Chapter 3
Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko. Kung bakit ako kinakabahan nang ganito.
Ramdam ko ang papalamig nang simoy ng hangin dahil sa papalubog nang araw. Pero hindi ko ito inalintana maging ang mga estudyanteng nag iingayan sa paligid dahil papauwi nanga ang lahat.
Nanatili parin ako sa kinatatayu-an ko't hindi gumagalaw, nakatingin lamang sa lalaking nasa aking harapan. Hindi ko maitatanging mas naging guwapo ito nang tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha.
"You're staring at me again." rinig kong sabi niya, ngunit hindi ko parin alam kung bakit hindi ko makuhang gumalaw.
Hindi ko makakalimutang ito ang sinabi niya bago niya ako tutukan ng baril sa mata.
Maybe he thought that those eyes are illegal because of staring at him for too long. But I believe this one is longer.
"Mr. Mren," natinag ako sa boses ni Sir Hans kaya agaran kong nabawi ang aking braso mula sa kanya at ibinaling ang tingin sa guro.
"Good afternoon Sir." bati ko rito habang nakayuko.
"Good afternoon." bati niya rin pabalik sa'kin. "Mr. Mren, uunahin nalang kita. Baka mamaya pa pupunta ang mga Grade 10."
Aalis na sana si Sir at babalik na sa kanyang silid nang pigilan ko siya.
"Ah sir, isa po ako sa mga hinihintay niyong Grade 10. Pinapapunta ako rito no Mam Danirie." agarang sabi ko rito nang sandaling tiningnan niya ako.
Sinuri naman ni Sir Hans ang kabu-uan ko bago tumango.
"Transferee?" tanong pa nito na nakapagpagulat sa'kin.
Hindi kasi ako nagsusuot ng uniporme dahil pwede pa naman iyon hanggang sa katapusan ng Hunyo, isa pa, sobrang luma na talaga ng uniporme ko at marami nadin itong butas.
"Hindi po Sir. Nandito napo ako simula Grade 7." ngiting sabi ko sa kanya.
Ngumiti din naman si Sir Hans sa'kin.
"Pasensya na. Makakalimutin kasi talaga ako." Alam ko naman na nagsisinungaling lamang si Sir Hans. Hindi niya ako kilala. Kahit na nasa first section ako, hindi ako kilala ng mga taga rito.
Aside sa wala akong kaibigan, parati akong mag-isa at wala akong kasama, hindi rin ako pala-sali sa mga contest kaya para lamang akong hangin na dumadaan dito at hindi nila nakikita.
Ngunit kahit na si Sir Hans ang tinitingnan ko, kahit na siya ang kausap ko, kita ko parin sa gilid ng aking mata na nakatingin siya sa'kin habang nagsasalita ako at nakikipag-usap kay Sir Hans.
Hindi ko tuloy maiwasang mailang, lalo na ang kabahan dahil nga sa nakatingin siya sa'kin. Hindi ko man alam kung anong klaseng tingin iyon, pero nagagawa niya paring pabilisin ang tibok ng puso ko.
Ano ba kasing tinitingin-tingin mo jan?
Kaya naman nang naglakad na si Sir Hans pabalik sa room niya ay nagpahuli ako at nauna siya kaya hindi na ako masyadong naiilang na baka nakatingin siya sa'kin dahil sigurado akong hindi niya na'yun gagawin dahil nasa harapan ko siya't naglalakad nang nakapamulsa.
Ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang tumingin siya sa gilid niya, tumingala siya sa papalubog na araw at doon tinutok ang paningin habang nagpapatuloy padin sa paglalakad.
Kita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha dahil sa sinag ng araw na dulot nito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nasisilaw rito.
Pero nang sandaling tumingin siya sa'kin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya, doon na ako daliang kinabahan nang matindi kaya naibaling ko agad ang mga mata ko sa papalubog na araw.
Pinilit kong kumalma. Sunod sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko hanggang sa nawala na ang kabang nasa dibdib ko at napansin ko na ang ganda ng kalangitan.
Ang red orange nitong kulay na siyang gusto ko, ang bughaw na kalangitan at ang puting mga ulap. Pero ang naghahari rito ay ang sinag ng araw na hindi masakit sa matang tingnan. Sobrang ganda nitong tingnan habang ito'y papalubog na.
