka pinilit na pakalmahin ang aking sarili, dinadama ko ang hangin, ang preskong hangin papunta sa'kin. Huminga ako at hanggang sa naramdaman ko na ang pagkalma ng puso ko.

"Soliva.." nag-aalala parin siya.

Isinandal ko ang ulo ko sa sasakyan ngunit nagulat nalamang ako dahil inilagay niya ang palad niya roon para iyon ang masandalan ko.

"Do you have a Claustrophobia?" Tumango ako sa kanyang tanong at narinig ko nalamang itong nagmura. "I'm sorry. I didn't know."

Hindi ko nalang ito sinagot pa at pinagpatuloy ang pag recover sa sarili ko, natatakot akong mamatay ng wala pa sa oras.

Matapos iyon ay nginiti-an ko na ito at sinenyasang maayos na ako.

"Dito kaba nakatira?" tanong ko rito habang nakatingin sa malaking bahay na nasa aking harapan. May tatlong kotse ito sa parking lot maliban sa kotseng sinakyan namin papunta rito.

Nasa loob na kami ng gate nila.

Nakita ko naman itong tumingin sa'kin at halatang nag-aalala parin kahit hindi niya sabihin.

"Maayos na ako. Wala kanang dapat ipag-alala pa." Ngiti-an ko ito at nakita ko naman siyang sinukli-an din ako nang ngiti na halatang pilit naman.

"Sure?" Naninigurado pa.

"Oo nga." Tinapik ko ito sa balikat. "Mauna na ako."

"What!?" Nagulat pa siya. Anong gusto niyang gawin ko, libutin ang bahay nila? "Wag ka munang umalis."

Marami pa po akong gagawin.

"Kumain ka muna. Pumasok ka muna sa bahay." Agad siyang nagsalita nang makita niya ang pagtataka ko.

"Wag na. Marami pa akong kailangang asikasuhin," pagtangi ko rito.

"No. Sabi kasi ni Mom, pumunta ka raw muna rito. Gusto ka niyang maka-usap at bigyan ng instructions." Sinuri ko naman siya na parang tinitingnan kung nagsasabi ba ito ng totoo. "Staring is rude. Nagsasabi nga ako ng totoo."

Tinangu-an ko nalang ito.

"Okay."

"Anong okay?" Ang hirap naman kausap ng lalaking 'to. Ano ba talagang gusto niya?

"Diba sabi mo gusto akong maka-usap ng Nanay mo?" Napahiya naman itong tumungo.

"Oo nga. Hehe." Ngumuti pa siya na parang aso kaya napatawa nalang ako nang mahina rito.

Pumasok na kami sa bahay nilang ubod ng laki. Sobrang laki nito para sa isang pamilya lang. Kung tutu-usin ay pwede rito ang sampong pamilya.

Pero hindi ko ipinahalata ang pagkamangha ko, baka masabihan pa akong inosente.

"Soli!" Boses palang ay batid ko na galing sa Nanay niya.

"Good morning Mam," yumuko ako sa kanya.

"Look at you, you look good in that dress." Ito ang unang tao na pumuri sa suot kong damit kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reakyon dito.

Nginiti-an ko nalamang siya at tsaka nagpasalamat.

"Look at her Baby, diba bagay sa kanya ang damit?" kinakausap niya si Mren.

Tiningnan naman ako nito na parang sinusuri kung totoo nga ba ang sinasabi ng ina.

"Iyan ba ang binili mo sa kanya?" pagtatanong nito at tumango naman ang kanyang ina. "Sakto lang."

"Baby! Don't lie, bagay sa kanya." Ang cute lang nilang mag-ina.

Mukhang mommy's boy 'to.

"Wala naman akong sinabing hindi bagay," walang gana niyang sagot habang naglalakad sa hagdan papunta sa second floor.

"Does it mean—"

"Pero wala rin akong sinasabing bagay." Walang kwenta.

At tuluyan na itong naglaho sa aming paningin dahil pumasok na siya sa isang kwarto roon.

"I'm sorry Soli, ganyan talaga siya." Nginiti-an ko nalang ito upang hindi na siya mag-alala pa.

