Chereads / SILENT SCREAM / Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 4

Isa lamang akong simpleng tao, ordinaryong babaeng naglalakbay sa mundong ito. Ni hindi nga alam kung ano ang pakinabang o dahilan kung bakit siya nabubuhay.

Noong unang buhay ko sa mundong ito, wala akong ginawa at dahil 'don kaya ako nagsisi. Gusto ko itong baguhin dahil marami akong mga bagay na gustong gawin na hindi ko nagawa noon.

Katulad nalamang nang pagtulong kapag alam kong may taong nangangailangan.

Tinulungan ko ang isang babaeng muntikan nang makuha ng isang hindi kilalang lalaki, ngunit nang dahil lang sa kaunting pagbago ko nang takbo ng aking buhay, ang laki na pala ng parteng ginagampanan nito.

Nang makilala ko ang lalaking nanutok ng baril sa'kin, wala pa akong ka alam-alam kung sino siya o kung may papel ba siya sa buhay ko.

Nandito ako ngayon sa bahay, nakatingin sa magandang kalangitan mula butas ng bubong namin. Nakahiga si Naning sa aking tiyan habang mahimbing na natutulog. Ngunit ako, hindi ko magawang matulog dahil sa kakaisip ko.

Ginugulo masyado ng lalaking iyon ang isipan ko kaya hindi ako makatulog.

Kung hindi ko tinulungan ang babaeng 'yun, sigurong hindi ko siya makikilala.

Pero nandoon padin siya sa Centertian, makikilala ko siya panigurado.

Iniling-iling ko nalang ang ulo ko bago bumuntong hininga at hinaplos ang balahibo ng pusa ko.

"Wag mo nalang siyang isipin Soliva, wala kang mapapala jan." pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Pinilit kong matulog at hindi naman ako nahirapang patulugin ang sarili ko. Ngunit bago paman ako tuluyang makatulog, hindi ko maiwasang maisip ang tanong na iyon.

Ano kaya ang magiging papel ng isang Mren sa buhay ni Soliva?

Biyernes na ngayon, wala paring pagbabago sa akin maging ang mga tao sa paligid ko. Gusto kong magkaroon ng kaibigan ngunit baka hindi pa ito ang tamang panahon upang magkaroon ako.

Ngunit naniniwala akong may darating ding kaibigan para sa akin.

Ang Radio Broadcasting na pinasok ko, tulad nang gusto kong mangyari ay hindi ako ang nakapasok. Ang tatlong magkakaibigang iyon ang nakapasok at kita ko ang tuwa at saya sa mga ngiti nila nang inanunsyo ni Mam Danirie ang mga official contestants ng different contest.

Masaya ako para sa kanila kaya hindi ko rin maitago ang ngiti ko, pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsabi ni Mam Danirie sa akin na opisyal na raw akong kasali sa mga kalahok na magrerepresenta ng paaralan namin sa ibang paaralan dito sa Halthian.

Hindi na ako nagulat nang i-asign ako bilang singer para sa mga commercials, si Sir Hans daw ang nag pasok sa akin doon.

Masaya naman ako, pero mukhang sa tingin ko ay mahihirapan ako rito. Hindi ko parin kasi maitago ang ilang at kaba kapag nakikita ko siya, lalo pa ngayon na mukhang nakuha rin siya sa pagiging Radio Broadcaster.

"Halika! Bilisan mo kasi. Sasayaw na siya."

"Sandali, hintay Rose."

"Bilisan mo kasi Angel."

"Oo na. Dali na, baka hindi na'tin maabutan si Artcent."

"Kaya pala ang astig ng suot niya kanina, sasayaw pala sila?"

"Hahahaha! Dali na kasi, excited nadin akong makita siyang sumayaw for the first time."

Nilagpasan ako nang tatlong magkakaibigang iyon habang tinatahak ang daan papunta sa field, doon kasi ang mga performance ginagawa.

Mga ilang sandali pa ay nagpuntahan nadin doon ang iba ko pang mga kaklase. Kahit hindi ko itanong ay alam ko na kung bakit sila pupunta roon.