Naipikit ko na lamang ang aking mga mata sa maikling panahon at suminghot ng hangin na inaasahan kong walang halong polusyon, pero hanggang sa panaginip ko nalang ata mararanasang makalanghap 'non.
Laking gulat ko nang sandaling bumaling ako sa aking harapan ay nakatingin padin ito sa'kin. Kung ano yung posisyon at mukha niya kanina noong balingan niya ako ng tingin ay ganoon padin ngayon. Walang pinagbago.
Sunod sunod na lunok ang ginawa ko dahil ang kaninang kaba na nawala na ay bigla nanamang bumalik sa simpleng tingin niyang iyon.
"Sigi, sinong mauuna sa inyo?" Mabuti nalamang at nakarating na kami sa classroom ni Sir Hans at binigyan na kami ng hand-outs upang ito'y aming basahin at i-radio broadcast.
"Ako nalang po Sir," presinta ko sa sarili.
Pinaupo niya ako doon sa upu-an na kaharap ng isang mikropono at pinabasa sa akin ang isang balita.
Matapos ko itong ilahad at sabihin na parang isang broadcaster ay tumingin na ako kay Sir Hans at kita ko naman ang pagngiti niya.
"Anong pangalan mo?" tanong niya sa'kin.
"Soliva." simpleng sagot ko.
"Soliva..?" tinatanong niya ang kasunod 'non.
"Soliva Layla Asredo." Tumango naman siya sa'kin bago magsalitang muli.
"Pwede kabang kumanta hija?" Literal na napamaang ang bibig ko sa gulat.
Ako? Kakanta? Bakit?
"Sir, hindi po ako marunong kunanta." pahina nang pahina kong sambit dito dahil sa hiya.
Kita ko nanaman ang mga tinging iyon mula sa kinauupu-an niya na diretsong nakatingin sa'kin. Kahit hindi ko man siya tingnan ay kita ko ang pag-ayos niya ng upo at nagdekwatrong pambabae habang nakatingin padin sa akin.
Pwede bang magbasa ka nalang ng balita mo?
"You don't know unless you will try. Kahit konte lang." pagpapalakas loob ni Sir Hans ngunit hindi ko parin alam kung susundin ko ba ang iniuutos niya o hindi.
Bakit ako kakanta? Diba broadcaster lang ako?
"Para kasi iyan sa mga commercials. Napansin kong maayos kang mag deliver ng words at magaling kang magbalita. Pero feeling ko, may mas maigagaling kapa sa pag-awit." dagdag pa ng guro. "Kaya sigi na, konte lang naman."
Wala na akong magagawa. Kahit pa kokontra ako ay baka sa huli, mapahiya lang ako. Parang pinagsisihan ko tuloy na pumunta pa ako rito at nag representa para sumali sa paligsahang ito.
Madaling kumanta, oo. Pero ang pumili kung ano ang kakantahin ay hindi madali para sa akin.
Huminga muna ako nang malalim bago napagdesisyonang kantahin ang kanta na parati kong naririnig sa telebisyon ng aking kapitbahay. Yun lang kasi talaga ang kanta na sigurado ako sa lyrics.
Pinikit ko ang aking mga mata para hindi ma distract sa mga nasa paligid bago kumanta.
"May tempra for babies, may tempra for kids. Tempra tablet for teens, forte tablet for adults. Sakit ng ulo, lagnat, tempra lang ang.. katapat." Natapos ang kanta at hindi nakaiwas ang taenga kong makarinig nang mumunting tawa mula sa paligid ko.
Pagmulat ko, hindi nga ako nagkamali. Dumami sila dahil may taga ibang Grade levels ang dumating at lahat sila ay pinagtatawanan ako.
Napatungo nalang ako, iniisip kung ano ang kulay ng pulang floorwax sa sahig.
"Sigi Miss Asdedo, pwede ka nang pumunta rito." rinig ko ang boses ni Sir Hans na natatawa parin ngunit hindi ko ito magawang tingnan.
Natatakot ako. Pinagtatawanan ako ng lahat.
Hindi ko tuloy malaman kung ano ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang, nahihiya ako. Nahihiya ako sa sarili ko at kapag ganito ang nararamdaman ko, naiiyak ako.
"Pwede napo bang umuwi Sir." tanong ko rito nang sandaling nakalapit na ako sa tapat siya.
"Sigi. But, wala kana talagang ibang naisip na ibang kanta bukod don?" batid kong natatawa parin siya at hindi maka get over sa ginawa ko bago-bago palamang.