"Masasanay rin ako 'jan." Kaya naman sumigla na ulit ang mukha niya.

"I just want to see your performance today dahil mamayang gabi na ang flight namin," sabi pa niya sa'kin.

"Ano pong gagawin ko?" walang idea na tanong ko.

"Just follow what he says." Magiging maid nga ako.

Pero wala na akong ibang magagawa pa, pinakain na ako ni Mam Mren ngayong umaga bago niya ako pinagsimula sa pagtatrabaho.

Inutusan lang naman ako ng boss ko na maglinis doon sa likod. Nagwawalis lang ako ng mga tuyung dahon, dinidiligan ang tanim at nag trim ng mga dahon.

"Sino ka?" Laking gulat ko nang may biglang sumulpot, isang babaeng naka uniporme ng pang katulong.

"Magandang umaga," bati ko rito. "Ako si Soliva, inutusan lang ako ni Sir Mren na mag linis dito."

Batid kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Ni Sir Artcent?" pagkaklaro niya at tumango naman ako. "So ikaw pala 'yung magbabantay sa kanya ngayong linggo?"

Tumango ulit ako.

"Sana matagalan mo ng isang linggo 'yan." Hindi ko akam kung matatakot ba ako o matatawa sa sinabi niya.

Bakit ko naman hindi matatagalan ng isang linggo ang lalaking iyon?

"Pero, bakit hindi ka nakauniporme?" dagdag na tanong nito.

"Galing kasi ako sa simbahan at bukas pa ang unang araw ng trabaho ko, kaso pinapunta ako rito ni Mam Mren para makita niya yung performance ko." Tumango naman siya sa'kin.

"Ilang taon kana?"

"Dise-sais. Ikaw?"

"Dise-syete." Ako naman ang nagulat sa sagot niya. Ang bata pa niya.

"Nag-aaral kapa ba?" pagtatanong ko ngunit umiling lamang ito.

"Katulong na ng mga Mren ang Mama ko at dito narin ako lumaki. Hindi na ako nakapag-aral at naging katulong nadin kinalaunan." Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ako naaawa sa kanya, batid ko kasi kung gaano kaganda at kasarap mag-aral. "Pero hindi naman ako nababagot rito lalo na dahil nanjan si Sir Artcent. Kahit na boss ko siya, naging kalaro ko rin siya noong bata pa kami at hanggang ngayon ay magkaibigan parin kami."

Nakita ko ang pagpipigil niya ng ngiti na parang may naaalala at bigla na lamang namula ang kanyang pisngi.

"Kaibigan lang ba?" Nagsimula akong manukso sa kanya. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko rito, magaan naman ang loob ko sa lahat ng mga tao.

"Shhh.. wag kang maingay," kinikilig pang aniya. "Oo, crush ko rin si Sir."

Napatawa ako nang mahina dahil sa kanyang pag-amin. Ang cute niya lang.

"Baka crush ka rin niya." Aaminin ko, maganda siya kahit na mukha siyang mahirap. Pero inaamin ko rin na mas mukha akong mahirap.

"Sana nga," parang may lungkot na sumilay sa mukha niya.

"Oh bakit?" pagtatanong ko ngunit may biglang sumingit sa aming usapan.

"Miss Soliva Layla Asredo!" Napapikit nalang ako dahil sa inis ngunit agad ko ring pinakalma ang sarili ko.

Bakit ba napakahilig niyang bangitin ang buong pangalan ko?

"Sir Artcent Briu Mren." Kita ko ang pagsalubong ng makapal niyang kilay at pagsingkit pa lalo ng sinkit niyang mga mata nang tawagin ko rin siya sa buo niyang pangalan.

"Who the heck is that Briu?" inis niyang tanong sa'kin.

Bakit, hindi ba Briu 'yon?

"Brix?" Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "Brin."

"You're fired," walang ganang sambit niya.

"Okay." Binalingan ko nalang ng tingin yung kausap ko kanina na ngayon ay tulalang nakatingin sa lalaking kanyang nagugustuhan. "Ui."