Si Artcent, yung transferee from HIS-Ella na hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala. Sasayaw daw 'don sa field kaya sila pupunta doon, gusto nilang makitang sumayaw iyon at moral support nadin.

Na curious talaga ako sa mukha ng lalaking iyon kung bakit ganoon nalang karami ang mga humahanga sa kanya, gaano ba ito ka guwapo para pagpiyestahan ng mga babae?

Natagpu-an ko nalang ang sarili kong nandito na at nakikisiksik sa kumpulan ng mga tao na gusto ring manood ng performance ng Grade 11. Every Friday kasi ay may mga performances na gaganapin dito.

Ngunit gaya nga ng inaasahan ko ay hindi ako nakasiksik at hindi nakapunta sa unahan. Mahirap talagang makisiksik kapag hindi ka kilala ng mga tao, walang magbibigay ng pwesto para makapunta ka sa unahan.

Ngunit makikita ko naman ito kapag tatalon talon ako, pwede ring kapag aakyat ako ng puno. But I know that I may look weird if I'll do that.

Kaya pinili ko nalang na huwag nalang munang manood dahil wala naman akong mapapala, hindi rin ako mahiligin sa sayaw. Ngunit nakakailang hakbang palamang ako papalayo ay may biglaang naglakas loob na makipag usap sa'kin.

"Miss, gusto mong manood?" Lalaki ito kaya mas awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko.

Base sa kanyang kasuotan ay mukhang sasayaw siya, naka pantalon na kulay itim, puting t-shirt, at itim na jacket.

Ayoko namang magmukhang masungit dahil hindi naman talaga ako ganon kaya tinangu-an ko nalang ito.

"Bakit mukhang aalis ka kung ganon?" natatawang tanong niya upang magmukhang friendly ang dating.

"Hindi ko kasi makita." ngiti-ngiti pang sagot ko.

"Halika ka, doon ka para mas klaro." May tinuro siyang lugar na malapit sa center field bago ko naramdaman ang kamay niya na nakahawak na pala sa kamay ko.

Nagulat ako kaya nabawi ko agad ang kamay ko sa kanya.

"Pasensya na," napapahiyang sabi pa nito at nginiti-an ko na lamang siya bilang tugon.

Hindi ko siya kilala at nawiwirduhan ako doon dahil sa biglaang pagsulpot niya at pag alok ng pwesto na makikita ko talaga ang mga performers.

Sinundan ko siya at nang nakatayo na ako sa pwestong sinasabi niya na kita nga naman talaga ang lahat, nagpaalam na siya. Pero bago pa siya umalis, may sinabi ito na nakapagpadagdag sa isipin ko.

"Pasensya na miss, napag-utusan lang." Sinong nag-utos sa kanya?

Matapos ang ilang sandaling paghihintay ay nagsimula narin ang performance nila.

Mga babae ang unang sumayaw tapos ay mga lalaki naman ngayon, hindi ko alam ang scientific explaination kung bakit mas malakas ang tili kapag mga lalaki ang sumasayaw kumpara sa mga babae.

Pero hindi ko nalang inisip 'yun, hindi rin naman ako marunong tumili eh. Nanonood lang ako nang may pagkamangha sa aking nga mata. Ang gagaling kasi talaga nila.

Laking gulat ko nalang nang biglang nahagip ng tingin ko si Mren na nakasuot din ng damit na pansayaw, at ang mas ikinagulat ko pa dahil parehas sila ng uniform ng lalaking nag offer sa'kin na dito pumwesto.

Ngunit hindi ko nalang muna iyon inisip, nalibang ako sa panonood sa mga mananayaw na ang daling dalhin ang kanilang mga sarili sa ritmo ng tugtug.

At hanggang sa tinawag na ang groupo ni Mren sa pagsasayaw. Mas naging malakas ang tili lalo na ng mga kababaihan.

"Ayun si Artcent diba? Yung nasa gitna?" rinig kong tanong ng babaeng nasa likuran ko.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking sumasayaw na nasa gitna.

Yan si Artcent?