"Ayokong mabastos ang Pambansang Awit ng Pilipinas kaya pinili ko nalang kantahin ang isang 'yun." nakatungo paring sagot ko, nahihiya.
"Hindi ka pala pala-awit." ramdam ko ang pagtango-tango niya. "But you have a good voice."
"Salamat po." Hindi ko iyon inaasahan, hindi ako pala-awit at umaawit lang ako sa paggalang ng mahal kong bayan.
Lumabas na ako sa silid na iyon nang hindi siya binabalingan, batid kong siya ang unang natawa dahil sa kinanta ko kanina kaya ganoon nalang ang nararamdaman ko. Parang gusto ko tuloy umiyak dahil sa pagkapahiya ko sa harap ng maraming tao.
Sa totoo lang, natatakot ako kapag maraming tao ang nanonood sa'kin. Isa din iyan kaya gusto ko ang radio broadcasting, hindi ka kasi nakikita at boses mo lamang ang naririnig ng madla.
"Balita ko ay nandoon daw si Artcent. Radiobroadcaster din daw siya."
"Hala! Sigurado ka?"
"Oo, kaya dapat tayong tatlo ang makapasok at makarepresenta sa Grade 10 at hindi masali si Asredo."
"Dapat lang. Gusto ko tayong tatlo ang nandoon."
"At isa pa, parati nating makikita si Artcent."
"Hahahaha! Magiging close na natin siya."
"Na e-excite tuloy akong makita siya."
"Baka nandoon na siya sa room ni Sir Hans."
"Dali-an niyo kasi!"
Boses nina Rose, Angel at Lovely ang narinig ko. Nag-uusap sila habang papunta sa room ni Sir Hans kaya hindi nila ako napansin.
Kung ganon, nandoon pala sa room na iyon si Artcent?
Hindi ko na kasi binalingan pa nang tingin ang mga tao dahil sa pagkapahiya ko. Nalaman ko na Artcent ang pangalan ng lalaking taga HIS-Ella dahil sa ingay ng mga babaeng kaklase ko kanina.
Isa rin ako sa mga na cu-curious sa hitsura niya, hindi ko pa kasi nakikita maging sa litrato man lang.
Kung guwapo man itong si Artcent, mas guwapo kaya ito kay Mren?
Iniling ko nalang ang ulo ko dahil sa isiping iyon. Bakit ba biglang sumagi iyon sa isip ko?
"Classmates!" tawag ko sa kanila nang makita ko ang mga itong naglalakad papunta sa gate.
Konte lang ang nagbigay pansin sa akin dahil siguro sa nag-uusap yung iba at hindi nila ako narinig.
"Mag-iingat kayong lahat pauwi ahh." sabi ko pa sa kanila habang nakangiti. Nginiti-an naman din nila ako pabalik.
"Ikaw din." sabi ni Grey, classroom president namin.
Sumabay ako sa kanila. Nag-uusap sila patungol sa mga bagay bagay na hindi ko alam kaya naramdaman ko nanaman ang pagka out of place. Hindi ako makasingit sa kanila dahil hindi ko rin alam ang mga pinag-uusapan nila.
Narating na namin ang gate at sumakay na sila. Pinauna ko silang pinasakay dahil gusto kong nakikita ko silang naka-upo nang maayos sa kanilang mga napiling pwesto.
Ngunit dahil sa marami sila ay hindi na ako kasya sa Electric Tricycle na iyon kaya kinawayan ko nalang ang aking mga kaklase at tiningnan ko muna silang maka-alis nang ligtas bago nagsimulang maghintay nanaman nang masasakyan.
Lumipas ang panahon at may dumaan nadin kaya sumakay na ako rito. Ngunit hindi ako ihahatid nito nang ako lang. Kailangang mapuno muna ito bago umalis.
Di nagtagal ay nakita ko na ang magkakaibigang sina Rose, Angel at Lovely ngunit kasama pa nito ang iba kong mga kaklase. Kita ko sina Terrence, Joana, Kevin, Lacey at Nicie.
"Hala! Hindi tayo kasya." rinig kong sabi ni Lacey.
"Sigi, sumakay nalang kayo. May dadaan pa namang sasakyan diba, hindi pa naman gabi eh. Mauna nalang kayo." nakangiting sabi ko sa kanila habang bumababa rito.
"Sigurado ka?" tanong ni Rose.