Ngunit hindi parin niya ako binabalingan, tiningnan ko naman ang lalaking kanyang tinititigan ang ganoon nalang ang gulat ko nang nakita itong maghubad ng saplot pang itaas.

Kung ang babaeng katabi ko ay namumula na ang pisngi dahil sa kilig, ako naman ay namunula ang pisngi dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Bwahahaha!" Tinakpan ko agad ang bibig ko dahil sa biglaang pagbubulalas ko ng tawang hindi ko na napigilan.

Nilingon naman ako ng lalaki at nakagat ko nalang ang pang ibabang labi ko dahil sa pagpipigil padin ng tawa.

"Bakit ka tumawa?" takang tanong ng babaeng katabi ko.

"Buto-buto eh." Akala ko ay matatawa siya ngunit hindi.

"Can't you see his abs? Ang hot niya kaya," mahinang bulong nito sa'kin.

Abs? Baka ribs?

Mapayat siya, oo. Pero batid ko namang mas mapayat ako sa kanya. Ngunit hindi naman pangit tingnan para sa kanya ang ganoong pangangatawan, sa totoo nga ay bagay ito sa kanya. Hindi ko lang maiwasang matawa.

Naka shorts lang siya nang bigla siyang lumusong sa tubig, ngunit laking gulat ko nang nakita kong mukha siyang nalulunod.

Is this a sort of joke? or a prank?

"Soliva, nalulunod siya!" natatarantang sabi ng babaeng ito sa'kin habang niyuyugyug ako.

"Wag kang mag-alala, hindi yan totoo." Tinapik ko lang ang balikat niya.

"No! Hindi siya marunong lumangoy." Sa sinabi niyang iyon ay umusbong na agad ang kaba sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko pero agad kong tinangal ang suot kong lumang sandalyas at agad na lumusong sa tubig. Hindi ko na inalam kung gaano kalalim ang tubig na ito dahil nasa kanya ang buo kong atensyon, kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari. Baka pagalitan ako ni Mam Mren dahil nandito panga siya, hindi ko pa mabantayan ng maayos ang anak niya.

Inabot ko ang kamay niya na palubog litaw sa may gitna ng pool at tsaka inakay ang katawan niya paitaas.

Ganoon nalang ang gulat ko nang mapagtantong hindi gaanoon kalalim ang tubig sa pool. Hangang leeg ko lamang ito at hanggang balikat niya lang.

Dahil sa inis ko, tinapakan ko nang malakas ang paa niya dahilan upang mapadaing siya sa sakit at mawala sa balanse kaya napahiga na lamang sa tubig. Ngunit hindi ko inaasahang mandadamay siya, hinigit niya ang kamay ko dahilan upang parehas kaming mapahiga sa ilalim ng tubig.

Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya doon sa ilalim ngunit hindi ko iyon pinatagal dahil agad kong hinila ang kamay ko kasabay rin nang pagbangon niya.

Basang basa na ang buong katawan ko at batid kong wala akong ibang damit na dala, uuwi akong basa at nanginginig nito.

Aalis na sana ako sa pool ngunit nakahawak padin siya sa palapulsuhan ko at hinila ako papalapit sa kanya.

Ganoon nalang ang kabang nararamdaman ko nang mapagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Hindi ito katulad ng kabang naramdaman ko kanina na habang nilulusong siya sa tubig, kabang pamilyar sa'kin at natatakot nanaman akong maramdaman muli ito.

"Hindi mo ba ako tutulungan? Nalulunod na ako." Mahina man niya itong sinambit ngunit dinig na dinig ko.

"Hindi ka nalulunod."

Nakatitig lang siya sa mga mata ko sa paraang gusto niya itong tunawin. Kanina pa bumibilis ang tibok ng puso ko at mas bumibilis pa ito habang tumatagal ang pagkikipagtitigan namin sa isa't isa.

At napamaang nalang ang bibig ko sa gulat dahil sa sunod niyang sinabi na kahit hindi ko man naintindihan ay nakapagpawala sa aking pag-iisip tungo sa katinu-an. 

"Nalulunod ako Soliva. At mukhang mas malulunod pa."

Bellevim