Pero mas lalo akong nagulat nang sandaling lungunin ako nito't tinapunan nang tipid na ngiti bago binalik ang tingin sa nakararami.

Si Mren at si Artcent ay iisa?

Habang tumatagal ang kanilang pagsasayaw ay mas nakakaramdam ako ng ilang dahil hindi lang isang beses niya akong tiningnan, makailang beses na.

At wala siyang kaalam-alam kung anong epekto sa'kin ng mga simpleng tingin niyang iyon.

Napapalunok nalang ako dahil sa kabang nagsisimula banamang maghari sa dibdib ko.

Ang galing niya sa pagsasayaw ay hindi ko pwedeng itangi dahil magsisinungaling lang ako kapag itatangi ko ito.

Swabe ang kanyang mga galaw at talaga namang nakaka attract talaga ng mga manonood, mapapatingin ka talaga sa kanya dahil sa angkin nitong galing. Dagdag nalang iyong mukha niya at kakayahan ring gamitin ang suot niya upang mas lalong mapaganda ang kanyang performance.

Bigay na bigay kasi siya sa pagsasayaw, may pa hawi hawi pa ng jacket itong nalalaman.

Hindi ko na tinapos ang pagsasayaw nila at umalis na ako rito dahil kanina pa niya ako tinatapunan ng tingin at hindi ako natutuwa roon. May maraming bagay pa na kailangang pagtu-unan nang pansin at isa na roon ang pag su-study sa susunod na subject.

"Ang galing niyang sumayaw diba?"

"Sinabi mo pa. Kapag hahawi-in niya ang kanyang jacket ay sobrang hot non."

"Yung body wave niya! My god, nakalimutan ko ata ang pangalan ko."

"Gusto ko talaga 'yung paghawi niya ng kanyang buhok."

"Ano nga ulit yung buo niyang pangalan?"

"Artcent Briv Mren."

"Mren. Ang ganda ng apiliedo, halatang pang mayaman."

"Haha! Mas lalo ko tuloy siyang naging crush."

Napailing nalang ako habang pinipigilang matawa sa sarili ko.

Kinukumpara ko pa si Artcent at si Mren tapos iisa lang pala sila? Artcent yung unang pangalan tapos panghuli pala yung Mren.

"Pero napansin mo rin bang lingon siya ng lingon sa gawing kanan?"

"May tinitingnan kasi siya."

"Feeling ko rin, pero impossible itong nasa isip ko."

"Sino ba ang nasa isip mo? Baka parehas tayo."

"Hindi niya titingnan yun, sino naman siya para pagtu-unan niya ng pansin? Wala siyang kadating dating."

"Baka dahil sa tingin niya ay kakaiba siya."

"Kakaiba?"

"Yes. Tingnan mo ang suot niya, halatang ilang taon nang walang laba dahil sa pagka faded eh."

"Hahahahaha! May point. Baka nga, hindi nga siya nag yu-uniform dahil last year ay napansin kong may butas na ito at sobrang faded na ng kulay."

Napangiti tuloy ako dahil sa mga sinabi nila. Hindi nila ako kita dahil nakatalikod sila sa'kin ngunit batid kong ako ang tinutukoy nila.

Napapansin pala nila kahit yung uniporme ko?

Natutuwa parin ako dahil sa isiping iyon na kahit papaano'y may nakakapansin naman pala sa'kin kahit noon palamang.

Ngunit nawala agad ang tuwa sa mukha ko nang makita ko si Angel.

Bigla akong nakaramdam nang kaba, ang kabang hindi ko pa naramdaman simula pa noong nabubuhay ako sa mundong ito.

Hindi ito katulad nang kaba kapag alam kong nasa paligid lamang si Mren kundi dahil sa ito'y alam ko ang susunod na mangyayari sa kanya.

Mamamatay si Angel.

Si Angel na kaibigan nina Rose at Lovely.

Agad akong tumakbo papunta sa magkakaibigang nagtatawanan. Kita ko ang bottled water na nasa kamay ni Angel at handa na ang kamay niya para buksan ito.

"Angel!" sigaw ko sa pangalan niya at madali ko namang nakuha ang atensyon ng tatlo.