Dagli-an akong tumango at ipinakitang ayos na ayos lamang talaga ako at nginiti-an din ang mga ito.
Masaya akong nakikita silang nakasakay nang maayos at kinawayan ko naman ang mga ito hanggang sa umalis na ang sasakyan nila nang ligtas.
Nakangiti ako habang tinitingnan ang planetang inaakala nilang bitu-in, ang Venus. Ang pinakaunang mukhang bitu-in na makikita mo sa kalangitan matapos ang paglubog ng araw.
Ang liwanag at laki nito na siyang nakakapagpatingkad nang kanyang kagandahan.
Ngunit hindi rin nagtagal ang pagtitig kong iyon sa nasabing planetang kakambal ng planetang ginagalawan ko, natinag ako dahil sa narinig kong iyak ng isang bata.
Kaagad kong tinawid ang kalsada hanggang sa makarating sa kinatatayu-an ng dalawang bata. Lalaki at babae. Purong mga estudyante sa Centertian Elementary School dahil sa suot nitong uniporme.
Kita ko kung paano inalo ng batang lalaki ang babae upang mapatahan ito sa pag-iyak. Nakakatuwang pagmasdan ang pagbalatay nang pag-aalala sa mukha ng lalaki at hindi nag-aalangang yakapin ang batang babae.
"Hi." paunang bati ko sa kanila bago upupo sa hangin upang magpantay kami.
"Sino ka po." halatang natatakot pa na ani ng batang lalaki. Kita ko naman ang madali-ang pagdaklot nito sa kamay ng babae.
"Wag kayong mag-alala. Di ko kayo sasaktan. Magtatanong lang ako kung bakit siya umiiyak at kung bakit nandito pa kayo, gabi na." mahinahong paliwanag at pagtatanong ko sa kanila. Pinilit na maging maamo ang mukha at tinig upang hindi sila matakot sa akin.
Kita ko naman na hindi na natatakot ang mga bata sa'kin, maaaring nagulat lamang sila sa biglaang pagsulpot ko kaya sila natakot kanina. Madaling magtiwala ang mga bata at madali rin silang mauto kaya natatakot ako para sa kanila dahil pasapit na ang gabi.
Sigurado rin akong hinahanap na sila ng mga magulang nila.
"Kasi po ate, nawala po ang pera niya kaya hindi siya maka-uwi. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan nalang basta rito mag-isa kaya sinamahan ko nalang siya." paliwanag ng batang lalaki habang ako ay nag iisip ng paraan.
Sa loob nang maikling panahong iyon ay may nagawa na akong solusyon.
"Magkano ba ang pamasahe pauwi sa inyo?" tanong ko sa batang babae.
"Sampo po." sagot naman nito habang pinapahiran ang kanyang mga luha gamit ang kanyang braso at pinipilit na tumingin sa'kin.
Kinuha ko ang buong barya na naghahalagang sampo sa aking bulsa at ibinigay sa kanya.
"Wag kanang umiyak. Umuwi kana okay?" nakangiti kong sabi rito habang inaayos ang nagkakagulo na nitong buhok.
Nagulat naman ako dahil bigla akong niyakap ng batang ito ngunit madali rin akong nakarecover at di napigilang ngumiti.
"Salamat Ate." Mukhang mas lalo ko pa atang pina-iyak ang batang ito.
Nakita ko naman ang nagpapasalamat na mga tingin sa akin ng batang lalaki kaya naman binuksan ko ang isa kong braso upang yakapin din siya.
Niyakap ko silang dalawa at tinapik nang mahina ang kanilang mga ulo bago sila ginawaran nang ngiti.
"Umuwi na kayo. Gabi na." Masigla namang tumango ang dalawa sa'kin. Sakto naman na may dumaang sasakyan kaya pinara ko na ito at pinasakay ang dalawa. Sinigurado kong nakaupo sila nang maayos at ligtas na nakaalis.
Kumaway pa sila sa'kin habang nakangiti kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanila.
Napangiti ako sa sarili ko bago bumuntong hininga. Pagtingala ko sa itaas, ang kaninang nag-iisang kumikislap ay dumami. Nagsisidatingan at nagkikislapan narin ang ibang mga bitu-in.
Kanya kanyang kinang, kanya kanyang kislap, kanya kanyang ganda. Pero pag pinagsama, lalong nagniningning.
"So, anong gagawin mo ngayon Soliva?" natatawang sabi ko sa sarili habang nakatingala parin. "Edi ano paba? Maglakad!"