"Akin na 'yang bote ng tubig." ngiting sabi ko sa kanya. Hindi na nakakagulat na magtaka siya sa sinabi ko, tumaas ang kilay niya at batid kong wala siyang kaalam-alam sa mga susunod na mangyayari.

Naalala ko ang pagkamatay niya sa unang buhay ko, sobrang nalungkot ako 'don. Kakamatay lang ng Nanay ko tapos mawawalan pa ako ng isang kaklase, kaya gagawin ko ang lahat upang hindi iyon mangyari.

"Ano bayang ginagawa mo Soliva?" takang tanong ni Rose.

"Basta, hehe. Akin nalang kasi yang tubig mo. Papalitan ko naman." pinilit kong maging mas palakaibigan ang tono ko upang madali niya itong ibigay ngunit mukhang mahihirapan ako sa isang 'to.

"Papalitan? At anong ipapalit mo, yung madumi mong tubig na siyang kinakain mo sa recess at tanghali-an?" tanong nito, nangungutya man ang tono niya pero hindi ko magawang mainis ni magalit dahil batid kong nagsasabi lamang siya ng katotohanan.

Pero hindi madumi ang tubig na iniinom ko.

"Please Angel, akin na'yan. Babayaran nalang kita kung gusto mo." Kung gusto niyang magmakaawa ako makuha ko lang iyon ay gagawin ko para sa kaligtasan ng buhay niya.

Masarap mabuhay kahit sa mapanakit na mundong ito kaya gagawin ko ang lahat masalba lang ang buhay niya.

"Nauuhaw kaba?" tanong ni Lovely.

Ngumiti naman ako bago tumago rito nang mabilis.

"Bakit, nakakauhaw ba ang hotness ni Artcent?" Nagtaka ako sa sunod na tinanong ni Angel sa'kin.

Anong sinasabi niya?

"Ah.. anong sinasabi mo?" mahinanhong tanong ko rito. Habang dahan-dahang nawawala ang ngiti ko sa aking mga labi.

"Ha! Wag mo kaming lokohin Soliva. Akala pa naman namin ay wala kang paki-alam sa mga lalaki, nasa ilalim pala yang landi mo." diretsong sabi niya sa'kin, ni hindi man lamang nalaman ang salitang preno.

Tao itong pinagsasabihan niya. At ito ang pinakaunang pagkakataong sinabihan ako ng malandi.

Nasasaktan ako dahil doon, naiiyak nanaman ako at nagsisimulang mamuo ang luha ko. Pero madali ko itong tinangal sa pamamagitan ng hangin at pagtingala.

Huminga ako nang malalim at inisip na para ito sa kapakanan ng aking kaklase.

"Angel, pwedeng akin nalang yan?" mahinanhong paki-usap ko sa kanya.

"Uhaw na uhaw naba Soliva?" ngising sabi nito sa'kin habang nakikita ko ang kanyang kamay na nagsisimula nang buksan ang takip ng bote. "Sigi, uhaw na uhaw pala ahh. Ayan, inumin mo. Ubusin mo. Ayan!"

Sobrang bilis nang pangyayari, ang bilis ng kanyang kamay na agad pinasok sa bunganga ko ang bibig ng bote at pinainom sa'kin ang laman 'non.

Alam kong may lason iyon na papatay sa tao kapag ininom ito kaya sa pinilit kong wag malunok kahit kaunting volume lang ng tubig sa abot ng makakaya ko.

Ngunit dahil sa lakas ni Angel ay hindi ko na ito napigilan, nakalunok ako.

At nakita ko nalang ang sarili kong nasa lupa na at nakahiga't hindi alam kung saan ibabaling ang ulo ko sa init ng aking pakiramdam na parang may pumapatay sa'kin nang paunti-unti mula sa loob ko.

Ang huli kong nalaman ay bumubula na ang bibig ko at hindi na klaro ang aking paningin, wala na akong naririnig at hanggang sa naging itim na ang paningin ko.

"Soliva!"

At nawalan na ako ng malay.

Bellevim