Magsisimula na sana akong maglakad nang makita ko sa aking harapan ang isang lalaking nakakunot noong diretsong nakatingin sa'kin ang mga singkit niyang mga mata.
Muntikan nanga akong mapatalon dahil sa gulat.
Anong ginagawa niya rito?
Pero mas nagulat ako nang marahan niyang inangat ang kanyang mga kamay sa ere at dahan-dahang pumalakpak.
Ako naman ngayon ang kumunot noo.
"Ang galing magpakitang tao ah." rinig kong sabi niya.
Agad na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa aking narinig. Anong sabi niya? Magpakitang tao?
Hindi ko nalang ito pinansin pa dahil magiging sagabal lamang siya sa pag-uwi ko. Kanina pa ako nagugutom at gusto ko nang umuwi. Ayoko ring ma late sa pinagtatrabahu-an ko.
"Uuwi na ako Mr. Mren." mahinahong sabi ko rito. Mabuti nalamang at huminahon na ang puso ko at hindi na katulad kanina.
Naglakas loob akong lampasan siya ngunit agad din akong natigilan nang magsimula nanaman siyang magsalita.
"Wow! You know my last name. Maybe you're one of my stalkers, or admirers?" Napamaang nalang ang bibig ko sa gulat dahil sa sunod sunod niyang mga sinabi, ngunit agad ko rin itong nabawi.
Maldito nanga, hambog pa.
"Ano bang kailangan mo?" pilit kong maging mahinahon sa pagtatanong.
"I know that that's your last money, yet you still gave it to those kids. So what are trying to say, suffering just for the sake of others?" dire-diretsong tanong nito.
Matapang ko namang siyang hinarap. Hindi ko kasi malaman kung ano ang gusto niyang iparating sa'kin. Ano ba ang mali sa ginawa ko? Masama bang tumulong?
"It is not a suffering for me, because I can also benefit on what I've done." seryoso kong sagot sa Ingles na lengwahe dahil Ingles din ang kanyang tanong.
"And what are those? To let others see how kind you are? To pay you back to the help you've done?"
Hanep.
Sobra akong nagulat sa inastang ito ng lalaking nasa aking harapan. Batid kong may pagkamaldito ito sa una palang naming pagkikita ngunit hindi ko alam na ganito pala siya ka mapanghusga.
"Hindi mo ako kilala kaya hindi mo'ko maaaring husgahan, Mr. Mren. Hindi dahil mayaman ka ay gaganyanin mo na ang isang tulad ko, mahirap man ako ngunit may prinsipyo akong sinusunod sa buhay. At hindi ito magigiba kahit sino pamang may antas sa buhay ang magtangkang sirain ito." Siya naman ang nagulat sa'kin dahil sa pagkakadiin ko sa mga salitang binabato ko sa kanya.
Ayokong makaramdam ng inis ngunit hindi ko ito napigilan lalo na noong naka recover siya at binigyan niya ako ng pera.
"Ano yan?" takang tanong ko.
Isang daang papel na pera ang inilahad niya sa'kin.
Kung tutu-usin ay malaking halaga na iyan. Pwede akong pakainin niyan ng tatlong araw.
"Pay for your words, and for your kindness to others." sagot nito.
"No thanks," ikinumpas ko pa ang kamay ko. "Hindi ako tumatangap ng bayad. Masaya na ako na nakakatulong ako sa kapwa at pakitaan ng kabaitan sa sarili kong paraan."
Hindi naman siya nakasagot kaya nagsalita muli ako.
"Pasensya na sa mga salita ko, mauuna na ako. Malayo-layo pa ang lalakarin ko." paalam ko rito. Ayoko na sanang magpaalam ngunit hindi ko naman iyan magagawa, nasanay akong magpaalam muli bago umalis.
Wala na akong narinig na boses niya, hindi na siya nagsalita pa kaya nilagpasan ko na ito at nagsimula nang maglakad.
Ngunit hindi panga ako nakakalimang hakbang, nagulat na lamang ako nang magsalita siyang muli.
"Miss Soliva Layla Asredo." Napako ako sa kinatatayu-an ko nang marinig ko galing sa kanya ang buo kong pangalan.
Nagsimula na muling mangibabaw ang mabilis na tibok ng puso ko, ngunit may mas maibibilis pa pala ito nang dagdagan niya ang sinabi niya.
"You're interesting."
—
Bellevim